You are on page 1of 28

7

Araling Panlipunan
Unang Markahan – Modyul 5
Yamang Tao sa Asya

Kagawaran ng Edukasyon ● Republika ng Pilipinas


Araling Panlipunan - Baitang 7
Alternative Delivery Mode
Unang Markahan – Modyul 5: Yamang Tao sa Asya
Unang Edisyon, 2020
Isinasaad sa Batas Republika 8293, Seksiyon 176 na: Hindi maaaring magkaroon ng
karapatang-sipi sa anomang akda ang Pamahalaan ng Pilipinas. Gayonpaman, kailangan muna
ang pahintulot ng ahensiya o tanggapan ng pamahalaan na naghanda ng akda kung ito ay
pagkakakitaan. Kabilang sa mga maaaring gawin ng nasabing ahensiya o tanggapan ay ang
pagtakda ng kaukulang bayad.

Ang mga akda (kuwento, seleksiyon, tula, awit, larawan, ngalan ng produkto o brand name, tatak
o trademark, palabas sa telebisiyon, pelikula, atbp.) na ginamit sa modyul na ito ay nagtataglay
ng karapatang-ari ng mga iyon. Pinagsumikapang matunton ang mga ito upang makuha ang
pahintulot sa paggamit ng materyales. Hindi inaangkin ng mga tagapaglathala at mga may-akda
ang karapatang-aring iyon. Ang anomang gamit maliban sa modyul na ito ay kinakailangan ng
pahintulot mula sa mga orihinal na may-akda ng mga ito.

Walang anomang parte ng materyales na ito ang maaaring kopyahin o ilimbag sa anomang
paraan nang walang pahintulot sa Kagawaran.

Inilathala ng Kagawaran ng Edukasyon


Regional Director: Dr. Arturo B. Bayocot, CESO III
Assistant Regional Director: Dr. Victor G. De Gracia Jr, CESO V
Development Team of the Module
Author/s: Mary Grace Q. Nazareno
Reviewers: Donna P. Olarte Ramon Villa Elter Hazel B. Miraflor
Lilia E. Balicog Edwin V. Beloy

Illustrator and Layout Artist: Precymar M. Manliguez

Management Team
Chairperson: Dr. Arturo B. Bayocot, CESO III
Regional Director

Co-Chairpersons: Dr. Victor G. De Gracia Jr. CESO V


Asst. Regional Director

Edwin R. Maribojoc, EdD, CESO VI


Schools Division Superintendent

Eugene I. Macahis Jr
OIC,Assistant Schools Division Superintendent

Mala Epra B. Magnaong, Chief ES, CLMD

Members Neil A. Improgo, EPS-LRMS


Bienvenido U. Tagolimot, Jr., EPS-ADM
Samuel C. Silacan, EdD, CID Chief
Eleazer L. Tamparong, EPS - AralingPanlipunan
Rone Ray M. Portacion, EdD, EPS – LRMS
Berlyn Ann Q. Fermo, EdD, PSDS
Agnes P. Gonzales, PDO II
Vilma M. Inso, Librarian II
Inilimbag sa Pilipinas ng
Kagawaran ng Edukasyon – Region 10
Office Address: Zone 1, DepEd Building, Masterson Avenue, Upper Balulag, Cagayan de Oro City
Contact Number: (088) 880 7072
E-mail Address: region10@deped.gov.ph

7
Araling Panlipunan
Unang Markahan – Modyul 5
Yamang Tao sa Asya

c schools. We encourage teachers and other education stakeholders to email their feedback, comments, and reco

Kagawaran ng Edukasyon ● Republika ng Pilipinas


Paunang Salita
Para sa mag-aaral:
Malugod na pagtanggap sa Araling Panlipunan 7 ng Alternative Delivery Mode (ADM)
Modyu 6 ukol sa Yamang Tao sa Asya
Ang modyul na ito ay ginawa bilang tugon sa iyong pangangailangan. Layunin nitong
matulungan ka sa iyong pag-aaral habang wala ka sa loob ng silid-aralan. Hangad din
nitong madulutan ka ng mga makabuluhang oportunidad sa pagkatuto.
Ang modyul na ito ay may mga bahagi at icon na dapat mong maunawaan.

Alamin Sa bahaging ito, malalaman mo ang mga


dapat mong matutuhan sa modyul.

Subukin Sa pagsusulit na ito, makikita natin kung ano


na ang kaalaman mo sa aralin ng modyul.
Kung nakuha mo ang lahat ng tamang sagot
(100%), maaari mong laktawan ang bahaging
ito ng modyul.

Balikan Ito ay maikling pagsasanay o balik-aral upang


matulungan kang maiugnay ang kasalukuyang
aralin sa naunang leksyon.

Tuklasin Sa bahaging ito, ang bagong aralin ay


ipakikilala sa iyo sa maraming paraan tulad ng
isang kuwento, awitin, tula, pambukas na
suliranin, gawain o isang sitwasyon.

Suriin Sa seksyong ito, bibigyan ka ng maikling


pagtalakay sa aralin. Layunin nitong
matulungan kang maunawaan ang bagong
konsepto at mga kasanayan.

Pagyamanin Binubuo ito ng mga gawaing para sa


malayang pagsasanay upang mapagtibay ang
iyong pang-unawa at mga kasanayan sa
paksa. Maaari mong iwasto ang mga sagot
mo sa pagsasanay gamit ang susi sa
pagwawasto sa huling bahagi ng modyul.

Isaisip Naglalaman ito ng mga katanungan o


pupunan ang patlang ng pangungusap o talata
upang maproseso kung anong natutuhan mo
mula sa aralin.
Isagawa Ito ay naglalaman ng gawaing makatutulong
sa iyo upang maisalin ang bagong kaalaman o
kasanayan sa tunay na sitwasyon o realidad
ng buhay.

Tayahin Ito ay gawain na naglalayong matasa o


masukat ang antas ng pagkatuto sa pagkamit
ng natutuhang kompetensi.

Karagdagang Gawain Sa bahaging ito, may ibibigay sa iyong


panibagong gawain upang pagyamanin ang
iyong kaalaman o kasanayan sa natutuhang
aralin.

Susi sa Pagwawasto Naglalaman ito ng mga tamang sagot sa lahat


ng mga gawain sa modyul.
Sa katapusan ng modyul na ito, makikita mo rin ang:
Ito ang talaan ng lahat ng pinagkuhanan sa
Sanggunian
paglikha o paglinang ng modyul na ito.
Ang sumusunod ay mahahalagang paalala sa paggamit ng modyul na ito:
1. Gamitin ang modyul nang may pag-iingat. Huwag lalagyan ng anumang marka o
sulat ang anumang bahagi ng modyul. Gumamit ng hiwalay na papel sa
pagsagot sa mga pagsasanay.
2. Huwag kalimutang sagutin ang Subukin bago lumipat sa iba pang gawaing
napapaloob sa modyul.
3. Basahing mabuti ang mga panuto bago gawin ang bawat pagsasanay.
4. Obserbahan ang katapatan at integridad sa pagsasagawa ng mga gawain at sa
pagwawasto ng mga kasagutan.
5. Tapusin ang kasalukuyang gawain bago pumunta sa iba pang pagsasanay.
6. Pakibalik ang modyul na ito sa iyong guro o tagapagdaloy kung tapos nang
sagutin lahat ng pagsasanay.
Kung sakaling ikaw ay mahirapang sagutin ang mga gawain sa modyul na ito, huwag
mag-aalinlangang konsultahin ang inyong guro o tagapagdaloy. Maaari ka rin humingi ng
tulong kay nanay o tatay, o sa nakatatanda mong kapatid o sino man sa iyong mga
kasama sa bahay na mas nakatatanda sa iyo. Laging itanim sa iyong isipang hindi ka
nag-iisa.

Umaasa kami, sa pamamagitan ng modyul na ito, makararanas ka ng makahulugang


pagkatuto at makakakuha ka ng malalim na pang-unawa sa kaugnay na mga
kompetensi. Kaya mo ito!

Talaan ng mga Nilalaman


Alamin - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - -1
Subukin ---------------------- 2
Balikan -------------------- -- 3
Tuklasin ---------------------- 4
Suriin - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - -5
Pagyamanin - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - -10
Isaisip ---------------------- 14
Isagawa ---------------------- 15
Tayahin ---------------------- 16
Karagdagang Gawain ---------------------- 27
Susi sa Pagwawasto ---------------------- 18
Sanggunian ---------------------- 21
Alamin

Ang Asya ay isa sa pinakamalaking kontinente at katangi-tangi ang kultura


sa buong daigdig. Ang mga tao rin sa Asya ang may pinakamalawak na
karanasan sa pakikibagay saan man mapadpad sa buong mundo. Ang
populasyon sa Asya ay hindi pantay ang pagkabahagi nito sa bawat bansa. Kung
kaya’t may mahalagang papel ang pandarayuhan at kabuhayan ng mga Asyano
sa pagdami ng populasyon sa Asya. Matutunghayan mo ito sa modyul na ginawa
namin para sayo. Handa ka na ba?

Pagkatapos mong basahin at pag-aralan ang modyul na ito, ang mga inaasahang
malilinang sa iyo ang mga sumusunod na karunungan:

1. Nasusuri ang konsepto ng populasyon at komposisyon nito.

2. Napapahalagahan ang kaugnayan ng Yamang Tao sa Asya sa pag-unlad


ng kabuhayan at lipunan sa kasalukuyang panahon.

3. Naipapahayag ang konsepto at komposisyon ng populasyon sa mga


sumusunod nagawain:
a. Pie Chart
b. Data Collect
c. Hanap-Buhay
d. Mathink-matika
e. Pasaporte

Sa pag-aaral sa modyul na ito ay kinakailangan mong pahabain ang iyong


pasensya, pang-unawa, at pag-susuri sa iyong binasa. Sundin ng maayos ang
mga panuto sa bawat gawain. Sagutan ang mga tanong ng maayos at tapusin
ang mga gawaing iyong sinimulan.

1
Subukin

Ating sukatin ang iyong kaalaman hinggil sa paksang ating tatalakayin. Isulat ang titik T
kung tama ang pahayag at titik M naman kung mali.

____ 1. Ang Asya ang pinakamalaking kontinente sa buong mundo.


____ 2. Sa mga kontinente, ang Asya ang may pinakamababanggrowth rate.
____ 3. Ang growth rate ay ang pagtaas ng bilang ng tao sa isang lugar.
____ 4. Ang Timog-Kanlurang Asya ang may pinakamataas na populasyon na
rehiyon sa Asya.
____ 5. Ang Timog Asya ang may pinakamababang populasyon sa Asya.
____ 6. Ang kalidad ng edukasyon ay isang susi ng kaunlaran sa isang bansa.
____ 7. Ang literacy rate ay isa sa mga batayan ng isang maunlad na bansa.
____ 8. Ang maayos na kalusugan ay mahalaga upang magkaroon ng maganda
at positibong pananaw sa buhay.
____ 9. Ang migrasyon ay bagong penomenon sapagkat ang prosesong ito ay
hindi bahaging mahabang kasaysayan sa Asya.
____ 10. Sa kasalukuyang panahon, mahalaga ang usaping pandarayuhang
panlabas sa aspeto ng hanapbuhay.
____ 11. Tinatayang ang populasyon sa Asya ay magpapatuloy sa pagtaas sa
loob ng mahabang panahon at magpapatuloy din ang pagkaubos ng likas na
yaman.
____ 12. Ang pandarayuhan ay walang implikasyon sa ekonomiya ng Pilipinas
sapagkat napakahalaga ang mga dolyar na kanilang ipinapasok sa pamamagitan
ng money remittances.
____ 13. Sa Asya, matutunghayang ang mga pinakamaunlad na mga bansa ay
iyong mga nagtataglay ng mataas na literacy rate.
____ 14. Ang mataas na birth rate ay nangangahulugang mas maliit ang
potensyal sa paglaki ng populasyon ng isang bansa.
____ 15. Ang mataas na death rate ay maaaring mangangahulugang kasalatan
sa aspetong medikal sa lipunan.

2
Aralin
1
Yamang Tao sa Asya

Balikan

Bago natin simulan ang ating aralin ay kinakailangan mong


sagutan ang mga sumusunod na katanungan upang matukoy
natin kung mayroon kang natutunan sa ating napag-aralan
noong nakaraan.

1. Ano ang sanhi ng mga pagbaha sa Asya?


1. Bakit nagkakaroon ng pagbaha sa ilang bansa ng Asya?
Sagot:
______________________________________________________________________
______________________________________________________________________
______________________________________________________________________
______________________________________________

2. Ano ang bunga ng polusyon sa karagatan?


2. Ano ang bunga ng polusyon sa yamang-tubig?
Sagot:
________________________________________________________________
________________________________________________________________
________________________________________________________________
____________________________________________

3. Ano ang kinalaman ng mga tao sa mga nangyayaring polusyon sa Asya?


3. May kinalaman ba ang mga tao sa mga nangyayaring polusyon sa Asya?
Ipaliwanag ang sagot.
Sagot:
________________________________________________________________
________________________________________________________________

3
________________________________________________________________
____________________________________________

Tuklasin

Gumuhit ng linya at e-konek ang mga sumusunod na Asyanong bansa:


Philippines, Oman, Pakistan, Uzbekistan, Laos, Afghanistan, Singapore, Yemen,
Oman at Nepal. Gamitin ang unang titik sa mga nabanggit na mga bansa upang
makabuo ng isang salita hinggil sa paksa.

https://www.britannica.com/place/Asia

Ano ang iyong nabuong salita base sa pagkadugtong-dugtong mo ng mga unang


titik sa mga bansang nabanggit?
Sagot:

4
___ ___ ___ ___ ___ ___ ___ ___ ___ ___

Suriin

 Asya- pinakamalaki at pinakamatao na kontinente sa buong daigdig


- binubuo ng 30% na kabuuang lupain 60% kabuuang
populasyon
- may pinakamataas na growth rate.
- mahigit kumulang na 4,636,987,835populasyon atkasalukuyang
tumataas ayon ng United Nations.
https://www.worldometers.info/world-population/asia-population/

 Growth Rate- pagtaas ng bilang ng tao sa isang lugar sa itinakdang taon.

Tunghayan sa talahanayan ang populasyon ng mga Rehiyon sa Asya:


Table 1

https://www.worldometers.info/world-population/asia-population/
Bahagdan ng
Bilang ng Populasyon ng
Rehiyon sa Asya
Populasyon Bawat Rehiyon
sa Asya
Timog-Asya 1,940,369,612 42%
Silangang Asya 1,678,089,619 36%
Timog-Silangang Asya 668,619,840 14%
Timog-Kanlurang Asya 279,636,754 6%
Hilagang Asya 74,338,950 2%

5
Implikasyon ng Edukasyon
 Edukasyon- pinakamahalagang salik sa pag-unlad ng isang bansa.
 Asya- nagbigay ng malaking importansya sa edukasyon ng kanilang
mamamayan.
 Literacy rate-bahagdan ng tao sa isang partikular na bansa na may
kakayahang bumasa at sumulat.
 Mataas na literacy rate- nagpapakita ito ng mas mataas na tiyansa na
umunlad ang bansa.
 Mababa na literacy rate- mabagal ang pagsulong ng kaunlaran ng isang
bansa.
 Pilipinas- nakapagtala ng 97.95% na literacy rate.

Tunghayan ang talahanayan ng mga bansa sa Asya na may mataas na literacy


rate.

Table 2

https://google.com/amp/s/www.worldatlas.com/amp/articles/10-most-literate-asian-countries.html
Literacy Rate ng mga
Kabataan Ayon sa
Bansa
Bahagdan ng Populasyon
2016
1. Azerbaijan 99.94%
2. Singapore 99.93%
3. Macau 99.80%
4. Indonesia 99.67%
5. Turkey 99.62%

Kahalagahan ng Kalusugan

 Kalusugan- ay mahalaga upang magkaroon ng maganda at positibong


pananaw sa buhay
- mahalagang batayan ng pag-usbong ng ekonomiya sa
isang bansa
 Birth Rate- bilang ng buhay na sanggol na ipinanganak sa bawat

6
1,000 populasyon sa loob ng isang taon
 Death Rate- bilang ng mga namatay sa bawat 1,000 populasyon sa
loob ng isang taon
 Life Expectancy- inaasahang haba ng buhay ng bawat tao sa Asya
 Mataas na birth rate- malaki ang potensyal ng pagtaas ng populasyon
 Mataas na death rate- maaaring mangangahulugang kasalatan sa
aspetong medikal sa lipunan.

Tunghayan ang talahanayan sa ibaba.

Table 3

Bansa Birth Rate Death Rate Life Expectancy


1. Russia 11 13 71
2. Georgia 12 11 77
3. Japan 8 10 86
4. North Korea 15 9 71
5. Philippines 23 6 70
https://www.indexmundi.com/map/?v=26&r=as&I=en

Hanapbuhay at Migrasyon

 Migrasyon o pandarayuhan- ay ang paglipat ng tirahan ng isang tao


mula sa isang lugar patungo sa ibang lalawigan, lungsod, o ibang bansa
 Dalawang uri ng pandarayuhan:
- Pandarayuhang panloob- paglipat ng tao mula sa lalawigan o rural
patungo sa lungsod o urban

7
- Pandarayuhang panlabas- paglipat ng tao mula sa kanyang bansa
patungo sa ibang bansa at ang kalimitang dahilan nito ay
pagtatrabaho.
 Suliranin sa pandarayuhan:
- lumalaki ang bilang ng tao sa lungsod o urban
- kakulangan sa pabahay
- pagkasira sa kapaligiran
- kasalatan sa serbisyong panlipunan

Pagyamanin

Gawain 1: Hating-kapatid!
Panuto: Hatiin ang pizza pie sa pamamagitan ng pagbabase sa bahagdan ng
mga datos ng populasyon sa mga rehiyon sa Asya na makikita sa ibaba nito.
Huwag kalimutang pangalanan ang rehiyon sa Asya sa inyong pizza pie ayon sa
paghahati nito.

8
Figure 1

https://www.pixabay.com/image
s/search/pizza/

Tunghayan sa talahanayan ang populasyon


Table 4
ng mga Rehiyon sa Asya:

Bahagdan ng
Populasyon ng
Rehiyon sa Asya Bilang ng Populasyon
Bawat Rehiyon
sa Asya
Timog-Asya 1,940,369,612 42%
Silangang Asya 1,678,089,619 36%
Timog-Silangang Asya 668,619,840 14%
Timog-Kanlurang Asya 279,636,754 6%
Hilagang Asya 74,338,950 2%
Gawain 2: Data Collect
Panuto: Manaliksik ng datos hinggil sa hinihingi sa talahanayan (2018).

9
Bansa Kabisera / Kapital Populasyon

North Korea

Taiwan

Singapore

Malaysia

Bangladesh

Bhutan

Russia

Kyrgyzstan

United Arab Emirates

Qatar

https://www.worldometers.info/
world-population/asia-
population/

Gawain 3: Ma-THINK-matika

Panuto: Suriin ang mga datos sa ibaba. Pagkatapos, sagutin ang tanong sa
pamamagitan ng pagkompyut gamit ang sumusunod na Formula:

10
Literacy Rate= Bilang ng Literate sa Bansa
Populasyon ng Bansa

Unemployment Rate= Bilang ng walang Trabaho


Populasyon ng Bansa

Population Data as of 2018 (estimated)


Bansa Populasyon Literate/marunong Unemployed
bumasa at sumulat /walang
trabaho
China 1,400,000,000 1,344,000,000 84,000,000
Philippines 106,000,000 101,760,000 5,300,000
India 1,300,000,000 936,000,000 104,000,000
Saudi Arabia 33,500,000 318,250,000 2,010,000
Uzbekistan 32,300,000 32,170,800 1,938,000

Mga Tanong:
1. Kompyutin ang literacy rate ng bansang Pilipinas(Philippines).
Sagot:___________________________________________________
2. Ilang porsyento ng populasyon sa India ang walang trabaho?
Sagot:___________________________________________________
3. Ilang tao sa bansang China ang hindi marunong bumasa at sumulat?
Sagot:___________________________________________________
4. Ilang tao sa Saudi Arabia ang may trabaho?
Sagot:___________________________________________________
5. Gamit ang datos na nasa itaas, ilan ang kabuuang populasyon ng mga
bansang nabanggit?
Sagot:_____________________________________________________

Gawain 4: Hanap-Buhay

11
Isaayos ang mga larawan sa pamamagitan ng paglagay ng bilang sa kahon ayon
sa pagkakasunod-sunod ng mga pangyayari sa buhay ng isang tao at ilarawan
ang pagkakaugnay ng mga larawan sa isa’t isa.

https://www.pixabay.com/vectors/

Sagot:

___________________________________________________________

12
Gawain 5: Pasaporte
Panuto: Sagutan ang mga katanungan na nasa ibaba.

Anong gusto mong propesyon?

______________________________________

Saang bansa sa Asya gusto mong magtrabaho maliban sa Pilipinas?


_______________________________________

Bakit gusto mong magtrabaho sa labas ng bansa?

________________________________________

Pangalan:
_________________________________
Edad:
_________________________________
Tirahan:
_________________________________
Kapanganakan: (mm/dd/yyyy)
_________________________________

13
Isaisip

Gawain 1: Isang Tanong-Isang Sagot.

Bilang isang mag-aaral sa ikapitong baitang, ano ang mahalagang papel na


iyong ginagampanan sa lipunan?

Sagot:

________________________________________________________________

________________________________________________________________

________________________________________________________________

________________________________________________________________

________________________________________________________________

14
Isagawa

A. Guhit Tayo!

Pamantayan
Kalinisan- 5
Kaangkupan ng konsepto- 5
Kahusayan sa pagkulay- 10
Kabuuan- 20

1. Saang bansa sa Asya gusto mong pumunta?

Sagot: ______________________________________________________

2. Iguhit at kulayan ang watawat ng bansang ito.

Sagot: ______________________________________________________

3. Bakit napili mong puntahan ang bansang ito?


Sagot: ______________________________________________________

15
Tayahin

A. Sanaysay
Panuto: Saguting mabuti ang mga tanong. Ang pamantayano kriterya sa
sanaysay na ito ay makikita mo sa ibaba:
Kalinawan sa paliwanag - 50%
Bilang ng pangungusap -30%
Kalinisan ng sagot -20%
Kabuuan 100%

1. Bakit maaaring maging


hadlang ang sobrang
pagdami ng populasyon sa
pag-unlad ng isang bansa?

Sagot: ___________________________________________________________

___________________________________________________________

___________________________________________________________

2. Ilarawan ang kaibahan ng pamumuhay ng tao sa pook-rural at pook-urban?

Sagot: ___________________________________________________________

___________________________________________________________

___________________________________________________________

3. Bakit kailangan mong matutong bumasa at sumulat?

Sagot: ________________________________________________________________
________________________________________________________________
________________________________________________________________

16
Karagdagang Gawain

Gawain 1: Fast Forward Tayo!


Panuto: Gumawa ng collage ng iyong propesyon o estado sa buhay labinlimang
taon mula ngayon. Ang pamantayan sa iyong gawain ay nasa ibaba:

Pagsunod sa panuto
- 50%
Pagkamalikhain
- 30%
Kalinisan sa paggawa
- 20%
Kabuuan
100%

Susi sa Pagwawasto

17
Pagyamanin
Gawain 1: Hating Kapatid
Subukin
1. T 2.M 3.T 4. M 5. M 6. T 7.T 8.T 9. M 10. T
11.T 12.M 13.T 14.M 15. T

Tuklasin

POPULASYON
Gawain 3: Mathink-matika

1. 96%
2. 8%
3. 96%
4. 6%
2,871,8000,000

18
Pagyamanin
Gawain 2: Data Collect
Bansa Kabisera / Kapital Populasyon
North Korea Pyongyang 25.6 million
Taiwan Taipei 23.5 million
Singapore Singapore 5.7 million
Malaysia Kuala Lumpur 32 million
Bangladesh Dhaka 166.3
Bhutan Thimpu 817 thousand
Russia Moscow 144.3 million
Kyrgyzstan Bishkek 6.1 million
United Arab Emirates Abu Dhabi 9.5 million

Sanggunian

Pagyamanin
Gawain 4: Hanap-Buhay

Books

Asya Pag-usbong ng Kabihasnan (Batayang Aklat sa Araling Panlipunan

Ikalawang Taon)

19
Asya: Pagkakaisa sa Gitna ng Pagkakaiba

Modules
Project EASE (Effective Alternative Secondary Education) Araling Panlipunan
Panlipunan II Modyul 2 Yamang Tao sa Asya
Modyul sa Sariling Pagkatuto sa Araling Panlipunan 8 Pinagmulan Kasaysayan
Kayamanan Pagkakakilanlan (Asya: Pagkakaisa sa Gitna ng Pagkakaiba)

Electronic Resources
https://worldpopulationreview.com/continents/asia-population/
https://www.britannica.com/place/Asia
https://www.worldometers.info/worl-population/asia-population/
https://pixabay.com/images/search/pizza/
https://www.mapsofworld.com/asia/thematic/countries-with-literacy-rate.html
https://www.worldatlas.com/articles/10-most-literate-asian-countries.html
https://www.philstar.com/lifestyle/on-the-radar/2019/09/27/1955462/national-
literacy-month-un-ranks-filipinos-most-literate-southeast-asia/amp/
https://pixabay.com/vectors/doctor-lady-examine-child-kid-37707lz
https://www.who.int/hdp/en/
https://www.indexmundi.com/map?v26&r=as&l=en
https://www.indexmundi.com/map?v25&r=as&l=en
https://www.google.com/amp/s/scienctrend.com/list-of-asian-countries-and-
capitals/

20
Para sa mga katanungan o puna, sumulat o tumawag sa:

Kagawaran ng Edukasyon – Rehiyon 10

Zone 1, DepEd Building Masterson Avenue, Upper Balulang


Cagayan de Oro City, 9000
21
Telefax: (088) 880 7072
E-mail Address: reiogn10@deped.govph
22

You might also like