MAEd - Filipino Aralin 1.1: Panitikan: Ang Ama Maikling Kuwetong Makabanghay – Singapore Isinalin sa Filipino ni Mauro R. Avena Gramatika/ Retorika: Mga Kataga o Pahayag na Gamit sa Pagsusunod-sunod ng mga Pangyayari o Transitional Devices (subalit, ngunit, sa wakas, palibhasa, samantala, dahil sa, saka, kaya, kung gayon, sa lahat ng ito). Uri ng Teksto: Nagsasalaysay PAMANTAYANG PANGNILALAMAN • Naipamamalas ng mag-aaral ang pag-unawa at pagpapahalaga sa maikling kuwentong makabanghay sa tulong ng teknolohiya at iba pang transitional devices upang makapagsalaysay ng sariling karanasan. PAMANTAYANG SA PAGGANAP •Naisasalaysay nang masining ng mag-aaral ang banghay ng maikling kuwento gamit ang graphic organizer. PAMANTAYANG SA PAGGANAP TUKLASIN
• Maghanap ng halimbawa ng kuwentong
makabanghay. • Kung maaari ay yaong maikli lamang. Basahin ang kuwentong ito. Paalalahanan ang mga mag-aaral na making nang mabuti dahil pagkatapos ng gawaing pakikinig ay ipapagawa mo ang Gawain 1. GAWAIN 1. Episodic Organizer
1. Ilalahad ng mga mag-aaral ang
kuwentong napakinggan gamit ang episodic organizer. 2. Hayaan silang buuin ang episodic organizer sa loob ng 10 minuto. 3. Tumawag ng ilang mag-aaral upang magbahagi ng kanilang ginagawa. Paalala: Ang Gawain 1.b sa LM ay maaring ipagawa pagkatapos ng malayang talakayan sa pamamagitan ng pagsagot ng sumusunod na tanong: a. Sino ang pangunahing tauhan? Pantulong na tauhan? b. Saan ang tagpuan ng kuwento? c. Paano nagsimula ang kuwento? d. Ano ang naging suliranin / tunggalian ng kuwento? e. Saang bahagi ang kasukdulan? f. Paano nagtapos ang kuwento? 4. Ipabasa mo sa mga mag-aaral ang kuwentong “Nang Minsang Naligaw si Adrian” na nasa LM. 5. Ipagawa ang Gawain 1.b GAWAIN 2. First of Five
1. Ipagawa sa mga mag-aaral ang
Gawain 3 na nasa kanilang LM. 2. MUNGKAHI: Mas maiging babasahin mo nang malakas ang panuto Paano at ang Bawat Pulso. Panuto: Ipakita ang bilang ng mga daliri ayon sa katumbas nitong antas ng pagkaunawa o pagkatuto – 5 daliri kung alam na alam mo na at kaya mong ipaliwanag sa iba; 4 daliri kung nagagawa mo nang mag-isang ipaliwanag; 3 daliri kung kailangan mo pa ng tulong sa pagpapaliwanag; 2 daliri kung kailangan mo pang magpraktis, at 1 daliri kung nagsisimula ka pa lamang. Ang iyong pulso sa: onaipaliliwanag ko ang katuturan ng maikling kuwento. onapag-iiba-iba ko ang iba’t ibang uri ng kuwento. onaiisa-isa ko ang mga elemento ng maikling kuwento. onapagsusunod-sunod ko ang mga pangyayari sa isang kuwento. onasusuri ko ang mga pangyayari, at ang kaugnayan nito sa kasalukuyan. onakabubuo ako ng sariling paghahatol o pagmamatuwid sa mga ideyang nakapaloob sa akda. o nabibigyang-kahulugan ko ang mga pahiwatig na ginamit sa maikling kuwento. o napaghahambing ko ang mga piling pangyayari sa napanood na dula o telenobela sa kasalukuyang lipunan at sa kuwentong tinalakay, o nasusuri ang isang kuwentong makabanghay batay sa mga proseso sa paglikha nito. o naisasalaysay ko nang may pagkakasunod ng mga pangyayari ng isang maikling kuwentong makabanghay. o at nagagamit ko nang wasto ang mga kataga o pahayag na nagpapakita ng pagkakasunod-sunod ng mga pangyayari. GAWAIN 3. Paghahanay ng mga Pangyayari
1. Ipagawa ito sa mga mag-aaral sa
pamamagitan ng pagsagot nito sa sagutang papel. 2. Tumawag ng ilang mag-aaral upang magbahagi ng kanilang ginawa. Iproseso ang mga sagot ng mag- aaral. LINANGIN:
o Maaari kang magsagawa muna ng pangganyak na
gawain bago ipabasa ang kuwentong kuwentong ”Ang Ama”. o Ipaliwanag sa mga mag-aaral ang Alam mo na ba bago gawin ang Gawain 4. o Iproseso ang Gawain 4 at tiyaking naunawaan ng mga mag-aaral ang mga pahayag na binigyan ng kahulugan. o Pagkatapos magawa ang Gawain 4, ipagawa sa mga mag-aaral ang Gawain 5. GAWAIN 5. Fan Fact-Analyzer
o Pagkatapos gawin ng mga mag-aaral ang
Gawain 5, tumawag ng ilang mag-aaral upang magbahagi ng kanilang ginawa. o Pagkatapos ng bahaginan, ang Gawain 6 ay magsisilbing gabay sa talakayan upang malaman ang antas ng pag-unawa ng mga mag-aaral. PAALALA: Kung may mga konseptong hindi naaayon sa tinatalakay, ipawasto sa mga mag- aaral sa pamamagitan ng paggabay mo. o Ipabasa sa mga mag-aaral ang isa pang kuwentong makabanghay na “Anim na Sabado ng Beyblade” ni Ferdinand Pisigan Jarin. o Ipaalala sa mga mag-aaral na ang babasahing kuwento ay bahagi lamang. o Pagkatapos mabasa ng mga mag-aaral, ipagawa ang Gawain 7. o Ipaliwanag mo paano gagawin ang isang timeline. o Tumawag ng ilang mag-aaral na magbahagi ng kanilang ginawa pagkatapos makagawa ng timeline. PAALALA: Bahagi ng talakayan ang Gawain 7. Tiyaking maproseso ito.
o Ipagawa sa mga mag-aaral ang Gawain 8
pagkatapos ng talakayan. o Ipaliwanag sa mga mag-aaral ang tungkol sa pangatnig at transitional devices. o Ipagawa ang Gawain 9 sa LM. o Ipaliwanag ang tamang sagot upang maintindihan ng mga bata ang konsepto ng pangatnig at transitional devices na ginagamit sa pagsusunod- sunod ng mga pangyayari. PAGNILAYAN AT UNAWAIN
o Ipasagot sa mga mag-aaral ang mahahalagang
tanong upang malaman mo ang antas ng kanilang pag-unawa sa aralin. o Tiyaking maiwasto ang mga konsepto na hindi naaayon sa araling tinalakay.
PAALALA: Maaaring magbigay pa ng gawaing
susubok sa kanilang pagkaunawa sa aralin. ILIPAT
o Ipaliwanag sa mga mag-aaral ang Gawain
10, kung paano nila ito paghahandaan at ang pamantayan sa pagmamarka. o Maaari kang mag-anyaya ng mga guro na tutulong sa iyo sa pagbibigay ng marka. GAWAIN:
Magsasalaysay ang mga mag-
aaral ng isang kuwento gamit ang graphic organizer sa masining na paraan. Tandaang ang pagganap ay batay sa GRASPS GAWAIN: Role- illustrator / layout artist Audience- Manunulat (writer) ng maikling kuwento Situation- Kailangan ng manunulat ng isang illustrator /graphic artist na gagawa ng graphical presentation para sa isang pahina ng kuwento Performance- Graphical presentation ng kuwento Standards- Hikayat sa unang tingin……...40 puntos Kumpleto ang mga element…30 puntos (tagpuan, tauhan, banghay) Pagkamasining……………….30 puntos Kabuuan………………………100 puntos WAKAS