You are on page 1of 4

Name of SPES Beneficiary: MACAPAGAL, JERALD M.

Local Government Unit: CANDABA, PAMPANGA

Date: September 15 to October 15 except Saturday and Sunday

Time Covered: 8:00am to 12:00nn and 1:00pm to 5:00pm

Activities: Gardening, Tutoring and Cleaning

Gardening,Tutoring and Cleaning: Sa loob ng dalawampung araw na pagtatrabaho bilang


isang benepisyaryo ng tulong pinansyal mula sa lokal ng Candaba at sa DOLE, ang ilan sa aking
taus-pusong nagawa ay ang pagtatanim ng mga gulay para makatulong nadin sa aking pamilya at
sa kalikasan. Sa simpleng pagtatanim ng mga gulay, halaman nakakatulong ako sa kalikasan at
sa hilig ku din ang magturo sa mga bata kaya’t nag volunteer ako sa aking mga kamag-anak na
turuan sila sa mga modules nila at yun din ang gusto kong marating ang isang maging guro at
ang paglilinis din ang nais kong gawin dahil napansin ko na marumi ang dinadaanan ng mga tao
kaya’t gumawa ako ng paraan para maging malinis ang ating kapaligiran. Kaya’t kumuha ako ng
walis para maalis ang mga dumi sa dinadaanan ng mga tao.

September 15-Ocotber 15

September 15 – present

Araw-araw, mula Lunes hanggang biyernes nagsimula akong tumingin ng lugar kung saan ako
magtatanim. Nilinis ko muna ang napili kong lugar bago ko sinimulan ang pagtatanim.
Nagbungkal ako ng lupa at sinimulan ko na magtanim. Mahigit tatlong oras ko to ginagawa pero
nagiging masaya ako kapag nakakapagtanim ako.

Sumunod na araw naisipan ko na magturo sa mga bata. Dahil sa pangarap ko na maging guro
kaya’t nag volunteer ako na tulungan sila sa kanilang mga modyul. Nagagawa koi to after kong
gumawa ng ating mga activity at homewroks. Naniniwala kasi ako na mas higit pa ang
matatanggap mo kapag nakatulong ka sa kapwa. Kaya’t araw –araw tinutulungan ko sila sa
kanilang mga modyul.

Alternate ang mga ginagawa ko sa loob ng dalawangpung araw. Dahil sa time management ko
nakakaya kong gawin ang pagtatanim, pagtuturo at paglilinis kaya’t hindi na mahirap sakin ang
mga ito dahil bukal sa aking puso ang makatulong sa iba at sa kalikasan.

Sa loob ng dalawampung araw marami akong nagawa at natulungan. Sa simpleg paraan lang
ligaya ang natatanggap ko at experience din kung paano magturo sa mga bata. Sumunod na
ginagwa ko ay ang paglilinis sa kapaligiran, nag set ako ng oras kung kalian ko to gagawin para
ma manage ko ito ng maayos. Nagsimula ako sa harapan ng aming bahay at sunod sa may
daanan. Araw-araw akong dumadaan at napaka dumi ng paligid kaya’t naisipan kong linisin ito
para nadin makaiwas sa mga sakit na kumakalat dahil sa mga dumi tulad ng dengue at iba pa.
Pag gising ko ng umaga agad kong inihahanda mga gagamitin ko para sa pagtatanim, paglilinis,
at pagtuturo. Wala akong sinasayang na oras at panahon sa mga ganitong proyekto dahil mas
marami akong natututunan at nalalaman sa mga ganitong proyekto.
Sulit ang pagod ko kapag nakaktulong ako sa komunidad. Pagtatanim, pagtututor, at paglilinis
ang ginawa ko para mas magimg makabuluhan ang aking buhay sa mundong aking ginagalawan.
Hanggang sa matapos ang dalawampung araw ay hindi ko ininda ang pagod dahil mas nagiging
masaya ako sa aking ginagawa. Ganon pa man masasabi kong hindi masasayang ang mga
nagawa ko sa komunidad ko at masasabi ku din na maganda ang proyekto na ito para sa lahat ng
kabataan na gustong makapag aral at makapag tapos.

You might also like