You are on page 1of 8

ABSTRAK

PAMAGAT: BUNGA NG KAWALAN NG MGA AKLAT SA MGA MAG-AARAL NG

IKA-11 BAITANG SA KOLEHIYO NG LA CONSOLACION NG RINCONADA,

LUNGSOD NG IRIGA

May-akda: Rheanne R. Osea, Pearl Angieline R. Galicia,

Shenny Claire A Moran, at Ivan Andrae F. Martin

Pangunahing

Ideya: Kawalan ng mga Aklat sa mga mag-aaral ng ika-11

Baitang

Buod:

Ang nilalaman ng pananaliksik na pinamagatang “Bunga ng

Kawalan ng mga Aklat sa mga Mag-aaral ng ika-11 Baitang ng

Kolehiyo ng La Consolacion ng Rinconada, Lungsod ng Iriga,

2019-2020” ay naglalayong masuri ang papel na ginagampanan

ng mga aklat sa buhay ng mga mag-aaral at ang maaring maging

epekto sa pagkawala nito. Tutugunang sagot nito ang mga

sumusunod na katanungan:

1) Tukuyin ang propayl ng mga respndiyente batay sa mga

sumusunod:
A. Gulang

B. Kasarian

C. Pang-akademikong pagganap

2)Ano ang kahalagahan ng mga aklat sa pang-

akademikong interes ng mga mag-aaral?

3)Masasabi nga bang sagabal o tulong sa pag-aaral ang mga

aklat?

4)Aling sanggunian ang mas ginagamit ng mga guro sa ika-

11 baitang, panteknolohiya o mga aklat?

5)Ano-ano ang mga epektong dulot nito sa pagpapahusay ng

pang-akademikong responsibilidad sa mga mag-aaral?

Ang mga sumusunod ay ang nabuong lagom mula sa mga

datos na nakalap:

I.

Ang gulang na 17 ang may pinakamalaking sakop na

kumakatawan sa mahigit kalahating porsiyento ng kabuoang

bilang ng mag-aaral, kasunod nito ang may edad na 16 na

bumubuo ng 32% ng populasyon, at ang 18 taong gulang na may

11 mag-aaral katumbas ng 12% ng kabuoang populasyon.Ang mga

mag-aaral ng ika-11 baitang ay binubuo ng 88% mag-aaral na

may edad 16 hanggang 17.


II.

Pinakamaraming mag-aaral mula sa ika-11 baitang ang mas

naeengganyong gumamit ng powerpoint na presentasyon upang matuto

ng talakyan, sinundan ito ng mga hand-outs mula sa mga gurong

ipinapaphoto-copy na lamang sa mga estudyante bilang gabay sa mga

tatalakayin. Sumunod naman ang mga aklat at ang pinakahindi

gamitin sa pag-aaral lalo na sa makabagong panahon ngayon ay ang

visual aids.Mas naiintindihan ng mga mag-aaral ang nasa

presentasyon na nasa telebisyon dahil ito ay mas nakakaakit

tingnan upang ganahang makinig.

III.

Hindi nagkakalayo ang pagitan ng kalimitan at bahagdan sa

pagitan ng mga kababaihan at kalalakihan sa kanilang naramdamang

kaginahawaan sa kawalan ng mga aklat sa pag-aaral. Ayon rito, 64%

ng mga kalalakihan ang nagsasabing nakakaginhawa sa pakiramdam

ang hindi na pagdadala ng mga aklat na pareho lang din para sa

mga kababaihan sa bahagdang 65%.Mas marami naman sa mga lalaki

ang naninindigang hindi magaan sa pakiramdaman ang kawalan ng mga

aklat sa bahagdang 26% kung ihahambing sa mga kababaihang 21%

lamang. Hindi rin sigurado ang 10% mula sa kalalakihan sa

kanilang nararamdaman na hinigitan naman sa mga kababaihan sa

bahagdang 14%.
IV.

Ang mga babae at lalaki ay may parehong bahagdan

na 52% pagdating sa pagpili ng mas mainam na sanggunian na

pinagkukuhanan ng impormasyon, ang aklat.Habang ang

teknolohiya naman ay mayroong magkapareho ring bahagdan na

48%. Ngunit sa parehong aklat at teknolohiya, mas maraming

bilang ng mga babae ang pumili sa bawat kasagutan.

V.

Mas maraming mga kababaihan ang sumasang-ayon na ang

mga aklat ay nagpapaalab sa responsibilidad na dapat ay

tinataglay ng mga mag-aaral sa bilang na 21 at may bahagdang

44% na hindi naman nagkakalayo sa bilang ng mga kalalakihan

na sumang-ayon sa bilang na 19 at bahagdang 46%. Ang mga

hindi naman naniniwala na ito ay nakatutulong ay mas marami

sa mga kababaihan na may 23% habang ang sa kalalakiha’y 14%

lamang. Sa mga hindi naman sigurado kung ito nga ay

nakatutulong sa pagiging mas responsable ay hindi

nagkakalayo sa pagitan ng mga lalaki at babae sa bilang na

17 mula lalaki at 16 sa babae na may mga bahagdang 40% at

33%.
Kolehiyo ng La Consolacion ng Rinconada
Lungsod ng Iriga

DAHON NG PAGPAPATIBAY

Bilang isang bahagi ng gawaing kailangan sa pagtatapos


sa pagtupad ng mga kailangan sa Asignaturang Filipino na may
pamagat na PAGBASA AT PAGSUSURI NG IBA’T-IBANG TEKSTO
TUNGKOL SA PANANALIKSIK. Ang pananaliksik na ito ay
pinamagatang “BUNGA NG KAWALAN NG MGA AKLAT SA MGA MAG-AARAL
NG IKA-11 BAITANG
SA KOLEHIYO NG LA CONSOLACION NG RINCONADA,LUNGSOD NG IRIGA,
TAONG 2019-2020”, ay inihanda at iniharap ng mga
mananaliksik na sina Rheanne R. Osea, Pearl Angieline R.
Galicia, Shenny Claire A. Moran, at Ivan Andrae F. Martin.

BB. FATIMA C. LAVAPIE


Tagapayo

Pinagtibay ng Lupon ng Pagsusulit na Pagbigkas na ibinigay


noong ______________ 2020 at nakuhang marka na ______.

BB. FATIMA C LAVAPIE


Tagapangulo

Tinanggap at piantunayan bilang isang bahagi ng mga gawaing


kailangan sa pagkumpleto para sa asignaturang PAGBASA AT
PAGSUSURI NG IBA’T-IBANG TEKSTO TUNGKOL SA PANANALIKSIK.
BB. FATIMA C . LAVAPIE
Tagapayo
“BUNGA NG KAWALAN NG MGA AKLAT SA MGA MAG-AARAL NG IKA-11
BAITANG SA KOLEHIYO NG LA CONSOLACION NG RINCONADA,
LUNGSOD NG IRIGA, TAONG 2019-2020”

Isang Pamanahong Papel


Na iniharap sa
Kolehiyo ng La Consolacion ng Rinconada
Lungsod ng Iriga

Para sa Isang Bahaging


Pagtupad sa mga kailangan sa
Asignaturang Filipino
(Pagbasa at Pagsusuri ng Iba’t-ibang Teksto Tungkol sa
Pananaliksik)

Rheanne R. Osea
Pearl Angieline R. Galicia
Shenny Claire A. Moran
Ivan Andrae F. Martin

Marso, 2020

You might also like