You are on page 1of 10

MGA DAKILANG MANUNULAT AT ANG PAMAGAT NG

KANILANG AKDA

KASTILA

 Cecilio Apostol
- Isinilang siya noong taong 1877. Siya’y abogado at naging piskal sa Maynila.
Ginawa siyang kaanib sa Academia Espanyol” dahil sa kanyang di-
karaniwang kagalingan sa wikang Kastila. May mga tulang handog siya kina
Dr. Jose Rizal, Emilio Jacinto at Apolinario Mabini. May isang tula rin siyang
handog sa lahat ng mga bayaning Pilipino ngunit ang tulang handog niya kay
Dr.Jose Rizal ang ipinalalagay na pinakamainam na tulang papuri na isinulat
niya.

 Fernando Maria Guerrero


- Kumita siya ng Unang Liwanag sa Ermita, Maynila noong Mayo 30, 1873.
Mula pa sa pagkabata ay mahilig siya sa pagguhit. Umani siya ng maraming
papuri at nagkamit ng maraming gantimpala noong nag-aaral siya sa Ateneo
de Manila. Natanyag siya sa pagkamakata bilang mahigpit na kaagaw sa
karangalan ni Cecilio Apostol. Katulad ng ibang kilalang makata noong
panahong iyon ay sumalok din siya ng inspirasyon sa pagtula sa bayaning si
Dr. Jose Rizal. Ang sumusunod ay salin ng kanyang tulang “A Rizal”.

 Jesus Balmori
- Isinilang siya sa Maynila noong Enero 10, 1886. Sinulat niya ang unang tula
sa gulang na sumpung taon. Sa kanyang panahon ay ipinalagay siyang “poeto
laureado” ng mga Pilipinong nagsasalita sa Kastila. Noong 1939 ay
pinarangalan siya sa Madrid, Espanya at tinanghal na isang makatang
pandaigdig sa Kastila. Nakalaban niya sa Balagtasan si Manuel Bernabe sa
paksang “El Recuerdo y El Olvido”.
 Manuel Bernabe
- Siya’y isinilang sa Paranaque,Rizal noong Pebrero 1890.Karapat-dapat siyang
kahalili ni Jesus Balmori. Siya’y isang makatang liriko. Noong 1929, ang
kanyang mga tula ay tinipon sa isang aklat na pinamagatang “Cantos del
Tropico” (Mga Awit ng Tropiko).

 Claro M. Recto
- Siya’y naging pangulo ng Lupon ng Saligang Batas. Naging kgawad siya ng
Kataas-taasang Hukuman, manananggol, matalinong mambabatas, makata at
maraming aklat na sinulat tungkol sa batas at awaing pampulitiko. Isinilang si
Recto sa Tiaong, Tayabas na ngayon ay lalawigang Quezon.
- Naglingkod siya bilang isang batasang tagapayo ng kapulungan noong 1916
hanggang 1919. Noong 1919 ay nahalal siyang kinatawan ng pangatlong
distrito ng Batangas at naging pangulo siya sa mababang kapulungan ng
minorya. Muli at muli siyang nahalal noog taong 1922 at 1925. Nagpunta siya
sa Amerika noong taong 1924 biang kagawad ng pangkalayaang misyon.
Tinanggap siyang kasapi sa Pambansang Manananggol ng Estados Unidos sa
pamamagitan ng katas-taasang hukuman ng Estados Unidos.
- Nahalal siya sa Senado noong 1931 at naglingkd bilang puno ng minorya sa
loob ng tatlong taon. Muli siyang nanungkulan bilang senador nang mahalal
na muli noong 1941 at muling nahalal noong 1949.
- Naging inatawan siya ng Pilipinas sa Pandaigdig na Hukuman sa Hague,
Netherland. Binawian siya ng buhay noong Oktubre 2, 1960.

 Zoilo Hilario
- Isinilang siya sa San Juan, San Fernando, Pampanga noong Hunyo 27, 1891.
Isa siyang bantog na manunulat, makata, mananaysay at hukom. Marami
siyang naisulat na mga akda sa Kapampangan at Kastia. Kabilang siya sa mga
tagapagtatag ng Katipunan Mipanampun.
- Bago magkadigma(1930-1934), siya’y naging kinatawan ng Pampanga sa
Pambansang Asemblea.Mula noong 1954 hanggang sa kanyang pamamahinga
sa paglilingkod sa pamahalaan noong Hunyo 27, 1961, siya ang hukom ng
Unang Dulugan sa Tarlac. Isa siya sa hinirang ng Pangulong Quezon na
kagawad ng Surian ng Wikang Pambansa bilang knatawan ng wikang
Kapampangan.
- Kasapi siya sa Lupong Pangkasaysayan ng Pilipinas hanggang sa kanyang
kamatayan noong Hunyo 1963.

TAGALOG

 Lope K. Santos
- Siya ay Ama ng Balarila, nobelista, makata, kuwentista, guro at pulitiko.
Naging kagawad siya ng itinatag na Surian ng Wikang Pambansa at humalili
kay Jaime C. de Veyra bilang patnugot ng Surian. Sa larangan ng pagtuturo
naging propesor siya ng Wika sa Unibersidad ng Pilipinas. Sa pagiging
pulitiko naman ay naging senador siya ng ikalabindalawang purok senadoryal
ng Pilipinas at naging gobernador ng lalawigan ng Rizal.
 Akda
 Banaag at Sikat- ipinapalagay na kanyang Obra
Maestra

 Jose Corazon de Jesus


- Siya’y may sagisag na “Huseng Batute”, “Hari ng Balagtasan” at tinaguriang
“Makata ng Pag-ibig”.
 Akda
 Isang Punongkahoy – ito ay isang tula

 Amado V. Hernandez
- Tinagurian siyang “Makata ng mga Manggagawa”. Siya’y isang mahusay na
makata, kuwentista, nobelista, mandudula, mamamahayag, pulitiko at lider ng
manggagawa.
 Mga Akda
 Isang Dipang Langit
 Ayang Malaya
 Mga Ibong Mandaragit
 Luha ng Buwaya
 Muntinglupa
 Inang Wika
 Kalayaan
 Panday

 Julian Cruz Balmaceda


- Nabibilang siya sa pangkat ng mga makata at pangkat ng mga mandudula. Sa
balagtasan sa paksang “Kahapon, Ngayon at Bukas” ay ipinanalo niya ng
panig ng “Bukas” laban kina Inigo Ed Regalado at Benigno Ramos.
 Mga Akda
 Kahapon, Ngayon at Bukas
 Bunganga ng Pating

 Florentino Collantes
- Kilala siya sa sagisag na “Kuntil Butil”. Bukod sa Tagalog, marunong din
siyang magsalita ng Kapampangan, Ilokano at Bisaya. Naglabas siya ng mga
tulang mapanudyo na may pamagat na “Buhay Lansangan”. Kinilala siyang
isang pangunahing duplero sakanyang panahon. Katulad ni Jose Corazon de
Jesus ay napatungan din siyang “Hari ng Balagtasan”.
 Akda
 “Lumang Simbahan

 Ildefonso Santos
- Kauna-unahan siyang guro sa Pilipino sa National Teacher’s College. Ang
kanyang katanyagan ay hindi sa pagsulat ng tula kundi pati sa pagsasalin sa
tagalog ng ibang mga akdang nasusulat sa wika. Lubos na hinangaan ng
marami ang pagkakasalin niya ng Pambansang Awit.
 Mga Akda
 Gabi
 Ang Guryon
 Tatlong Inakay
 Sa Hukuman ng Pag-ibig
 Ang Ulap
 Sa Tabi ng Dagat at Simoun

 Teodoro Gener
- Naging pangulo siya ng “ Kapisanang Ilaw at Panitik” at naging kalihim ng
“Sanggunian ng mga Pantas ng Akademya ng Wikang Tagalog”. Isa siya sa
mga nagsalin sa Tagalog ng Sinuring Kodigo Penal.
 Mga Akda
 Don quijote de la Mancha
Tula:
Ang Guro, Ang Masamang Damo, Ang Buhat at Pag-ibig

 Valeriano Hernandez Peña


- Gumamit siya ng sagisag na “Kinting Kulirat” sa pitak niyang “Buhay
Maynila” sa pahayagang “Muling Pagsilang”. Kilala siya sa tawag na Tandng
Anong. Ipinanalagay na ang nobelang “Nena at Neneng” ang kanyang obra
maestro.
 Mga Akda
 Nene at Neneng
 Mag-inang Mahirap
 Hatol ng Panahon
 Ang Pahimakas ng isang Ina
 Pagluha ng Matuwid
 Dangal ng Magulang
 Bungan g Pag-iimbot
 Kasawian ng Unang Pag-ibig

 Iñigo Ed Regalado
- Siya’y isang manunulat na sumunod sa mga yapak ng kanyang amang
nagtamo ng katanyagan noong panahon ng mga Kastila, na gumamit ng
sagisag na “Odalager”. Siya’y naging patnugot ng “Ang Mithi”, “Pagkakaisa”,
“Watawat” at “Kapangyarihan ng Bayan”. Naging punong tagapagganap siya
ng lingguhang Ilang-Ilang at punong patnugot ng Liwayway. Ang kanyang
aklat na pinamagatang “Damdamin” na katipunan ng kanyang mga tula ay
nagtamo ng unang gantimpala sa timpalak ng Komonwelt noong 1941. Siya
ay batikang kuwentista, nobelista, makata, mandudula at peryodista. Matagal
siyang naging editor at kolumnista ng “Taliba”. Siya’y naging isa sa mga
unang kasangguni sa “Surian ng Wika Pambansa”.
 Mga Akda
 Madaling Araw
 Sampaguitang Walang bango
 Ang Dalaginding
 May Pagsinta’y Walang Puso
 Ang may Lasong Ngiti
 Huling Pagluha

 Faustino Aguilar
- Ang “Pinaglahuan” ang kauna-unahang nobelang naipalimbag niya noong
1907. Naging hantungan ito ng madlang papuri at ito’y napatampok. Dahil sa
nobelang ito, si Aguilar ay tinawag ni Regalado na”Alejandro Dumas ng
Panitikang Tagalog” at tinawag ni Amado V. Hernandez ng “Bagong
Propagandista”. Binuhay niya sa nobela ang kalunos-lunos na kalagayan ng
mga manggawa at ang walang habas na panunuwag ng mga kapitalistang
Amerikano sa mga manggawang Pilipino. Sagana rin ang nobela sa
paglalarawan ng kapangyarihan ng salapi at kayamanan.
 Mga Akda
 Lihim ng isang Pulo
 Mga Busabos ng Palad
 Sa Ngalan ng Diyos
 Nangalunod sa Katihan
 Severino Reyes
- Kumita siya ng unang liwanag sa Sta. Cruz, Maynila noong Pebrero 11, 1861.
Siya’y ikalimang anak ng mag-asawang Rufino Reyes at Andres Rivera.
Tinapos niya ang Batsiler sa Pilosopiya at Letras sa Unibersidad ng Santo
Tomas. Nagsimula siya sa pagsulat sa Tagalog noong 1902. Nakilala siya sa
tawag na Don Binoyatgumamit ngsagisag na Lola Basyangsa kanyang mga
kuwento sa Liwayway. Siya at tinaguriang “ Ama ng Lingguhang Liwayway”
at “Ama ng Dulang Pilipino”.
 Akda
 Walang Sugat – isang sarswela tungkol sa kalupitan ng mga
Kastila.Ang hangarin ay pagbabagong sosyal.

 Aurelio Tolentino
- Siya’y ipinanganak sa Guagua Pampanga noong Oktubre 15, 1868. Nagsimula
siya ng pag-aaral sa Malolos, Bulacan at nagpatuloy sa San Juan de Letran at
Unibersidad ng Santo Tomas. Natapos niya ang Batsiler ng Pilosopiya sa
U.S.T. Ang mga dulang isinulat niya ay makabayan at may diwang
mapanghimagsik kaya’t ilang ulit siyang nabilanggo. Siya ang pumulot ng
salitang “dula” mula sa Bisaya at pinagkunan naman ng salitang dulaan na
kasingkahulugan ng “teatro”.
 Mga Akda
 Luhang Tagalog
 Kahapon, Ngayon at Bukas
 Sinukuan
 Sumpaan
 Bagong Kristo
 Manood Kayo

 Patricia Mariano
- Itinuring naisa sa pinakamahusay na mandudulang Tagalog. Ang mga paksa
ng kanyang mga dula ay punong-puno ng simbolismo at marmansa ang
kanyang istilo. Nakasulat siya ng may animnapung dula. Siya’y naglingkod sa
senado ngunit hindi naging dahilan ito upang talikuran niya ang pagsusulat.
Ipinalalagay na ang dulang “Lakangbini” ang kanyang obra maestro.
 Mga Akda
 Ang Anak ng Dagat (maipapantay sa obra maestro niyang
Lakangbini
 Ako’y Iyo Rin
 Ang Tulisan
 Silanganin
 Ang Dalawang Pag-ibig
 Luha’t Dugo
 Si Mayumi
 Ang Unang Binhi

 Amado V. Hernandez

- Siya ay isang makata at manunulat sawikang Tagalog. Kilala rin siya bilang
"Manunulat ng mga Manggagawa", sapagkat isa siyang pinuno ng mga
Pilipinong manggagawa at sa kaniyang mga pagpuna at pagsusuri sa mga
kawalan ng katarungang naganap sa Pilipinas noong kaniyang kapanahunan.
Nakulong siya dahil sa pakikipag-ugnayan niya sa mga kilusang
makakomunista. Siya ang punong tauhan sa isang bukod-tanging kasong
panghukuman na tumagal ng 13 taon bago nagwakas. Ang mga nobelang
pang-sosyopulitika ni Hernandez ay ayon sa kaniyang mga karanasan bilang
isang gerilya, obrero ng manggagawa at prisonerong pampulitika.

 Mga Akda
 Mga Ibong Mandaragit!
 Luha Ng Buwaya,
 Archei Ang batang mabait,
 Liwayway A. Arceo
- Siya ay pangunahing mangangathang Tagalog at Filipino na nakasulat ng
siyamnapung nobela, dalawang libong mahigit na kuwento, isang libong
mahigit na sanaysay, tatlumpo’t anim ng iskrip sa radio, pitong aklat ng salin,
tatlong iskrip sa telebisyon, at di-mabilang na kntil-butil na lathalain sa halos
lahat ng pangunahing publikasyong Tagalog o Filipino Binago ni Arceo ang
topograpiya ng panitikang Tagalog at nang ngayon ay tinawag na panitikang
popular sa paglalathala ng mga akdang nagtatampok ng halagahan o values,
lunggati o vision at kaisipang Filipino. Ginamit din niyang lunsaran ang
pamiya bilang talinghaga ng Filipinas at sa pamamagitan ng masnop na
paggamit ng wika ay itinaas sa karapat-dapat na pedestal ang mga kathang
Tagalog sa kabila ng pamamayani ng Ingles bilang opisyal na wika ng
edukasyon at gobyerno.
-
 Mga Akda
 Canal de la Reina
 Mag-anak na Cruz
 Titser

INGLES

 Jose Garcia Villa


- Pinakatanyag siyang Pilipinong manunulat sa Ingles. Maging sa Amerika ay
hinahangaan ang kanyang mga sinulat. Nagtamo siya ng mga gantimpala sa
iba’t ibang timpalak. Kilala siya sa sagisiag na “Doveglion”.

 Marcelo de Gracia Concepcion


- Kauna-unahan siyang makatang Pilipinong nakilala sa Amerika. Ang
kalipunan ng kanyang mga tula ay inilathala sa dalawang tomo:”Azucena” at
“Bamboo Flute”.

 Zulueta da Costa
- Nagkamit siya ng unang gantimpala sa tula niyang “Like the Molave” noong
1940 sa Commonwealth Literary Contest. Ang kanyang kauna-unahang aklat
na kalipunan ng mga tula ay “First Leaves”.

 N.V.M Gonzales
- Mamamahayag, makata, manunulat at guro, siya’y nagturo sa iba’t ibang
pamantasan sa Maynila. Siya ang may akda ng “Warm Hand”, “My Islands”
at “Children of the Ash covered Loam”

 Zoilo Galang
- Siya ang sumulat ng “A Child of Sorrow”, kauna-unahang nobelang Pilipino
sa Ingles.

 Natividad Marquez
- Kinamalasan siya ng pambihirang kahusayan sa pagsulat ng tulang Ingles. Isa
sa mga tula niyang nalathala sa “Philippine Herald” ay ang “Sampaguita”.

 Angela Manalang-Gloria
- Natanyag siya bilang makatang babae sa kanyang panahon. Ang kanyang mga
tula ay maharaya at lipos ng damdamin. Ang ilan sa kanyang mga tula ay ang
mga sumusunod. April Morning, To the Man I Married at Ermita in the Rain.

 Estrella Alfon
- Itinuturing siyang pinakapangunahing manunulat sa Ingles bago sumiklab ang
Ikalawang Digmaang Pandaigdig.
FILSPEC 20
(DULA AT
NOBELA)
 MGA DAKILANG MANUNULAT
AT PAMAGAT NG KANILANG
AKDA

Ipinasa ni:
Carmela F. Memis

Ipinasa kay:
Gng. Catherine T. Eliaga

You might also like