You are on page 1of 14

Republika ng Pilipinas

Kagawaran ng Edukasyon
Pambansang Punong Rehiyon
SANGAY NG MGA PAARALANG LUNGSOD – MAYNILA
Sentrong Edukasyon ng Maynila, Luntiang Parke ng Arroceros
Daang Antonio J. Villegas. Ermita, Maynila
TeleFax: 5272315 / 5275184 / 5275180
manila_deped@yahoo.com

Filipino 12
Filipino sa Piling Larang
(Akademik)

Istilo at Teknikal na
Pangangailangan ng Talumpati

Unang Markahan
Ikapitong Linggo
Modyul 7
Kasanayang Pampagkatuto:
Nakasusulat ng talumpati batay sa napakinggang halimbawa.

1
PAANO GAMITIN ANG MODYUL

Bago simulan ang modyul na ito, kailangang isantabi muna ang lahat
ng inyong pinagkakaabalahan upang mabigyang pokus ang inyong gagawing
pag-aaral gamit ang modyul na ito. Basahin ang mga simpleng panuto na
nasa ibaba para makamit ang layunin sa paggamit nito.
1. Sundin ang lahat ng panutong nakasaad sa bawat pahina ng modyul
na ito.
2. Isulat ang mahahalagang impormasyon tungkol sa aralin sa inyong
kwaderno. Nagpapayaman ng kaalaman ang gawaing ito dahil madali
mong matatandaan ang mga araling nalinang.
3. Gawin ang lahat ng mga pagsasanay na makikita sa modyul.
4. Hayaan ang iyong tagapagdaloy ang magsuri sa iyong mga kasagutan.
5. Pag-aralang mabuti ang naging katapusang pagsusulit upang malaman
ang antas ng iyong pagkatuto. Ito ang magiging batayan kung may
kakailanganin ka pang dagdag na pagsasanay para lalong malinang ang
aralin. Lahat ng iyong natutuhan ay gamitin sa pang-araw-araw na
gawain.
6. Nawa’y maging masaya ka sa iyong pag-aaral gamit ang modyul na ito.

BAHAGI NG MODYUL

1. Inaasahan – ito ang mga kasanayang dapat mong matutuhan


pagkatapos makompleto ang mga aralin sa modyul na ito.
2. Unang Pagsubok – ito ang bahaging magiging sukatan ng mga bagong
kaalaman at konsepto na kailangang malinang sa kabuuan ng aralin.
3. Balik-tanaw – ang bahaging ito ang magiging sukatan ng mga dating
kaalaman at kasanayang nalinang na.
4. Maikling Pagpapakilala ng Aralin – dito ibibigay ang pangkalahatang
ideya ng aralin
5. Gawain – dito makikita ang mga pagsasanay na gagawin mo ng may
kapareha.
6. Tandaan- dito binubuo ang paglalahat ng aralin
7. Pag-alam sa mga Natutuhan – dito mapatutunayan na natutuhan mo
ang bagong aralin
8. Pangwakas na Pagsusulit – dito masusukat ang iyong antas ng
pagkatuto sa bagong aralin.
9. Papel sa Replektibong Pagkatuto - dito ipahahayag ang
pangkalahatang natutuhan o impresyon/repleksyon ng mag-aaral sa
kanyang pinag-aaralang modyul

2
Aralin Istilo at Teknikal na
1 Pangangailangan ng
Talumpati

Inaasahan

Ano ang kahalagahan sa iyo ng kaalaman sa pagsulat ng talumpati?


Sa araling ito, matututuhan mo ang kahulugan, uri at klasipikasyon ng
Talumpati. Sa kursong iyong kinukuha, higit mong kakailanganin ang kasanayan
sa akademikong pagsulat partikular sa pagsulat ng Talumpati.
Pagkatapos sa modyul na ito ang mag-aaral ay inaasahang:
Nakasusunod sa istilo at teknikal na pangangailangan ng pagsulat ng
talumpati.

Unang Pagsubok

Panuto: Basahin at sagutin ang sumusunod na mga katanungan. Isulat sa


iyong kwaderno ang titik ng tamang sagot.

1. Kadalasang binibigkas ito sa mga salo-salo at pagtitipong sosyal. Layunin


nitong magpatawa kaya naman kailangang samahan ito ng mga birong
nakatatawa kaugnay sa paksang tinatalakay.
A. Talumpati ng Papuri
B. Talumpating Panlibang
C. Talumpating Panghihikayat
D. Talumpating Pagpaparangal
2. Layunin ng talumpating ito na magbigay ng inspirasyon sa mga nakikinig. Ito
ay isinulat upang makapukaw at makapagpasigla sa damdamin at isipan ng
mga tao.
A. Talumpating Pampasigla
B. Talumpati ng Panlibang
C. Talumpating Panghihikayat
D. Talumpating Nagbibigay ng Impormasyon
3. Layunin ng talumpating ito na tanggapin ang paniniwala ng mananalumpati
sa pamamagitan ng pagbibigay-katwiran at mga patunay.
A. Talumpati ng Papuri
B. Talumpating Panlibang
C. Talumpati ng Panghihikayat
D. Talumpating Nagbibigay ng Impormasyon

3
4. Layunin ng talumpating ito na tanggapin ang bagong kasapi ng samahan o
organisasyon.
A. Talumpating Nagbibigay ng Impormasyon
B. Talumpating Pagbibigay-galang
C. Talumpating Panlibang
D. Talumpati ng Papuri
5. Layunin ng talumpating ito na ipabatid sa mga tagapakinig ang tungkol sa
isang paksa, isyu o pangyayari.
A. Talumpating Nagbibigay ng Impormasyon
B. Talumpati ng Panghihikayat
C. Talumpating Panlibang
D. Talumpati ng Papuri

Balik-tanaw

Bago natin ipagpatuloy ang pagtalakay sa bagong aralin, nais ko munang


matukoy ang iyong mga natutuhan kaugnay sa nakaraang aralin hinggil sa pagsulat
ng Abtrak, bilang isa ring uri ng akademikong sulatin tulad ng talumpati. Sa kahon
sa ibaba, isa-isahin ang mga bagay na dapat isaalang-alang sa pagsulat ng Abatrak.

MGA DAPAT TANDAAN SA PAGSULAT NG ABSTRAK

______________________________________________________________________
______________________________________________________________________
______________________________________________________________________
______________________________________________________________________
______________________________________________________________________
______________________________________________________________________

______________________________________________________________________
______________________________________________________________________
______________________________________________________________________
______________________________________________________________________
_________________________________________________________________

4
Maikling Pagpapakilala ng Aralin

Ang Talumpati ay isang sining na pagpapahayag ng isang kaisipan


hinggil sa isang paksa. Ito ay isinasagawa sa paraang pasalita sa harap ng
mga tagapakinig.
Ito ay isang buod ng kaisipan o opinyon ng isang tao na ipinababatid
sa pamamagitan ng pagsasalita sa entablado para sa madla. Layunin
nitong humikayat, tumugon, mangatwiran, magbigay ng kaalaman o
impormasyon at maglahad ng isang paniniwala. Isang uri ito ng
komunikasyong pampubliko na nagpapaliwanag sa isang paksa na
binibigkas sa harap ng mga tagapakinig.

Uri ng Talumpati
 Talumpating Panlibang. Kadalasang binibigkas ito sa mga salo-salo at
pagtitipong sosyal. Nagpapatawa ang nagtatalumpati kaya naman
kailangang samahan ito ng mga birong nakatatawa kaugnay sa
paksang tinatalakay.
 Talumpating Panghikayat. Ilan sa mga halimbawa nito ay tulad ng sa
simbahan, sa kongreso, sa kampanya ng mga politiko gayundin ang
talumpati ng abogado sa panahon ng paglilitis sa hukuman.
Hinihikayat nito ang mga tagapakinig na paniwalaan ang
mananalumpati sa pamamagitan ng pangangatwiran at pagpapakita ng
mga ebidensya.
 Talumpating Pagpaparangal. Hinahanda ito upang bigyang parangal
ang isang tao o di kaya ay magbigay-puri sa mga kabutihang nagawa
nito.
 Talumpating Pagbibigay-galang. Matatawag din itong talumpati ng
pagbati, pagtugon o pagtanggap. Ito ay ginagamit sa pagbibigay-galang
bilang pagsalubong sa isang panauhin, pagtanggap sa isang bagong
kasapi ng samahan o kasamahang mawawalay.
 Talumpating Pampasigla. Karaniwang binibigkas ito sa araw ng
pagtatapos sa mga eskwelahan at pagdiriwang ng mga anibersaryo ng
isang samahan. Ito ay pumupukaw sa damdamin at nakapagbibigay ng
insiprasyon sa mga tagapakinig.
 Talumpating Pangkabatiran. Ginagamit ito sa mga kumbensyon,
panayam, at pagtitipong pansiyentipiko, diplomatiko at iba pang
samahan ng mga dalubhasa. Kalimitang makikita sa mga talumpating
ito ang mga kagamitang pantulong upang maliwanagan at ganap na
maunawaan ang paksang tinatalakay.

5
Klasipikasyon ng Talumpati
 Biglaan (Impromptu). Ito ay binibigkas na walang ganap na
paghahanda. Nalalaman lamang ang paksang tatalakayin sa oras ng
pagtatalumpati.
 Daglian o Maluwag (Extemporaneous). Binibigkas ito na may maikling
panahong paghahanda. Ang mananalumpati ay nakapaghanda lamang
ng balangkas upang maging patnubay sa kanyang pagtatalumpati.
 Manuskrito. Kinakailangan ng matagal na panahon ng paghahanda at
pag-aaral sa ganitong paraan ng pagtatalumpati sapagkat ito ay
ginagamit sa mga kumbensyon, seminar at programang pagsasaliksik.
Binabasa lamang ang manuskrito kaya’t nawawala ang pakikipag-
ugnayan ng tagapagsalita sa mga tagapakinig.
 Handa o Isinaulo (Prepared o Memorized). Talumpating binibigkas na
may mahabang panahon ng pagsulat, organisasyon at deliberasyon.
Ngunit isa sa mga kahinaan nito ay ang pagkalimot sa nilalaman ng
talumpating ginawa.

Mga Bahagi/Elemento ng Talumpati


 Introduksyon. Sa bahaging ito pinupukaw ang atensyon ng mga
tagapakinig upang ipabatid sa kanila ang mensahe ng talumpati.
Maaaring sumipi ng mga anekdota, pahayag, kasabihan, awitin at mga
nakatatawag pansing pangyayari na maiuugnay sa pangunahing ideya
ng talumpati. Sa bahagi rin ito ay kinakailangang maipadama sa mga
tagapakinig ang kahalagahan ng paksa ng mannalumpati.
 Pangunahing Ideya. Sa bahaging ito ay binibigyang malinaw ang
direksyon ng talumpati. Ipinakikita nito ang paninindigan ng
tagapagsalita kaugnay sa paksa.
 Katawan o Paglalahad. Sa bahaging ito ang isyu o diwa sa paksang
tinatalakay. Kinapapalooban nito ng mga pangunaing punto ng
talumpati. Maaari itong isaayos sa paraang Spatial (isinasaayos ang
detalye ayon sa lokasyon), Kronolohikal (pagkakasunod-sunod ng mga
pangyayari) at Sanhi at Epekto (inilalarawan ang sanhi at ipinakikilala
ang epekto o bunga nito).
 Paghahambing at Pagtutulad. Sa bahaging ito ipinakikilala ang
pagkakaiba at pagkakatulad ng mga ideyang inilalahad.
 Suliranin. Sa bahaging ito sinusuri ang mga suliiranin at matapos ay
isinasaalang- alang ang mga solusyon nito.
 Paninindigan. Sa bahaging ito ipinahahayag ang katwiran hinggil sa
isyu. Layunin niyo ng hikayatin o mapaniwala ang mga nakikinig.
Nakapaloob ito sa katawan ng talumpati.

6
 Konklusyon. Sa bahaging ito inilalahad ang lagom sa mensahe o
pagganyak sa mga tagapakinig na gumawa ng aksyon. Maaaring
muling banggitin ang mga pangunahing puntos upang maliwanagan
ang mga tagapakinig sa paksang tinatalakay.

Mga Dapat Isaalang-alang sa Pagsulat ng Talumpati


 Paksa o Tema. Mahalagang matiyak ng isang mananalumpati ang tema
o paksa ng pagdiriwang bilang gabay sa pagbuo ng talumpati. Ayon kay
Casanova at Rubin (2001) sa kanilang aklat na Retorikang
Pangkolehiyo, upang higit na maging kawili-wili ang talumpati,
kinakailangang may sapat na kaalaman ang mananalumpati sa paksa.
Samakatuwid, kinakailangang paghandaan, pagplanuhan at pag-
aralang mabuti ang talumpati. Maaaring magsaliksik sa pamamagitan
ng pangangalap ng mga datos sa aklat, pahayagan, dyornal, magasin
at iba pang babasahing makatutulong. Mahalaga ring matukoy ang
pangunahing ideya ng paksang tatalakayin sapagkat ito ang magiging
batayan ng isang mahusay na talumpati.
 Tagapakinig. Ayon kay Lorenzo et al. (2002) sa kanilang aklat ng Sining
ng Pakikipatalastasang Panlipunan, dapat mabatid ng mananalumpati
ang edad at kasarian ng mga tagapakakinig sapagkat kailangang
magkaroon ng kabatiran ang isang mananalumpati sa interes ng mga
tagapakinig. Kung sila ba ay mga bata o matatanda, grupo ng
kababaihan o kalalakihan. Isinasaalang-alang din ang edukasyon o
antas sa lipunan upang maging akma ang wikang gagamitin sa
pangkat. At kailangan din malaman ng mananalumpati ang bilang ng
mga makikinig sa gayon ay mapaghandaan ng nang husto ang
talumpati gayundin ang saloobin ng mga nakikinig.
 Hulwaran o Balangkas. Ayon kina Casanova at Rubin (2001) may
tatlong hulwarang maaaring gamitin sa pagbuo ng talumpati. Una, ang
Kronolohikal– maisasagawa ang paghahanay mula sa unang
panngyayari, sumunod at panghuling pangyayari. Ikalawa, ang
Topikal- nakabatay ang pagkakaayos ng talumpati batay sa
pangunahing paksa at mga pantulong na detalye. Ikatlo, ang Problema-
Solusyon na karaniwang ginagamit sa mga talumpating nanghihikayat
o nagpapakilos.

Gawain 1
(Pakikipagtalastasan)
Bilang mag-aaral sa Baitang 12, inaasahan ko na sa oras na ito’y nabasa mo
na ang mga dapat ihanda ukol sa talumpati. Bukod sa marami ka ng karanasan sa
pakikinig ng iba’t ibang talumpati sa maraming pagkakataon ng iyong buhay sa

7
iyong barangay. Pero upang lubos mong maunawaan ang pagbuo ng isang
talumpati, subukang isagawa ang sumusunod na gawain.
Panuto: Pakinggan at subukang bigkasin ang naging talumpati ni Dr. Edwin Remo
Mabilin, noong maiimbitahan siya bilang pauhing pandangal sa
Pagdiriwang sa Buwan ng Wikang Pambasang sa Western Palawang
University.

WIKANG FILIPINO SA MAUNLAD NA PILIPINAS


Edwin Remo Mabilin, Ph.D.
Marahil nga’y kailangang sumulat at bumigkas ng ganitong artikulo upang
magbigay linaw sa maling pagpapakahulugan sa isyu ng moderno at globalisadong
sambayanan, upang ang wikang pambansa ay hindi dapat na masaalang-alang?
Oo! Kailangan ang globalisasyon dahil isa itong kaunlaran, ngunit hindi dapat
na masaalang-alang ang wikang kinagisnan upang bigyang daan ang isyung ito.
Dapat malaman ng pamahalaan ang totoong wikang Filipino ang kailangan upang
harapin ang agos ng modernisasyon. Ito ay pagpapaunlad ng lipunan sa
makabagong panahon. Katulad ng mga makabagong kaalaman, agham at
teknolohiya, sining pangkabuhayan at iba pa. Ang globalisasyon naman ay ang
pagsabay sa daigdig na kung ano ang mayroon at kaya ng ibang bansa ay kaya rin
nating magkaroon. Batid nating mahuhusay ang mga pinoy, na magagawa nating
sumabay sa kanila kung lubusang nagkakaunawaan at nagkakatulungan sa
pagpapaunlad ng lipunan.
Sa puntong pagkakaunawaan, ang kailangan ay ang wikang nauunawaan ng
lahat, ito ay ang wikang Pambansang Filipino na Tagalog noon. Dala ng mga
pagbabago, ang wikang pambansang Tagalog ay naging Filipino batay na rin sa
Saligambatas 1987 partikular na sa artikulo XIV seksyon 6-7. Ito ang wika ng
sambayanang Pilipino na instrumento ng pagkakaunawaan at kaunlaran kaya dapat
pagyabugin pa salig sa lahat ng umiiral na wika sa Bansa. Sa kasaysayan ng ating
mga pagpupuyagi upang makamit ang kalayaan, wikang pambansa ang ginamit nina
Rizal, Bonifacio at Quezon kung kaya’t nabuo ang sambayang Pilipino. Sa karanasan
ng mga bansang umunlad at nagpunyagi’y wikang pambansa rin ang ginamit ng
mga ito. Ayon nga sa yumaong pangulong Manuel Luis Quezon sinabi niya na,
“walang bansa ang naging malaya at umunlad na hindi gumamit ng sariling wika.”
Sa pagbibigay linaw sa modernisasyon, hindi dapat paniwalaang tanging
English ang kailangan sa kaunlaran tungo globalisadong sambayanan? Kung
ipagpipilitang ipagamit ang English, ito ay isang maliwanag na denasyunalisasyon o
panlalason sa utak na lalo lamang tayong mabubulag sa katotohanan at
pagkakaunawaan; huwag sana nating kalimutan na hindi lahat ng marunong mag-
English ay totoong natalino; isang daang taon na tayong nag-e-English, may nabago
ba o umunlad ba tayo? Ang bansang Hapon at Arabya at ilan pang mauunlad na
bansa na kailanman ay hindi nagpaunlak sa English, ay hindi naman nabadsyat sa
modernisasyon at globalisasyon at sila pa nga itong nangunguna. Oo kailangang
makaunawa at magsalita ng English ngunit hindi sa paraang ito na ang papairalin
at gamitin ng sambayanan sa lahat ng pagkakataon. Paaano na ang karamihan
nating mamamayanan na hindi marunong nito, na sila ang pangunahing kailangan

8
ng bansa sa pag-unlad at sila rin ang bumubuo ng malaking bahagi ng lipunan at
kabuhayan.
Ang kailangan ay mapaunlad at ma-intelektwalisa ang wikang Filipino
sapagkat dito tayo nagkakaunawaan. Dapat mapalawak ang pagkakaunawa ng
sambayanan sa wikang Filipino na magsisimula ang pagtutulungan sa pamilya,
paaralan, kanayunan at pamahalaan na papairalin naman sa lipunan. Kung ganap
ang pagkakaunawa sa wika ay mas higit na magkakatulungan. Bigyang bisa at
dangal ang Filipino, magtulungan tayo sa aspektong kung papaano mapapaunlad
ito, lahat ng mga salita maging banyaga man o bagong katawagang likha ng
modernong panahon o teknolohiya ay kailangan nating maisalin o maunawaan sa
wikang Filipinong batay sa Tagalog, English, Espanyol o sa kung anung wika sa
siyudad, kanayunan o maging katutubo man. Sikapin nating maihanap ng
kahulugan o katumbas na salita sa ating wika ang mga salitang banyaga. Mayaman
sa wika ang ating bansa na matatagpuan sa iba’t ibang lalagiwan, kadalasan pa
nga’y maraming salita sa daigdig ang hinango sa ating mga salita o wika. Ang wikang
Tagalog na noon ay kilala sa tawag na “Tagala-Australeanous” ay isa sa kauna-
unahang wika sa daigdig na dinala ng mga Negritos sa Pilipinas noong 25,000.000
BC mula pa sa Malayo Polenesyo. Kaya hindi na mahirap para sa atin na ihanap ng
katumabas na mga salita ang mga wikang banyaga sa ating mga salita sa modernong
panahon, ngunit kung talagang wala tayong panumbas sa mga salitang dala ng
makabagong teknolohiya o sa mga salitang internasyunal na hindi na nababago o
naisasalin saan mang wikang umiiral dito sa Bansa ay hiramin natin ang mga ito
nang tuwiran at bigyan na lamang natin ng sapat na salitang gabay o susing
pangungusap ang mga nabanggit na banyagang salita upang lubos na maunawaan
ng sambayanan. Kung mangyayari ito mas makakaharap na tayo sa pagpapaunlad
ng lipunan sa modernong panahon at makakasabay na tayo sa globalisadong
sambayanan.
Magkakaisa at magkakaunawaan ang samabayanang Pilipino na kung ano
ang mayroon ang ibang bansa ay magagawa natin na hindi na kinakailangan pang
sirain ang wikang Filipino na sumasagisag sa ating lahing Pilipino, kaakuhan at
pagkakaisa. Sama-sama nating ipagmalaki sa buong mundo na higit kailanman at
saan mang pagkakataon iba pa rin ang Pinoy, hindi magpapahuli at lalong hindi
padadaig. May sarili tayong husay, deskarte at pagkakaisa na mahaharap natin ang
modernong lipunan tungo sa kaunlaran.
Mabuhay ang Sambayanang Pilipino!
Gabay na Tanong:
1. Anong uri ng talumpati ang narinig?
2. Ano ang pangunahing kaisipang nakuha sa talumpating iyong
napakinggan?
3. Kakikitaan ba ito ng mga katangiang dapat taglayin ng isang mabisang
talumpati? Ipaliwanag.
4. Sa anong bahagi ng talumpati napukaw ang iyong interes? Bakit?

9
(Mapanuring Pag-iisip)
Gawain 2

Panuto: Batay sa iyong mga karanasan sa pakikinig sa iba-ibang talumpati sa


inyong komunidad, pumili ng tatlong (3) Uri ng Talumpati na higit mong
nagustuhan. Isulat sa bawat kahon ang sa palagay mong kahalagahan at
kaugnayan nito sa kursong pipiliin mo sa kolehiyo. Isulat sa kwaderno
ang sagot.

Pag-alam sa Natutuhan

(Pakikipagtalastasan, Mapanuring Pag-iisip)


Ngayong nalaman mo na ang mga ideya o termino na may kaugnayan sa
pagsulat ng Talumpati. Inaasahan kong may kakayahan ka nang makabuo ng isang
plano upang makalikha ng sarili mong piyesa batay sa nais mong paksa. Ito ang
makatutulong sa iyo upang makabuo ng isang talumpati na iyong gagamitin sa
susunod nating pagtalakay.
Panuto: Pumili ng isang paksa sa ibaba at bumuo ng isang hulwaran o balangkas
ng talumpating nais na isulat ayon sa paksang napili. Maaari kang
magsaliksik gamit ang ilang babasahing makatutulong sa pagpapatibay o
pagpapaliwanag ng iyong talumpati.
Mga Paksang Pamimilian:
 Edukasyon
 Kalusugan
 Kabataan
 Kalikasan

10
______________________________
PAMAGAT
A. ________________________________________________________
1. _____________________________________________________
2. _____________________________________________________
3. _____________________________________________________

B. ________________________________________________________
1. _____________________________________________________
2. _____________________________________________________
3. _____________________________________________________

C. ________________________________________________________
1. _____________________________________________________
2. _____________________________________________________
3. _____________________________________________________

D. ________________________________________________________
1. _____________________________________________________
2. _____________________________________________________
3. _____________________________________________________

E. ________________________________________________________
1. _____________________________________________________
2. _____________________________________________________
3. _____________________________________________________

Rubrik sa Pagmamarka

20 15 10 5
Organisado, Hindi gaanong Ang nabuong Ang nabuong
maingat na organisado, ang balangkas ay hindi balangkas ay hindi
naisulat, wasto, naisulat na organisado, naisulat gaanong sunod-
at angkop ang balangkas, nang may bahagyang sunod, maraming
wikang ginamit. subalit wasto, at kaingatan, may salita ang hindi
angkop ang kawastuhan, at may wasto, at hindi
wikang ginamit. kaangkupan ang angkop na nagamit.
wikang ginamit.

11
Tandaan

Ang talumpati ay isa sa mga akademikong pagslat na nililinang ng


isang mag-aaral upang siya ay maging mahusay sa pakikipag-ugnayan sa
mga tao sa pamamagitan ng pakikipagtalastasan.
Iba’t ibang uri ng talumpati ang maaaari mong gamitin ayon sa
hinihingi ng sitwasyon o pagkakataon. Pangunahing ideya lamang nito ay
mabigyang linaw at mapukaw ang atensyon ng mga takapakinig upang
ipabatid ang mensahe ng isang pahayag.

Pangwakas na Pagsusulit
Panuto: Basahin at unawaing mabuti ang sumusunod na mga katanungan.
Piliin at isulat sa kwaderno ang titik ng tamang sagot.

1. Talumpating agad na ibinibigay ang paksa sa oras ng pagsasalita.


a. Manuskrito
b. Biglaan (Impromptu)
c. Isinaulong Talumpati
d. Maluwag (Extemporaneous)
2. Binibigyan ng ilang minuto upang makapagpahayag ng kaisipan ayon sa
paksang tatalakayin.
a. Maluwag (Extemporaneous)
b. Isinaulong Talumpati
c. Biglaan (Impromptu)
d. Manuskrito
3. Layunin ng talumpating ito na ipabatid sa mga tagapakinig ang tungkol sa
isang paksa, isyu o pangyayari.
a. Talumpating Nagbibigay ng Impormasyon
b. Talumpati ng Panghihikayat
c. Talumpating Panlibang
d. Talumpati ng Papuri
4. Kinakailangang iakma ang nilalaman ng paksa at maging ang wikang
gagamitin sa isang talumpati sapagkat magiging kabago’t bago’t ito kung ang
paksa ay para sa mga bata at ang tagapakinig ay matatanda, gayundin ang
paksa na para sa matatanda at ang tagapakinig ay para naman sa mas
nakababata.
a. Bilang ng mga makikinig
b. Kasarian ng mga makikinig
c. Edad o gulang ng mga makikinig
d. Edukasyon o Antas sa Lipunan ng mga makikinig
5. Isa pa sa mahalagang dapat isaalang-alang sa pagsulat ng talumpati upang
mahusay na maunawaan ang pagkakasunod-sunod ng paksang tinatalakay.
a. Hulwaran o Balangkas
b. Tema o Paksa

12
c. Tagapakinig
d. Kasanayan

Papel sa
para
Replektibong
sa Replektibong
Pagkatuto

Kumpletuhin ang pangungusap upang ipahayag ang bagong kaaalaman.


Sa bagong aralin natutuhang ko__________________________________________
____________________________________________________________________________

Sanggunian

Julian, A. B. at Lontoc, N. B. (2016). Pinagyamang Pluma, Filipino sa Pling


Larang (Akademik). Quezon City: Phoenix Publishing House, Inc.
Florante, G. C. (2016). Filipino sa Piling Larang (Akademik), Quezon City:
SIBS Publishing House, Inc.
Villafuerte, P. V. (2012) Pagpapahalaga sa Panitikan (Bolyum 1). Philippine
Normal University. Malabon City. Jimcyzville Publications.

Bumuo sa Pagsulat ng Modyul


Manunulat: Dianne Catherine B. Teves, MTII
Editor: Edwin Remo Mabilin, EPS
Tagasuri: Candelaria C. Santos, EdD, MTII
Tagalapat: Lorena S. Club, MTII
Tagapamahala: Maria Magdalena M. Lim, CESO V,
Tagapamanihalang Pansangay ng mga Paaralang Panlungsod
Aida H. Rondilla, Puno ng CID
Lucky S. Carpio, EPS na nakatalaga sa LRM at Tagapag-ugnay sa ADM

13
Susi sa Pagwawasto
Filipino 12, Piling Larang (Akademik)
Unang Markahan-Ikapitong Linggo, Modyul 7

Unang Pagsubok Gawain 1


1. BIGLAAN Pangwakas na
1. B 2. DAGLIAN
Pagsusulit
2. A 3. PAKSA
3. C 4. TALUMPATI 1. B
4. B 5. TAGAPAKINIG 2. A
5. A 6. INTRODUKSYON 3. A
4. C
7. MANUSKRITO
5. A
Balik-tanaw 8. HULWARAN
9. PANLIBANG
Batay sa natutuhan 10. PAMPASIGLA

Gawain 2/Pag-alam sa
Natutuhan

Magkakaiba-iba ng sagot
depende sa pagkatuto

14

You might also like