You are on page 1of 3

Republic of the Philippines

Department of Education
Region V – Bicol
Camarines Norte
SAN ANTONIO HIGH SCHOOL
San Antonio, Capalonga

GAWAING PAGKATUTO 4

Pangalan ng Estudyante: ____________________________________________________________


Asignatura-Antas: _________________________________________ Petsa: ___________________

I. PANIMULANG KONSEPTO
Magandang araw! Kumusta ka ngayon? Hangad ko ang iyong maayos na kalagayan!
Handa ka na ba sa bago mong matututunan? Halika! Umpisahan na natin. Sa gawaing
ito, masusuri mo ang Antas ng Wika batay sa pormalidad na ginamit sa awiting- bayan.

II. KASANAYANG PAMPAGKATUTO MULA SA MELC


MELC 1 Q1: Inaasahan na nasusuri mo ang antas ng wika batay sa pormalidad na
ginamit sa pagsulat ng awiting-bayan (balbal, kolokyal, lalawiganin, pormal)

III. MGA GAWAIN


Pagsasanay I
Panuto: Tukuyin kung anong antas ng wika ang mga salita na ginamit sa awiting-bayan.
Isulat ang B kung Balbal, K kung Kolokyal, L kung Lalawiganin at P kung Pampanitikan.
Isulat ang sagot sa sagutang papel.

BALELENG
Tulad mo, Baleleng, ay isang mutya
Perlas na kay ningning, anong ganda
Tulad mo’y bituin sa kalangitan
Tulad mo ay gintong kumikinang
At ako, Baleleng, isang dukha
Langit kang ‘di abot, ako’y lupa
At sa ‘iyo’y nagmahal nang wagas
Kahit magkaiba ang ating landas
Kung ikaw, Baleleng, ang mawala
Kung ikaw, Baleleng, ‘di na makita
Puso ko sa iyo’y maghihintay
’Pagkat mahal na mahal kitang tunay

__________1. baleleng
__________2. bituin sa kalangitan
__________3. mutya
__________4. gintong kumikinang
__________5. perlas
Pagsasanay II
Panuto: Isulat sa kahon ang salita sa awiting- bayan na katumbas ng kahulugan sa
Filipino. Tukuyin kung anong antas ng wika ang salita. Isulat ang sagot sa papel.

Naglakat ako sa tikong dalan


Nakakita san tikong sundang
Tinigbas ko sa tikong kahoy
Hinimo ko na balaybalay
Naglakat ako sa tikong suba
Nakakita san tikong isda
Niluto ko sa tikong kuron
Kinaon ko manamiton

Katumbas na salita sa Salita sa Awiting –bayan Antas ng Wika


Filipino
1. 1. dalan 1.
2. 2. suba 2.
3. 3. manamiton 3.
4. 4. balaybalay 4.
5. 5. kuron 5.

Pagsasanay III
Panuto: Sagutin ang katanungan batay sa natutuhan sa Aralin 1. Ipaliwanag ang
kahalagahan ng paggamit ng akmang salita sa iba’t- ibang pagkakataon. Paano ito
nakakaapekto sa pang-araw araw na pakikipagtalastasan?
_______________________________________________________________________________________
_______________________________________________________________________________________
_______________________________________________________________________________________
_______________________________________________________________________________________
_______________________________________________________________________________________
_______________________________________________________________________________________

IV. RUBRIK SA PAGPUPUNTOS


Bilanginang wastong sagot sa mga tanong. Saang antas ka nabibilang?
8-10 tamang sagot – NAPAKAHUSAY
5-7 tamang Sagot – MAGALING
2-4tamang sagot – PAGBUBUTIHAN PA
0-1 tamang sagot – KAYA MO YAN

V. SUSI SA PAGWAWASTO
Pagsasanay I Pagsasanay II
1. Lalawiganin 1. daan - lalawiganin
2. Pampanitikan 2. ilog - lalawiganin
3. Pampanitikan 3. masarap - lalawiganin
4. Pampanitikan 4. maliit na bahay - lalawiganin
5. Pampanitikan 5. lalawiganin - palayok

Pagsasanay III
Ang guro ang magwawasto ng sagot ng mga mag-aaral.

VI. SANGGUNIAN
Panitikang Rehiyonal, Filipino 7, pahina 98-99
https://tl.m.wikipedia.org/wiki/Baleleng
https://www.metrolyrics.com/waray-waray-lyrics-lea-salonga.html
https://www.lyricsbox.com/mabuhay-singers-lawiswis-lyrics-p5gxbpz.html

Inihanda ni:

MARIA ELENA B. PLOPINO


Teacher 1

You might also like