You are on page 1of 32

10

Araling Panlipunan
Unang Markahan – Modyul 1:
Isyu at Hamong Panlipunan
Araling Panlipunan – Ikasampung Baitang
Alternative Delivery Mode
Unang Markahan – Modyul 1: Isyu at Hamong Panlipunan
Unang Edisyon, 2020

Isinasaad sa Batas Republika 8293, Seksiyon 176 na: Hindi maaaring magkaroon ng
karapatang-sipi sa anomang akda ang Pamahalaan ng Pilipinas. Gayonpaman, kailangan
muna ang pahintulot ng ahensiya o tanggapan ng pamahalaan na naghanda ng akda kung ito
ay pagkakakitaan. Kabilang sa mga maaaring gawin ng nasabing ahensiya o tanggapan ay
ang pagtakda ng kaukulang bayad.

Ang mga akda (kuwento, seleksiyon, tula, awit, larawan, ngalan ng produkto o brand
name, tatak o trademark, palabas sa telebisiyon, pelikula, atbp.) na ginamit sa modyul na ito
ay nagtataglay ng karapatang-ari ng mga iyon. Pinagsumikapang matunton ang mga ito upang
makuha ang pahintulot sa paggamit ng materyales. Hindi inaangkin ng mga tagapaglathala at
mga may-akda ang karapatang-aring iyon. Ang anomang gamit maliban sa modyul na ito ay
kinakailangan ng pahintulot mula sa mga orihinal na may-akda ng mga ito.

Walang anomang parte ng materyales na ito ang maaaring kopyahin o ilimbag sa


anomang paraan nang walang pahintulot sa Kagawaran.

Inilathala ng Kagawaran ng Edukasyon


Nicolas T. Capulong, PhD, CESO V
Ronilo AJ K. Pirmo, PhD, CESO V
Librada M. Rubio, PhD.
Bumuo sa Pagsusulat ng Modyul

Manunulat: Amabhelle R. dela Merced


Tagasuri ng Nilalaman: Rowel S. Padernal / Angelica M. Burayag PhD
Virgilio L. Laggui PhD / Susana F. Cruz
Tagasuri ng Wika: Edwin T. Marcos EdD / Marie Anne Ligsay PhD
Romeo P.Lorido /Anastacia M. Victorino PhD
Tagasuri sa ADM: John Paul C. Paje
Tagasuri ng Paglapat/Pagguhit: Jay Ahr E. Sison
Tagaguhit: Vincent D. Robles
Tagalapat: Joyce O. Saraza
Tagapamahala: Nicolas T. Capulong PhD, CESO V
Librada M. Rubio PhD
Angelica M. Burayag PhD
Nestor Nuesca EdD
Gregorio C. Quinto, Jr. EdD
Rainelda M. Blanco PhD
Agnes R.Bernardo PhD
Virgilio L. Laggui PhD

Inilimbag sa Pilipinas ng Kagawaran ng Edukasyon – Rehiyon III


Office Address: Matalino St. D.M. Government Center, Maimpis, City of San Fernando (P)
Telephone Number: (045) 598-8580 to 89
E-mail Address: region3@deped.gov.ph

ii
10

Araling Panlipunan
Unang Markahan – Modyul 1:
Isyu at Hamong Panlipunan

iii
Paunang Salita
Para sa tagapagdaloy:

Malugod na pagtanggap sa asignaturang Araling Panlipunan ng Alternative


Delivery Mode (ADM) Modyul para sa araling Isyu at Hamong Panlipunan.

Ang modyul na ito ay pinagtulungang dinisenyo, nilinang at sinuri ng mga


edukador mula sa pambuliko at pampribadong institusyon upang gabayan ka, ang
gurong tagapagdaloy upang matulungang makamit ng mag-aaral ang pamantayang
itinakda ng Kurikulum ng K to12 habang kanilang pinanagumpayan ang pansarili,
panlipunan at pang-ekonomikong hamon sa pag-aaral.

Ang tulong-aral na ito ay umaasang makauugnay ang mag-aaral sa


mapatnubay at malayang pagkatuto na mga gawain ayon sa kanilang kakayahan,
bilis at oras. Naglalayon din itong matulungan ang mag-aaral upang makamit ang
mga kasanayang pan-21siglo habang isinasaalang-alang ang kanilang mga
pangangailangan at kalagayan.

Bilang karagdagan sa materyal ng pangunahing teksto, makikita ninyo ang


kahong ito sa pinakakatawan ng modyul:

Mga Tala para sa Guro


Ito'y naglalaman ng mga paalala, panulong
o estratehiyang magagamit sa paggabay sa
mag-aaral.

Bilang tagapagdaloy, inaasahang bibigyan mo ng paunang kaalaman ang


mag-aaral kung paano gamitin ang modyul na ito. Kinakailangan ding subaybayan
at itala ang pag-unlad nila habang hinahayaan silang pamahalaan ang kanilang
sariling pagkatuto. Bukod dito, inaasahan mula sa iyo na higit pang hikayatin at
gabayan ang mag-aaral habang isinasagawa ang mga gawaing nakapaloob sa
modyul.

Para sa mag-aaral:

Malugod na pagtanggap sa Araling Panlipunan 10 ng Alternative Delivery


Mode (ADM) Modyul ukol sa Isyu at Hamong Panlipunan.

Ang kamay ay madalas gamiting simbolo ng kakayahan, aksyon at layunin.


Sa pamamagitan ng ating mga kamay tayo ay maaaring matuto, lumikha, at
magsakatuparan ng gawain. Ang kamay sa tulong-aral na ito ay sumisimbolo na
ikaw, bilang isang mag-aaral, ay may angking kakayahang matutuhan ang mga
kaugnay na kompetensi at kasanayan. Ang iyong pang-akademikong tagumpay ay
nakasalalay sa iyong sarili o sa iyong mga kamay.

iv
Ang modyul na ito ay ginawabilang tugon sa iyong pangangailangan. Layunin
nitong matulungan ka sa iyong pag-aaral habang wala ka sa loob ng silid-aralan.
Hangad din nitong madulutan ka ng mga makabuluhang oportunidad sa pagkatuto.

Ang modyul na ito ay may mga bahagi at icon na dapat mong maunawaan.

Ang modyul na ito ay may mga bahagi at icon na dapat mong maunawaan.

Alamin Sa bahaging ito, malalaman mo ang mga


dapat mong matutuhan sa modyul.

Subukin Sa pagsusulit na ito, makikita natin kung


ano na ang kaalaman mo sa aralin ng
modyul. Kung nakuha mo ang lahat ng
tamang sagot (100%), maaari mong laktawan
ang bahaging ito ng modyul.

Balikan Ito ay maikling pagsasanay o balik-aral


upang matulungan kang maiugnay ang
kasalukuyang aralin sa naunang leksyon.

Tuklasin Sa bahaging ito, ang bagong aralin ay


ipakikilala sa iyo sa maraming paraan tulad
ng isang kuwento, awitin, tula, pambukas na
suliranin, gawain o isang sitwasyon.

Suriin Sa seksyong ito, bibigyan ka ng maikling


pagtalakay sa aralin. Layunin nitong
matulungan kang maunawaan ang bagong
konsepto at mga kasanayan.

Pagyamanin Binubuo ito ng mga gawaing para sa


malayang pagsasanay upang mapagtibay ang
iyong pang-unawa at mga kasanayan sa
paksa. Maaari mong iwasto ang mga sagot
mo sa pagsasanay gamit ang susi sa
pagwawasto sa huling bahagi ng modyul.

Isaisip Naglalaman ito ng mga katanungan o


pupunan ang patlang ng pangungusap o
talata upang maproseso kung anong
natutuhan mo mula sa aralin.

Isagawa Ito ay naglalaman ng gawaing makatutulong


sa iyo upang maisalin ang bagong kaalaman
o kasanayan sa tunay na sitwasyon o
realidad ng buhay.

v
Tayahin Ito ay gawain na naglalayong matasa o
masukat ang antas ng pagkatuto sa
pagkamit ng natutuhang kompetensi.
Karagdagang Sa bahaging ito, may ibibigay sa iyong
Gawain panibagong gawain upang pagyamanin ang
iyong kaalaman o kasanayan sa natutuhang
aralin.

Susi sa Pagwawasto Naglalaman ito ng mga tamang sagot sa lahat


ng mga gawain sa modyul.

Sa katapusan ng modyul na ito, makikita mo rin ang:

Ito ang talaan ng lahat ng pinagkuhanan sa


Sanggunian
paglikha o paglinang ng modyul na ito.

Ang sumusunod ay mahahalagang paalala sa paggamit ng modyul na ito:


1. Gamitin ang modyul nang may pag-iingat. Huwag lalagyan ng anumang
marka o sulat ang anumang bahagi ng modyul. Gumamit ng hiwalay na papel
sa pagsagot sa mga pagsasanay.
2. Huwag kalimutang sagutin ang Subukin bago lumipat sa iba pang gawaing
napapaloob sa modyul.
3. Basahing mabuti ang mga panuto bago gawin ang bawat pagsasanay.
4. Obserbahan ang katapatan at integridad sa pagsasagawa ng mga gawain at
sa pagwawasto ng mga kasagutan.
5. Tapusin ang kasalukuyang gawain bago pumunta sa iba pang pagsasanay.
6. Pakibalik ang modyul na ito sa iyong guro o tagapagdaloy kung tapos nang
sagutin lahat ng pagsasanay.
Kung sakaling ikaw ay mahirapang sagutin ang mga gawain sa modyul na ito,
huwag mag-aalinlangang konsultahin ang inyong guro o tagapagdaloy. Maaari ka
rin humingi ng tulong sa iyong mga magulang, sa nakatatanda mong kapatid o sino
man sa iyong mga kasama sa bahay na mas nakatatanda sa iyo. Laging itanim sa
iyong isipang hindi ka nag-iisa.

Umaasa kami, sa pamamagitan ng modyul na ito, makararanas ka ng


makahulugang pagkatuto at makakakuha ka ng malalim na pang-unawa sa
kaugnay na mga kompetensi. Kaya mo ito!

vi
Alamin

Ang modyul na ito ay ginawa at isinulat para sa iyong kapakinabangan. Ito ay


upang matulungan kang unawain ang mga araling tinatalakay sa Araling
Panlipunan Baitang 10.

PAMANTAYAN SA PAGKATUTO:

 Nasusuri ang kahalagahan ng pag-aaral ng Kontemporaryong Isyu.

Ang modyul na ito ay nahati sa tatlong leksyon:


 Leksyon 1: Ang Lipunan
 Leksyon 2: Ang Kultura
 Leksyon 3: Sociological Imagination

Kapag natapos mo na ang modyul na ito, ikaw ay inaasahang:


1. natatalakay ang katuturan ng lipunan at ang mga bumubuo rito;
2. nasusuri ang kultura bilang mahalagang bahagi ng pag-aaral ng lipunan; at
3. naipapahayag ang pagtugon ng bawat isa sa mga isyu at hamong panlipunang
kinahaharap sa kasalukuyan.

Mga Tala para sa Guro


Kailangang gumamit ng mga pamprosesong tanong upang
maiugnay ang natapos na aralin tungo sa bagong aralin. Ituro ang
konsepto ng araling ito sa pamamagitan ng mga malikhaing
pamamaraan na makikita sa mga gawain sa modyul na ito.
Makikita rin sa huling bahagi ng modyul na ito ang mga rubric na
gagamitin sa pagmamarka sa ilang mga gawain.

1
Subukin

Panuto: Basahin at unawain ang mga pahayag sa ibaba. Tukuyin at isulat ang titik
ng tamang sagot sa iyong sagutang papel.

1. Ang mga pangyayari o mga suliranin na pinag-uusapan sa bawat sulok ng ating


bansa.
A. Headline News C. Social Issues
B. Contemporary Issues D. Sociological Imagination
2. Ang mga halimbawa nito ay ang mga lumang sulat, larawan o guhit, mga lumang
kagamitan, mga dokumento, mga talambuhay at mga ulat ng mga pinuno ng
bayan.
A. primaryang sanggunian
B. pinagmulang sanggunian
C. sekondaryang sanggunian
D. mga balita

3. Ito ay binubuo ng mga taong may magkakawing na ugnayan at tungkulin na


nagkakaroon ng kasunduan kung sila ay magdedesisyon para sa kanilang
kapayapaan.
A. lipunan C. bansa
B. kultura D. pamayanan

4. Ipinahayag niya na ang lipunan ay kakikitaan ng hindi pagkakasundo ng mga


tao sa kapangyarihan na nagdudulot ng hindi pagkakapantay–pantay sa antas
ng pamumuhay ng tao.
A. Charles Cooley C. Edward Mooney
B. Karl Marx D. Isabel Panopio

5. Ang sumusunod ay kabilang sa institusyong panlipunan maliban sa isa:


A. pamahalaan C. paaralan
B. pamilihan D. pamilya

6. Tukuyin kung alin sa sumusunod ang nagpapakita ng gampanin sa lipunan.


A. Kailangang magbayad ng buwis ang mga manggagawang may mataas na
sweldo.
B. Ang bawat isang mamamayan ay dapat sumunod sa batas.
C. Lahat ay dapat nakaasa sa gobyerno at sa tulong naibibigay nito.
D. Bumuo ng samahan na mag-aaklas sa pamahalaan.

7. Tumutukoy sa kahulugan at paraan ng pamumuhay ng mga tao sa isang


lipunan.
A. pagpapahalaga C. kultura
B. norms D. lipunan

2
8. Isa sa mga uri ng kultura ay ang mga bagay na may kahulugan sa pamumuhay
ng isang lipunan. Karaniwang halimbawa nito ay palayok, banga, mga
orihinal na isinulat, ano ang tawag sa mga ito?
A. materyal C. kagamitan
B. hindi materyal D. antigo

9. Mahalagang maunawaan ang kahalagahan ng kultura sapagkat ito ay


sumasalamin sa paraan ng pamumuhay ng mga mamamayan. Nagkakaroon ng
pagkakaiba sa paraan ng pamumuhay sapagkat iba-iba ang kultura na
kinagisnan ng bawat nilalang.
A. Tama ang dalawang pahayag.
B. Tama ang unang pahayag at mali ang ikalawang pahayag.
C. Mali ang unang pahayag at tama ang ikalawang pahayag.
D. Mali ang dalawang pahayag.

10. Ang pangkalahatang batayan ng kilos ng samahan o grupo ng mga tao ay


tinatawag na ________________.
A. mores C. folkways
B. norms D. values

11. Nagiging madalas ang pagiging huli sa klase ni Baron kaya siya ay kinausap ng
kanyang gurong tagapayo ngunit hindi sila nagkaunawaan kaya nagdesisyon si
Baron na huminto na lamang sa pag–aaral. Paano magiging isang isyung
panlipunan ang paghinto ni Baron ng pag-aaral?
A. Mapagagalitan si Baron ng kanyang mga magulang.
B. Mahihirapang makahanap ng hanap-buhay si Baron.
C. Magkakaroon siya ng magandang kinabukasan.
D. Tatamarin na si Baron na mag–aral.

12. Si Francisco Carpio ay isang mahusay na empleyado ng isang kilalang


kompanya sa Makati, ngunit sa hindi inaasahang pagkakataon ay nagkaroon
siya ng malalang sakit na nagdulot upang siya ay madalas na hindi makapasok.
Dahil sa pangyayari ay napilitan ang kanyang boss na siya ay hindi muna
papasukin. Tukuyin kung ano ang maaaring maging sociological imagination
sa kaganapan.
A. Malulungkot si Mang Francisco at lulubha ang kanyang sakit.
B. Maaantala ang mga gawain ni Mang Francisco sa kanyang opisina.
C. Kukuha ng kapalit ang kanyang boss habang wala siya.
D. Magiging masaya si Mang Francisco dahil siya ay nasa bahay lamang.

13. Ang problema sa basura ng bawat pamilya sa subdivision ng Blue Tower ay


nagdulot ng pagkakaroon ng sakit sa balat. Ito ay tinatawag na _______________
A. Isyung Personal
B. Isyung Panlipunan
C. Sociological Imagination
D. Suliranin sa basura/ Solid Waste

3
14. Ang Sociological Imagination ay isang usapin na kung saan ay iniuugnay ang
mga isyung personal sa isyung panlipunan. Piliin ang HINDI angkop na
halimbawa ukol dito.
A. Si Luiz ay isang batang laging naglalaro sa labas ng kanyang bahay kaya’t
kilala niya ang lahat ng kanilang kapitbahay.
B. Walang disiplina ang mga mamamayan sa Brgy. Tala kaya ang kanilang
lugar ay magulo at makalat.
C. Lubhang maraming apektado ang dulot ng pagsabog ng Bulkang Taal.
D. Maraming nawalan ng trabaho bunsod ng COVID–19.

15. Paano makatutulong ang tao sa paglutas ng mga suliraning panlipunan?


A. Matuto ang mga mamamayan na sumunod sa batas.
B. Dapat laging nakikisangkot ang mga Pilipino sa mga isyu sa lipunan.
C. Pagpunta sa ibang bansa ng mga Pilipinong kabilang sa white collar job.
D. Laging bantayan ang ulat sa bayan upang makasali sa mga welga.

Mahusay! Kung marami kang nasagot sa bahaging ito ng modyul ay


madali mong maiintindihan ang nakapaloob ditong aralin. Kung mababa
naman ang nakuha mong marka ay dapat pagsumikapang mas maintindihan
pa ang aralin sa pamamagitan ng pagbabasa ng mabuti sa mga teksto at
pagsasagawa ng mga dinesenyong gawin.

4
Aralin

1 Isyu at Hamong Panlipunan

Isang bagong bukas na libro ng kaalaman ang iyong kakaharapin ngayon.


Ang lipunan ay binubuo ng mga institusyon/ organisasyon ng mga mamamayan na
nagkakasundo sa iisang layunin. Mahalaga ang bahaging ginagampanan ng kultura
bilang batayan ng pamumuhay sa lipunan.Dahil sa iba’t ibang kaganapan sa ating
lipunan ay nagkakaroon ng sociological imagination.

Balikan

Natutuhan mo sa nakaraang baitang ang tungkol sa Ekonomiks bilang bahagi


ng pag - unlad ng bansa. Ang mga aral sa ekonomiks nawa’y maging gabay mo upang
makatulong sa pag-unlad pa ng iyong kaalaman Paano mo maiuugnay ang mga
salita sa loob ng kahon sa iyong pagkakaunawa sa Ekonomiks? Isulat ang iyong
sagot sa iyong sagutang papel.

1. Paano nababago ng paglakas o paghina ng ekonomiya ang estado ng pamumuhay


ng mamamayan sa kanyang lipunan?
2. Mahalaga ang ugnayan ng tao sa kanyang lipunan, sa paanong paraan ito
maipakikita sa buhay ni Juan Dela Cruz?
Sa bagong araling ito, pag-aaralan mo naman ang tungkol sa mga isyu at
hamong panlipunan.

5
Tuklasin

Loop A Word
Panuto: Hanapin ang mga salita sa ibaba sa loob ng kahon. Ang mga salitang iyong
mahahanap ay lubhang mahalaga para sa talakayan. Isulat ang iyong sagot sa
sagutang papel.

M P U K D C S X O L A U K P
PAMAHALAAN
I F J Z F U W W J Y S L T I
PAMILYA
S N A Y T H T O L X F B H D
I P S A R I I I E E Q K F T ISYU
A U T T P E M O A X O X V K LIPUNAN
X S O C I A L A G R O U P P
INSTITUSYON
E N A Q P T M I G S L B U T
STATUS
N K B N K B U A H F B I Q M
V T B B V L M S H I Q H O T SOCIAL GROUP
U O D L Z P W J Y A Y Q F J RELIHIYON
V Z I N A S Q Z P O L O F F
KONTEMPORARYO
I R N N I I M D A V N A N X
GAMPANIN
Q L I P U N A N I A D G A S
C N E F K W J S T A T U S Y
K O N T E M P O R A R Y O I
A L W A T I S Y U B A L T A

Suriin

Maaari mong maitanong sa iyong sarili, bakit ang mga nakuha mong sagot sa
gawain sa naunang pahina ay lipunan, pamahalaan, relihiyon,gampanin, pamilya,
pananampalataya. Sapagkat ang ating talakayan ang may kinalaman sa mga
kontemporaryong isyu sa bansa o maging sa ibang bansa.

Ano ba ang ibig sabihin ng Kontemporaryong Isyu?

 Ang kontemporaryo (contemporary) ay mula sa salitang Latin na com na


nangangahulugang “may kasama” at temporarius mula sa salitang tempus na
ibig sabihin ay “oras”.

6
 Ang salitang kontemporaryo (contemporary) ay naglalarawan sa takdang
panahon hanggang sa kasalukuyan. Ito ay tumutukoy sa katangian na
nagpapakilala sa kasalukuyan habang ang salitang isyu (issue) ay
nangangahulugang mga pangyayari, mga sigalot o problema na pinag-uusapan
sa lipunan. Kaya’t kung ating pagsasamahin, ang kontemporaryong isyu ay mga
usapin o pangyayari na pinag-uusapan o pinagdedebatihan ng bansa na sangkot
ang bawat Pilipino. Mga halimbawa ng mga kontemporaryong isyu ay may
kinalaman sa relihiyon, kalusugan, ekonomiya, pulitika at kultura.

 Isang halimbawa ng kontemporaryong isyu ay ang usapin sa korapsyon. Ito ay


sang konsepto na nakikita at maaaring nagawa ng mga mamamayan kahit sa
simpleng transakyon lamang. Halimbawa ay ang paghingi ng dagdag na baon sa
magulang na ang dahilan ay may babayaran sa paaralan ngunit wala naman pala
o maaaring ang paghingi ng papel sa ating kaklase kahit mayroon tayo. Hanggang
sa mga fixers na nagkalat sa iba’t ibang ahensya ng pamahalaan upang mapabilis
ang transakyon tulad ng pagkuha ng permit sa iba’t ibang negosyo at proyekto.

 Batay sa resulta ng pag-aaral ng Transparency International na ang Pilipinas


ay pang-tatlumpu’t apat (34) mula sa isangdaang (100) may pagkakakilanlan na
“very clean”. Ang markang ito ay lubhang mababa kung ihahambing sa
Singapore, Denmark, Finland, Sweden at New Zealand. Ipinahahayag din na
problema rin sa korapsyon ng bansa ay problema din ng mga karatig-bansa tulad
ng Vietnam, Indonesia, Bangladesh at North Korea na itinuturing na “five most
corrupt countries”. Sa pahayag ni Rosalinda Tirona, ang pangulo ng
Transparency International, kailangan ng maraming pagkilos upang masugpo
ang korapsyon sa bansa ngunit ang higit na dapat pagtuunan ng pansin ay ang
transpormasyon ng lipunang Pilipino na siyang daan ng tunay na pagbabago
(Salaveria, 2012)

Ngunit paano ba masasabi na ang isang pangyayari ay mahalaga:

1. kung ito ay makabuluhang isyu para sa bansa.


2. kung ito ay lubhang nakaiimpluwensiya sa lipunan ng ating ginagalawan.
3. kung ito ay nagaganap sa kasalukuyang panahon

Dalawang mahalagang pinagmumulan ng impormasyon:

Primaryang Sanggunian – ibig sabihin ang


pinagmumulan ng impormasyon ay mula sa orihinal
na nagsulat o nakaranas ng pangyayari. Ito ay ang
mga babasahin na nagmula sa ating mga ninuno,
mga talambuhay, mga journal, mga larawan o guhit.
Maaari ring mga kagamitan ng mga sinaunang
pamayanan.
SINAUNANG KAGAMITAN

7
Sekondaryang Sanggunian – ang pinagmulan ng babasahin
ay hindi nanggaling sa primaryang sanggunian at maaaring
magamit na batayan sa kasalukuyan. Ilang halimbawa ay mga
libro, babasahin tulad ng dyaryo at akda.
MGA AKLAT

ANG LIPUNAN
 Ito ay tumutukoy sa mga taong sama-samang naninirahan sa isang organisado
at sistematikong lugar o pamayanan. Sila ay may pagkakaiba sa kani–kanilang
mga interes ngunit naniniwala sa isang batas kaya’t nagkakaroon ng kasunduan.

 Maraming pilosopo ang nagpahayag ng kahulugan ng lipunan at ang ilan sa


kanila ay sina:

A. Emile Durkheim– Ayon kay Durkheim, ang lipunan ay isang buhay na


organismo na patuloy na kumikilos at nagbabago na kung saan nagaganap
ang mga pangyayari. Binubuo ng iba’t ibang institusyon na nag-uugnay sa
isa’t isa upang bumuo ng lipunan.

B. Isabel Panopio–Ayon sa kanya ang lipunan ay isang sistematikong


komunidad na binubuo ng balangkas at gampanin. Ang balangkas ay
tumutukoy sa organisasyon ng mga mamamayan na gagawa ng mga batas
upang sundin ng lipunan habang ang gampanin naman ay tumutukoy sa
kakayahan ng tao na gawin ang kanyang bahagi sa lipunan.

C. Karl Marx–Ang lipunan ay kakikitaan ng tunggalian ng interes sa


kapangyarihan. Ito rin ay kakikitaan ng hindi pagkakasundo dulot ng
pagkakaroon ng limitadong pinagkukunang yaman ng bansa. Bunga nito,
nagkakaroon ng hindi pantay na antas ng pamumuhay sa lipunan.

D. Charles Cooley – Ang lipunan ay magkakawing na ugnayan ng tao sa


kanyang kapaligiran. Mas nakikilala ng tao ang kanyang sarili sa kanyang
pakikisalamuha sa kanyang kapaligiran. Ang maayos na pakikipag-usap ay
isang paraan upang maging mapayapa ang interaksyon ng bawat isa.

 Ang lipunan ay nahati sa dalawang bahagi: unang bahagi ay ang istrukturang


panlipunan at ang ikalawang bahagi ay ang kultura. Pinaghiwalay ang talakayan
sa dalawang bahagi upang higit na magbigay- linaw sa pagkakaiba ng dalawa
ngunit ipakikita ang pagkakaroon ng ugnayan sa kanilang dalawa.

LIPUNAN

Institusyong Panlipunan Kultura


A. Institusyon A. Paniniwala
B. Social Group B. Pagpapahalaga
C. Status C. Norms
D. Gampanin D. Symbols

8
 Ang unang bahagi ay institusyong panlipunan. Ito ay binubuo ng apat na
elemento: institusyon, social group, status at gampanin. Sa bawat elemento ay
may kanyang–kanyang haligi upang maging matatag ang pagkakaunawa sa
bawat isa. Tingnan ang diyagram sa ibaba.
ELEMENTO NG ISTRUKTURANG PANLIPUNAN

LIPUNAN

Institusyon Social Group Status Gampanin

Pamilya Primary Ascribed Status


Group
Paaralan
Secondary Achieved Status
Pamahalaan Group

Ekonomiya

Pananampalataya

MGA ELEMENTO NG ISTRUKTURANG PANLIPUNAN


1. INSTITUSYON- ito ay mga organisadong komunidad na bumubuo sa isang
lipunan. Ang institusyon ay binubuo ng sumusunod:

A. Pamilya - ang pamilya ay ang pinakamaliit na bahagi ng lipunan na kung


saan ay nagsisimulang mabuo ang isang pamayanan. Ang unang humuhubog
sa bawat sanggol na isinisilang sa mundo. Ang mga magulang ang siyang
unang guro ng mga bata. Ang tahanan ay siyang ugnayan ng mga institusyong
panlipunan.

B. Paaralan - ito ang lugar kung saan nahuhubog ang kakayahan ng mga bata.
Itinuturo rin sa paaralan ang mga impormasyon sa pagitan ng tama o mali.
Ito ang institusyon na katulong na humuhubog sa karunungan ng mga mag-
aaral upang maging isang mabuting mamamayan.

C. Ekonomiya - mahalaga sa bahagi ng ekonomiya ay ang kakayahan ng bawat


isa na maging bahagi ng lakas-paggawa. Dito tinatalakay ang palitan ng
serbisyo o produkto ng mga prodyuser at konsyumer, demand at supply.
Pinag-aaralan din ang dami ng yamang-likas na tugunan ang
pangangailangan at kagustuhan ng mga mamamayan.

D. Pamahalaan - ang institusyon na nagtatalaga ng mga batas para sa ikaaayos


ng isang lipunan. Ito rin ang siyang nakatalaga na tumulong sa mga
nangangailangan sa kanyang nasasakupan. Halimbawa ay ang paglalagay ng
tamang tawiran, pamamahagi ng mga impormasyon ukol sa mahahalagang
kaganapan sa bansa at marami pang iba.

9
E. Pananampalataya - ang institusyon na sandigan ng mga mamamayan, ang
paghahangad na ligtas sa maghapon maging sa trabaho o sa loob ng bahay.
Ang usaping panrelihiyon ay bahagi ng usaping panlipunan.

2. SOCIAL GROUP – ito ay ang mga institusyong panlipunan na binubuo ng dalawa


o higit pang tao na may magkakaugnay na katangian at nagkakasundo sa
kanilang mga hangarin. Ito ay nahahati sa dalawa:

A. Primary Group - ito ay kinabibilangan ng mga taong malalapit sa iyo katulad


ng pamilya, kamag-anak o mga taong may impormal na pakikipag-ugnayan
tulad ng kaibigan o kabarkada, habang ang
B. Secondary Group - kinabibilangan ng mga taong may pormal na ugnayan sa
isa’t isa halimbawa ay kasamahan sa trabaho o kapitbahay.

3. STATUS - ang status ay tumutukoy sa posisyong kinabibilangan ng isang


indibidwal sa lipunan. Malaki ang kinalaman ng status sa iyong
pagkakakilanlan sa lipunan. May dalawang pagkakaiba sa status ng tao:

A. Ascribed Status - ito ay tumutukoy sa iyong posisyon sa lipunan mula ng


ikaw ay ipanganak o isinilang.
B. Achieved Status - ito ay iyong posisyon na dulot ng iyong pagsisikap o mga
pagbabago sa iyong buhay sa mahabang panahon.

4. Gampanin (Roles) – ito ay tumutukoy sa gawain,


obligasyon, responsibilidad at karapatan ng
indibidwal sa kanyang lipunan. Ang bawat
indibidwal ay may posisyong kinabibilangan at
nagtatalaga sa kanyang gampanin para maging
bahagi ng lipunan. Halimbawa sa kasalukuyan ay
tinatanggap na natin ang pagkakaroon ng
househusband maliban sa mga babaeng tinatawag
na housewife. HOUSEWIFE / HOUSEHUSBAND

ANG KULTURA
 Ayon kay Margaret Andersen at Howard Taylor, ang kultura ay isang
komplikadong sistema ng ugnayan na nagbibigay–kahulugan sa paraan ng
pamumuhay ng isang grupong panlipunan sa kabuuan.
 Ito ay sistema o paraan ng pamumuhay ng isang pamayanan na naniniwala
sa iisang ugnayan upang magkaroon ng organisadong lipunan.

DALAWANG URI NG KULTURA

A. MATERYAL - ito ay bahagi ng kultura na nagbibigay


ng kahulugan at mahalaga para sa pag-unawa ng
kultura halimbawa ay mga likhang–sining, tula,
mga kagamitan at maging mga gusali. Ang mga
materyal na kultura ay karaniwang nahahawakan
at nakikita ng mga tao. MGA SINAUNANG KAGAMITAN

10
***Pahayagan - isang uri ng materyal na kultura na
ginagamit na batayan ng kaalaman ng mga mamamayan upang
mauunawaan ang kalagayan ng lipunan.

B. HINDI MATERYAL -mga bahagi ng pang-araw–araw na pamumuhay ng mga tao


katulad ng awit, batas, ideya at mga paniniwala. Ito ay karaniwang ibinabahagi
sa pamamagitan ng kilos o gawi.

Simbolo Mores

MGA
ELEMENTO
NG Paniniwala KULTURA Folkways
KULTURA

Norms
Pagpapahalaga

***Ang kultura ay tumutukoy sa kahulugan at paraan ng pamumuhay ng mga


mamamayan sa isang lipunan. Binubuo ang kultura ng mga paniniwala,
pagpapahalaga, norms at simbolo.

A. PANINIWALA (Belief) – ito ay ang batayan ng


pagpapahalaga ng isang grupo o lipunan. Isang
halimbawa nito ay ang pagmamano sa kamay ng
mga nakatatanda bilang paggalang o pagbibigay ng
respeto, ang pantay na pagtingin sa mga
kababaihan at kalalakihan. Isang matandang
paniniwala ay ang paglalagay sa manunggul jar o
isang banga ng ating yumaong ninuno bilang
libingan nito. MANUNGGUL JAR

B. PAGPAPAHALAGA (Values) – ito ay ang batayan ng isang pangkat o grupo kung


ano ang katanggap-tanggap para sa kanila. Halimbawa ay ang pag-aalaga sa
ating mga nakatatanda o mga lolo at lola bilang pagpapakita sa kanila ng
pagmamahal at pagpapahalaga sa nagawa nila sa ating pamilya.

PAGBIBIGAY NG MGA
REGALO AT BULAKLAK PAGMAMANO

11
C. NORMS - ito ay ang pamantayan ng pagkilos ng isang lipunan.

Nahahati sa dalawa ang norms:


a. Folkways –itinuturing na pangkahalatang batayan
ng kilos ng mga tao sa isang lipunan. Ang ilang
halimbawa ay paggalang sa mga magulang at
nakatatanda, pagdiriwang ng kaarawan o
anibersaryo, pagkakaroon ng mga malakihang
pagdiriwang ngunit mas higit na batayan ng kilos
ay ang

b. Mores na ang paglabag ay may kaukulang ligal na parusa halimbawa ay


pagnanakaw o pagpatay.
¨ Maaari ang mga pag-uugali, kilos o kaugalian ay hindi magkakapareho sa bawat
lipunan sapagkat ito ay nakabatay sa kultura na kanyang kinalakihan.
Halimbawa ay ang pagmamano na isang kaugalian sa ating mga Pilipino habang
sa ibang bansa ay pagbebeso (palitan ng halik sa pisngi), paghalik sa kamay at
iba pa. Isa ring halimbawa ay ang paggamit ng po at opo na hindi naririnig sa
ibang lahi.

¨ Ang kawalan ng norms sa isang lipunan ay maaaring magdulot hindi magandang


ugnayan sa mga mamamayan na nakatira dito sapagkat walang batayan na
siyang pagiging daan upang sila ay magka-ayos.

D. SIMBOLO (Symbols) - ang paglalapat ng kahulugan


sa isang kilos o bagay ayon sa gamit nito sa isang
indibiwal.
Ilang halimbawa ay sumusunod:
- ang pagtango na nangangahulugang pagpayag;
- pagkikipagkamay na ang ibig sabihin ay pakikipagkasundo;
- ang pagsusuot ng itim na ang ibig sabihing ay pagluluksa;
- ang pagsusuot ng polka dots tuwing sasapit ang Bagong Taon;
- ang paggamit ng tsek bilang tama o ekis na nangangahulugang mali at
- ang mga kumpas ng ating mga kamay na siyang nagsasalita para sa
atin.

Ang bawat indibidwal ay bahagi ng lipunan na kanyang kinabibilangan,


maging anomang status ang kanyang tinatamasa dito. Ngunit hindi maiaalis na
magkaroon ng hindi pagkakaunawaan sa institusyon ng lipunan.

Subalit kailangan nga ba, maaaring ang isang isyung personal ay maging
isang isyung panlipunan?

12
SOCIOLOGICAL IMAGINATION
 Isyung Personal- maaaring maituring na isang isyung personal ang suliranin
kung ito ay sa pagitan ng isang indibidwal at malapit sa kanya. Ang mga
tunggalian sa isyung personal ay maaaring masolusyonan sa kamay ng
indibidwal. Ito ay mga personal n usapin.
- Ang ilang halimbawa ay ang sumusunod:
a. ang pagkakaroon ng sakit ng isang indibidwal
b. ang kawalan ng baon ng isang mag-aaral upang makapasok sa paaralan
c. ang pagiging late ng isang mangagawa dahil sa hindi nagising nang maaga

 Isyung Panlipunan - ang isang isyung panlipunan ay suliranin na kinakaharap


ng lipunan. Ang mga suliranin o isyung panlipunan ay mga problema na
kinaharap ng sambayanan at pinagtutuunan ng pansin ng pangkat ng tao o ng
pamahalaan. At ang solusyon sa mga isyung ito ay lubhang makakaapekto
maging mabuti man o hindi sa sambayanan.

- Ang ilan sa halimbawa ay ang mga sumusunod:


a. ang malawakang traffic sa EDSA at iba pang bahagi ng Kamaynilaan;
b. ang pagkakaroon ng suliranin sa basura sa lahat ng panig ng bansa; at
c. ang problema sa kriminalidad tulad ng nakawan, drugs at iba pa

 Sociological Imagination – ito ay ugnayan sa pagitan ng isyung personal at


isyung panlipunan. Kung makikita na ang isyung kinakaharap ng isang tao ay
maaaring makaapekto sa isyung kinakaharap ng lipunan o ang isyu ng lipunan
ay maaaring maging isyu ng iisang tao o lupon ng tao. Ito ay pinagtutuunan ng
pansin ng pamahalaan upang hindi maging pambansang suliranin.

- Ang ilang halimbawa ay ang sumusunod:


a. ang pagputok ng Bulkang Taal na nagdulot ng matamlay na turismo sa
lalawigan ng Batangas, Tagaytay at maging Laguna;
b. ang pandemyang COVID-19 na kumitil sa buhay ng maraming Pilipino;
c. ang pagkakaroon ng sakit na dengue na nagiging dahilan ng kamatayan
ng maraming mamamayan at
d. ang impluwensiya ng bawal na gamot tulad ng marijuana, shabu, cocaine.

Sa mga halimbawang ipinakita, mapapansin na ang mga ito ay hindi mga


problema na mabilis solusyunan ng iisang tao o lupon ng tao ngunit nararapat
napagtuunan ng isang ahensya ng pamahalaan sa patnubay ng pangulo ng bansa o
kahit sinong pinuno o lider ng bansa. Ang paggawa ng solusyon ay dapat pinag-
aaralan at isinasangguni sa mga may pinag-aralan upang makamit ang tagumpay
sa pagsugpo ng suliranin.

Binabati kita! Matagumpay mong natapos ang unang paksa - Isyu at Hamong
Panlipunan sa ating Modyul 1. Ngayon naman ay dumako tayo sa ilang pagsasanay
upang ating tahayin ang lawak ng iyong pagkaunawa sa aralin. Ihanda mo na ang
iyong sagutang papel at simulan na.

13
Pagyamanin

A. Sagot sa Kahon

Panuto: Buoin ang tsart na nasa ibaba. Isulat ang iyong sagot sa sagutang papel.
Maging gabay ang ilang sagot sa loob ng kahon.

INSTITUSYON

EKONOMIYA

ACHIEVED
STATUS
SOCIAL GROUP

B. Tumpak na Salita

Panuto: Buoin ang mahahalagang salita mula sa araling tinalakay batay sa


kahulugang ibinigay sa bawat bilang.Isulat ang iyong sagot sa sagutang papel.

1. Ito ay binubuo ng mga magkakaugnay na bahagi ng pamayanan.

2. Sumasalamin sa pamumuhay.

3. Ito ay ang mga pangyayari na may kinalaman sa ating lipunan

4. Ito ay tumutukoy sa posisyong kinabibilangan ng isang tao sa lipunan.

5. Isang halimbawa nito ay ugnayan sa pagitan ng magkakapatid o magkakasama


sa hanapbuhay.

6. Ang pagbibigay ng magandang kinabukasan sa kanilang mga anak ay isang


bahagi ng _______ ng ating mga magulang. (Ingles ang sagot)

14
7. Isa sa mga institusyon sa bumubuo sa lipunan na gumagawa ng batas,
nagpapatupad ng batas at nag-aayos sa mga isyung panlipunan.

8. Ang paghahangad ng tao na magkaroon ng maayos na hanapbuhay, magandang


kinabukasan ay isang halimbawa ng ________.

9. Tumutukoy sa mga malalapit at impormal na ugnayan ng mga indibidwal.

10. Ang batayan ng lahat ng pagkilos ng bawat isa sa lipunan. Hindi tinitingnan
kung anong relihiyon mayroon ang tao kundi ang kanyang paninindigan sa tama
at mali.

C. Larawang Guhit ko!

Panuto: Gumuhit ng larawan na magpapakilala sa mga elemento ng kultura. Isulat


ang iyong sagot sa sagutan papel.

KULTURA

PANINIWALA PAGPAPAHALAGA NORMS SIMBOLO

D. Kumpletuhin ang Pangungusap

Panuto: Basahin at unawain ang mga pahayag sa ibaba. Tukuyin kung ano ang
hinihingi ng mga pangungusap sa ibaba.Piliin ang inyong sagot sa loob ng
pagpipilian. Isulat ang tamang sagot sa iyong sagutang papel. (Ang mga sagot ay
mula sa talakayan ng kultura at kontemporaryong isyu.)

1. Ang pandemyang Covid-19 ay isang halimbawa ng _____________sapagkat ito ay


pinag-uusapan ng buong mundo at may malaking epekto sa buhay ng mga
Pilipino. (kontemporaryong isyu o balita)

2. Ang mga komiks, journal at larawang guhit ay halimbawa ng materyal na uri ng


kultura habang ang mga tradisyon, kaugalian at pamahiin ay _____________ na
uri ng kultura. (materyal o di materyal)

15
3. Ang pagsusuot ng purdah ng mga babaeng Muslim ay _____________ upang hindi
maipakita ang mukha ng babae sa kahit na sinong tao na makakikita sa kanila.
(paniniwala o pagpapahalaga)

4. Mahalaga sa mga Pilipino ang pagdiriwang ng Araw ng mga Ina dahil ito ay
sumisimbolo sa kanilang _____________ sa mga ilaw ng tahanan.
(pagpapahalaga o paniniwala)

5. Si Martha ay ikakasal na bukas sa kanyang nobyong si John kaya pinagbawalan


sila ng magulang ni Martha na magkita sa gabi bago ang kasal, ito ay isang
halimbawa ng _____________. (simbolo o paniniwala)

6. Ang lipunan ay nahati sa dalawa: ang istrukturang panlipunan at ang


_____________. (kultura o simbolo)

7. Ang _____________ ay nagpapakita ng uri ng pamumuhay sa isang komunidad.


(norms o kultura)

8. Sa lahi ng Pamilya Calderon mahigpit na ipinagbabawal ang hindi pagsisimba


tuwing araw ng Linggo, ito ay bahagi ng _____________ kanilang pamilya.
(folkways o mores)

9. Sa ating kasaysayan, ang babaeng binukot na nagbibigay ng sughay sa isang


lalaking mandirigma ay nangangahulugang may pagtangi ang babae sa lalaki.
Ang pagbibigay ng sughay ay _____________ ng pagmamahal. (folkways o simbolo)

10. Isa sa itinuturo sa paaralan ay ang _____________ sa ating kalikasan.


(pagpapahalaga o mores)

E. Pagkakakilanlan at Paghahambing

Panuto: Buoin ang graphic organizer sa ibaba sa pamamagitan ng paghahambing sa


pagitan ng isyung personal at isyung panlipunan. Isulat ang iyong sagot sa sagutang
papel .

Isyung Isyung
Personal Panlipunan

Sociological Imagination

Gabay na tanong:
1. Ano ang pagkakaiba ng isyung personal at isyung panlipunan?
2. Paano nagkaroon ng ugnayan ang dalawang isyu na tinatawag na sociological
imagination?

16
3. Magbigay ng halimbawa ng sumusunod:
a. isyung personal at isyung panlipunan
c. sociological imagination

F. Dugtungan Mo, Pahayag Ko!

Panuto: Dugtungan ang mga pahayag. Isulat ang wastong isyung personal o isyung
panlipunan batay sa hinihingi ng pahayag. Isulat ang iyong sagot sa sagutang papel.

1. Nagsara ang pabrikang pinapasukan ng tatay at nanay ni Pilar dahil dito ay (ano
ang maaaring mangyari sa pag-aaral ni Pilar at ng kanyang dalawa pang
kapatid?)
______________________________________________________________________________
______________________________________________________________________________
______________________________________________________________________________

2. Tambak ng basura ang bubungad sa Barangay 219, (paano ito makaaapekto sa


kalusugan ng mga naninirahan dito?) _________________________________________
______________________________________________________________________________

3. Lubhang malaki ang epekto ng COVID-19 sa bansang Pilipinas,(paano ito


nakaaapekto sa pamilyang Pilipino o maging sa inyong pamilya)
______________________________________________________________________________
______________________________________________________________________________

Isaisip

Panuto: Mula sa mga naging talakayan tungkol sa tatlong paksa, inaasahan kong
masasagutan mo ang mga katanungan o pahayag sa ibaba. Isulat ang iyong sagot
sa sagutang papel.

1. Bakit mahalagang maunawaan mo ang mga konseptong may kinalaman sa


lipunan?
______________________________________________________________________________
______________________________________________________________________________

2. Ano-ano ang mga pagkakaiba ng elemento ng kultura? Ipaliwanag.


______________________________________________________________________________
______________________________________________________________________________

3. Paano mo mailalapat sa iyong buhay ang konsepto ng Sociological Imagination?


______________________________________________________________________________
______________________________________________________________________________

17
Isagawa

Ano ang Magagawa Mo?

Panuto: Sa bawat pangyayari o isyu na isinasaad sa ibaba, kailangan mong gawan


ng solusyon ang mga ito batay sa hinihingi sa bawat bilang. Isulat o idikit sa iyong
sagot sa sagutang papel.
1. Sa pamamahagi ng ayuda mula kay Mayor Susan ay nagdulot ng kaguluhan sa
Barangay 1115, ano ang dapat gawing ng Kapitan upang masolusyonan ang
kaganapan. Magbigay ng maaaring maging slogan upang maayos ang kaguluhan.
Rubrics para sa Slogan

Di- gaanong Nangangailangan


Napakahusay Mahusay
Kraytirya mahusay ng Pagpapabuti
(4) (3)
(2) (1)

May kaisahan ang


Naipakita nang
spoken poetry
buong husay
1. Pagkakabuo ngunit may isa May 2-3 talata Di maayos ang
ang
(organisasyon hanggang na hindi maayos organisasyon ng
organisasyon ng
ng ideya) dalawang talata ang pagka- ideya, walang
ideya sa
ang di naipakita organisa kaisahan
pagbubuo ng
ang organisasyon
spoken poetry
ng ideya
May katuturan
ngunit kulang
May katuturan May katuturan, kung kayat Walang katuturan,
at may paghamon sa kakaunti di napapanahon,
2. Nilalaman napapanahon, kaisipan subalit lamang ang hindi
may paghamon hindi paghamon sa mapanghamon sa
sa kaisipan napapanahon kaisipan at kaisipan
hindi
napapanahon
Di gaanong
Lubhang
Naging malinaw malinaw ang
malinaw ang
ang pagbigkas at pagbigkas, Walang kalinawan
pagbigkas at
paghahatid ng walang gaanong ang spoken poetry,
3. Pagsasalita at paghahatid ng
mensahe, medyo mensahe ang walang mensahe, at
pagbigkas mensahe, may
hindi maganda talumpati, halos lahat ng
magandang
ang boses at may karamihan ay di salita ay mali ang
boses at tama
ilang di tama ang tama ang pagbigkas
ang pagbigkas
bigkas binigkas na
ng mga salita
salita
Maayos ang galaw
May mabibilang
Maayos at ng katawan may Walang tamang
4. Galaw ng na di
angkop ang 1-2 kilos na di- galaw sa katawan
katawan kaangkupang
bawat galaw ng angkop sa at malikot habang
galaw sa
katawan paggalawa ng bumibigkas
katawan
katawan

18
2. Nagkaroon ng alitan sa pagitan ng magkakapit-bahay dulot ng hindi tamang
pagtatapon ng basura, ano ang dapat gawin upang hindi na lumala ang kanilang
alitan. Ipakita ang sagot sa pamamagitan ng flyers. Gumamit ng ½ bondpaper sa
iyong flyers. Idikit o maaaring i-stapler ang bondpaper sa iyong sagutang papel.
Rubric sa Kalipunan ng mga Datos (Compilation)
Di Katanggap-
Kahanga-hanga Pagtatangka
Kraytirya Pangkaraniwan tanggap
3 1
4 2
1. Kalidad ng Angkop at may May kaugnayan sa May kaugnayan Walang
datos kaugnayan ang paksa sa paksa ngunit kaugnayan at
mga datos sa ang ibang datos di - angkop.
paksa. ay di - angkop.

2. Bilang ng Higit sa Nakasunod sa May ilang Maraming


datos itinakdang bilang itinakdang bilang kakulangan kakulanagn

3. Kayarian May kaiga- May kaiga - igayang Maayos ang Di- maayos
igayang kayarian, kayarian, maayos ang pagkakasulat ang
aritstiko, maayos kabuuang ginawa. subalit hiwa - pagkasulat,
ang kabuuang hiwalay ang mga hiwa-hiwalay
ginawa. pahina. ang pahina.

4. Pagsusumite Nakapagsumite sa Nakapagsumite sa Nakapagsumite Higit sa 1


itinakdang araw. tamang oras. ngunit huli sa linggo ang
itinakdang araw. kahulihan.

3. Ang Department of Tourism ay nangangailangan ng bagong tagline upang


makabawi ang bansa sa gitna ng pandemya ng COVID-19, at ikaw ay naatasan
na gumawa ng hashtag o tagline, ano ito?

Tayahin

Panuto: Talakayin ang konsepto ng aralin. Basahing mabuti ang bawat pahayag at
isulat ang titk ng tamang sagot na kukumpleto sa diwa ng araling tinalakay sa iyong
sagutang papel.

1. Ang ____________________ ay mga pangyayari na nagdudulot ng malaking usapin


para sa bansa.
A.Headlines C. Contemporary Issues
B. Sociological Imagination D. Social issues

2. Dalawang uri ng sanggunian: _________________ at ____________________


A. primaryang sanggunian at sekondaryang sanggunian
B. internasyunal at lokal na sanggunian
C. balitang nasyunal at balitang lokal
D. pahayagan o telebisyon

19
3. Ito ay lupon o pangkat ng mamamayan na naninirahan sa isang komunidad na
may magkakaugnay na interes at nagkakasundo sa iisang adhikain.
A. Pamayanan B. Lipunan C. Komunidad D. Bayan
4. Ang mga elemento ng institusyong panlipunan.
A. Pamilya,Paaralan,Ekonomiya,Pamahalaan,Pananampalataya
B. Norms,Values,Symbols,Beliefs
C. Institusyon,Status,Social Group,Gampanin
D. Pamilya,Paniniwala, Paaralan ,Pagpapahalaga

5. May pagkakaiba-iba sa interpretasyon tungkol sa mga bagay na mahalaga para


sa ating pamumuhay halimbawa ay ang pagkakaroon ng mga curfew sa loob ng
tahanan, pagsisimba tuwing araw ng linggo, pagkain ng hapunan ng sabay–
sabay ng isang pamilya. Tukuyin kung anong bahagi ng kultura ang mga ito.
A. paniniwala C. simbolo
B. pagpapahalaga D. norms

6. Ang kaugalian sa pagbibigay ng dote o abot–kaya ay isang halimbawa ng


paniniwala ng mga Pilipino sa bahagi ng Panay. Ito ay pagbibigay ng regalo ng
mga lalaki sa kanilang nais pakasalang binukot.
A. Tama C. parehong A at B
B. Mali D. Wala sa nabanggit
7. Kumpletuhin ang pahayag. Mahalaga ang pag-aaral sapagkat ______________
A. ito ay isang bahagi ng achieved status ng tao.
B. ang pagtatapos ng pag-aaral ay bahagi ng pagbabago sa kanyang
pamumuhay.
C. tama ang dalawang pahayag.
D. Wala sa nabanggit

8. Nagkakaiba– iba ang ___________ batay sa paglalarawan ng isang lipunan.


A. kultura C. simbolo
B. pagpapahalaga D. norms
9. Isang kaugalian sa mga Pilipino ay ang pagsusuot ng damit na bilog—bilog
tuwing Bagong Taon.
A. Paniniwala. Sapagkat ito ay nagsalin-salin sa ating mga ninuno.
B. Pagpapahalaga. Isang halimbawa ng pagpapasalamat sa buong taon na
puno o siksik ng pagpapala.
C. Norms. Nakahihiya sa ating pamilya ang wala tayong handa para sa
okasyon.
D. Simbolo. Pagpapakita ng pagpasasalamat para sa bansa.

10. Ang kultura ay nahati sa dalawa: ang ______________ ay tumutukoy sa mga


bagay na nahahawakan katulad ng mga kagamitan, mga larawang–guhit at mga
alahas samantalang ang mga _____________ ay mga uri ng kultura na
ipinapakita sa kilos, ugali at mga gawi ng pamayanan.
A. Materyal na Kultura at Di-Materyal na Kultura
B. Di–Materyal na Kultura at Materyal na Kultura
C. Primaryang Kultura at Sekondaryang Kultura
D. Sekondaryang Kultura at Primaryang Kultura

20
11. Isa sa mga institusyon ng lipunan ay ang ____________ na nagpapabago sa estado
ng buhay at pagtingin ng lipunan sa tao.
A. social group C. status
B. gampanin D. institusyon

12. Ang social group ay nagpapakita ng ugnayan ng mamamayan sa kanyang


kapwa. Tukuyin kung alin ang nagpapakita ng secondary group.
A. Si Danya ay luluwas ng Kamaynilaan upang tumira sa kanyang lola na
maysakit.
B. Si Carlos ay nagdesisyon na umuwi sa kanyang probinsya upang
makasama ang kanyang pamilya.
C. Si Amboy ay nagtatrabaho kay Atty. Mallari bilang driver at houseboy.
D. Si Jenny ay naglilinis ng bahay kapalit ng kanyang pagtira sa kanyang
tiyahin.

13. Ito ay mga usapin na maaaring solusyon sa kamay ng isang tao lamang.
A. Isyung Panlipunan C. Isyung Personal
B. Isyung Pampayanan D. Isyung Pansarili

14. Nagkaroon ng malawakang brownout sa Luzon, ano ang maaaring maging


epekto nito sa mga pabrika sa Luzon?____________________________________
A. Bababa ang bilang ng mga manggagawang papasok sa pabrika.
B. Maraming manggagawa ang hindi makakagawa dahil mainit sa loob ng
pabrika.
C. Babagal ang produksyon sapagkat limitado lamang ang magagawa ng mga
manggagawa.
D. Walang magiging epektado sa pabrika at manggagawa.

15. Magbigay ng sariling halimbawa ng sociological imagination.


A. Nagkaroon ng sakit si Lilia dulot ng kanyang hindi pagkain sa tamang
oras.
B. Nahihirapang sumakay ng dyip si Cathy dulot ng rush hour.
C. Ipinagbabawal inumin ang tubig sa balon na nagdulot ng sakit sa
mamamayan.
D. Masipag mangulekta ng basura sa bayan ng San Carlo.

Magaling! Ako ay lubhang nagagalak sapagkat hindi mo sinukuan ang unang


paksa sa ating modyul. Dahil dito, handa ka nang harapin ang mga susunod na
paksa sa ating asignatura. Kung iyong nanaisin, maaari mong ipagpatuloy ang
pagsasagot sa karagdagang gawain na mas magpapalalim sa iyong pag-unawa sa
aralin. Muli ang aking pagbati!

21
Karagdagang Gawain

A. Crossword Puzzle

Panuto: Buoin ang crossword puzzle. Isulat ang iyong sagot sa sagutang papel.

PAHALANG:
2. Salitang
nangangahulugang oras
6. Ang bawat isang
indibidwal ay may
1. mahalagang parte para
sa ikagaganda ng ating
kalikasan.
4. 5.
10.Inisyal na ang ibig
2. 3. 7. sabihin ay ugnayan sa
pagitan ng isyung
personal at isyung
panlipunan
9.

8.
6.

10.

PABABA:
1. Sumisimbolo sa paraan ng pamumuhay ng tao.
3. Ginagamit upang malaman ng mga mamamayan ang mga pangyayari sa kanyang
lipunan.
4. Ito ay ginagamit upang maunawaan ang kasaysayan. Itinuturing na batayan ng
mga sekondaryang sanggunian.
5. Dito nagkakaroon ng ugnayan ang mga mamamayan na handang magkaroon ng
pagkakasundo at mabuting pagtitingin sa isa’t isa.
7. Isang uri sa mga uri ng social group na nagpapakita ng relasyon sa pagitan ng
kanyang amo at kasambahay.
8. Isang halimbawa nito ay ang pag-iingat sa mga lumang materyal o sa mga alaala
ng ating mga mahal sa buhay.
9. Ito ay bahagi ng kulturang mga Pilipino na ginagamit na gabay sa kasalukuyan.

22
PAG-AARAL PAGSULAT PANGARAL

Gumawa ng isang journal tungkol sa iyong natutuhan.Maglagay ng isang


hanggang dalawang larawan na nagpapakita ng iyong ginagawang pagpupursige sa
pag-aaral. Isulat ang iyong sagot sa sagutang papel.

Gamiting gabay ang mga tanong:


1. Paano nagkakaroon ng ugnayan ang mga mamamayan na naninirahan sa
isang lipunan?
2. Tukuyin kung paano nagiging gabay ng ating buhay ang mga kultura mula sa
ating mga ninuno.
3. Magbahagi ng isang isyung panlipunan at kung paano ito nakaapekto sa
pamumuhay ng iyong pamilya.

RUBRICS PARA SA SANAYSAY (PAG-AARAL PAGSULAT PANGARAL)


Kraytirya Di - Kahanga - hanga Katanggap - Pagtatangka
Pangkaraniwan 3 tanggap 1
4 2
1. Paksa Naipapaliwanag Naipaliwanag Naiugnay ang Walang
ng malinaw ang nang malinaw relasyon ng pang kaugnayan ang
mga nasasaliksik – suportang teksto sa paksa
na relatibong detalye sa paksa
detalye na may ngunit di-sapat
kaugnayan sa
paksa
2. Organisasyon Naisasaayos ng Naisaayos nang Ang organisasyon Hindi organisado
mabuti ang mabuti ang ng mga ideya ang Gawain
pagkakasunud – pagakakasunud – ay hindi sunud –
sunod nang sunod ng mga sunod at kulang
mga detalye at detalye ang detalye
nakapagprodyus
ng isang kaaya –
ayang
komposisyon
3. Grammar Nagpamalas ng Nagpamalas ng Nagpamalas ng Di angkop ang
mayaman at malawak na limitadong mga salitang
malawak na kaalaman sa kaalaman sa ginamit at mai
kaalaman sa paggamit ng mga paggamit ng ang paggamit ng
paggamit ng salita at mga salita at bantas
mga salita at wastong bantas wastong bantas
wastong bantas.
4. Tono ng Tumpak at Angkop para sa Nagpamalas ng Di – wasto at di -
sanaysay angkop para sa pormal na limitadong angkop ang
pormal na sanaysay at kaalaman sa sanaysay
salaysay at nagpamalas ng paggamit ng
nagpamalas ng kahusayan mga salita at
kahusayan at wastong bantas
tiwala sa sarili
5. Kayarian ng May matatag at May matatag at Simple ang Hindi mahusay
sanaysay malinaw na malinaw na argumento na ang argumento
argumento na argumento na sinuportahan ng at walang
sinuportahan ng sinuportahan ng mahinang ginawang
mahusay na mahinang pagsusuri ng pagsusuri sa
pagsusuri ng pagsusuri ng mga detalye at mga detalye at
mga detalye at mga detalye at wikang ginamit wikang ginamit
wikang ginamit wikang ginamit.

23
24
SUBUKIN TUKLASIN A. SAGOT SA KAHON B. TUMPAK NA SALITA
1. B 9. A - Lipunan INSTITUSYON 1. Lipunan
- Isyu - Pamilya 2. Kultura
2. A 10. A
- Kontemporary -Paaralan 3. Kontemporaryong Isyu
3. A 11. B
- Pamahalaan -Pamahalaan 4. Status
4. B 12. B - Social Group 5. Social Group
-Pananampalataya
5. B 13. C - Pamilya STATUS 6. Roles
6. B 14. A - Institusyon - Ascribed Status 7. Pamahalaan
7. C 15. A - Status SOCIAL GROUP 8. Achieved Status
- Relihiyon - Primary Group 9. Primary Group
8. A
- Gampanin GAMPANIN 10. Pananampalataya
LARAWAN, KUMPLETUHIN ANG PANGUNGUSAP PAGKAKAKILANLAN
GUHIT KO! AT PAGHAHAMBING
1. Kontemporaryong Isyu 6. Kultura
Ang sagot ay Ang sagot ay
nakadepende 2. Di—Materyal 7. Kultura nakadepende sa
sa 3. paniniwala 8. Folkways pagkaunawa ng mag-
pagkaunawa aaral.
4. Pagpapahalaga 9. Simbolo
ng mag-aaral.
5. Paniniwala 10. Pagpapahalaga
DUGTUNGAN MO ISAISIP ISAGAWA TAYAHIN
Ang sagot ay Ang sagot ay Ang sagot ay 1. C 9. A
nakadepende sa nakadepende sa nakadepende sa
2. A 10. A
pagkaunawa ng pagkaunawa ng pagkaunawa ng
3. B 11. C
mag-aaral. mag-aaral. mag-aaral.
4. A 12. C
5. B 13. C
6. A 14. C
7. C 15. C
KARAGDAGANG GAWAIN Gawain 1 8. A
1. Kultura 4. Primarya 7. Secondary 10. SI
2. Temporarius 5. Lipunan 8. Values
3. Pahayagan 6. Gampanin 9. Beliefs
Susi sa Pagwawasto
Sanggunian
Diokno, Maria Serena, Maria Bernadette Abrera, Jely Galang, Ruel Pagunsan, and
Rhodalyn Wani-Obias. Grade 7 Araling Panlipunan: Mga Saksi Ng
Kasaysayang Pilipino. Pasig: Department of Education, 2012.

K To 12 Gabay Pangkurikulum Sa Araling Panlipunan 10. 2017. Ebook. 1st. Pasig:


Department of Education.

K To 12 Kagamitang Pang-Mag-Aaral Sa Araling Panlipunan 10: Mga


Kontemporaryong Isyu At Hamong Panlipunan. 2017. Ebook. Pasig:
Department of Education.
Most Essential Learning Competencies (Melcs). 2020. Ebook. Pasig: Department of
Education. https://lrmds.deped.gov.ph/download/18275.

Salaverria, Leila. "Philippines Remains One Of Most Corrupt Countries—


Survey". INQUIRER.Net, 2020. https://globalnation.inquirer.net/58823/
philippines-remains-one-of-most-corrupt-countries-survey/comment-page-
9.

25
Para sa mga katanungan o puna, sumulat o tumawag sa:

Department of Education – Region III


Learning Resource Management Section (LRMS)
Matalino St. D.M. Government Center, Maimpis, City of San Fernando (P)

Telephone Number: (045) 598-8580 to 89

E-mail Address: region3@deped.gov.ph

You might also like