You are on page 1of 2

Ilang mga Nanaluktok na Sanaysay ay ang mga sumusunod:

1. “Urbana at Felisa” ni Modesto de Castro


2. “Los Indolencious delos Filipinos” ni Jose P. Rizal
3. “Liham sa mga Dalagang Taga Malolos” ni Jose OP. Rizal
4. “Liwanag at Dilim” ni Emilio Jacinto
5. “Ang dapat Mabatid ng mga Tagalog” ni Andres Bonifacio
6. “Mga Piling Sanaysay” ni Alejandro Abadilla
7. “Sanaysay” ni Gemiliano Pineda
8. “Ako’y isang Tinig” ni Genoveva Edroza
9. “Bato sa Katedral” ni Ponciano Pineda
10. “Pintig” ni BS Medina Jr.
11. “Burges o Bakya” ni Jose Lacada
12. “Ang Muling Edukasyon ng mga Pilipino” ni Renato Constantino
13. “Saan Patungo ang Langay-Langayan” ni Buenaventura S. Medina Jr.
14. “Si Lope K. Santos sa Pagpapayaman ng Wika” ni Ponciano Pineda
15. “Paano Nagsusulat ang Isang Ina” ni Ligaya Tiamson-Rubin
16. “Ako’y Pilipino” ni Vedasto Suarez
17. “Ang Sanaysay sa Kamay ni Aling Bebang” ni Isagani Cruz
18. “Ang Tao sa kanyang Sarili” ni Alejandro Q. Peres
19. “Bumilang MUna ng Sampu Bago Mamintas” ni Pura Santillan Castrence

Ilang Halimbawa at nilalaman ng piling Sanaysay:

1. “Kung Bakit Asal Mayaman si Pedro Maralita” ni Bienvenido Lumbera


Paksa – Epekto ng pribadong paaralan sa mga mag-aaral, lipunan at ekonomiya ng Pilipinas
Tema – Ang pagpapanggap upang matanggap sa isang Lipunan ay tila likas sa lipunang nabubuhay sa hirap.
 Sabihin mo kung sino ang kaklase mo at sasabihin ko kung sino ka.
 Mga Pedrong Maralitang mahilig sa buhay mayaman.
 Mapanlinlang ang pangakong kaginhawaan.
 Walang ibang batayan kundi yaman at ari.
 Pagpupunyaging makaaakyat sa pamamagitan ng edukasyon.
2. “Burges at Bakya” ni Jose Lacaba
Paksa – Kalituhan ng mga Pilipino sa kung anong kultura ang tatanggapin, kolonyal (burges) ba o masa (bakya)
 Nasa panahong transisyunal ang kulturang Pilipino
 Hinahangad na maging makabayan at maka-Pilipino pero hindi maiwaksi ang kaisipan at kaanyuang
kolonyal
 Pinaghambing ang bakya at burges
 Mas malawak na kahulugan ng burges – interes sa material ang iniisip, sariling kapakanan ang
pinangangalagaan at pagkakakitaan ang inaatupag
3. ‘Saan Patungo ang Langay-Langayan” ni Buenaventura S. Medina, Jr.
Paksa: Tunay na kahulugan ng Paglaya
Tema: Ang paglaya ay ang pagkaunawa sa sarili at daigdig
 Alipin ako sa sariling pagnanasa na guminhawa at lumigaya ngunit nababakla ang daigdig na sa wari’y
lumalaki at ako’y naiiwan na tila butyl ng buhanging makapuwing ma’y di makasugat.
4. “Kayumangging Mumunting Kano” ni Teo Baylen
Paksa – Ang mga banyagang Pilipino sa bansa
Tema – impluwensyang kanluranin nagpabago sa diwang Pilipino
 Maitim ang buhok, maitim ang balintanaw ng mga matang singkit, mga sarat ang ilong at kayumanggi
ang balat ngunit sila’y mga tunay na mamamayang Amerikano.
5. “Amerikanisasyon ng Isang Pilipino” ni Ponciano B. Pineda
Paksa – Kalagayan ng ating bansa na nasakop ng Amerikano sa ugali, pananamit at pananalita.
 Ang amerikanisasyon ay isang sakit na talamak na sa katawan ng ating lipunan
 Naglalarawan ng batang Pilipino sa isip, sa salita at sa gawa
 Ang trahedya ay nakaturo sa Sistema ng Edukasyon
6. “Sandaang Taon ng Panagimpan at Himutok” ni Virgilio Almario
Paksa – Literatura ng Panagimpan at himutok
Teama – konserbatibo vs modernong pamamaraan at pananaw ng Manunulat
 Panagimpan – nakabilanggo sa alaala ng maganda’t ulirang kahapon
 Himutok – desidido sa pagsusuri ng kasalukuyan at nangyari
 Layunin ng panagimpan na pigilin ang takbo ng kasaysayan at ibalik ang kamay ng orasan
 Ang masigasig na pagsisisyasat sa anumang problema at tunggalian ang higit na dapat pag-ukulan ng
lakas at talino ngmga kritiko’t manunulat.
7. “Albanya Hanggang Bataan: Mga Anyo ng Talinghaga ni Balagtas” ni B.S. Medina Jr.
 Talinghaga sa Kalayaan
 Awit- ibon mang may layuning lumipad
 Balagtas – Albanya
 Unang nagsatinig ng pakikipagtunggali ng isang bayan na manatiling Malaya
 Perdito Eden – Mi Ultimo Adios ni Rizal
 Aling Pag-ibig pa – Bonifacio
 Ang panahon at ang lipunan ay magkakaiba ng sinulid sa makata upang habilin ito sa talinghaga at
pagkalooban ng ibayong kahulugan.

Mga Patnubay sa Pagsulat sa batayang Sanaysay:


1. Pagpasyahan ang magiging paksa
2. Maghanda ng balangkas
3. Isulat ang tesis ng pangungusap
4. Isulat ang katawan
5. Pangunahing punto
6. Kaugnay na punto
7. Elaborasyon ng kaugnay na punto
8. Isulat ang simula o introduksyon
9. Isulat ang kongklusyon
10. Idagdag ang mga pangati (finishing touches)

Mga Paalala sa Pagsulat ng Sanaysay:


1. Ang pagkatuto ng pagsulat ng sanaysay ay nagsisimula sa pagsusuri ng mga sanaysay ng ibang tao.
2. Gawing bihasa (expert) ang sarili.
3. Ilantad ang sarili sa mga pananalita ng mga matatayog mag-isip (great thinkers)
4. Sa halip na isulat ang sanaysay, subuking kausapin (instead of writing the essay, try talking to the essay)
5. Ayusin ang pananalita (polish your language)
6. Laging siguraduhing hindi nalalayo sa paksa.
7. Siguraduhing malaman at ginagamitan ng sariling estilo
8. Huwag magmamadali
9. Huwag mandaya

You might also like