You are on page 1of 2

ULAT NG BAYAN

1. Magsagawa ng pananaliksik ukol sa paksang itatakda ng guro sa grupo.

2. Ang bawat grupo ay bubuuin ng 2-4 miyembro lamang.

3. Bawat mag-aaral sa klase ay kailangang makapagbahagi ng mahahalagang impormasyon sa klase batay sa

format na ibibigay ng guro.

4. Ang bawat grupo ay maghahanda ng presentasyon gamit ang powerpoint o anumang makabagong midya

para sa pagbabahagi ng nasaliksik.

5. Inaasahang magamit ng mga mag-aaral ang iba’t ibang anyo ng mapaghahanguan ng datos (primary at

secondary sanggunian)

6. Ang ulat ng bawat pangkat ay 15 minutos lamang at kailangang matalakay ang bawat bahaging hinihingi.

7. Bawat kasapi ng grupo ay inaasahang magkaroon ng bahagi sa ulat gayundin sa nilalaman ng papel.

8. Ang bawat grupo ay kailangang magsumite ng kopya ng kanilang ulat na naka-print at isusumite sa araw ng

kanilang ulat.

PS: Walang written output ay walang ulat na magaganap.

9. Sa ulat na ito ay dapat na maglaman ng mayamang impormasyon ukol sa paksa at mailarawan nang

malinaw ang estado ng suliraning ito sa bansa sa pamamagitan ng mga datos na makakalap sa pananaliksik.

Sa madaling salita kailangan ng malawakang pagbabasa sa mga lehitimong sanggunian upang mapatibay

ang ulat.

10. Magiging HIGIT na mainam ang ulat kung makapagsasagawa ng mga pangangalap ng datos tulad ng

pakikipanayam, pakikipagkwentuhan sa iba’t ibang mga tao hinggil sa kanilang kaalaman o kamalayan

ukol sa paksa na maaring isama sa presentasyon.

11. Ang LAHAT ng sangguniang gagamitin sa ulat ay kailangang maitala sa huling bahagi ng isylayd sa

format na APA BIBLIOGRAPHY.


12. Maaring gumawa ng presentasyon bidyo na parang dokyumentaryo ang dating (Reporter’s notebook)

bilang pagpapakita ng ilang mahahalagang impormasyon kaugnay sa nasaliksik.

13. Ang powerpoint ay naglalaman lamang ng mga nakabullet na impormasyon. HINDI kailanman

pahihintulutan ang pagbabasa sa pag-uulat.

14. Matapos ang ulat ay maaring magsagawa ng pagtatanong ang awdyens.

NILALAMAN NG ULAT

I. Pamagat

II. Bakgrawnd (pagbibigay kahulugan sa isyu, paglalarawan ng isyu, pagpapakita ng halimbawang ebidensya
mula sa pananaliksik sa mga dokumento ng pamahalaan, pananaliksik ng eksperto, datos estadistika)

III. Ang problema (ang dahilan ng suliranin na nakaaapekto sa tao, patunayan sa pamamagitan ng mga
ebidensya mula sa pananaliksik at vidyo mula sa youtube) Dito sa bahaging ito magkakaroon ng
malawakang pagtalakay ng mga ebidensya sa pagkakaroon ng problema. Ito ang magsisilbing kaugnay na
literatura ng inyong papel. Nakasalalay sa inyong grupo ang lalamanin ng bahaging ito para patunayan ang
kasalukuyang estado ng bansa kaugnay sa problemang ito.

IV. Solusyon (potensyal na resolusyon kaugnay ng problema) Sa bahaging ito maaring ilahad ninyo ang
ginagawa ng ahensya ng pamahalaan gayundin ang mga organisasyong panlipunan (local na komunidad)
upang mabigyang solusyon ang problema. Maari ring ilahad ang ginagawa ng pamayanan kaugnay sa isyu.

PAALALA: Ang dokumento ay ipi-print sa short bond paper (8.5 x 11), .75 ang mardyin sa lahat ng bahagi, Arial
11 at 1.15 ang spacing, JUSTIFIED. Ang papel na isusumite ay hindi lalampas sa 10 pahina.

You might also like