You are on page 1of 48

1

KABANATA I

ANG SULIRANIN

Kaligiran ng Pag-aaral

Isa sa pinakapangunahing layunin ng pagtuturo ng Filipino sa alinmang antas ng

pag-aaral ay ang malinang ang kakayahan ng sinumang mag-aaral na matuto sa mahusay

na pakikipagtalastasan. Upang maisakatuparan ito, kailangan ang sapat na kakayahan at

kaalaman nila sa apat na makrong kasanayan, kabilang dito ang pagsasalita, pakikinig,

pagbasa at pagsulat. Sa apat na nabanggit na kasanayan, ang pagsulat ang isa sa

pinakamahirap ituro, (Hammer, 2021). Nangangailangan ito ng kakayahan sa pag-iisip

upang makabuo ng mahusay na konsepto o ideya, angkop na mga salita na bubuo sa

wastong estruktura ng pangungusap at talata tungo sa isang maaayos at epektibong

komposisyon (Habibi, Wachuni at Husni, 2017).

Tunay na ang pangunahing gawain na dapat matutuhan ng mga mag-aaral upang

maging mahusay na komyunikeytor ay ang pagsulat (Haugen, 2016). Sa pamamagitan

nito, naipapahayag niya ang kaniyang naiisip, nadarama at mga hangarin sa buhay. Ito

ang daan upang mapaunlad niya ang kaniyang sarili na maging mahusay na

komyunikeytor. Subalit sa apat na makrong kasanayan, ito rin ang pangunahing suliranin

ng mga guro sa Filipino (Garcia at Morona, 2006:41) lalo pa at pangalawang wika

lamang ng mga tinuturuan ang Filipino. Kalimitan, nadadala ng mga mag-aaral ang

kanilang unang wika sa pagsulat kung kayat apektado lahat maging ang teksto, kaayusan

at kabuoan ng kanilang sulatin (Haugen, 2016). Sa pagsulat, nararapat na sundin ang

tamang proseso ng paglalahad ng mga kaisipan, kabilang na rito ang pagpaplano,

pagsasaayos, pagsasalin at pagrerebisa. Sabi nina Shaw at Weir (2007):


2

Writing in a second language is a complex skill, and it


includes several cognitive processes like planning, organization,
translation and revising. Writing is not just producing language,
it is also about organizing the language into coherent text. This
is a complex process. When writing it includes translating words
and using grammatical knowledge to structure sentences.

Kadalasan, ang mag-aaral ay nawawalan ng ganang bumuo ng isang sulatin dahil

hindi nila alam kung saan sisimulan, ano ang isusulat at paano ito isusulat. Kalimitan

ring nagiging suliranin ng mga mag-aaral ang pagsulat kung hindi sila pamilyar o kulang

ang kanilang kasanayan sa wikang gagamitin. Hindi nakasasapat ang kaalaman nila sa

paksang isusulat kailangan din nilang magtaglay ng malawak na bokabularyo at

kaalaman sa gramatika upang makabuo ng isang epektibong sulatin. Sabi ni Oshima

(2007):

The writing process was the stage goes through in order to


produce something in its final written form. The writer didn’t
only need to know the process of writing but also needed to apply
these processes to the works. It would help the writer to organize
idea logically.

Isa ring katotohanan na halos lahat ng mga mag-aaral ay nagpapakita ng

pagkayamot, kawalan ng interes, at kung minsan hirap na hirap sa pagbuo ng mga idea

(Aspili, 2005). Bunga ng kawalang gana at kakulangan ng kasanayan sa gawaing ito,

nagdudulot ito ng maraming kamalian at kawalang kaayusan ng mga binubuong sulatin

ng mga mag-aaral. Samakatuwid, malaking balakid ang mga kamalian ng mga mag-aaral

sa pagbuo nang wasto, malinaw at maayos na sulatin o komposisyon.

Ang mananaliksik ay saksi sa malubhang problema sa kakayahan sa pagsulat ng

mga mag-aaral sa Sangay ng mga Paaralan ng Ilocos Norte. Marami sa mga mag-aaral
3

ang nasa “intermediate” ang nahihirapang sumulat, maging sa Wikang Filipino. Hindi

lamang ang kakulangan ng interes sa pagsulat kundi ang kakulangan ng kakayahan sa

pagbuo ng komposisyon. Ito ay natuklasan sa pamamagitan ng pagsasagawa ng mga

Filipino Coordinator sa mga elementaryang paaralan sa Dibisyon ng Ilocos Norte upang

pumili ng kalahok sa mga sasali ng patimpalak na pamamahayag. Batay sa resulta nito ay

lumitaw na ang ang mga mag-aaral na ito na nahirapang makabuo ng sulatin o

komposisyon (poor writer).

Sa taong panuruan na 2020-2021 ay natuklasang karamihan sa mga tinuturuang

mga mag-aaral ng kasalukuyang mananaliksik sa ikalimang baitang ng Mababang

Paaralan ng Baresbes ay sadyang hirap silang bumuo kahit isang talata lamang.

Naobserbahan ng mananaliksik sa mga modyul na ipinapasa nila na tuwing may mga

sasagutang bahagi ng modyul ay iisa o dalawang pangungusap lamang ang kanilang

nabubuo. Bukod pa riyan ay hindi wasto ang mga bantas na ginagamit sa pagbuo ng

pangungusap. May mga mag-aaral din na hindi pa lubos nauunawaan kung paano at

kailan gagamitin ang malaki at maliit na titik sa pangungusap.

Sa dibisyon ng Ilocos Norte karaniwan nang nararanasan ng mga Ikalimang

Baitang na guro sa Filipino, ang iba’t ibang karaniwang suliranin ng mga mag-aaral sa

pagsulat. Naobserbahan nilang ang ortograpiya ang mga pangunahing pagkakamali ng

mga mag-aaral na kinabibilangan ng 1)paglalaktaw ng bantas; 2)paggamit ng bantas na

hindi kailangan; 3) paggamit ng maliit sa halip na malaking titik; 4)paggamit ng malaki

sa halip na maliit na titik; 5)maling pagbaybay ng mga salita; 6)paggamit ng maling

bantas; 7)paglalaktaw ng titik ng salita; 8)maling paghahati ng mga pantig ng salita;

9)pagdaragdag ng titik na hindi kailangan sa salita.


4

Ang pagkakaroon ng sapat na pamamaraan o estratehiya ng mga guro sa

pagwawasto ng mga kamaliang ito ay lubos na makatutulong. Ang pangangailangang

matuklasan ang mga karaniwang kamalian sa pagsulat ng mga mag-aaral ay

napakahalaga upang matukoy ang nararapat na estratehiya at angkop na kagamitang

panturo o gabay sa pagtuturo na maaaring gamitin. Ito ang nag-udyok kung bakit

naisipan ng kasalukuyang mananaliksik na isagawa ang ganitong pag-aaral. Hangarin

niyang makatuong upang malutas ang mga karaniwang suliranin ng mga mag-aaral sa

pagbuo ng mga sulatin o komposisyon tungo sa lalong mabilis na pagkatuto sa Filipino.

Paglalahad ng Suliranin

Pangunahing layunin ng pag-aaral na ito na masuri ang mga karaniwang kamalian

sa pagsulat ng komposisyon ng mga mag-aaral sa ikalimang baitang na magsisilbing

basehan sa pagbuo ng gabay ng guro sa pagtuturo ng pagsulat.

Sa pag-aaral na ito, nilalayon ding masasagot ang sumusunod na mga tiyak na

katanungan:

1. Ano-ano ang mga karaniwang kamalian ng mga mag-aaral sa pagsulat ng

komposisyon ayon sa mga guro?

2. Ano-ano ang mga estratehiya ng mga guro sa pagwawasto ng mga kamalian ng

mga mag-aaral sa pagsulat ng komposisyon?

3. Ano ang maaaring mabuong gabay na magagamit ng mga guro sa pagtuturo ng

pagsulat ng komposisyon?

4. Ano ang baliditi ng mabubuong gabay sa pagtuturo ng pagsulat batay sa:

4.1 nilalaman

4.2 estratehiya

4.3 kayarian
5

Kahalagahan ng Pag-aaral

Hangarin ng sinumang guro na makatulong sa lalong mabilis na pagkatuto ng mga

mag-aaral tungo sa pagiging mahusay na komyunikeytor, pasalita man o pasulat.

Naniniwala ang kasalukuyang mananaliksik na ang pag-aaral na ito ay magiging daan

upang maliwanagan ang mga guro at mag-aaral sa Filipino sa pagbuo at pagwawasto ng

mga sulatin o komposisyon.

Ang magiging resulta ng pag-aaral na ito ay magkakaroon ng malaking ambag sa

mga guro sa Filipino sa paglinang ng mga kasanayan sa pagsulat ng mga tinuturuan. Sa

pamamagitan ng matutuklasang mga karaniwang kamalian ng mga mag-aaral sa pagsulat,

magsisilbi itong hanguan upang makabuo ng gabay sa pagtuturo na magsisilbing lunas o

solusyon upang maituwid ang mga karaniwang kamalian ng mga mag-aaral sa pagsulat

ng komposisyon. Bunga nito, mababawasan kundi man malulutas ang kanilang mga

suliranin sa pagtuturo ng pagsulat.

Magiging kapaki-pakinabang din ang mabubuong gabay sa mga mag-aaral. Batid

natin na ang pagsulat ang pangunahing pangangailangan ng mga mag-aaral upang

matugunan niya ang kurikulum ng kaniyang pag-aaral. Samakatuwid, pagsulat ang susi

na magagamit niya sa pagpapahayag ng kaniyang damdamin, kaisipan at mga adhikain sa

buhay sa alinmang asignatura na magagamit niya sa hinaharap. Kung gayon, kailangan

niya ang sapat na kasanayan, kahusayan at kaalaman sa pagbuo nito at ang pag-aaral na

ito ay makatutulong nang malaki upang matamo ito. Magsisilbing batayan ng sinumang

mag-aaral ang mga pamamaraan sa pagbuo ng sulatin, mga estratehiya sa paglalahad ng

kaisipan, wastong paggamit ng mga salita tungo sa pagbuo ng pangungusap na

magreresulta sa pagbuo ng isang mahusay na komposisyon. Bilang patunay narito ang

pahayag ni Haugen (2020):


6

Writing is a core skill that benefits students across the


curriculum, K-12 and beyond. It’s the basis of
communication, history, art, and more disciplines than can
be named. Writing skills are used every day in the
classrooms from practicing fine motor skills early on to
eventually writing full essays to display critical thinking
skills or persuasive skills. Writing is the foundation of
expression we give students, to be built upon throughout
their academic career.

Magsisilbing daan ang resulta ng pag-aaral na ito upang maiparating sa

kinauukulang administrasyon sa larangan ng edukasyon ang mga suliraning

pinagdadaanan ng mga guro at mag-aaral sa pagtuturo at pagkatuto ng Filipino, partikular

sa pagsulat. Maaaring magbigay sa kanila ng mga bagong idea upang bumuo ng mga

bagong programa o panukala tungo sa pagpapataas ng antas ng pagtuturo at pagkatuto ng

nasabing disiplina.

Malaki rin ang maiaambag ng pag-aaral na ito sa mga magulang ng mga mag-

aaral. Ang pagtuklas sa mga karaniwang kamalian nila sa pagsulat ay isang paraan upang

matugunan ang suliraning ito. Ang pagbibigay-alam sa mga kahinaan ng mga mag-aaral

sa kani-kanilang mga magulang ay isang paraan upang pagtuunan ng pansin ng mga

magulang ang kahinaan ng kanilang mga anak. Sila na mismo ang magpapaalala sa mga

anak nila sa wastong mga paraan ng pagsulat gamit ang gabay lalo na sa panahon ngayon

na tayo ay dumaranas ng pandemya. Kailangang mabigyan ang mga magulang ng sapat

na oryentasyon at kaalaman sa paggamit ng mga kagamitang panturo tulad ng gabay sa

pagtuturo ng pagsulat na maaaring makatulong sa kanila sa pagasasakatuparan ng mga

gawaing pang-akademiko ng kanilang mga anak.

Mahihikayat din ang iba pang mga mananaliksik na magsagawa ng ganitong pag-

aaral bagamat sa ibang kasanayan naman o sa ibang disiplina. Ang pagtukoy sa mga

karaniwang kamalian ng mga mag-aaral ay isang paraan upang matugunan ang kanilang
7

mga pangangailangan. Samakatuwid, kung matutukoy ang mga suliranin ng mga

tinuturuan sa iba’t ibang kasanayang pangkomunikasyon o maging sa iba’ibang disiplina

ay maaaring mabawasan kung hindi man ang malunasan ang mga balakid sa pagkatuto ng

mga mag-aaral.

Makatutulong din ang resulta ng pag-aaral sa mga nagtatangkang bumuo ng mga

kagamitang panturo, tulad ng mga gabay, aklat, modyul o iba pang kagamitang panturo,

mapa-online o printed. Ang pagtukoy sa mga pangangailangan bago bumuo ng isang

kagamitang panturo ay unang hakbang upang higit na maging angkop at epektibo ang

mabubuong kagamitang panturo.

Saklaw at Delimitasyon ng Pag-aaral

Ang pag-aaral na ito ay sumasaklaw lamang sa pagtukoy ng mga karaniwang

kamalian sa pagsulat ng komposisyon ng mga mag-aaral sa ikalimang baitang. Saklaw

din nito ang pagbuo ng gabay sa pagtuturo ng pagsulat batay sa mga mahahangong

karaniwang kamalian.

Ang tanging mga sangkot sa pag-aaral na ito ay lahat ng mga guro sa Filipino na

kasalukuyang nagtuturo ngayong panuruang 2021-2022 sa Distrito ng Dingras 1 at 2 sa

Sangay ng Ilocos Norte. Magkagayonman, lilimitahan lamang sa Filipino V ang

bubuuing gabay. Ito ang napiling baitang ng mananaliksik dahil dito siya nagtuturo ng

asignaturang Filipino.

Nililimitahan rin sa tatlong eksperto ang magsisilbing ebalweytor ng mabubuong

gabay. Naniniwala ang kasalukuyang mananaliksik na sa pamamagitan ng kanilang

karanasan, kakayahan, lawak ng kaalaman sa pagtuturo ng Filipino, pagbuo ng mga

kagamitang panturo at natamong antas ng edukasyon ay nakasasapat na upang sila’y


8

mapasama bilang mga eksperto na tataya sa nilalaman, estratehiya, at kayarian ng

mabubuong gabay sa pagsulat sa Filipino sa ikalimang baitang.

Katuturan ng mga Katawagang Gagamitin

Para sa lalong ikauunawa ng pag-aaral na ito, ang sumusunod na mga katawagan

ay bibigyang-kahulugan batay sa pagkakagamit sa pag-aaral na ito:

Baliditi ng gabay. Ito ay tumutukoy sa kaangkupan ng mabubuong gabay sa

pagtuturo ng pagsulat ng komposisyon para sa ikalimang baitang. Nakatuon ang baliditi

ng gabay sa:

Nilalaman. Tumutukoy ito sa kawastuan, kaangkupan, kaayusan,

kabuluhan, at napapanahong mabubuong gabay sa pagtuturo ng pagsulat.

Estratehiya. Ito ay tumutukoy sa kaangkupan ng mga pamamaraang

gagamitin sa mabubuong gabay.

Kayarian. Tumutukoy ito sa kaangkupan ng kabuuan at pisikal na anyo

ng mabubuong gabay kasama na rito ang ilustrasyon, mga larawang gagamitin at

kaangkupan ng kulay ng mabubuong gabay.

Estratehiya sa pagwawasto. Pamamaraang ginagamit ng mga guro sa Filipino

sa pagtukoy ng mga kamalian sa pagsulat ng mga mag-aaral.

Gabay ng guro. Ang kagamitang panturo na mabubuo batay sa mga karaniwang

kamalian ng mga mag-aaral sa pagsulat. Naglalaman ito ng matrix na kinapapalooban ng

mga kompetensing dapat malinang sa pagsulat, angkop na estratehiya sa pagtuturo ng

pagsulat, paksang aralin, oras na gugugulin sa pagtuturo at pagwawasto ng mga sulatin,


9

mga kagamitang gagamitin sa pagtuturo, ebalwasyon at mga talasangguniang magagamit

sa pagtuturo ng mga paksang-aralin.

Karaniwang kamalian. Mga kamalian ng mga mag-aaral sa pagsulat na

matutuklasan ng mga guro sa Filipino. Ito ay maaaring may kaugnayan sa pagbuo,

paglalahad at kaayusan ng mga kaisipan (Development and organization of thoughts),

kalaliman ng paglalahad ng kaisipan (critical thinking), bokabolaryo (vocabolary),

paggamit ng mga salita ( use of language), baybay, (spelling), gramatika (grammar),

sintaksis (syntax), estilo (style), at pagsunod sa panuto (early instuction).

Komposisyon. Uri ng sulating ipinapasa at isinasagawa ng mga mag-aaral sa

Filipino na naaayon sa mga gawain sa pagsulat hango sa kompetensi sa Filipino sa

ikalimang baitang.
10

KABANATA II

BATAYANG TEORYA

Inilalahad sa kabanatang ito ang mga kaugnay na literatura at pag-aaral na naging

basehan ng mananaliksik upang mabigyang linaw at direksiyon ang isasagawang pag-

aaral. Ilalahad din dito ang mga teorya at batayang konsepto na magsisilbing saligan ng

pag-aaral.

Mga Kaugnay na Literatura at Pag-aaral

Ang Papel ng Wika sa Pagsulat

Ang pagsusulat ay isa sa pangunahing gawain ng mga mag-aaral. Dito

naipapahayag nila ang kanilang mga naiisip at nadarama sa pamamagitan ng sagisag o

simbolo ng mga tunog o salita. Nangangailangan ng agarang paglinang sa kasanayang ito

upang maging handa ang mga mag-aaral sa pagharap ng mga hamon sa larangan ng

pagsulat sa lalong mataas na antas. Ang mga mag-aaral ay may kaniya-kaniyang

ambisyon sa buhay. Ang kanilang kinabukasan ay nakasalalay sa kanilang sariling

kakayanan, at ang pakikipagtalastasan ay bahagi ng kanilang pang-araw-araw na buhay

na may malaking kaugnayan sa kanilang kakayahang makisalamuha sa kapuwa. Ang

pakikipagtalastasan ay maaaring pasulat at pasalita na nangangailangan ng sapat na

kakayahan sa paggamit ng wika.

Ayon kay Salas (2015), wika ang ginagamit sa pakikipagtalastasan upang

maunawaan ang nais ipahayag ng isang tao sa simula pa ng pagkamulat ng ating isipan.

Sa pamamagitan nito, nababatid natin ang gustong ipahayag at iparating sa atin ng iba.

Ito ang nagbubuklod sa atin upang matamo ang kapayapaan at pagkakaisa. Sa


11

pamamagitan ng wika na nakatala sa ating mga batas, polisiya, panukala at mga

panuntunan, nagkakaroon tayo ng mabilisan at tiyak na desisyon hinggil sa paglabag sa

mga patakaran at ordinansa. Sa pahayag na ito ni Salas, malinaw na binibigyan niya ng

importansiya ang kahalagahan ng mga nakalimbag na mga patakaran, ang mga ito ay

nakasulat sa isang maayos at legal na kaparaanan. Samakatuwid, kung wala ang mga

nakasulat na mga batas, polisiya, ordinansa, patakaran at iba pang panukala, marahil ay

napakagulo na ng mundo.

Wika ang instrumento sa pagpapaunlad ng saloobin at sa paghabi ng mga likhang

kaisipan na may mabuting patutunguhan (Badayos 1999). Wika ang gamit sa pagsulat.

Ito ang instrumento upang maipahayag ang anumang nais iparating sa iba. Sa

pamamagitan ng mga nakalimbag na mga aklat, natutuklasan ng susunod na henerasyon

ang mga naganap sa nakaraang panahon at naiuugnay ito sa kasalukuyan. Kung wala ang

mga aklat, wala rin tayong pagkakilanlan sa ating kasaysayan.

Sa aklat nina Bernales, Atienza at Teledon (2009), binanggit nila na ang wika ang

pinakapangunahin at pinakaelaboreyt na anyo ng simbolikong gawaing pantao. Ang mga

simbolong ito ay binubuo ng mga tunog na nililikha ng mga aparato sa pagsasalita at

isinasaayos sa patern na lumilikha sa isang komplikado at simetrikal na estruktura.

Idinagdag pa nila na ang wika ay lubos na makapangyarihan sa anumang lipunan, kultura

at lahi. Wika ang gamit ng tao upang ipahayag ang kanilang nadarama at naiisip sa

paraang pasalita o pasulat. Prominenteng behikulo ito sa paghahatid ng mga imahe,

positibo man o negatibo.


12

Ang Kahalagahan ng Pagsulat

Napakahalaga ng pagsulat sa lahat ng tao. Isang paraan ito ng

pakikipagtalastasan. Naipararating natin ang anumang naisin natin sa sinuman sa

pamamagitan ng pagsulat sa kanila. Napapangalagaan natin ang ating karapatan at

kasaysayan bunga ng mga naisatitik na batas, panukala at mga kautusan. Sa

pamamagitan ng pagsulat, napepreserba natin ang mga sinaunang tala, kultura, tradisyon

at paniniwala ng ating mga ninuno na maituturing nating kayamanan hanggang sa

kasalukuyan tungo sa hinaharap. Sabi nga ni Agbayani (2014):

Napakahalaga ng pagsulat sapagkat sa pamamagitan nito


ang mga tao sa iba’t ibang lugar at panahon ay nagkakaintindihan.
Sa pamamagitan ng mga nakalimbag na tala ay natatalunton ng
mga tao ang kasaysayan ng lahi, ang paniniwala at matatayog na
kaisipan ng ating mga ninuno.

Ginagamit natin ang pagsulat sa paghahatid ng ating nadarama at opinyon sa iba.

Ayon kay Castillo, et al. (2008), kailangang sumulat upang madama ang hindi

nararamdaman ng iba, maipakita ang hindi nakikita ng iba, at mabasa ang hindi nababasa

ng iba. Ganito rin ang paniniwala ni Villanueva (1991), mahalagang masanay tayong

magsulat upang maipahayag natin ang ating naiisip at nadarama sa iba.

Sina Espina, Ramos, Plasenca at Velasco (2014) ay nagsaad na ang pagsulat ay

isa sa makrong kasanayang dapat malinang sa isang mag-aaral. Ito ay kasanayang

pangwika na lubhang makabuluhang matututuhan, gaya ng kasanayan sa pagsasalita,

naging daluyan ito ng pagpapahayag ng ating damdamin at iniisip. Dagdag pa nila, ang

gawaing ito ay hindi madali, nangangailangan ito ng ibayong kaalamang pangkaisipan

kung saan ginagamit ang pag-iisip sa pagpapaunlad ng idea at kung paano ilalahad ang

hanay ng mga kaisipan sa paraang higit na mauunawaan.


13

Si Nicolas (2011) ay naniniwala na isang anyo ng komunikasyon ang pagsulat na

kung saan ang kaalaman o mga idea ng tao ay isinasalin sa pamamagitan ng mga titik at

simbolo. Nagbibigay-daan ito upang maipahayag ng mga tao ang kanilang mga saloobin

sa pamamagitan ng tekstuwal na pamamaraan.

Si Badayos (2001) ay naniniwala na ang pagsulat ay isang mental at pisikal na

aktibidad na isinasakatuparan para sa iba’t ibang layunin. Isang mental na aktibidad

sapagkat pinapairal dito ang kakayahan ng isang tao na mailabas ang kaniyang mga idea

sa pamamagitan ng pagsasatitik sa mga ito. Ito naman ay matuturing na pisikal na

aktibidad sapagkat ginagamitan ito ng paggalaw ng kamay.

Samantalang si White (2004) ay naniniwala naman na ang ating utak ay hindi

lamang nakatuon sa mga salitang nakalista at nakalinya. Bagamat makikita ito sa mga

talumpati at napapanahong papel. Ito ay maayos na nakahanay at may angkop na

paggamit ng mga salita. Ito rin ay dumadaan sa proseso ng pagpipili na nagaganap sa

ating isip.

Ang kaisipang ito ni White ay sinang-ayunan nina Bernales, et al. (2009). Ayon

sa kanila, ang pagsulat ay di birong gawain. Ito ay nangangailangan ng puspusang

disiplinang mental at konsiderableng mental sa pag-iisip at pagdebelop ng mga kaisipan o

paksa. Nangangailangan din ito ng kaalamang teknikal sa epektib na pag-oorganisa ng

mga elementong bumubuo sa idea o sumusuportang paksa.

Sina Sauco, et al., (1998) ay nagsaad na ang pagsulat ay ang paglilipat ng mga

nabuong salita sa mga bagay o kasangkapan tulad ng papel. Ito ay naglalayong mailahad

ang kaisipan ng mga tao.


14

Si Arrogante (2000) ay naglahad ng kaniyang paniniwala na may apat na

kahalagahan ang pagsulat. Ito ay ang kahalagahang panterapyutika, pansosyal, pang-

ekonomiya at pangkasaysayan.

Kahalagahang Panterapyutika. Mahalaga ang pagsulat sapagkat nagiging daan

ito upang maihayag ng indibidwal ang kaniyang mga saloobin. Sa pamamagitan ng

pagsulat, ang hindi natin masabi sa bibig ay naibabahagi natin nang maayos sa iba.

Nakakatulong ito sa ibang tao sapagkat ito ang kanilang ginagawang paraan upang

naibsan at mailabas ang mabigat nilang nararamdaman.

Kahalagahang pansosyal. Likas na sa ating mga tao ang pakikihalubilo at

pakikipagpalitan ng impormasyon sa ating kapuwa. Mahalaga ang ginagampanan ng

mga sulatin sa ating lipunan. Nakakatulong ito upang magkaroon ng interaksyon ang mga

tao kahit na malayo ang kanilang mga kausap. Halimbawa na lamang nito ay ang

pagpapadala natin ng mga sulat sa mga mahal natin na buhay na nasa ibang bansa. Sa

modernong panahon, ang pagsulat ay nahaluan na ng teknolohiya kung kaya’t mas

napabilis at napadali pa ang ating komunikasyon. Nakakatulong din ang pagsulat upang

makapagpalaganap ng impormasyon tungkol sa nangyayari sa kapaligiran tulad ng

pagbabalita gamit ang mga dyaryo at gamit ang social media.

Kahalagahang pang-ekonomiya. Malaki ang naiaambag ng pagsulat sa

ekonomya ng bansa. Sa pamamagitan ng mga nakasulat na mga alituntunin, polisiya, at

mga kontrata ay matuwid na sinusunod ito ng mga mangangalakal at iba pang may

kaugnayan dito. Ang pagtatala ng mga kikitain sa bawat pagbabayad ng buwis ay

nakasulat at ginagamit na basehan. Maliban pa dito, maari ding ituring ito bilang isang

propesyonal na gawain. Sa pagkakaroon ng mataas na kaalaman at kasanayan sa

pagsulat, nagagamit ito ng isang indibidwal upang matanggap sa mga trabaho.


15

Maraming puwedeng pasuking propesyon ang mga manunulat tulad ng pagiging

journalist, script writer sa mga pelikula, pagsulat sa mga kompanya at iba pa na maaring

makatulong upang magkaroon ng kita.

Batay sa mga nailahad na mga kaisipan, paniniwala at mga pananaw ng iba’t

ibang mga awtor at mga proponent hinggil sa wika at pagsulat, napapatunayan kung

gayon na ang isasagawang pag-aaral ay angkop na maisakatuparan upang lalong

mapagyaman ang kakayahan ng mga mag-aaral sa pagsulat at matulungan ang mga guro

na mapalawak ang kanilang estratehiya sa pagtuturo nito.

Mga Estratehiya sa Pagtuturo


ng Pagsulat

Ipinaliwanag ni Elbow (2006) na kailangang mahikayat ang mga mag-aaral sa

gawaing pagsulat kung ano ang tingin nila ay makabuluhan para sa kanila, nang sa gayon,

makasusulat sila batay sa napili nilang paksa at interes. Nakatutulong sa pagharap sa

kahinaan ang diin sa nilalaman at pinalalakas nito ang loob ng mga mag-aaral tungo sa

paglinang ng kasanayan sa pagsulat. Mabisang pamamaraan ito upang makatiyak sa

kakayahan ng mga mag-aaral sa pagsulat.

Sina Flower at Hayes (2001) ay nagtala ng mga paraan sa pagtuturo ng pagsulat.

Ipinaliwanag nila na ang pagsulat ay pagpoproseso ng mga kaalaman at impormasyon

upang matamo ang layunin. Ang isang mahusay na manunulat ay hindi lamang

isinasagawa ang pagsulat bilang linyar na proseso bagkus isinasagawa nila ito nang

paulit-ulit-may pagpaplano, pagbuo ng burador hanggang marating ng manunulat ang

nais na produkto sa pagsulat.

Dagdag ni Badayos (1999) na kay Salas (2014), dapat mabatid ng isang

manunulat ang mga proseso na sinusunod sa pagsulat: pagpili ng paksa, paglikom ng mga
16

ideya, paggawa ng draft o burador, pagrebisa, pag-eedit, at ibayong pgatingin sa buong

manuskrito at paglalathala.

Ipinaliwanag ni Badayos (1999) na ang pagtuturo ng pagsulat ay dapat umayon sa

apat na kaisipan: 1) Mahalaga ang hakbang sa pagtuturo ng pagsulat; 2) Dapat isaaalang-

alang ang paggamit ng mahusay na modelo sa pagtuturo ng pagsulat; 3) Dapat ituro ang

kaalamang pangwika (talasalitaan at balarila) na angkop sa pasgulat ng mga mag-aaral; at

4) Bigyang-diin ang proseso sa pagsulat.

Ayon pa rin sa kaniya, nararapat lamang na malinang ang kakayahan ng isang

mag-aaral sa larangan ng pagsulat dahil magiging puhunan niya ito sa pag-angat sa

buhay.

Ipinaliwanag naman ni White at Arndt (2001), na ang paulit-ulit na pagpapasulat

at paulit-ulit na sumusunod sa hakbang na ito ay natutututo at nagiging mahusay na

manunulat. Ayon pa sa kaniya ang pagsulat ay nangangailangan ng sumusunod: 1)

Pagpapalabas ng ideya; 2) Paggawa ng estruktura; 3) Paggawa ng burador; 4) Pagpokus;

5) Pagtataya o Ebalwasyon at 6) Muling pagtingin sa natapos na manuskrito.

Sina Bernales, et al., (2009) ay naglahad na ang pagsulat ay nararapat na dumaan

sa iba’t ibang yugto. Ito ay ang:

Prewriting. Ang yugtong ito ay pagpaplanong aktibiti, pangangalap ng

impormasyon, pag-iisip ng mga ideya, pagtukoy ng estratehiya at pag-oorganisa ng mga

materyales na gagamitin sa pagsulat.

Writing. Matapos na maorganisa ang mga ideya, datos at madebelop ang

balangkas, handa na para sa yugtong ito, ang pagsulat. Sa yugtong ito, ang mga ideya ay

kailangang maisalin sa bersiyong preliminari ng iyong dokumento na maaari mong

irebays nang paulit-ulit depende kung gaano kinakailangan.


17

Revising. Pagbasang muli sa natapos na sulatin. Pagtukoy kung may kamalian sa

mga nagamit na salita, organisasyon ng pangungusap, pagbabaybay o pagbabantas. Ang

bahaging ito ay pag-eevaluate sa nabuong akda at paghamon sa sarili na mapabuti pa ang

presentasyon ng kanilang mga ideya.

Editing. Ang yugtong ito ay pagwawasto ng mga posible pang mga pagkakamali

sa pagpili ng salita, gramatika, bantas at baybay. Ito ang pinakahuling yugto sa pagsulat

bago maprodyus ang pinal na sulatin.

Ang mga yugtong nabanggit ay sunod-sunod ayon sa pagkakalahad ngunit

importanteng mabatid na ang mga propesyunal na manunulat ay hindi nagtatrabaho nang

hakbang-bawat-hakbang. Ang pagsulat ay prosesong rekarsib at ispayraling, kayat ang

mga manunulat ay bumabalik-balik sa mga yugtong ito nang paaulit-ulit sa loob ng

proseso ng pagsusulat ng isang teksto.

Si Hughey, et.al (1981) ay nagsaad ng mga ESL komponent sa pagsulat ng

komposisyon. Batay sa mga inilahad niyang komponent, nagtataglay ang mga ito ng mga

batayan tulad ng:

Nilalaman. Ito ay naglalahad ng lalim ng paglalahad ng sumusulat, kailangang

malaman, maayos ang pagpapaliwanag sa paksa gamit ang mga sumusuportang kaisipan

na may kaugnayan sa paksang pangungusap.

Organisasyon, Ang komponent na ito ay nagtataglay ng maayos na daloy ng

kaisipan, malinaw na paglalahad ng ideya, direkta sa punto, napakaorganisado, lohikal na

kaayusan at pagkasunod-sunod at kaisahan.

Talasalitaan. Paggamit sa angkop na salita, kahusayan at kabihasaan sa paggamit

nito kasama na dito ang mga malilikhaing salita, at angkop na paggamit ng mga

terminolohiya.
18

Wika. Kaakibat ng komponent na ito ang makabuluhang pagkakahanay at

kaayusan ng mga salita, parirala at pangungusap. Kabilang na dito ang wastong gamit ng

mga salitang pangnilalaman at pangkayarian.

Mekaniks. Kabilang sa komponent na ito ang wastong pagbabaybay,

pagbabantas, paggamit ng malalaking titik, maliliit na titik at maging ang sulat-kamay.

Ang mga nailahad na komponent ayon pa rin kay Hughey na sinang-ayunan ni

Agbayani (2014) ang karaniwang pinagmumulan ng mga kamalian sa pagsulat kung

hindi maisasaalang-alang ang mga tuntuning pangwika at panggramatika.

Ganito rin ang paniniwala nina Habibi, Wachyuni at Husni (2017), ayon sa kanila

may mga salik na dapat isaalang-alang sa pagsulat na kalimitang pinagmumulan ng

kamalian. Ito ay ang: 1) Pagbuo, pagsasaayos at paglalahad ng mga kaisipan

(Organization/Illogical sequence); 2) Pagpili/paggamit ng angkop na mga salita (word

choice); 3) Kaayusang Panggramatika (Grammar); 4) Wastong babaybay (Correct

Spelling); 5) Paggamit ng mga sumusuportang kaisipan (Using supporting ideas). Ang

mga nabanggit na mga salik ang pinagbatayan nina Habibi, et al. sa pagtukoy ng

kamalian sa pagsulat ng mga mag-aaral sa isinagawa nilang pag-aaral. Sa pag-aaral nila,

lumabas na ang poor organization at grammatcal error ang pangunahing kamalian sa

pagsulat ng mga lalaking mga mag-aatal at problem in word choice at grammatical error

naman para sa mga babaeng mag-aaral ng Islamic University of Jambi.

Ang mga komponent/ salik na binanggit nina Hughey (1989), at Husni, Habibi,

Wachuni (2017) ang pagbabasehan ng kasalukuyang mananaliksik sa pagsasakatuparan

ng pag-aaral na ito.
19

Ang Kahalagahan ng Pagtuturo


ng Pagsulat

Isa sa mga kasanayan na dapat matutuhan ng isang mag-aaral ay ang gawaing

pasulat. Napakahalagang magkaroon ang bawat mag-aaral ng kasanayan sa gawaing ito

upang mailabas niya ang kanyang kaisipan, ideya, konsepto o niloloob na hindi kayang

ipahayag sa pamamagitan ng pasalita. Samakatuwid ang pagsulat ay ginagamit na

behikulo upang maihatid ang kaniyang naiisip o nais.

Ayon kina Lakandupil C. Garcia, et al. (2008) ay naniniwala na ang pagsulat ay

paraan ng pagpapahayag ng pag-iisip, kaalaman, at damdamin ng tao. Inihalitulad pa nga

nina Garcia ang mahusay na panulat sa isang masarap na pagkain. Sabi nila:

Tulad ng masarap na pagkain, ang mahusay na panulat ay


isinasagawa nang may masarap na sangkap upang masiyahan
tayong tikman ito mula sa unang subo hanggang sa huli. Ang
mahusay na manunulat tulad ng mahusay na tagapagluto ay hindi
biglaang sumusulpot na taglay agad ang kahusayan.
Nagsasagawa muna ang tagapaglutong ito ng malawakang
pagsasanay upang makamit niya ang kahusayan sa nasabing
larangan. Ang isang manunulat sa kaniyang pag-upo pa lamang
sa lamesang sulatan ay naglalaan na rin ng maraming mga araw
upang makamit niya ang angkop na estilo, katiyakan at kalinawan
sa kanyang panulat.

Sina Sauco, Atienza at Papa (1998) ay nagsabi na mahalaga ang pagtuturo ng

pagsulat dahil nalilinang ang kakayahan ng mga mag-aaral sa paglikha ng mga sulatin.

Sa pamamagitan ng mga limbag na sulatin ang mga tao sa iba’t ibang lugar at sa iba’t

ibang panahon ay nagkakalapit, nagkakaunawaan at nagkakaisa. Ang aspeto ng ating

kultura’y napapanatiling buhay sa pamamagitan nito.

Ayon pa rin sa kanila may mga mekanismo sa pagsulat. 1) Ang talataan ay

nararapat na may kaisahan. Ang mga pangungusap ay kailangang umiikot sa iisang


20

pangkalahatang ideya. Nagtataglay din dapat ito ng pamaksang pangungusap na

nagsisilbing giya o patnubay sa pagbuo ng susuportang pangungusap. 2) Kaugnayan,

kailangang magkakaugnay ang mga pangungusap upang magpatuloy ang daloy buhat sa

simula hanggang sa dulo ng pahayag. Kailangang maayos ang pagkakahanay ng mga

pangyayari o ang diwang ipinapahayag upang maging maliwanag ang pagkakaugnay.

Kabilang dito ang Paggamit ng mga panghalip, kung pangngalan ang ginagamit sa

unang pangungusap o sugnay panghalip ang maaaring gamiting kahalili ng pangngalang

nabanggit sa mga sumusunod na pangungusap. Ginagawa ito upang hindi paulit-ulit ang

paggamit ng pangngalan at upang ang atensyon ng bumabasa ay magbalik sa tinutukoy

ng panghalip. Sa ganitong paraan nagkakaroon ng kawil o ugnayan ang diwa ng mga

pangungusap sa talata. 3) Kaanyuan o kabuuan, ang mabuting talata ay naglalaman ng

kumpletong kaisipan. May pagbibigay-katuturan, paliwanag, katuturan, paliwanag,

pangangatwiran at patotoo. Gumagamit ng ilustrasyon, pagwawangis, pagtutulad o pag-

iiba, pagsusuri, mungkahi, tagubilin, talinghaga, mahalagang sipi at iba pang

pamamaraan upang maging buo o ganap at ganap ang paglalahad ng kaisipan.

Si Badayos (2006) ay nagsaad na ang paghahangad ng tao na maging mahusay na

manunulat ay isang kompleks na proseso kung kaya’t mainam na hanggat maaga pa

lamang ay kailangan ng turuang sumulat ang isang bata. Samakatuwid, kailangan ng guro

ang pagkakaroon ng lubusang pag-unawa sa lahat ng dimension ng proseso sa pagsulat at

nagagawa niya itong isalin upang makabuo ng sariling paniniwala hinggil sa epektibong

pagtuturo ng pagsulat.

Inihalintulad nina nina Lazaro at Liwanag (2006) ang pagtuturo ng pagsulat sa

isang karpintero na nagpaplanong magpatayo ng bahay. Nagsimula ang karpintero sa

pagtatayo ng pundasyon na nagsisilbing istruktura ng pagtatayuan ng bahay. Pagkatapos


21

ay pag-iisipan ang hugis ang disenyo ng bahay sa tulong ng plano. Ang tiyak na uri at

estilo ng bahay ay batay sa pangangailangan ng presensiya ng titira. Malinaw na ang

manunulat ay isinaalang-alang ang kaniyang layunin sa pagsulat sa pagpili ng

pinakaangkop na disenyo para sa organisasyon ng teksto.

Ang kahirapan ng pagsulat ay nakababawas ng tiwala ng mga mag-aaral, ayon

kay Quintinio (2009). Ito ang dahilan kung bakit kailangan nilang maglaan ng panahon

sap ag-aaral kung paano magsulat. Sa paaralan, hindi maiiwasang sumulat ang mga mag-

aaral. Sila ay inaaasahang makapagpahayag ng kanilang mga nalalaman ukol sa iba’t

ibang asignatura sa pamamagitan ng pagsulat. Kung kaya’t kapag ang isang mag-aaral ay

nakaranas ng kahirapan sa pagsulat, ito ay nakakaapekto sa kanyang pagkatuto.

Isa sa mga paraan upang mapangalagaan ang kasaysayan ay ang pagtatala at

pagdodokumento dito. Ang mga nailimbag na mga libro at mga naisulat na tala sa

kasalukuyang panahon ay maaring magamit na reperensiya sa hinaharap.

Ayon kay Tumangan, et al (2001), ang pagsulat ay isang paraan ng pagpapahayag

ng pag-iisip, kaalaman at damdamin ng tao sa pamamagitan ng mga sagisag na mga

tunog ng salita. Ganito rin ang pagpapakahulugan ni Austero (1999) sa pagsulat. Aniya,

sa pamamagitan ng pagsulat naipahahayag ng tao ang kanyang kaalaman at karanasan o

kaalaman at karanasan ng iba. Ang mga kaisipang ito nina Tumangan at Austero ay

sinusugan ni Aspili (2005), ayon sa kaniya, ang pagsulat ay pagbibigay interpretasyon sa

naiisip o nadarama.

Ang kawalan ng karanasan at kaalaman sa isang paksa ay isa sa mga balakid sa

epektibong pagpapahayag at pagbuo ng alinmang sulatin (Austero, 1999).

Ang kaisipang ito ni Austero ay sinang-ayunan ni Cruz (2001). Aniya, ang

pagsulat ay isang komprehensibong kakayahang nauukol sa wastong gamit ng mga salita,


22

talasalitaan, pagbubuo ng kaisipan at retorika. Samakatuwid nararapat lamang na ang

isang mag-aaral ay maihanda at magabayan sa pagkakamit ng kasanayang nabanggit sa

itaas upang maging magaan at mabisa ang pagsusulat.

Sa pag-aaral naman ni Cabrera at De Asis (2008), may dalawang dahilan kung

bakit nagsusulat ang tao: ito ay ang sariling pagpapahayag at ang pangalawa ay paraan ito

ng komunikasyon. Dagdag pa niya, kung ang tao ay sumusulat tungkol sa kaniyang mga

karanasan at istilo ay hindi na niya binibigyang pansin ang mga tuntunin bagkus ay mas

kapansin-pansin sa nilalaman ng kanyang sulatin ang nararamdaman at iniisip habang

isinusulat ang isang akda.

Maging si Mayer (2005) ay nagsaad na ang pagsulat ay paraan upang malinang

ang kakayahan sa pakikipatalastasan tulad sa pagsasalita. Ganito rin ang sinabi ni Byrne

(1989) na ang pagsulat ay kasanayang pangwika na nagsaad ng kaisipan sa paraang

pagtatala. Ito rin ay isang proseso ng pagtuklas, paglalahad, at pagsasaayos ng mga

kaisipan gamit ang papel na iniaayos at nirerebisa.

Sina Diaz at Martin (2013) ay naniniwala na ang pag-iisip ay kasama ng set ng

mga kasanayang pampag-iisip na lumikha, magmanipula, at makipagtalastasan sa iba

pang personal na simbulo ng isip, samakatuwid ang pag-iisip at pagsulat ay kakambal ng

utak.

Mahalaga ang pagsulat sa buhay ng tao. Ito ay paraan upang maiparating sa iba

ang anomang hangarin sa buhay. Sa pamamagitan nito, naisasadukumento ang mga

mahahalagang mga pangyayari at nababasa ng susunod na henerasyon. Mahalaga ring

matutunan ng mga mag-aaral ang pagsulat dahil ito ay paraan upang sila ay matuto. Si

Otanes na kay Austero, et al (2006) ay nagbigay ng kahalagahan ng pagsulat at kung

bakit kailangang matutunan ng mga mag-aaral ang kasanayang ito: Ayon sa kaniya:
23

1) Ang pagsulat ay nakapagdaragdag ng talino dahil sa ginagawang analysis at

syntesis sa mga nakuhang impormasyon; 2) ang pagsulat ay nakapagdaragdag sa

personal na “eesteem”; 3) Ang pagsulat ay nakapanghihikayat sa pagkatuto sa maraming

larangan na gumagamit ng iskil sa pag-awit, sa paggamit ng sining biswal at sistemang

sistemiko; 4) Nakatutulong na mapahusay ang iskil sa pagbasa; 5) Tumutulong sa

pakiking, matapang ang manunulat na iwaksi ang anomang anonymity at anomang may

kalabuan at ito’y kaniyang tinutuklas; 6.) Tumutulong sa mga mag-aaral na magkaroon

ng inisyatib sa paghahanap ng mga impormasyon; at 7) Upang makasunod sa hinihinging

rekwarment ng pag-aaral.

Idinagdag din ni Otanes na hindi lamang ang mga mag-aaral ang makikinabang sa

pagsulat kundi higit sa lahat mga awtor. Sabi niya, para sa mga awtor, ang pagsulat ay

isang intelektwal inquiry, isang pansariling pagtuklas, isang paghuhunos ng damdamin na

bumubukal at nagpapahinog sa diwa’t kaisipan, isang kreeytib na gawaing dinidebelop sa

papel, isang pagbibigay ng sustansiya sa mga bagay na para sa iba ay walang kahulugan,

isang discoveri at malayang hakbang tungo sa katapusan, isang pakikipag-usap.

Napakahalaga ng pagsulat sa tao katulad ng pagsasalita kung saan pinakakawalan

ang laman ng utak. Ang mga kaalamang ito na kapag inilundo ay nagpapakita na kung

sino ang manunulat, ano ang kaniyang sinasabi, ano ang kaniyang identidad, ang tayog

ng kaniyang isip, ang lawak ng kaniyang kakayahan at kaalaman upang makabuo ng

pangunahing ideya.
24

Mga Karaniwang Suliranin at Kamalian


sa Pagsulat ng mga mag-aaral

Matagal ng suliranin ng mga guro kung paano mapapalawak ang kasanayan ng

mga mag-aaral sa pagsulat. Marami ng mga literatura at pag-aaral na nagpapatunay na

ito ang isa sa pinakamahirap ituro at linanging kasanayan sa mga tinuturuan. Ang

suliraning ito ay bunsod ng maraming salik. Isa na rito ay ang kakulangan sa kaalaman

sa wika. Pinatunayan ito ni Harmer (2001), ayon sa kaniya, isa sa pangunahing layunin

ng pagtuturo ng wika ay ang linangin ang kakakayahan ng mga mag-aaral sa apat na

makrong kasanayan: pagsasalita, pakikinig, pagbasa at pagsulat. Sa kabila ng layuning

ito, hindi maikakaila na marami sa mga guro ang nahihirapan na maisakatuparan ang

layuning ito dahil na rin sa kakulangan ng kakayahan nilang gamitin ang wika.

Sa isinagawang pag-aaral ni Bahloul (2007), lumabas na napakaraming suliranin

ang mga mag-aaral sa pagsulat ng komposisyon. Ang mga ito ay: suliranin sa paggamit

ng tamang bantas, suliranin sa paglalahad ng ideya, pagkalito sa paggamit ng

sumusuportang ideya, kahinaan sa pagsasaayos ng mga kaisipan, maling gramatika,

maling baybay, maling paggamit ng malalaking titik. Idagdag pa dito ang ilang mga

maling paggamit ng mga bantas.

Ang natuklasang ito ni Bahloul ay sinoportahan ng pag-aaral nina Habibi,

Wachuni at Husni (2017). Sa kanilang pag-aaral na pinamagatang “Perception on

Writing Problems: A Survey at One Islamic University of Jambi” lumabas na may pitong

uri ng kamalian sa pagsulat ang mga estudyante ng Pamantasan ng Jambi. Ito ay ang:

Maling kaayusan ng mga kaisipan (poor organization); walang saysay ang pagkasunod-

sunod ng mga kaisipan (illogical sequence); maling gamit ng mga salita (problems of

word choice); maling gramatika (grammatical error); maling baybay (spelling error);

kalituhan sa paggamit ng sumusuportang detalye (supporting ideas confusions); maling


25

gamit ng bantas (functuation problem); maling gamit ng malalaking titik (Capitalization

problem) Magkagayon pa man, lumabas din sa kaniyang pag-aaral na ang antas ng

kamalian ng mga mag-aaral sa pagsuat ay hindi gaanong nakakapekto at katamtaman

lamang ang hirap para sa kanila.

Si Raimes, (2003) ay naniniwala na ang ilan pang mga suliranin ng mga mag-

aaral sa pagsulat ay ang pagtukoy sa paksa at sumusuportang ideya o pagtitiyak sa

kabuuan o tiyak na kaisipan. Sinabi pa niya na ang ganitong sistema ng kaisipan ng mga

mag-aaral ay bunga ng kahinaan ng pagtuturo. Ayon sa kaniya:

The problems of organization in student’ writing is the


difficulty of differentiating a topic and supporting ideas or
generalizations and specific details. The poor organization
or illogical sequence maybe also be said to originate from
poor teaching in the learning process (Raimes 2003).

Sina Jayousi (2011) at Bahloul (2007) ay nagsabing isa sa mga karaniwang

kamalian ng mga estudyante sa pagsulat ay paggamit ng wastong baybay. Bunga ito ng

hindi pagkapamilyar ng gumagamit sa wika tulad ng Ingles na mayroong mga pare-pareho

ang baybay subalit iba ang kahulugan at may pare-pareho ang tunog pero iba-iba ang

baybay.

Ang pagsunod sa alituntuning panggramatika ay lubos na suliranin ng mga mag-

aaral sa pagsulat. Kailangang may malawak na kasanayan ang mga mag-aaral sa mga

alituntuning ito upang maging wasto at maayos ang kanilang mga sulatin (Tianco, 2003).

Sa pag-aaral ni Uc (2008) na may pamagat na “Natural Language Learning and

Learning Foreign Language in the Classroom na nailathala sa British Journal of

Language Teaching, natuklasan na lahat ng mga kamalian ng mga mag-aaral ay yaong

mga nakaligtaan at labis na paglalahad. Hindi ito bunga ng pagpapabaya kundi bunga ng
26

sistematikong pagsisikap na makapagpahayag. Ang katotohanang ito ay nakapanlulumo at

nakalulungkot dahil marami pa rin sa mga mag-aaral ang di pa marunong sumulat (Garcia

at Morog (2015). Naniniwala naman si Regana (1990) na ang hindi marunog sumulat ay

kadustahan sa sistema ng edukasyon sa Pilipinas. Dagdag pa niya, libo-libong mga lalaki

at babae ang nagtapos sa High School at libo-libong mga mag-aaral sa kolehiyo ang hindi

man lamang makasulat ng 500 makabuluhang salita tungol sa isang paksa. Tunay na

nakababahala ang ganitong senaryo ng pag-aaral. Hanggang sa kasalukuyang panahon ay

walang pagbabago ang natuklasan ni Regana, dahil maging ang kasalukuyang

mananaliksik ay nagpapatunay na ang mga mag-aaral sa Filipino ay hirap sa pagbuo

maging sa isang simpleng sulatin. Ito ang dahilan kung bakit naisipan ni Regana na

gumawa ng ganitong pag-aaral na katulad ng binabaak ng kasalukuyang mananaliksik,

upang makatulong na mapababa kundi man malunasan ang mga suliranin ng mga mag-

aaral sa pagsulat. Sabi nga ni Tiongco (2003):

Kailangang mapaunlad ang kasanayan ng mga mag-


aaral sa pagsulat dahil ito ang magiging susi upang
mapalawak nila ang kanilang kaalaman sa paggalugad at
pamamahagi ng anomang mga mahahalagang kaisipan.

Sa limang makrong kasanayan, ang pagsulat ang pinakamahirap ituro. Maraming

mga balakid kung bakit mahirap matutunan ng mga mag-aaral ang kasanayang ito. Sina

Holmes (2003) at Bahloul (2007) ay parehong nagsaaad na ang pagsulat ay kaakibat ng

maraming suliranin. Klinasipika nila ang mga suliranin na natuklasan nila sa kanilang

pag-aaral. Ang mga ito ay: paggamit ng malalalking titik, paggamit ng maling bantas,

maling paglalahad ng mga kaisipan, kamalian sa granatika, kabiguan sa paglalahad ng

tamang ideya, maling paggamit ng mga sumusuportang mga detalye at maling baybay.
27

Si Oshima (2007) ay nagbigay ng mga dapat isaalang-alang sa pagsulat. Ito ay

ang: 1) kaalaman sa paksa; 2) kahusayan sa paggamit ng simula, gitna at wakas ng

sulatin; 3) kaalaman sa paglalahad ng pangunahin at mga sumosoportang kaisipan; 4)

etilo kabilang dito ang kakayahan sa paggamit ng wika na nagsasaalang-alang sa mga

target na babasa; at 5) kaalaman sa gramatika.

Ang pag-aaral nina Heyanti, Hadi Sucipto, at Makmur (2017) ay may kaugnayan

sa naunang pag-aaral nina Habibi, et al. (2017) ngunit nakapokus lamang sa kamalian sa

gramatika sa pagsulat ng mga naratibong sulatin ng mga mag-aaral. Sa kanilang pag-

aaral, lumabas na may labindalawang karaniwang mga kamalan ang mga mag-aaral sa

pagsulat ng naratibong mga sulatin. Ito ay ang: maling gamit ng verb-tense, punctuation,

capital letters, word choice, spelling, preposition, pronoun, pluralism, redundancy, word

order, article at possesive case.

Ganito rin ang lumabas sa mga pag-aaral ni Agbayani (2014) na may pamagat na

“Mga Pag-aaral sa Antas Tersiyarya sa Pagsulat ng Reading Log: Basehan sa Pagbuo

ng mga Pagsasanay sa Paglinang ng Kasanayan sa Pagsulat”. Naging pangunahing

layunin ng kanyang pag-aaral na tukuyin at suriin ang mga karaniwang kamalian ng mga

mag-aaral sa antas tersyarya sa pagsulat ng reading log na naging basehan niya sa pagbuo

ng mga gawain o pagsasanay sa paglinang ng kakayahan sa pagsulat. Lumabas sa

kaniyang pag-aaral na may tatlong komponent sa pagsulat na hango kay (Hughey 1981)

ang lumabas na naging kamalian ng mga mag-aaral sa pagsulat ng reading log: Ito ay

ang kamalian sa talasalitaan, wika at mekaniks. Sa talasalitaan, lumabas na ang effective

word idiom choice and usage at word form mastery ang naging kamalian ng mga mag-

aaral. Samantalang ang effective complex construction, word order/function, pang-

angkop at pantukoy sa komponent ng wika at paggamit ng malalaki at maliliit na titik


28

naman ang naging kamalian nila sa komponent ng mekanics. Batay sa mga karaniwang

kamalian ng mga mag-aaral ay bumuo ng gawain o pagsasanay na sadyang

nakapangganyak sa mga mag-aaral na sumulat ng reading log sa epektibong paraan.

Ipinabalideyt niya sa mga eksperto ang nabuong gawain at lumabas na napakataas ng

baliditi.

Ang mga nailahad na mga suliranin/kamalian sa pagsulat ng mga mag-aaral ang

tutuklasin ng pag-aaral na ito, kung kaya’t ang mga kaugnay na literatura at pag-aaral

hinggil dito ay labis na makatutulong upang maisakatuparan ang pag-aaral na ito.

Kasanayan sa Pagsulat: Teorya,


Praktika at Proseso

Si Randaccio (2013) ay nagsagawa ng pag-aaral tungkol sa Kasanayan sa

pagsulat: Teorya at Praktika (Writing Skills: Theory and Practice). Ang kaniyang papel

ay tumalakay sa tatlong bahagi: Una, kasaysayan ng pag-unlad sa pagsulat ng

komposisyon para sa ikalawang wika (Historical Development of ESL Composition), na

kung saan lumabas sa kaniyang pag-aaral na ang mga naisulat na komposisyon na

nalimbag ay naiimpluwesiyahan ng mga katutubong wika; Nadadala ng mga manunuat

ang kanilang unang wika sa pagsulat gamit ang ikalawang wika. Ikalawa, ang

komposisyon sa kasalukuyan ay may pormat na tradisyunal ang kagandahan. Sa

bahaging ito, lumabas sa kaniyang pagsusuri na may sapat na kaalaman na ang mga

manunulat sa paggamit ng ikalawang wika sa pagsulat ng komposisyon. Maayos na

nailalahad ang mga salita kaakibat ng kagandahan ng pagpapakahulugan nila dito.

Ikatlong bahagi ay ang mga teoryang ginagamit sa pagsulat kaakibat ng manunulat (The

Writer: Expressionist and cognitivist, intersctivist and social construction). Dito inisa-isa

niya ang mga teorya na maaaring gamitin ng manunulat sa kanyang pamamaraan ng


29

pagsulat. Binanggit pa niya na ang lahat ng mga pananaw ay maaari niyang gamitin sa

isang kaparaanan ng paglalahad ng kaniyang sulatin.

Ang pagsulat ay nagsisimula sa pagmamasid. Ang isang manunulat ay isang

taong mapagmasid sa kanyang paligid at mula sa mga ito ay nakapipili siya ng paksang

kaniyang maisusulat. Madalas na ang pagsulat ay ginagamitan ng paglalarawan.

Mahalaga na ang manunulat ay mahusay sa paggamit ng mga kongkretong detalye sa

kaniyang paglalahad. Samakatuwid ito ay batay sa teoryang socio-kognitibo.

Sa proseso ng pagsulat, binigyan-diin nina White at Arndt (1991) at Raimes

(1983) na ang pagsulat bilang isang proseso na hindi natatapos sa isang upuan kundi

nahahati sa iba’t ibang yugto. Itinuturing itong isa sa pinakakomplikadong kasanayang

dapat matutuhan ng mga mag-aaral sapagkat habang nagsusulat, natututuhan din nila

kung paano mag-eksperimento gamit ang wika. Dahil sa ganitong kalikasan ng pagsulat,

kailangang iparanas sa mga mag-aaral ang process approach na binubuo ng sumusunod

na mga yugto: bago sumulat; paggawa ng burador; pagrerebisa; pag-eedit at paglilimbag.

Ang mga gurong gumagamit ng ganitong dulog ay nakapagbibigay sa mga

mag-aaral ng dalawang mahahalagang suporta sa pagbuo ng isang sulatin. Ito ay ang

sapat na oras sa pagsusulat at pagbibigay ng puna. Pinatutunayan lamang nito na

nararapat na maituro sa mga mag-aaral ang process approach sa pagsulat upang

maihanda sila sa isang makabuluhang pagsusulat. Inaalis rin nito ang mga balakid na

maaaring humadlang upang maging madali ang pagpapahayag ng saloobin at pananaw

tungkol sa isang paksa. Sa madaling sabi, kung ang mga guro ay sasanayin lamang

ang mga mag-aaral sa pagsulat ng iba’t ibang sulatin, mas mahahasa ang mga ito sa

tamang tuntunin na ng gramatika maiiwasan ang mga kamalian sa pagsulat. Sa

pamamagitan nito mailalahad niya nang maayos ang mga kaisipang nais na ipahayag o
30

isatitik. Bagamat hindi nga makaiiwas sa pagkakamali ang isang mag-aaral sa isang

sulatin, hindi rin mainam na hayaan na lamang ito.

Ang pagsulat ay walang katapusan, paulit-ulit na proseso sa layuning makalikha

at makagawa ng maayos na sulatin. Maituturing itong isang napakahalagang salik ng

pagkatuto ng gawaing pagsulat na siyang magpapatunay na naisagawa ng tao sa lipunan

na kaniyang kinabibilangan.

Ang pagkatuto sa epektibo at malikhaing pagsulat ng bawat mag-aaral ay

maaaring, sa kaniyang paniniwala ay humantong sa tagumpay, ngayon at sa mga susunod

pang mga araw sa ngalan ng pagsusulat (Cantre at Cruz, 2001).

Ang Gabay Bilang Kagamitang Panturo

Ang gabay bilang kagamitang panturo ay ginagamit ng guro upang mabigyang

direksiyon at matiyak na maisasakatuparan ang layunin ng pagtalakay sa paksa tungo sa

paglinang ng kasanayan at pagkatuto ng mga target na mag-aaral na nakabatay sa

alinsunod kompetensi na ipinamahagi ng Kagawaran ng Edukasyon batay sa programa ng

K-12.

Ang binabalak na buuing gabay-panturo sa pagsulat ng kasalukuyang

mananaliksik ay magsisilbing kagamitang panturo na magagamit sa pagtuturo ng Filipino

sa ikalimang baitang. Sa pagbuo nito, isasaalang niya ang mga kaisipan, pamamaraan at

estratehiya sa pagbuo batay sa kaniyang mga nabasang literatura at pag-aaral tulad ng

sumusunod:

Si Pungtilan ay bumuo ng kagamitang panturo sa paglinang ng mga kasanayan sa

pagbasa at pagsulat. Ang kagamitang panturong nabuo niya ay hango sa mga naging

suliranin ng mga mag-aaral sa mga paksang-aralin sa Filipino 2 sa antas tersiyarya. Ang

kaniyang kagamitang panturo ay dumaan sa pamaraang content- input-process-product o


31

CIPP. Ginamit din niya ang Research and Development Method (R and D) sa pagbuo at

pagbalideyt ng kaniyang kagamitang panturo. Sampung mga kagamitang panturo ang

nabuo ni Pungtilan salig sa silabus sa Filipino 2: Pagbasa at Pagsuat Tungo sa

Pananaliksik.

Maging si Agbayani (2014) ay bumuo ng kagamitang panturo sa pagsulat ng

Reading Log na hango sa mga naging kamalian ng mga mag-aaral sa Filipino sa antas

tersiyarya. Ang kaniyang pag-aaral na pinamagatang: “Mga Kamalian ng mga Mag-

aaral sa Antas Tersiyarya sa Pagsulat ng Reading Log: Basehan sa Pagbuo ng mga

Pagsasanay sa Paglinang ng Kasanayan sa Pagsulat. Bilang pamamaraan, tinukoy muna

niya ang mga kamalian ng mga mag-aaral sa pagsulat ng reading log. Sinuri niya ang

mga kamaliang ito at pinagbatayan niya sa pagbuo ng mga pagsasanay sa pagsulat.

Gumamit din niya ang Research and Development (R and D) na pamamaraan sa pagbuo

ng kaniyang pagsasanay. Pinabalideyt niya ito sa mga ekperto at lumabas na napakataas

ng baliditi ng kaniyang nabuong pagsasanay na nangangahulugang angkop gamitin ng

mga mag-aaral sa Filipino sa antas tersiyarya ang nabuong kagamitan.

Si Barangay (2013) ay bumuo rin ng kagamitan na nakapokus naman sa paglinang

ng mga kasanayan sa Filipino VI para sa National Achievement Test (NAT).

Pinaghanguan niya ng kaniyang datos ang resulta ng 2012 NAT ng mga mag-aaral sa

ikaanim na baitang. Mula sa mga below masteri na mga kasanayan ng mga mag-aaral,

ito ang pinaghanguan niya ng mga gawain. Lumabas sa kaniyang pag-aaral na ang below

masteri na kasanayan mga mag-aaral ay: ang paggamit ng mga bantas, pagtukoy sa

pagsusunod-sunod ng mga pangayayri sa kuwento, pagtukoy sa kahulugan ng mga

salita, pagtukoy sa mahahalagang detalye, paggamit ng grapikong materyal, at

paglalarawan sa katangian ng tauhan . Ang mga kasanayang ito ang ginawan niya ng
32

kagamitang panturo. Ipinabalideyt niya sa mga eksperto ang nabuong kagamitan at

natuklasan niyang angkop gamitin ang nabuo niyang kagamitan dahil napakataas ng

baliditi nito.

Si Marco (2010) ay nagsagawa ng pag-aaral hinggil sa “Mga Pamamaraan sa

Pagtuturo ng Pagbasa: Batayan sa Pagdesenyo ng Pagsasanay para sa mga Guro.”

Naging pangunahing layunin ng pag-aaral ni Marco ang matuklasan ang mga karaniwang

pamamaraan sa pagtuturo ng mga guro sa mga kasanayan sa pagbasa sa antas intermidya

na naging batayan niya sa pagbuo ng desenyo para sa pagsasanay ng mga guro.

Ipinabalideyt din niya ang pagsasanay na kaniyang nabuo sa mga eksperto at pagkatapos

kaniyang ginamit sa mga guro sa Distrito ng Bacarra. Lumabas na napakataas ng baliditi

ng nabuong pagsasanay at angkop gamiting gabay ng mga guro sa pagtuturo ng pagbasa.

Maging si Nicolas (2020) ay bumuo ng suplementong kagamitan sa pagbasa salig

sa mga lokal na materyal (Localized Supplementary Reading Materials in Filipino).

Ginamit niya ang pamaraang Research and Development (R&D) sa pagbuo nito.

Lumabas na napakataas ng baliditi ng kaniyang nabuong kagamitan batay sa mga

eksperto.

Ang mga nabanggit na mga pag-aaral ay magsisilbing saligan ng isasagawang

pag-aaral ng kasalukuyang mananaliksik lalo na sa pagbuo ng kagamitang panturo. Ang

mga nabanggit na pamamaraang ginamit ng mga mananaliksik ang gagamitin ding

pamamaraan ng kasalukuyang mananaliksik. Malaking ambag ang mga pag-aaral na ito

sa lalong ikalilinaw at ikabibilis ng pagbuo ng gabay ng mananaliksik.


33

Batayang Teorya

Ang pananaliksik na ito ay ibinatay sa teorya ng kakayahang pangwika ni Noam

Chomsky (1965), na tumutukoy sa walang malay na kaalaman sa gramatika na

nagpapahintulot sa isang tagapagsalita na gumamit at maunawaan ang isang wika.

Naniniwala rin ang pag-aaral na ito sa pananalig ng mga istrukturalista na ang wika ay

isa lamang kodigo na binubuo ng istruktura o linguistic accuracy na ang kakayahang

panlinggwistika ay ang pagkabihasa at kasanayan sa paggamit ng wika – ng kaniyang

ponolohiya, morpolohiya at sintaks at ang kakayahan sa istruktura ng wika ay may

malaking kinalaman sa pagsulat. Sa pagbuo ng gabay sa pagturo, ibinatay naman kay ni

Lev Vygotsky (cited by Bredo, 1997).

Isa sa mga pinagbatayan ng pag-aaral na ito ay ang pag-aaral ng mga kaisipan ng

kakayahang pangwika (language competence). Iba-iba ang pananaw ng mga

linggwistika ukol dito. Sa mga istrukturalista ang paglalarawan ng kayarian ng wika ang

binibigyang-pansin (Bayo,1994). Pinaniniwalaan nila na ang wika ay isa lamang kodigo

na binubuo ng istruktura o linguistic accuracy iginigiit nila na ang kakayahang

panlinggwistika ay ang pagkabihasa at kasanayan sa paggamit ng wika – ng kaniyang

ponolohiya, morpolohiya at sintaks.

Si Savignon (1972) ay nagpahayag naman ng kanyang pananaw ukol sa

kakayahang komunikatibo. Ayon sa kanya ang binabanggit ng mga istrukturulista na

kakayahan sa tamang pagbigkas, bokabularyo at gramatika na bumubuo sa

pakikipagtalastasan.

Batay sa mga naunang nabanggit na mga teorya malinaw na inilalahad na ang

komunikasyon ay hindi lamang sumasaklaw sa linggwistika o kaalaman sa istruktura


34

kundi maging ang iba pang salik ng pakikipagtalastasan tulad ng kakayahang gamitin ang

pangungusap sa iba’t ibang pagkakataon pasulat man o pasalita.

Isa sa mga instrumento ng komunikasyon ay ang pasulat na nabibilang sa apat na

makrong kasanayan ng wika: 1.) Pakikinig 2.) Pagsasalita 3.) Pagbasa 4.) Pagsulat

“Kapag tumigil sa pagsulat ang isang tao, tumitigil na rin siya sa pag-iisip”

(Keller, 1992) na kay Salas (2017). Dahil sa pagsulat naitatala ng tao ang lahat ng

karunungan at kaalaman, mula sa mga pansariling karanasan hanggang sa mga

kaalamang pang-edukasyon.

Komprehensib ang pagsulat sapagkat bilang isang makrong kasanayang

pangwika, inaasahang masusunod ng isang manunulat ang maraming tuntuning kaugnay

nito. Maituturing na isang mataas na uri ng komunikasyon sapagkat esensyal dito ang

napakaraming elemento at kailangan ng gramatika at talasalitaan.

Sinabi ni Badayos (1999), na ang kakayahan sa pagsulat nang mabisa ay isang

bagay na totoong mailap para sa nakararami sa atin maging ito'y pagsulat sa unang wika

o pangalawang wika man. Ito ay nangyayari sa kabila ng maraming taong ginugugol

natin sa pagtatamo ng kasanayang ito. Sa pagkakataong ito, maaari nating tanggapin na

ang pagsulat ay isang kasanayang pangwika na mahirap matamo. Subalit mayroon

tayong magagawa kung pag-aaralan nang wasto ang epektibong paraan ng pagsulat.

Sa pagsulat, hindi lamang kagandahan kundi kaayusan ang dapat isinasaalang-

alang (Abad at Ruedas 2000). Ang kagandahan ay tumutugon sa retorika at balarila

naman ang kumakatawan sa kaayusan nito. Kaakibat ng balarila ang tatlong bahagi nito:

ponolohiya, morpolohiya at sintaksis.

Sa pagsulat, malimit na nagkakamali ang mga mag-aaral sa morpolohiya at

nagkakaroon ng maling gamit ang isang salita at kapag ginamit ang maling salita sa pag-
35

uugnay-ugnay o pagsasama-sama ng mga salita upang makabuo ng pangungusap, ito’y

nawawalan na ng kahulugan (Amio, 2018).

Mahalaga samakatuwid, na bilang guro sa Filipino ay may angking kakayahan sa

pagtuturo ng asignaturang ito (Estruktura ng Wikang Filipino). Isa ang guro na magiging

daan upang malinang at mapalawak ang kakayahan ng mga mag-aaral sa paraan ng

pagsulat ng iba’t ibang sulatin at malinang ang kasanayan sa paggamit ng tamang salita at

ang paggamit ng gabay sa pagtuturo ay napakahalaga.

Ang bubuuing gabay ng kasalukuyang mananaliksik ay ibabatay sa teorya ni Lev

Vygotsky (cited by Bredo, 1997) na kung saan may paniniwalang ang mga

makabuluhang gawain ay impluwensiya ng pakikisalamuha. Pinahahalagahan nito ang

interaksyong intapersonal (social), kutural-historikal at pansariling katangian bilang susi

sa pag-unlad ng indibidwal.

Sa paniniwalang ito ni Vygotsky, ang mga mag-aaral ay natututo sa pamamagitan

ng mga konsepto ng kanilang pang-araw-araw na pakikisalamuha sa mga nakatatanda.

Kung gayon, ang mga gawaing ilalahad sa bubuuing gabay sa pagsulat ay hihikayat sa

pagkatuto ng mga mag-aaral sa pamamagitan ng pakikisangkot at paglalahad ng kanilang

mga karanasan, nabasa, napanood at naobserbahan sa pamamagitan ng pagsulat ng

komposisyon.

Ang gabay sa pagtuturo ang magsisilbing direksiyon at patnubay ng guro sa

pagsisimula hanggang sa pagtatapos ng kaniyang pagtuturo. Nakapaloob dito ang

layunin, pamamaraan, at mga kasanayang lilinangin na nakasalig sa kompetensing

nakapaloob sa kurikulum ng pag-aaral


36

Batayang Konsepto

Batay sa mga teoryang nabanggit, ang mananaliksik ay may layuning matukoy

ang mga karaniwang kamalian ng mga mag-aaral sa pagsulat ng komposisyon at kug ano-

ano ang mga estratehiyang ginagamit ng mga guro sa pagwawasto ng mga sulatin.

Magiging batayan ito sa pagbuo ng gabay sa pagtuturo ng pagsulat gamit ang paradim na

Input-Process-Output (IPO). Makikita ang paradim sa susunod na pahina.

Sa input, makikitang magiging batayan sa pagbuo ng gabay-panturo sa pagsulat

ang mga karaniwang kamalian ng mga mag-aaral sa pagsulat ng komposisyon at mga

estratehiya sa pagwawasto ng mga kamalian ng mga guro. Ihahanay ng mananaliksik ang

mga kamaliang ito batay sa kategorya ng kamaliang ginamit nina Habibi, Wachyuni at

Hasni (2017) na : Maling kaayusan ng mga kaisipan (poor organization); walang saysay

ang pagkasunod-sunod ng mga kaisipan (illogical sequence); maling gamit ng mga

salita (problems of word choice); maling gramatika (grammatical error); maling baybay

(spelling error); kalituhan sa paggamit ng sumusuportang detalye (supporting deas

confusions); maling gamit ng bantas (functuation problem); maling gamit ng malalaking

titik.
37

INPUT PROCESS OUTPUT


MGA KAUGNAY NA PAGSUSURI: KINALABASAN:
LITERATURA
Presentasyon at
Karaniwang pagsusuri ng
Kamalian mga kamalian ng
mga mag-aaral
GABAY SA
Mga Estratehiya PAGTUTURO NG
sa Pagwawasto PAGSULAT

Mga Estratehiya Pagbuo ng gabay


sa Pagwawasto batay sa mga
kamalian at
angkop na
estratehiya

Pagbabalideyt
ng mabubuong
gabay

Pagrebisa sa
Mabubuong Gabay

Larawan 1. Paradim ng pag-aaral

Sa process naman, ibabatay ito sa kalalabasan ng sarbey, bubuo ng gabay-panturo

sa pagsulat ang mananaliksik hango sa mga kamalian at ibabatay niya ito sa mga

kompetensing dapat malinang para sa mga mag-aaral ng ikalimang baitang sa Filipino.

Ang output ay ang mismong Gabay sa Pagtuturo ng Pagsulat na magsisilbing

kagamitang panturo na magagamit sa pagtuturo ng mga guro sa Filipino.


38

KABANATA III

PAMAMARAAN NG PAG-AARAL

Ang kabanatang ito ay naglalahad ng disenyo, mga kalahok, instumento at mga

hakbang na isasagawa ng kasalukuyang mananaliksik sa pagsasakatuparan ng pag-aaral

na ito.

Disenyo ng Pag-aaral

Gagamitin ang disenyong palarawan sa pamamagitan ng pamaraang Pagsaliksik

at Pagbuo (Research and Development Method) na may tatlong bahagi- pagpaplano,

pagbuo at pagbalideyt dahil nakatuon ang pag-aaral na ito sa pagtukoy ng mga

karaniwang kamalian sa pagsulat ng komposisyon ng mga mag-aaral na magiging

batayan sa pagbuo ng gabay sa pagtuturo ng pagsulat ng mga guro sa ikalimang baitang,

Mga Hakbang sa Pagsasagawa ng Pag-aaral

Makatitiyak na magiging matagumpay ang isasagawang pag-aaral sapagkat

susundin ng kasalukuyang mananaliksik ang sumusunod na hakbang:

Pagpaplano.Ang kasalukuyang mananaliksik ay susulat at ipapasa ang proposal

upang makakuha ng Ethical Research Clearance sa University Research Ethics Review

Board (URERB). Isasabay na rin niya ang paghingi ng pahintulot sa Schools Division

Superintendent sa Sangay ng Ilocos Norte at sa Tagamasid-pampurok ng Filipino sa

Distrito ng Dingras 1 at 2 upang maisakatuparan ang pag-aaral. Pagkatapos makuha ang

pahintulot ng URERB, superintendent at supervisor sa Filipino, tutukuyin ng

mananaliksik kung ilan at sino-sino ang mga guro sa Filipino sa Distrito ng Dingras sa
39

taong panuruan 2021-2022 batay sa rekord ng Tanggapan ng Kagawaran. Pagkatapos

matukoy ang mga gurong posibleng maging respodente, ay gagawa siya ng liham para sa

kanila na humihingi ng pahintulot na maging bahagi sila ng kasalukuyang pag-aaral.

Ang mananaliksik ay nagtungo sa silid-aklatan ng mga pamantasang matatagpuan

sa probinsiya ng Ilocos Norte at nagsaliksik sa kabila ng pandemyang sinusuong nito. Sa

pamamagitan ng pagsunod sa health protocol ay pinahintulutan naman siyang

makapasok, magsaliksik, at magbasa ng mga aklat at mga pag-aaral sa mga nasabing

silid-aklatan. Maliban pa dito, lalo’t higit na ginugol ng mananaliksik ang kaniyang oras

sa pagbabasa ng mga kaugnay na pag-aaral at literatura mula sa internet o online

materials.

Sa pamamagitan ng talatanungang hango sa Self Assesstment of English Writing

Skills and Use of Writing Strategies at talatanungang hango sa pag-aaral nina Habibi, et

al. (2017) ay bubuo ang mananaliksik ng sarvey questionnaire na gagamitin bilang

instrumento ng pag-aaral. May konting pagbabago ang talatanungang hahanguin

sapagkat nakapokus sa Filipino sa halip na sa Ingles ang tuon ng talatanungan. Ito rin ay

isasalin niya sa Filipino. Nakatuon din ang mga tanong sa guro sa halip na sa mga mag-

aaral. Tignan ang pahina _____hinggil sa talatanungang ito.

Upang makatiyak sa makakalap na inpormasyon hinggil sa mga karaniwang

kamalian ng mga mag-aaral sa pagsulat, hihilingin niya sa mga gurong kabilang sa pag-

aaral na sagutin ang talatanungan via google form. Sisiguraduhin niyang lahat ng mga

respondente ay tutugon sa talatatungan, sasadyain niya ang mga hindi makasasagot ng

naturang talatanungan kung kinakailangan upang makompleto ang datos na makakalap.


40

Batay sa mga nakalap na impormasyong hango sa talatanungan at panayam,

susuriin ng mananaliksik ang kalalabasan nito. Ito ang magiging basehan niya sa pagbuo

ng gabay sa pagtuturo ng pagsulat.

Paglinang.Mula sa resulta ng mga nakalap na datos, sisikapin ng mananaliksik na

tugunan ang mga karaniwang kamalian sa pagsulat ng mga mag-aaral sa pamamagitan ng

pagbuo ng gabay sa pagtuturo. Sisimulan niya sa pagbuo ng matrix na hango sa Most

Essential Learning Learning Competencies sa Filipino 5 na ipinamahagi ng Kagawaran

ng Edukasyon. Titiyakin din niyang matutugunan ang mga suliranin sa pagsulat sa

pamamagitan ng paggamit ng mga makabagong Apps sa pagtuturo na naayon sa

kasalukuyang panahon ng pagtuturo at pag-aaral o new normal way of teaching-learning

method.

Pagbalideyt. Upang matiyak ang kaangkupan at kabisaan ng nabuong gabay sa pagtuturo

ng pagsulat, ipababalideyt niya ito sa tatlong eksperto sa kaugnay na gawain. Ang mga

eksperto ay kinabibilangan ng mga propesor at supervisor sa Filipino sa probinsiya ng

Ilocos Norte na masasabing gamay na ang gawaing pagtataya o pagtatasa sa mga

kagamitang panturo, maliban pa na silang lahat ay nagtamo na ng digring doktorado sa

kanilang larangan at eksperto sa larangan ng pagtuturo ng Filipino at pagbuo ng mga

kagamitang panturo.

Matapos na maisaayos ang lahat ng suhestiyon ng mga eksperto, kaagad

na ipapakita at isasangguni ng mananaliksik sa kaniyang tagapayo ang nabuong gabay.

Matapos na sumang-ayon ang tagapayo ay isusulat na niya ang pinal na gabay sa

pagtuturo ng pagsulat.
41

PAGPAPLANO Paghingi ng Pahintulot


(URERB, Superintendent,
Supervisor)

Pagbasa ng mga Kaugnay na


Literatura at Pag-aaral

Pagpapasagot sa google
questionnaire sa mga Guro

Pagtukoy sa mga Karaniwang


Kamalian sa Pagsulat

PAGLINANG
Pagbuo ng Gabay
Panturo

Pagbalideyt sa Nabuong
Gabay Panturo

Pagrebisa sa Gabay
Panturo

PAGBALIDEYT Pagsulat ng Pinal na Gabay


sa Pagtuturo ng Pagsulat

Larawan 2. Hakbang sa pagbuo ng Gabay sa Pagtuturo ng Pagsulat


42

Lunan ng Pag-aaral

Ang pag-aaral na ito ay isasagawa sa Sangay ng mga Paaralan ng Ilocos Norte

(Schools Division of the Ilocos Norte), sa Distrito ng Dingras na kung saan may

dalawampu’t apat (24) na mga guro ng Filipino na nagtuturo sa kasalukuyang panuruan,

2021-2022.

Ang Distrito ng Dingras ay nabibilang sa pangalawang distrito na nasa bahaging

Timog-Silangan ng Ilocos Norte. Binubuo ng labing dalawang paaralan ang Distrito I na

kinabibilangan dito ang Baresbes ES, Barong ES, Dingras Central ES, Elizabeth ES,

Elizabeth-Lanas ES, Francisco ES, Mabino ES, Medina-Parado ES, Saludares-Cali ES,

San Marcelino ES, Sulquaino ES, at Ver ES. Sa Dingras 2 naman ay kinabibilangan ng

mga paaralang Bagut ES, Bacsil Es, Capasan ES, Dingras West Central ES, Espiritu ES,

Hilaria Salvatierra Mem.ES, Mandaloque ES, Peralta ES, Sagpatan ES, San Esteban ES,

San Marcos ES, Suyo ES.

Napili ang Distrito ng Dingras hindi lamang dahil dito nanunungkulan bilang guro

at tagapagsanay at focal person ng Information and Communications Technology (ICT)

ang kasalukuyang mananaliksik kundi ang pagbuo ng mga gabay na tulad ng bubuuin ng
43

mananaliksik ay isa sa mga trust o pangangailangan ng mga paaralan sa nasabing distrito

ayon na rin sa kautusan ng Kagawaran ng Edukasyon, DepEd Memo No.12, s.2020.

Populasyon at Sampol ng Pananaliksik

Ang hangaring makatulong sa mga kapuwa-guro sa Filipino, partikular na

sa mga guro sa ikalimang baitang ang isang isinaalang-alang sa pagpili ng mga

respondente sa pag-aaral na ito. Naniniwala ang kasalukuyang mananaliksik na lalo’t

higit na mainam kung ang mga kinatawang tutugon sa mga pangangailangan ng

pananaliksik na ito ay mga gurong tunay na nakararanas ng mga suliranin sa pagtuturo at

pagwawasto ng pagsulat. Gagamitan ng purposive sampling ang pag-aaral na ito. Ito ang

dahilan kung bakit mga guro sa Filipino sa Distrito ng Dingras 1 at 2 lamang ang

magiging kinatawan ng pag-aaral. Binubo ng dalawampu’t apat (24) na mga guro ang

magiging kinatawan. 12 mula sa unang distrito at 12 naman sa ikalawang distrito.

Dalawampu’t apat ang kabuuang bilang ng mga gurong nagtuturo sa ikalimang baitang

kabilang na ang mananaliksik. Tanging mga guro sa Filipino sa ikalimang baitang

lamang ang paghahanguan ng mga kompetensi para sa bubuuing gabay sa pagtuturo ng

pagsulat batay sa mga matutuklasang mga karaniwang kamalian ng mga mag-aaral sa

pagsulat.

Ang mga Instrumentong Gagamitin

Ang pag-aaral na ito ay gagamit ng isang sarbey o tseklist bilang

instrumento sa pangangalap ng mga datos.

Sarbey tseklist. Ang sarvey questionnaire ng kasalukuyang mananaliksik ay

ibinatay sa Questionnaire Assesstment of English Writing Skills and Use of Writing


44

Strategies. Magkagayon man, sinadyang babaguhin ang target na wikang gagamitin

dito, sa halip na Ingles ang pagtutunan ng pansin ay gagawing Filipino dahil kapuwa

namang pangalawang wika ng mga mag-aaral ang Ingles at Filipino. Isasalin sa Filipino

ang talatanungan at sa halip na mga mag-aaral ang target na pagtutuunan ng tanong ay

gagawing talatanungan para sa mga guro na kagaya ng pokus ng pag-aaral na ito.

Idadagdag din ang ilang katanungan na hango sa pag-aaral nina Habibi, Wachyuni at

Husni (2017) na patungkol sa mga karaniwang kamalian sa pagsulat ng mga mag-aaral.

Lahat ng mga guro sa Filipino na kabilang sa Distrito ng Dingras 1 at 2 ang

magiging kinatawan na siyang sasagot sa talatanungang inihanda ng mananaliksik. Ang

unang bahagi ng survey instrument ay tungkol sa pagtataya sa kakayahan sa pagsulat ng

mga mag-aaral, ang ikalawang bahagi ay nakatuon sa paggamit ng mga estratehiya sa

pagtuturo ng pagsulat na hinahati sa tatlong bahagi: bago, habang at pagkatapos sumulat.

Ang ikatlong bahagi naman ng talatanungan ay nakatuon sa mga karaniwang kamalian sa

pagsulat ng komposisyon ng mga mag-aaral Ang bahaging ito ng talatanungan ay hango

sa talatanungan nina Habibi, Wachyuni at Husni (2017).

Sa pagbibigay ng iskor sa talatanungang ipasasagot sa mga guro sa Filipino,

gagamitin ang pamantayang nakasaad sa ibaba:

Iskor Paglalarawan sa Marka

4 Palagi (P)

3 Paminsan-minsan (PM)

2 Minsan (M)

1 Hindi Kailanaman (HK)


45

Sa ikalawang bahagi ng talatanungan, nakatuon ito sa pagtukoy sa mga

karaniwang suliranin sa pagsulat ng mga mag-aaral, gagamitin ang Likert Scale na hango

kay Tuckman (1978) na ginamit sa pag-aaral ni Pungtilan (2012) na may limang iskala na

tulad ng makikita sa ibaba:

Iskor Paglalarawan sa Marka

5 Lubos na Sang-ayon (LS)

4 Sang-ayon (S)

3 Bahagyang Sang-ayon (BS)

2 Hindi Sang-ayon (HS)

1 Lubos na Di- sang-ayon (LDS)

Para sa unang bahagi ng talatanungan, ang pagitan ng interbal na kinapapalooban

ng weighted average score ay tiniyak sa pamamagitan ng pamantayang makikita sa

ibaba:

Interbal Paglalarawan ng Marka

3.51 - 4.00 Palagi (P)

2.51 - 3.50 Paminsan-minsan (PM)

1.51 - 2.50 Minsan (M)

1.00 - 1.50 Hindi Kailanman (HK)


46

Para sa ikalawang bahagi ng talatanungan, sa pagtukoy ng suliranin sa pagsulat ng

mga mag-aaral ayon sa persepsyon ng mga guro, ang pagitan ng interbal na

kinapapalooban ng weighted average score na makikita sa ibaba:

Interbal Paglalarawan ng Marka

4.51 - 5.00 Lubos na Sang-ayon (SA)

3.51 - 4.50 Sang-ayon (S)

2.51 - 3.50 Bahagyang Sang-ayon (BS)

1.51 - 2.50 Hindi Sang-ayon (HS)

1.00 - 1.50 Lubos na di-sang-ayon (LDS)

Validation scale. Upang matukoy ang kaangkupan at kawastuan ng mabubuong

gabay sa pagtuturo ng pagsulat, tatlong eksperto sa larangan ng Filipino ang magsisilbing

ebalwetor gamit ang Content Validation Instrument. Ang nasabing instrumento ay

binagong bersiyon mula sa ginamit ni Castillo (2020) na ginamit sa pag-aaral ni Duldulao

(2021). Gagamitin ang sumusunod na iskala sa pagbibigay iskor sa pagtukoy ng

kaangkupan ng mabubuong gabay:

Iskor Paglalarawan ng Marka

3.51 - 4.00 Napakataas ang baliditi

2.51 - 3.50 Mataas ang baliditi

1.51 - 2.50 Katamtaman ang baliditi

1.00 - 1.50 Mababa ang balidit

Isinasaalang-alang ang antas ng edukasyon, mga karanasan sa pagbuo ng

kagamitang panturo at kasanayan sa pagtuturo ng pagsulat sa pagpili ng mga ekspertong


47

magsisilbing ebalweytor ng mabubuong gabay ng kasalukuyang pananaliksik. Ang

mapipiling mga ebalweytor ay isasangguni at paaabrubahan muna sa lupon ng pag-aaral

ng mananaliksik.

Istatistikal na Paglalapat

Upang maging angkop ang kalalabasan ng pag-aaral at pagbuo ng gabay sa

pagtuturo ng pagsulat, sasailalim ito sa istatistikal na pamamaraan ang mga nakolektang

datos mula sa mga instrumentong ipimamahagi sa mga respondente. Gagamitin ang

weighted mean score (x) sa pagtukoy ng mga karaniwang kamalian ng mga mga mag-

aaral sa pagsulat at gayon din sa baliditi ng nabuong gabay.

Sa pagbibigay ng iskor sa talatanungang ipasasagot sa mga guro sa Filipino,

gagamitin ang pamantayang nakasaad sa ibaba:

Iskor Paglalarawan sa Marka

4 Palagi (P)

3 Paminsan-minsan (PM)

2 Minsan (M)

1 Hindi Kailanaman (HK)

Sa pagpapakahulugan ng mga sagot ng mga respondente, ang pagitan ng interbal

na kinapapalooban ng weighted average score ay titiyakin sa pamamagitan ng

pamantayang makikita sa ibaba:

Interbal Paglalarawan ng Marka

3.51-4.00 Palagi (P)

2.51-3.50 Paminsan-minsan (PM)


48

1.51-2.50 Minsan (M)

1.00-1.50 Hindi Kailanman (HK)

Gagamitin pa rin ang weighted mean score (x) para sa pagpapakuhulugan sa mga

natamong iskor para sa baliditi ng nabuong gabay sa pagtuturo ng pagsulat.

Iskor Paglalarawan ng Marka

3.51-4.00 Napakataas ang baliditi

2.51-3.50 Mataas ang baliditi

1.51-2.50 Katamtaman ang baliditi

1.00-1.50 Mababa ang baliditi

You might also like