You are on page 1of 20

9

Filipino
Ikaapat na Markahan
Sariling Linangin Kit 5:
Noli Me Tangere
Filipino – Ikasiyam na Baitang
Ikaapat na Markahan – Sariling Linangan Kit 3: Noli Me Tangere
Unang Edisyon, 2020

Isinasaad sa Batas Republika 8293, Seksiyon 176 na: Hindi maaaring magkaroon ng
karapatang-sipi sa anomang akda ang Pamahalaan ng Pilipinas. Gayonpaman, kailangan
muna ang pahintulot ng ahensiya o tanggapan ng pamahalaan na naghanda ng akda kung ito
ay pagkakakitaan. Kabilang sa mga maaaring gawin ng nasabing ahensiya o tanggapan ay
ang pagtakda ng kaukulang bayad.

Ang mga akda (kuwento, seleksiyon, tula, awit, larawan, ngalan ng produkto o brand name,
tatak o trademark, palabas sa telebisiyon, pelikula, atbp.) na ginamit sa modyul na ito ay
nagtataglay ng karapatang-ari ng mga iyon. Pinagsumikapang matunton ang mga ito upang
makuha ang pahintulot sa paggamit ng materyales. Hindi inaangkin ng mga tagapaglathala at
mga may-akda ang karapatang-aring iyon. Ang anomang gamit maliban sa modyul na ito ay
kinakailangan ng pahintulot mula sa mga orihinal na may-akda ng mga ito.

Walang anomang parte ng materyales na ito ang maaaring kopyahin o ilimbag sa anomang
paraan nang walang pahintulot sa Kagawaran.

Inilathala ng Kagawaran ng Edukasyon – Rehiyon XI

Bumubuo sa Paghahanda ng Sariling Linangan Kit

Manunulat: Avelino T. Gapol, Juneva P. Ardepolla, Emily Bayla


Editor:
Tagasuri: Rene P. Sultan, Phelma O. Camacho
Tagaguhit: Hareld O. Candari, Jemar D. Alinabo
Tagalapat: Wedzmer B. Munjilul
Tagagawa ng Template: Neil Edward D. Diaz
Tagapamahala:
Allan G. Farnazo Reynaldo M. Guillena
Mary Jeane B. Aldeguer Alma C. Cifra
Analiza C. Almazan Aris B. Juanillo
Ma. Cielo D. Estrada May Ann M. Jumuad
Mary Jane M. Mejorada Rene P. Sultan

Inilimbag sa Pilipinas ng Kagawaran ng Edukasyon


Department of Education – Davao City
Office Address: DepEd Davao City Division, Elpidio Quirino Ave., Davao City
Telefax: 224-3274
E-mail Address: davaocity.division@deped.gov.ph
9

Filipino
Ikaapat na Markahan
Sariling Linangin Kit 3:
Noli Me Tangere
Paunang Salita
Para sa tagapagdaloy:
Bilang tagapagdaloy, inaasahang bibigyan mo ng paunang kaalaman
ang mag-aaral kung paano gamitin ang SLK na ito. Kinakailangan ding
subaybayan at itala ang pag-unlad nila habang hinahayaan silang
pamahalaan ang kanilang sariling pagkatuto. Bukod dito, inaasahan mula sa
iyo na higit pang hikayatin at gabayan ang mag-aaral habang isinasagawa
ang mga gawaing nakapaloob sa SLK.

Para sa mag-aaral:
Ang Sariling Linangan Kit na ito ay ginawa bilang tugon sa iyong
pangangailangan. Layunin nitong matulungan ka sa iyong pag-aaral habang
wala ka sa loob ng silid-aralan. Hangad din nitong madulutan ka ng mga
makabuluhang oportunidad sa pagkatuto.

Ang sumusunod ay mga paalala kung paano gagamitin ang SLK:

1. Gamitin ang SLK nang may pag-iingat. Huwag susulatan ang bawat
pahina nito. Gumamit ng ibang papel na maaaring sulatan ng mga
kasagutan mula sa iba’t ibang kasanayan.
2. Huwag kalimutang sagutan and Subukin Natin bago dumako sa
susunod na gawain.
3. Basahin at unawaing mabuti ang mga panuto bago isagawa ang mga
gawain.
4. Inaasahan ang inyong katapatan at integridad sa pagsagawa, pagsagot
at pagwawasto ng mga gawain.
5. Tapusin muna ang kahingian ng bawat bahagi bago pa dumako sa
susunod na gawain.
6. Isauli/ Ipasa ang SLK sa inyong guro o tagapagdaloy pagkatapos ng
mga gawain.

Kung mayroon kayong kinahihirapan sa pagsagot sa mga inilaang


gawain, huwag mag-atubiling komunsulta sa inyong guro o tagapagdaloy.
Tandaan na hindi ka nag-iisa sa gawaing ito. Inaasahan namin na sa
pamamagitan ng SLK na ito, ay mararanasan mo ang isang makabuluhan,
masining at malalim na pagkatuto at pag-unawa sa mga kasanayang
pampagkatuto. Kaya mo iyan!

ii
Alamin Natin

Sa pag-aaral mo ng SLK na ito, inaasahang maisakatuparan mo ang


sumusunod:
1. naibabahagi ang sariling damdamin sa tinalakay na mga pangyayaring
naganap sa buhay ng tauhan F9PN-IVd-58;
2. nailalahad ang sariling pananaw sa kapangyarihan ng pag-ibig sa
magulang, sa kasintahan, sa kapwa at sa bayan F9PB-IVd-58;
3. napapangkat ang mga salita ayon sa antas ng pormalidad ng gamit nito
(level of formality) F9PT-IVd-58;
4. natitiyak ang pagkamakatotohanan ng akdang napakinggan sa
pamamagitan ng pag-uugnay sa ilang pangyayari sa kasalukuyan F9PN-
IVe-f-59; at
5. nakasusulat ng iskrip ng Mock Trial tungkol sa tunggalian ng mga tauhan
sa akda F9PU-IVd-60.

Subukin Natin

Magandang araw sa iyo. Sa bahaging ito, masusubukan ang dati mong


kaalaman sa pamamagitan ng pagsagot sa gawain. Marapat lamang na
basahin ang panuto bago ka magsimula. Kung mayroon kang hindi
naunawaan sa gawaing ito, huwag mag-atubiling magtanong.

Panuto: Suriin ang ipinahihiwatig na ideya ng mga pahayag. Titik lamang


ang isulat sa sagutang papel.

Para sa mga bilang 1-2

_____ 1. Ang salita o pariralang “ilaw ng tahanan, gandang ‘di


kumukupas, tulad ng anghel sa kalangitan ay halimbawa ng anong
antas ng wika?
A. pambansa C. pampanitikan
B. balbal D. kolokyal
_____ 2. Anong antas ng pormalidad ang salitang guyam na
nangangahulugang langgam sa Batangas?
A. balbal C. lalawiganin
B. kolokyal D. pampanitikan

1
Para sa mga bilang 3-4

_____ 3. “Lokong batang ito, anong nangyayari sa iyo?” kasabay ang


pagpahid sa isang patak na luha sa malamlam na mata ng
matanda”, anong damdamin ang sinasaad ng pahayag?
A. pag-aalala C. pagkagalit
B. pagkagalit D. pagtataka
_____ 4. Ano ang damdamin na namamayani sa pahayag na “Tingnan natin,
kung sino ang masusunod, tingnan natin”?
A. galit C. pag-aalinlangan
B. lungkot D. tuwa

Para sa bilang 5

_____ 5. Napakamatulungin ng ama ni Ibarra sa mga magsasaka kung


kaya’t kinagigiliwan ito ng maraming tao. Anong pag-ibig ang
ipinapakita sa pahayag?
A. pag-ibig sa bayan C. pag-ibig sa kalikasan
B. pag-ibig sa kapwa D. pag-ibig sa bayan

Aralin Natin

Binabati kita at natapos mo ang bahaging Subukin Natin, Ngayon,


alam kong nasasabik ka ng basahin ang paksa tungkol sa kabanata ng Noli
Me Tangere.

Kabanata 7: Suyuan sa Asotea

“Maaga pa lamang ng araw na iyon ay nakapagsimba na sina Maria at


Tiya Isabel. Pagkatapos mag-almusal ang mag-anak ay nagkanya-kanya na
siya ng gawain. Si Tiya Isabel ay naglinis ng bahay dahil sa mga kalat bunga
ng hapunan ng nakaraang gabi. Nagbuklat naman ng mga kasulatan
tungkol sa kabuhayan si Kapitan Tyago. Si Maria Clara ay nanahi habang
kausap din ang ama upang malibang ang sarili sapagkat ngayon ang araw
ng kanilang pagkikita ni Ibarra, at siya ay hindi mapakali sa pananabik na
masilayan ang kanyang sinisinta. Napagpasyahan na siya ay magbakasyon
sa San Diego sapagkat nalalapit na ang pista doon.
Pamaya-maya ay dumating na si Ibarra at hindi maikakailang
nataranta ang dalaga. Pumasok pa ito sa silid at tinulungan naman siya ni
Tiya Isabel na ayusin ang sarili. Lumabas rin ito at nagkita ang dalawa sa

2
bulwagan. Nagtama ang kanilang paningin at kapwa nagkaroon ng
kaligayahan sa kanilang mga mata. Nagtungo sila sa Asotea upang
makapag-sarili at makaiwas na rin sa alikabok na likha ng pagwawalis ni
Tiya Isabel.
Masinsinang nag-usap ang dalawa tungkol sa kanilang
nararamdaman, sa kanilang mga sinumpaan sa isa't-isa, sa kanilang
kamusmusan, sa kanilang naging tampuhan at mabilis na pagbabati.
Kapwa itinago ng dalawa ang mga ala-ala at bagay na ibinigay nila sa isa't-
isa: ang dahon ng sambong na inilagay ni Maria Clara sa sumbrero ni Ibarra
upang hindi ito mainitan, at ang sulat ni Ibarra kay Maria bago ito tumulak
papuntang Europa. Binasa ito ni Maria Clara sa katipan.
Kabilang sa sulat ang layunin ni Don Rafael na pag-aralin si Ibarra
sa malayong lugar upang makapaglingkod ng mataas na kalidad sa bayang
sinilangan. Handa rin itong magtiis na mawalay sa anak upang sa bandang
huli ay maibigay nito sa bayan ang kaniyang hangarin. Dito natigilan si
Ibarra dahil naalala nito na bukas ay undas at marami siyang kailangang
gawain. Nagpaalam na ang binata at pinagbilinan ni Kapitan Tyago si Ibarra
na sabihin sa kaniyang katiwala na sila ay magbabakasyon doon. Hindi
naman mapigilan ni Maria na maluha dahil sa pangungulila kay Ibarra,
kaya't sinabihan siya ng kaniyang ama na ipagtulos si Ibarra ng dalawang
kandila at ialay sa santo ng manlalakbay. ”

Kabanata 8: Mga Gunita

“Nakasakay si Ibarra sa kalesa at binabagtas ang kahabaan ng


Maynila. Maganda ang panahon ng araw na iyon at ang tanawin sa paligid
ay nakapagpabalik ng kanyang mga alaala.
Ang kaniyang namamasdan ay katulad pa rin ng dati na kaniya nang
nakita: mga kalesa at karumatang walang humpay sa pagbibyahe,
salimbayan ng mga taong abala sa pangangalakal at kanya-kanyang
gawain: may mga Europeo, Intsik, Pilipino; may mga lalaking kargador, ang
iba ay kababaihan na nagtitinda ng prutas. Nanduon din ang mga tindahan
at mga hayop na kasama sa paghahanapbuhay. Ang punong Talisay sa San
Gabriel ay walang pinagbago, ang Escolta naman ay imbes na umunlad ay
pumangit at walang kaayusan. Ang mga karwahe ay nagmamadaling ihatid
ang mga kawani sa tanggapan at mga pari, kabilang na si Padre Damaso.
Namataan naman siya ni Kapitan Tinong kung kayat binati siya nito.
Napadako naman siya sa kalye ng Arroceros at naalala na minsan ay
nahilo siya sa napakasamang amoy ng tabako. Napadaan din siya sa Hardin
ng Botaniko at naikumpara niya ang mga napuntahan niyang hardin sa
Europa. Ibayo ang ganda ng mga ito kaysa sa kaniyang natutunghayan
ngayon. Anupat ang buong Maynila ay walang pinag-unlad, bagkus ang
mga gusali ay nilulumot lamang ng panahon. Sa patuloy sa pag-iisip ay

3
sumagi sa kaniyang isipan ang sinabi ng kanyang gurong pari: 1) Ang
karunungan ay matatamo kapag hinangad ng puso 2) Ang karunungan ay
dapat linangin at isalin sa susunod na henerasyon 3) dapat lamang na
magkaroon ng pakinabangan- kung ang mga kastila ay nanatili 4itto upang
kuhanin ang yaman ng bansa, marapat lamang na ibigay naman ng
bansang dayuhan ang karunungan at edukasyon.”

Pinagkuna: http://ravensjotsworks.weebly.com/kabanata-7-8.html

Kabanata 9: Mga Suliranin tungkol sa Bayan

“Nakatakdang kuhanin ni Maria Clara ang kanyang kagamitan sa


kumbento ng araw na iyon. Hinihintay na lamang siya ni Tiya Isabel sa
karwahe upang tuluyan na silang makaalis ng siya namang pagdating ni
Padre Damaso. Nalaman ng huli ang kanilang pakay sa pag-alis at ito ay
hindi minabuti ng pari. Bubulong bulong ito na umakyat papunta sa bahay
ng Kapitan.
Sinalubong siya ng Kapitan at inabot nito ang kamay upang
magmano ngunit tinanggihan ito ng Pari. Bagkus ay sinabi kaagad nito na
ang pakay niya ay makausap ng sarilinan ang kapitan. Dito ay sinabi niya
na hindi dapat maglihim ng kahit ano pa man sa kanya si Kapitan sapagkat
siya ang pangalawang ama ni Maria Clara. Dapat na ring itigil ang
pakikipagmabutihan ng dalaga sa binatang si Ibarra. Sinabihan din nito na
and Kapitan na hindi siya dapat maghangad ng kabutihan para sa kanyang
mga kaaway. Nakumbinsi ng pari ang kapitan kaya't pagka-alis ng nito,
pinatay ng Kapitan ang mga kandilang itinulos ni Maria Clara para sa
paglalakbay ni Ibarra pauwi sa bayan ng San Diego.
Sa kabilang dako, nagtungo naman si Padre Sybila sa kumbento ng
Dominikano sa Puerta de Isabel II. Dinalaw niya ang matandang pari na
may matinding sakit. Ibinalita niya dito ang mga nakaraang kaganapan,
katulad ng pang-aaway na ginawa ni Padre Damaso sa bahay ni Kapitan
Tyago. at ang pagpanig ng Tinyente diumano sa kapitan-heneral at
pakikipag-alyansa kay Padre Damaso. Nakipagpalitan din ng saloobin ang
matandang maysakit, at dito ay sinabi niya na ang pagtaas ng buwis ang
dahilan ng pagkaubos nang kanilang mga kayamanan. Natututo na rin
aniya ang mga Pilipino sa paghawak ng ari-arian. ”

Pinagkunan: http://ravensjotsworks.weebly.com/kabanata-9-10.html

4
Mga Anats ng Pormalidad sa Paggamit ng Salita

1. Pambansa – Ito ang mga salitang ginagamit sa mga aklat pangwika at


nagsasaalang-alang sa paggamit ng gramatika. Ginagamit din itong wikang
panturo sa mga paaralan at wikang ginagamit sa pakikipag-ugnayan sa
pamahalaan. Nagiging pambansa ang isang wika kung ito ay opisyal na
naisabatas para gamitin sa buong bansa.
2. Pampanitikan – Dito nakasalalay at nakikita ang kagandahan, yaman,
kariktan at retorika ng wika. Masining, mabisa at maingat ang paggamit
dito ng mga salita. Hindi literal ang kahulugan ng mga salita dahil nakatali
sa hiwaga at sining ang pagpapahayag nito. Nasasalamin sa paggamit nito
ang husay ng gumagamit tulad ng pagsulat ng obrang pampanitikan,
talumpati at maging sa mga talakayan.
3. Lalawiganin – Ang ginagamit na wika sa mga tiyak at particular na pook
at lalawigan. Makikita ito sa pagkakaiba ng mga punto o tono sa
pagsasalita. Ito ay diyalekto ng isang wika, may tanging pamamaraan kung
paano binibigkas ang mga salita ngunit ito ay nauunawaan ng mga nag-
uusapna kabilang sa isang lugar o lalawigan.
Halimbawa:
mabanas – maalinsangan (Cavite)
ebon – itlog (Pampanga)
4. Kolokyal – Ito ay mga salitang ginagamit sa mga pagkakataong
impormal, na karaniwan sa pakikipag-usap sa tahanan, kaibigan at
paaralan. Ayon sa mga linggwista, may kagaspangan man ang mga salita
sa antas na ito, hindi pa rin maikakaila na isa pa rin itong penomenong
pangwika na nagpapakita ng pagiging malikhain upang mapadulas o
mapabilis ang daloy ng komunikasyon. Mapapansin sa mga salita o
pangungusap na kolokyal ang pagbabago ng anyo nito mula sa pormal
patungo sa impormal.
Halimbawa:
nasaan – nasa’n
maghintay ka – teka
5. Balbal – Itinuturing ito na pinakamababang antas ng wika. Katumbas
ito ng slang sa Ingles. Nalilikha ito ng mga grupo ng tao upang magsilbing
koda sa kanilang pag-uusap. Karaniwan nang maihahanay rito ang salita
ng mga bakla o gay lingo at salita ng mga tambay. Bagaman itinuturing na
impormal, kung ating susuriin, mayroon din itong sariling Sistema ng
paglikha. Patunay rin ito ng pagkamalikhain ng tao at pagiging buhay ng
wika.
Halimbawa:
anda – pera
tol – kapatid o kaputol ng pusod

5
Pinagkunan: Komunikasyon sa Akademikong Filipino
sa pahina 28-30 ni Perla S. Carpio et al.

Gawin Natin
A. Panuto: Piliin sa hanay B ang mga damdamin na inilalarawan sa hanay
A. Isulat mo ang titik ng tamang sagot sa sagutang papel.
A B
_____ 1. “Nawalan ka ng ina, ako ay di
nagkaroon kahit kailan.” A. panunumbat
_____ 2. “Lagi mo ba akong naaalala? Sa
Tuwing ikaw ay maglalakbay,
Naiisip mo ba ako, gayong marami B. nagbibigay payo
Ang iyong mapupuntahang lungsod
At maraming magagandang babae ang
iyong nakasalamuha?”
_____ 3. “Bagama’t ang karunungan ay ukol sa tao C. lungkot
ito ay natatamo lamang ng mga may puso.
_____ 4. “Unawain mo ito,” nanghihimagal na sagot D. nakikiusap
ng matandang pari.
_____ 5. “Ang lahat ng ito ay naiwasan sana kung E. selos
isinangguni mo agad sa akin.”

B. Panuto: Tukuyin ang sumusunod na salita kung anong antas ng


pormalidad. Isulat ang titik A – kung lalawiganin, B – kung kolokyal at C –
naman kung balbal. Isulat mo ang iyong sagot sa sagutang papel.

_____ 1. teka _____ 4. chaka


_____ 2. ebon _____ 5. 143
_____ 3. Inday

Ang galing mo! Nasagot mo nang tama ang bahaging ito.


Nagpapahiwatig lamang ito na handang - handa ka na paglalapat ng iyong
natutuhan sa paksa.

6
Sanayin Natin

A. Panuto: Tukuyin ang mga salita sa loob ng kahon kung anong antas ng
pormalidad ito. Isulat ang inyong sagot sa talahanayan.

insan bana erpat chikadora


barkada bato huwaran
kisame bugtong praning

Balbal Kolokyal Lalawiganin Pampanitikan Pambansa

B. Panuto: Suriin kung anong damdamin ang namamayani sa pahayag mula


sa Kabanata 8. Isulat sa loob ng kahon ang sagot.

1. Anupat ang buong Maynila ay walang pinag-unlad, bagkus ang


mga gusali ay nilulumot lamang ng panahon.

Binabati kita sa matiyaga mong pagsagot sa gawaing ito. Mahusay


mong naiugnay ang aralin sa reyalidad ng buhay.

7
Tandaan Natin

Kaakibat sa buhay ng tao ang mga pagsubok na dumarating. Ang


mahalaga ay hinaharap ito at hindi nawawala ang pananampalataya sa
Diyos. Bukod dito, mahalagang ipadama sa mga mahal natin sa buhay
kung gaano natin sila kamahal. Ang kapangyarihan ng pag-ibig ay nag-
uumpisa sa sarili saka natin maibabahagi sa ating kapwa, sa ating
kasintahan at sa ating bayan. Pundasyon ng matibay na samahan ang pag-
ibig. Makapangyarihan ang pag-ibig sapagkat kaya nitong pagbubuklurin
ang bawat tao at panatilihin ang kapayapaan sa puso ng bawat tao.

Ngayon, alam kong handa ka na upang palawigin ang iyong natutuhan


sa aralin. Tara na’t galugarin mo ang iyong natutuhan sa pamamagitan ng
kasunod na pagtataya.

Suriin Natin

A. Panuto: Suriin ang ipinahihiwatig na ideya ng mga pahayag. Titik lamang


ang isulat sa sagutang papel.

Para sa mga bilang 1-2

_____ 1. Anong antas ng pormalidad ang salitang guyam na


nangangahulugang langgam sa Batangas?
A. balbal C. lalawiganin
B. kolokyal D. pampanitikan
_____ 2. Ang salita o pariralang “ilaw ng tahanan, gandang ‘di
kumukupas, tulad ng anghel sa kalangitan ay halimbawa ng anong
antas ng pormalidad?
A. pambansa C. pampanitikan
B. balbal D. kolokyal

Para sa mga bilang 3-4

_____ 3. Ano ang damdamin na namamayani sa pahayag na “Tingnan natin,


kung sino ang masusunod, tingnan natin”?
A. galit C. pag-aalinlangan
B. lungkot D. tuwa

8
_____ 4. “Lokong batang ito, anong nangyayari sa iyo?” kasabay ang
pagpahid sa isang patak na luha sa malamlam na mata ng
matanda”, anong damdamin ang sinasaad ng pahayag?
A. pag-aalala C. pagkagalit
B. pagkagalit D. pagtataka

Para sa bilang 5

_____ 5. Napakamatulungin ng ama ni Ibarra sa mga magsasaka kung


kaya’t kinagigiliwan ito ng maraming tao. Anong pag-ibig ang
ipinapakita sa pahayag?
A. pag-ibig sa bayan C. pag-ibig sa kalikasan
B. pag-ibig sa kapwa D. pag-ibig sa bayan

B. Panuto: Maglahad ng sariling pananaw kung paano ninyo maipapakita


ang inyong pagmamahal sa sumusunod. Isulat ang inyong sagot sa
talahanayan.

Magulang Kapwa Bayan

9
Payabungin Natin

A. Panuto: Tukuyin ang mga salita sa loob ng kahon kung anong antas ng
pormalidad ito. Isulat ang inyong sagot sa talahanayan.

unan susi musta dumaloy


dalwa kumitil lababo
parak lobat balat-sibuyas

Balbal Kolokyal Lalawiganin Pampanitikan Pambansa

B. Panuto: Suriin ang mga pahayag o pangyayari sa “Suyuan sa Asotea” at


iugnay ito sa pangyayari sa kasalukuyan. Isulat mo ang sagot sa sagutang
papel.

Pangyayari 1: Masinsinang nag-usap ang dalawa tungkol sa kanilang


nararamdaman, sa kanilang mga sinumpaan sa isa't-isa, sa kanilang
kamusmusan, sa kanilang naging tampuhan at mabilis na pagbabati.
___________________________________________________________________________
___________________________________________________________________________
___________________________________________________________________________
___________________________________________________________________________
___________________________________________________________________________

Pangyayari 2: Kabilang sa sulat ang layunin ni Don Rafael na pag-aralin si


Ibarra sa malayong lugar upang makapaglingkod ng mataas na kalidad sa
bayang sinilangan. Handa rin itong magtiis na mawalay sa anak upang sa
bandang huli ay maibigay nito sa bayan ang kaniyang hangarin.
___________________________________________________________________________
___________________________________________________________________________
___________________________________________________________________________
___________________________________________________________________________
___________________________________________________________________________

10
Pagnilayan Natin

Panuto: Basahin ang tungkol sa Mock Trial at sundin ang mga hakbang sa
pagsasagawa ng paglilitiis para sa inyong gawain.

Ano ba ang Mock Trial?


Ang mock trial ay aktibidad kung saan ginagaya ang isang tunay na
paglilitis. Ginagawa ito ng mga:

abogado - bilang paghahanda sa kanilang pagsalang sa totoong paglilitis


mag-aaral - sa pamamagitan ng guro, ginagamit ang aktibidad na ito upang
matulungang mapagyaman pa ang kanilang kaalaman sa batas, ang
kanilang questioning techniques, ang kanilang critical thinking, at kanilang
oral skills.

Mga Hakbang sa isang Paglilitis


Calling of Case ng Bailiff: "Magsipagtayo ang lahat. Ang Korte ng
_______________ ay nasa sesyon na ngayon. Ang kagalang-galang na
Hukom na si ______________ ang mamumuno."
(All rise. The Court of _______________ is now in session. Honorable Judge
______________ presiding).
Pambungad na Pahayag: Una ang tagausig, pagkatapos ay abugado ng
nasasakdal, ipaliliwanag kung ano ang inyong katibayan o ebidensya at
kung ano ang susubukan niyong patunayan.
(Opening Statement: First the prosecutor or plaintiff's attorney, then the
defendant's attorney, explain what their evidence will be and what they
will try to prove).
Prosecution’s or Plaintiff's Case: Ang mga saksi ay tinawag upang
magpatotoo at ipakita ang iba pang katibayan. Ang bawat testigo na
tinawag ay uusisahin ng depensa.
(Prosecution’s or Plaintiff's Case: Witnesses are called to testify (direct
examination) and other physical evidence is introduced. Each witness called
is cross-examined by the defense).
Kaso ng Defendant: Pareho ng ikatlong hakbang na ginawa maliban na
lamang sa bahagi kung saan ang saksi ay direktang susurihin ng
prosecution.

11
(Same as the third step except that defense calls witnesses for direct
examination; cross-examination by prosecution/plaintiff).
Pagtatapos na Pahayag: Sinisiyasat ng abogado ng magkabilang panig
ang katibayan na ipinakita at humihiling ng desisyong na pabor sa kanila.
(Closing Statement: An attorney for each side reviews the evidence
presented and asks for a decision in his/her favor).
Mga Tagubilin ng Hurado: Ang hurado ay ipaliliwanag sa hukom ang
mga naaangkop na mga patakaran ng batas na dapat isaalang-alang sa
pagtimbang ng mga ebidensya.
(Jury Instructions: The Judge explains to the jury appropriate rules of law
that it is to consider in weighing the evidence).
Pinagkunan: https://brainly.ph/question/2654416

Panuto: Sumulat ng iskrip ng Mock Trial tungkol sa tunggalian ng mga


tauhan sa akda. Isulat mo ang iyong sagot sa sagutang papel. Sundin ang
pamantayan sa pagmamarka upang makakuha nang mataas na puntos.

12
Pamantayan sa Pagmamarka

Nilalaman - 50 puntos
Organisasyon - 30 puntos
Orihinalidad - 10 puntos
Gramatika - 10 puntos
Kabuoan - 100 puntos

13
14
Payabungin Natin
A.
Balbal Kolokyal Lalawiganin Pampanitikan Pambansa
parak musta dumaloy unan
lobat dalwa kumitil susi
balat-sibuyas lababo
Sanayin Natin
A.
Balbal Kolokyal Lalawiganin Pampanitikan Pambansa
erpat insan bana huwaran bato
chicadora barkada bugtong kisame
praning
Suriin Natin Gawin Natin Subukin Natin
A. A.
1. C A. B. 1. C
2. C 1. C 1. B 2. C
3. A 2. E 2. A 3. D
4. D 3. B 3. A 4. A
5. B 4. D 4. C 5. B
5. A 5. C
Susi sa Pagwawasto
Sanggunian

Perla S. Carpio et al. (20120, Komunikasyon sa Akademikong Filipino.


Jimczyville Publications, #16 Concha St., Tinajeros Malabon City,
Philippines.

15
Para sa mga katanungan o puna, sumulat o tumawag sa:
Department of Education – Region XI Davao City Division

DepEd Davao City, Elpidio Quirino Ave., Davao City

Telefax: 224-3274

Email Address: davaocity.division@deped.gov.ph

You might also like