You are on page 1of 8

Polytechnic University of the Philippines

FILIPINOLOHIYA AT PAMBANSANG KAUNLARAN


GEED 10103

Aguilar, Exequiel Andrew L.


DECET 1-1

m
Panimulang Gawain

er as
co
Halimbawa ng mga impluwensiya ng mga dayuhan sa Kulturang Filipino:

eH w
o.
1. Relihiyon
2 Arkitektura rs e
ou urc
3. Mga kasuotan at pananamit
4. Wika
5. Iba’t-ibang pagkain
o

6. Mga awitin
aC s

7. Mga tradisyon at paniniwala


vi y re

8. Teknolohiya
9. Sandata o Armas
10. Mga kagamitan
ed d
ar stu

Malaki ang epekto ng dayuhang impluwensiya sa pamumuhay nating mga Pilipino. May
is

magandang naitulong ito sa Pilipinas subalit ay mayroon ding hindi maganda. Nakatulong ang
mga ito upang mapaunlad ang ekonomiya at iba’t-ibang aspeto sa ating bansa. Ngunit sa paglipas
Th

ng taon, hindi maiiwasan na unti-unting makalimutan ang tunay na kultura nating mga Pilipino
at kadalasan ay ipinagwawalang bahala ang kahalagahan nito.
sh

Gawain 1

This study source was downloaded by 100000772652394 from CourseHero.com on 11-23-2021 13:00:34 GMT -06:00

https://www.coursehero.com/file/99495938/Filipinolohiya-at-Pambansang-Kaunlaran-Gawain-1-6-at-Panggitnang-Pagsusulitdocx/
1. Ano ang naging epekto ng edukasyong kolonyal sa pag-iisip ng mga Filipino?

Malaki ang naging epekto ng mga mananakop sa ating edukasyon. Napakaraming bagay
ang kanilang naimpluwensiya sa sistema ng edukasyon. Ginawang armas ng kolonyal na bansa
ang edukasyon upang tuluyan na masakop ang ating bansa. Hindi natin namalayan na nagiging
sunud-sunuran na tayo sa kanilang mga polisiya o patakaran. Nagpatayo rin ang mga mananakop
ng mga paaralan at unibersidad na nagpapalaganap ng kanilang ideyolohiya. Ibang wika ang
ginamit ng mga dayuhan, halimbawa na lamang nito ay ang mga Amerikano na gumagamit ng
wikang Ingles na hanggang sa kasalukuyan ay ginagamit pa rin natin sa paaralan.

2. Magbigay ng halimbawa ng epekto ng nabanggit na sistemang pang-edukasyon mula sa


kasalukuyang panahon at ipaliwanag.

Isa sa pinakamagandang halimbawa ay noong sakupin tayo ng mga Amerikano.


Ipinalaganap nila ang kanilang wika sa pamamagitan ng pag-impluwensiya sa sistema ng

m
er as
edukasyon nating mga Filipino. Hanggang sa kasalukuyan, ang pag-aaral ng wikang Ingles ay
patuloy na kasama sa kurso sa lahat ng paaralan ng ating bansa. Nagkaroon ng diskriminasyon

co
eH w
hinggil sa paggamit ng wikang Ingles at Filipino. Mas binibigyang puri o pansin at mas mataas
na tinitingnan ang paggamit ng wikang Ingles kaysa sa Filipino. Dahil dito, nawalan ng malay

o.
rs e
ang mga Pilipino na nagresulta sa unti-unting pagpapabaya ng pagpapahalaga ng ating sariling
ou urc
wika.

3. Batay sa iyong pagkakaunawa, ano ang nakikita mong solusyon sa lisyang edukasyon ng mga
o

Filipino?
aC s
vi y re

Bilang isang mag-aaral, ang pinakamaganda at simpleng solusyon ay ang pag-aalaga sa


sarili nating wika. Ang wika ay isang kayamanan na walang halintulad. Ito ang nagkokonekta at
nagbibigay kahulugan ng hindi lamang ng Pilipinas, bagkus ay ang buong mundo. Pagyamanin
natin ang sariling atin. Nalason ang ating paniniwala patungkol sa paggamit ng wikang Ingles.
ed d

Dapat ay mas bigyang tuon ang wikang Filipino sa sistema ng edukasyon sapagkat
ar stu

naimpluwensiyahan tayo ng mga mananakop. Hindi lamang tataas ang antas ng edukasyon sa
bansa; mas tataas ang reputasyon bilang isang mamamayang tunay na nagmamahal sa bansa
gayundin ang iba’t-ibang aspeto tulad ng adhikain ng mga Pilipino at pangangailangang kultural
is

ng bansang Pilipinas
Th
sh

Gawain 2.

This study source was downloaded by 100000772652394 from CourseHero.com on 11-23-2021 13:00:34 GMT -06:00

https://www.coursehero.com/file/99495938/Filipinolohiya-at-Pambansang-Kaunlaran-Gawain-1-6-at-Panggitnang-Pagsusulitdocx/
Napiling paksa ng tula:
e. Kalinangang Bayan

Talinhaga

Sa pagmulat ng mga mata


Sa umagang kay pungay
Naroon sa silangan
Unang masisilawan

Nakasisilaw na salamin
Nagsisitaasang kayumanggi
Nasag na huwaran

m
Tunay na sarili

er as
co
eH w
Pitong libong islang puro luntian

o.
rs e Mga indak ng perlas
ou urc
Alon ng mga bandaritas
Sari-saring handog
o
aC s

Malilikhaing gawa
vi y re

Kasipagan, kasiyahan
Pruweba ng pahayag
Mamamayan ang tunay na yaman
ed d
ar stu

Makabasag-pinggang paniniwala
Mga telang balot ay ginto
is

Pagmamahal sa kultura, lubos


Th

Ngiting walang bakas ng kahapon


sh

Gawain 3

This study source was downloaded by 100000772652394 from CourseHero.com on 11-23-2021 13:00:34 GMT -06:00

https://www.coursehero.com/file/99495938/Filipinolohiya-at-Pambansang-Kaunlaran-Gawain-1-6-at-Panggitnang-Pagsusulitdocx/
Bigyan ng maayos na pagpapakahulugan ang mga sumusunod na kaisipan:

1. Pilipinolohiya – Ayon sa pangatlong talakay, ang Pilipinolohiya ay isang diskursong


nagmumula sa naratibo ng indihenisasyon na naglalayong maging isang disiplinang nanggaling
at kumikilala sa pambansa, panloob, at pansariling talino at karanasan. Ito ay ang sistematikong
pag-aaral ng kaisipan, kultura at lipunang Pilipino. Ang pilipinolohiya ay nakaugat sa pananaw
ng mga Pilipino na makabubuo ng kabihasnan ng bansa at hindi lamang upang pag-aralan ang
kasaysayan, kultura, wika, uri ng pamahalaan, ekonomiya ng Pilipinas at iba pa na may
katutubong kamulatan at kamalayan.
2. Pantayong Pananaw – Ang pantayong pananaw ay ang panloob na ugnayan ng katangian,
halagahin, kaalaman, karunungan, hangarin, kaugalian, pag-aasalat karanasan ng isang
pangkalahatang pangkailangan na ipinapahayag sa pamamagitan ng isang wika. Mahalaga ang
layunin o posisyon ng Pantayong Pananaw bagkus ito ang nagbubuklod ng sari-saring pananaw
at pagkakakilanlan ng mga mamamayan ng Pilipinas. Sa madaling salita, ang Pantayong

m
Pananaw ang nag-iisang dibdib sa mga konsepto ng bawat karunungan ng bawat personalidad ng

er as
bansa.

co
eH w
3. Sikolohiyang Pilipino – Ang Sikolohiyang Pilipino ay ipinanganak mula sa karanasan,
kamalayan at oryentasyon ng mga Filipino na nakabatay, nakakabit sa pagkaka-ugat sa wika at

o.
kulturang Filpino. Ito din ay may kalipunan ng mga metodolohiyang higit na angkop at may
rs e
ou urc
pagkakilala sa karanasang panloob ng mga komunidad sa Pilipinas. Ang Sikolohiyang Pilipino
ay nagpapahayag ng diwa o takbo ng pag-iisip ng mga mamamayan at kamalayan o
pagsasakatuparan ng karunungan nito hindi lamang sa bansa pati na rin sa mundo.
o

4. Filipinolohiya – Kaakibat ng kahulugan ng Pilipinolohiya, ang Filipinolohiya ay disiplina ng


aC s

karunungan na naka-base sa siyentipikong pananaliksik ng pinagmulan, kalikasan at ugnayan ng


vi y re

iba’t-ibang aspeto ng makabayang karunungan at nagbibigay kontribusyon ang karunungang


pagpapala nating mga Pilipino sa kabuuang karunungan.
ed d
ar stu

Gawain 6
Sagutin ang mga sumusunod na katanungan:
is

1. Ano ang kahulugan ng Pambansang Industriyalisasyon?


Ayon sa babasahing Praymer, Ang Pambansang Industriyalisasyon ay proseso ng
Th

pagtatatag at pagpapaunlad ng iba’t-ibang antas at uri ng mga industriya na siyang magpapasigla


ng ekonomiya at tutustos mga pang-ekonomiyang pangangailangan ng isang bansa, tungo sa
transpormasyon ng ekonomiya nito mula sa pagiging agrarian patungong industriyal.
sh

2. Magbigay ng mga halimbawa ng mga pangunahing industriya na mayroon sa Pilipinas.


a. Tukuyin ito mula sa pinakamalaki hanggang sa pinakamaliit.
Isang halimbawa sa pinakamalaking industriya sa ating bansa ay ang agrikultura. Bilang
isang tropikal na bansa, ang Pilipinas ay nagtataglay ng napakalaking pang-agrikultural na lupain

This study source was downloaded by 100000772652394 from CourseHero.com on 11-23-2021 13:00:34 GMT -06:00

https://www.coursehero.com/file/99495938/Filipinolohiya-at-Pambansang-Kaunlaran-Gawain-1-6-at-Panggitnang-Pagsusulitdocx/
ng mayabong kalupaan na angkop sa sari-saring pananim tulad ng niyog, bigas, mangga, pinya,
palay, tubo, mais, kape, saging, cacao at marami pang iba. Ang agrikultura, forestry, pangingisda,
pagsasaka at iba pang natural na aktibidad ay sadyang malago sa ating bansa. Bukod dito,
nagproprodyus din tayo ng mga malulusog na manok, baboy, baka at iba pang karne at mga
produktong pagkain na malaking ambag sa paglago ng agraryan na ekonomiya ng Pilipinas.
Pangalawa pangunahing industriya sa Pilipinas ay ang Turismo. Isa sa pinagmamalaki ng
ating bansa ay ang magaganda at nakamamanghang tanawin at destinasyon ng turista.
Halimbawa ng mga tanyag na lugar ay ang Bohol, Boracay Island, El Nido, Baguio at marami
pang iba. Pangatlo sa pangunahing industriya na mayroon tayo ay ang paggawa o manufacturing
kung tawagin sa ingles. Sa Pilipinas, ang industriya ng pagmamanupaktura ay may malaking
ganap sa ekonomiya. Ang pag-unlad ng sektor na ito ay nagdudulot ng pagtaas ng ekomoniya na
nakakapag-ambag sa pangangailangan ng mga mamamayang Pilipino at mga bansang
nakapaligid.

m
3. Batay sa talakay sa itaas, sa iyong palagay bakit mahalaga ang pagkakaroon ng pambansang

er as
industriya sa ekonomiya ng bansa?

co
eH w
Ang pagkakaroon ng pambansang industriya sa Pilipinas ay mahalaga dahil sa malaking
potensyal nito upang mapaunlad ang ekonomiya ng bansa. Ito ay magrersulta ng paglikha ng

o.
karagdagang trabaho para sa mga mamamayan. Mapagyayaman ang hanapbuhay sa tulong ng
rs e
ou urc
gobyerno at mga kapitalista na magbibigay daan para magkaroon ng trabaho ang mga
nakararami. Makatutulong din ang Pambansang Industriyalisasyon sa paglikha ng sobranong
ekonomiya sapagkat hindi na gaanong tatangkilik ang ating bansa sa mga produktong galing sa
o

ibang bansa.
aC s
vi y re

4. Ano-ano pa ang mga industriya sa bansa ang dapat paunlarin?


Ang isa sa dapat na mabigyang pansin sa ating industriya ay ang pagsasaka. Pagsasaka
ang isa sa pangunahing hanapbuhay na dapat nating pagyamanin at upang matulungan din ang
mga kapwa nating magsasakang naghihirap dahil sa hindi makatarungang sistema ng pagbili.
ed d

Kung mas mabibigyang tuon ang pagsasaka, tiyak na tataas ang ekonomiyang agricultural at
ar stu

makakabawi ang mga magsasaka sa kanilang pagkalugi.


Pangalawa sa iba pang industriya na mas kailangang paunlarin ay ang paghahabi. Isa ito
sa mga industriyang katutubo na iilan na lamang ang gumagawa. Dapat itong pagtibayin dahil
is

malaking parte ito n gating kultura bilang isang Pilipino. Magiging daan din ito upang
Th

mabigyang trabaho ang mga tao. Kung magkakaroon ng pagpapaunlad at pagsasanay sa


paghahabi ay mapapayabong at maipapasa ito sa susunod na henerasyon kaysa tuluyang mawala.
sh

Aguilar, Exequiel Andrew L.


DECET 1-1

This study source was downloaded by 100000772652394 from CourseHero.com on 11-23-2021 13:00:34 GMT -06:00

https://www.coursehero.com/file/99495938/Filipinolohiya-at-Pambansang-Kaunlaran-Gawain-1-6-at-Panggitnang-Pagsusulitdocx/
Panggitnang Pagsusulit

I. Bigyan ng pagkakahulugan ang mga sumusunod na konsepto (hindi lalagpas sa limang


pangungusap sa bawat pagpapakahulugan):

a. Filipinolohiya – Ito ay ang interdisiplinaryong pang-karunungan na tumatalakay sa kalikasan,


kultura, pinagmulan ng kasaysayan ng Pilipino sa aspeto ng lipunan, panitikan, sikolohiya,
pilosopiya at iba pa. Ito rin ay isang disiplina na nakatuon sa kalinangan ng mga mamamayang
Pilipino sa dunong ng wikang Filipino upang makabuo ng kapaki-pakinabang na kontribusyon sa
kabuuang karunungan.

b. Kalinangang Bayan – Ito ay ang gawi, kilos, pag-uugali, paniniwala na kaakibat ng pagiging
Pilipino. Ito ay tumutukoy sa pangkalahatang kultura ng bansa. May malaki itong kaugnayan sa
mga nakagawian o tradisyon na gawain sa pang araw-araw na pamumuhay ng isang mamamayan
sa isang bansa.

m
er as
c. Talinong Bayan – Ang Talinong Bayan ang tumatalakay ng mga pangyayari sa totoong buhay

co
na nagsisilbing repleksyon ng mga karanasan ng mga mamamayan sa bansa. Ito rin ay kilala sa

eH w
tawag na Karunungang Bayan na nagtataglay ng mga matalinghaga at malalim na kahulugan ng

o.
mga grupo ng salita na naglalaman ng aral para sa mga mambabasa.
rs e
ou urc
d. Sikolohiyang Pilipino – Ito ay naglalawaran sa diwa o pag-iisip ng mga Pilipino na nakaka-
apekto sa interaksyon sa loob ng komunidad. Ang mga karanasan ng mga Pilipino ay malaking
kadahilanan sa kung paano umandar ang kaisipan ng mga mamamayan sa Pilipinas. Ang
o

Sikolohiyang Pilipino rin ay pag-aaral ng diwa kung saan naglalarawan sa kayamanan ng mga
aC s
vi y re

ideya na tumutukoy sa pilosopiya, kamalayan motibo at pag-uugali.

e. Pilipinolohiya – Ang Pilipinolohiya ay sistematikong pag-aaral ng kaisipan, kultura at


lipunang Pilipino. Pinag-aaralan ang wika at iba’t-ibang larangan o aspeto ng pagiging isang
ed d

Pilipino tulad ng kasaysayan, kultura, wika at marami pang iba na makabubuo ng kabihasnan ng
ar stu

bansa.

f. Pantayong Pananaw – Ang Pantayong Pananaw ay kinapapalooban ng mga kaugalian at


is

karanasan ng isang mamamayang Pilipino. Malaki ang kahalagahan ng Pantayong Pananaw dahil
ito ang nagbubuklod ng iba’t-ibang pagkakakilanlan at pananaw ng mga mamamayan ng
Th

Pilipinas.

g. Pambansang Kaunlaran – Ang Pambansang Kaunlaran ay nagmumula sa mga karanasang


sh

bayan na pinag-aaralan para maiproseso at maging isang talinong bayan upang magsilbing gabay
sa pagtugon at paggawa ng solusyon sa mga pangangailangan ng bansa. Ang pagpapahalaga sa
nakaraan ng bansang Pilipinas ay pwedeng makaambag sa paglikha ng talino na kaakibat sa
kabuuang pag-unlad.

This study source was downloaded by 100000772652394 from CourseHero.com on 11-23-2021 13:00:34 GMT -06:00

https://www.coursehero.com/file/99495938/Filipinolohiya-at-Pambansang-Kaunlaran-Gawain-1-6-at-Panggitnang-Pagsusulitdocx/
II. Punan ang dayagram ng Filipinolohiya at Pambansang Kaunlaran at bigyan ng maikling
paliwanag (hindi lalagpas ng 15 pangungusap).

m
er as
co
eH w
o.
rs e
Paliwanag: Ang kaunlaran ng ating bansa ay nangangailangan ng masinsinang pag-aaral ng iba’t-
ou urc
ibang aspeto. Kailangang gamitan ng malawakang pag-iisip at angkop na estratehiya upang
tuluyan na umunlad ang Pilipinas. Ang isang mabisang hakbang upang maabot ang kaunlaran ay
o

ang pag-aaral ng karanasan ng mga mamamayan. Nakapaloob ditto ang Wika, Tao, Lipunan at
aC s

Kultura. Maipoproseso ang nasabing karanasan sa pamamagitan ng pagsinop ng sistema ng


vi y re

Edukasyon. Magreresulta ito ng Talinong Bayan na magpapalaganap ng karunungang magagamit


upang maging gabay sa pagsasa-ayos, paglalagay ng angkop na hakbang at paglikha ng mga
pangangailangan sa ating Lipunan. Kabilang na dito ang Ekonomikal, Pulitikal at Kultural na
ed d

aspeto ng bansa na siyang magiging daan upang makamit ang Pambansang Kaunlaran.
ar stu

III. Mula sa talakay, tumutukoy ng iba pang karanasang bayan at isaad paano mo ito ipoproseso
upang maging talinong bayan. Magbigay ng limang halimbawa.
is

1. Karanasang Bayan: Paggamit ng halamang gamut o herbal bilang alternatibong gamot.


Talinong Bayan: Maka-agham na pag-aaral ng mga epekto nito upang maayos na magamit.
Th

2. Karanasang Bayan: Paggamit ng alternatibong pagkain kung sakaling mawalan ng bigas


upang makakain
sh

Talinong Bayan:.Pag-aayos ng pagproseso ng alternatibong pagkain upang mas maging


katanggap-tanggap.

3. Karanasang Bayan: Paggamit ng maiikli o manipis na kasuotan tuwing tag-init at makakapal


naman tuwing tag-lamig.

This study source was downloaded by 100000772652394 from CourseHero.com on 11-23-2021 13:00:34 GMT -06:00

https://www.coursehero.com/file/99495938/Filipinolohiya-at-Pambansang-Kaunlaran-Gawain-1-6-at-Panggitnang-Pagsusulitdocx/
Talinong Bayan: Malikhaing paggawa ng iba’t-ibang klaseng pananamit na magiging angkop
sa bansang Pilipinas.

4. Karanasang Bayan: Maitim na usok na nagmumula sa mga sasakyan sa kalsada.


Talinong Bayan: Paggamit ng mas nakabubuting gasolina para sa kapaligiran at kalusugan ng
mga tao.

5. Karanasang Bayan: Pagsisiksikan sa isang sasakyang pampubliko na labis pa sa normal na


bilang ng pasahero.
Talinong Bayan: Pagsasagawa ng mas malaki at makabagong disenyo ng pampublikong
transportasyon sa bansa.

m
er as
co
eH w
o.
rs e
ou urc
o
aC s
vi y re
ed d
ar stu
is
Th
sh

This study source was downloaded by 100000772652394 from CourseHero.com on 11-23-2021 13:00:34 GMT -06:00

https://www.coursehero.com/file/99495938/Filipinolohiya-at-Pambansang-Kaunlaran-Gawain-1-6-at-Panggitnang-Pagsusulitdocx/
Powered by TCPDF (www.tcpdf.org)

You might also like