You are on page 1of 6

EDUKASYONG PAGPAPAKATAO

QUARTER 1 SUMMATIVE TEST


Pillin ang tamang sagot. Isulat sa iyong papel
A. Multiple Choice:
1. Ano ang dahilan kaya nanatiling buo ang isang samahan?
a. Kontribusyon c. pagmamahalan b. gampanin d. katalinuhan

2. Alin sa mga sumusunod ang bumubuo at nagpapatupad ng batas sa lipunan?


a. Pamahalaan c. Simbahan b. Pamilya d. Paaralan 13

3. Alin sa mga sumusunod ang hindi kasama sa elemento ng kabutihang panlahat? a.


Kapayapaan c. Paggalang sa indibidwal na tao b. Katiwasayan d. Tawag ng katarungan

4. . Ang buhay ng tao ay panlipunan. Ang pangungusap ay:


a. tama, dahil sa lipunan lamang siya nakapamumuhay
b. ama, dahil lahat ng ating ginagawa at ikinikilos ay nakatuon sa ating kapwa
c. mali, dahil may mga pagkakataong ang tao ang nagnanais na makapagisa
d. mali, dahil may iba pang aspekto ang tao maliban sa pagiging panlipunan

5. “Huwag mong itanong kung ano ang magagawa ng bansa para sa iyo, kundi itanong mo
kung ano ang magagawa mo para sa iyong bansa.” Ang mga katagang ito ay winika ni:
a. Aristotle c. John F. Kennedy b. St. Thomas Aquinas d. Bill Clinton

6.Ang mga sumusunod ay hadlang sa pagkamit ng kabutihang panlahat maliban sa:


a. Paggawa ng tao ayon sa kanyang pansariling hangad
b. Pagkakaroon ng pakiramdam na mas malaki ang naiaambag ng sarili kaysa sa nagagawa ng
iba
c. Pakikinabang sa benepisyong hatid ng kabutihang panlahat subalit pagtanggi sa
pagbabahagi para sa pagkamit nito
d. Pagkakait ng tulong para sa kapwa na nangangailangan

7. Alin ang HINDI hadlang sa pagkamit ng kabutihang panlahat?


a. Paggawa ng tao ayon sa kaniyang pansariling hangad
b. Pagkakaroon ng pakiramdam na mas malaki ang naiiambag ng sarili kaysa sa nagagawa ng
iba c. Pakikinabang sa benepisyong hatid ng kabutihang panlahat at pagbabahagi para sa
pagkamit nito
d. Pagkakait ng tulong para sa kapwa na nangangailangan

8. . Ano ang pagkakaiba ng lipunan sa komunidad?


a. Sa lipunan, ang nangingibabaw ay ang iisang tunguhin o layunin samantalang sa komunidad
ang mahalaga ay ang pagkakabukod-tangi ng mga kabilang nito.
b. Sa lipunan, ang pangkat ng mga tao ay may nagkakaisang interes, mithiin at pagpapahalaga
samantalang sa komunidad, ang namumuno ang nagbibigay ng direksyon sa mga taong kasapi
nito.
c. Sa lipunan, ang namumuno ay inatasan ng mga mamamayan na kamtin ang mithiin ng mga
kasapi nito samantalang sa komunidad, ang mga tao ang nararapat na manaig sa pagkamit ng
kanilang mga mithiin.
d. Sa lipunan, mas malaking pamahalaan ang nakasasakop samantalang sa komunidad ay mas
maliit na pamahalaan.

9. Paano nakaaapekto sa buhay ng tao ang lipunang kanyang kinabibilangan?


a. Ang lipunan ay nakatutulong sa pagbubuo ng pagkatao.
b. Ang tao ay hinuhubog ayon sa lipunang kaniyang kinabibilangan.
c. Ang tao kailanman ay hindi naaapektuhan ng lipunan.
d. Ang lipunan ay walang kontribusyon sa paghubog ng pagkatao.

10. Alin ang HINDI nagpapakita ng halimbawa ng kabutihang panlahat?


a. Pakikipagkapwa-tao b. Pagbibigayan c. Panghuhusga d. Paggalang

11. Sa tahanan natin unang natutunan ang tamang asal at pag-uugali. Alin ang nagpapakita ng
tamang kabutihang panlahat sa tahanan at pamilya?
a. Pagpalo at pagpaparusa sa anak upang matuto sa pagkakamali.
b. Pagtatanim ng sama ng loob sa magulang dahil napagalitan.
c. Pagsunod sa utos at payo ng mga magulang na may paggalang.
d. Pagsunod sa mga ipinag-uutos habang nagdadabog at nagmamaktol.

12. Aling sektor ng lipunan ang sumasaklaw sa mga pinapairal na batas, alituntunin at
katarungan para sa pagkakapantay-pantay ng bawat isa – mahirap o mayaman?
a. simbahan c. paaralan b. pamahalaan d. komunidad
13. Sa anong paraan natin mapapalago ang ating kakayahan sa pakikipagugnayan upang
magkaroon tayo ng matiwasay na lipunan?
a. Huwag makikipag-usap sa mga tao sa pamayanan.
b. Iwasan ang mga taong nakikita sa lipunan.
c. Kumustahin at makipagtalastasan sa ating kapwa upang magkaroon ng maayos na lipunan.
d. Hayaan na lamang ang mga tao na sila lang ang makikipag-usap.
14. . Ano ang ibig sabihin nito?
a. Tama, dahil sa pagkakataon na ganito lamang matitiyak na makakamit ang tunay na layunin
ng lipunan.
b. Tama, dahil mahalagang makiayon ang bawat indibidwal sa layuning itinalaga ng lipunan.
c. Mali, dahil ang bawat indibidwal sa lipunan ang nararapat na nagtatakda ng mga layunin.
d. Mali, dahil ay natatanging katangian at pangangailangan ang bawat isang indibidwal.
15 . Ano ang tunay na layunin ng Lipunan?
a. kapayapaan
c. katiwasayan
b. kabutihang panlahat
d. kasaganaan
16. Ano ang Kabutihang panglahat?
a. Kabutihan ng lahat ng tao
b. Kabutihan ng mga pangkat na kasapi ng lipunan
c. Kabutihan ng bawat indibidwal na kasapi ng lipunan
d. Kabutihan ng lipunang nararapat bumalik sa lahat ng mga kasapi nito
17. Sa kasalukuyan (Covid-19 pandemic), ano ang maaari nating maiambag sa ating
pamahalaan upang magkaroon ng maayos na lipunan?
a. Maligo sa dagat kasama ang buong pamilya.
b. Aanyayahan ang mga kaibigan na pumunta sa parke o palaruan.
c. Pumunta sa plaza at makipaglaro sa mga kaibigan.
d. Sumunod sa ipinag-uutos ng pamahalaan na manatili sa bahay para sa ating kaligtasan.
18. Alin ang HINDI hadlang sa pagkamit ng kabutihang panlahat?
a. Paggawa ng tao ayon sa kaniyang pansariling hangad.
b. Pagkakait ng tulong para sa kapwa na nangangailangan.
c. Pagkakaroon ng pakiramdam na mas malaki ang naiiambag ng sarili kaysa sa nagagawa ng
iba.
d. Pakikinabang sa benepisyong hatid ng kabutihang panlahat subalit pagtanggi sa
pagbabahagi para sa pagkamit nito
19. Alin sa mga sumusunod ang hindi kabilang sa pagpapakita ng kabutihang panglahat?
a. Pagbisita ng regular sa bahay ng mga pinabayaang matatanda.
b. Pag-aalay ng magagandang mensahe para sa mga frontliners ng pandemyang Covid 19.
c. Pagtulong sa pamamahagi ng pagkain at damit sa mga nasalanta ng bagyo.
d. Pagtanggap ng mga pagkaing bigay ng pamahalaan.
20. Alin sa mga sitwasyon ang nagpapakita ng kabutihang panlahat?
a. Nakikitang naglalaro si Jane sa kalsada kasama ang mga kaibigan.
b. May bayanihan sa paglilinis ng pamayanan nina Marko at isa siya sa tumutulong na
magbuhat ng mga mabibigat na bagay.
c. Naglilinis ng bahay ang nanay ni Ella habang siya ay nakahiga.
d. Nagluluto ang mga kapatid nina Joel at Ana para sa piknik.
21. Alin sa mga sumusunod ang nagpapakita ng kabutihang panlahat?
a. Makisali sa kaguluhan sa inyong barangay.
b. Sumama sa kilusan ng barangay sa pamimigay ng pangunahing pangangailangan ng mga
lubos na nangangailangan.
c. Hayaan na lamang ang mga opisyal ng barangay ang gumawa ng paraan.
22. Bakit mahalaga na makamit ang kabutihang panlahat?
a. Para magkaroon ng matiwasay na samahan sa isang lipunan/ pamayanan.
b. Para maging maayos ang buhay ng bawat isa.
c. Upang maipakita sa madla na may nagagawang tulong para sa kanila.
d. Para sa ikauunlad ng bayan.
23. Alin sa mga sumusunod ang nagpapakita ng katangiang panlahat?
a. Pakikiisa sa proyektong paglilinis.
b. Tutulong kung tutulong din ang mga kaibigan.
c. Tutulong kung may bayad na matatanggap.
d. Pag-iwas sa pagtulong sa paglilinis sa barangay dahil nahihiya kang makita ng mga kakilala
mo.
24. Ang mga sumusunod ay hadlang sa pagkamit ng kabutihang panlahat maliban sa:
a. Paggawa ng tao ayon sa kaniyang pansariling hangad
b. Pagkakaroon ng pakiramdam na mas malaki ang naiiambag ng sarili kaysa nagagawa ng iba
c. Pakikinabang sa benepisyong hatid ng kabutihang panlahat at pagbabahagi para sa
pagkamit nito
d. Pagkakait ng tulong para sa kapwa na nangangailangan
25. Ang mga sumusunod ay nagpapakita ng halimbawa ng kabutihang panlahat maliban sa:
a. Pakikipagkapwa-tao b. Pagbibigayan
c. Panghuhusga d. Paggalang
26. Alin sa mga salita ang nagpapakita sa tunay na kahulugan ng pamayanan?
a. institusyong pinapairal ng batas b. Institusyong binubuo ng prinsipyong pulitikal
c. isang pangkat na nag-uugnayang tao d. isang pinaka importanteng institusyon sa lipunan
27. Alin sa mga sumusunod ang hindi masasabing katuwang sa lipunan?
a. paaralan b. pamilya c. bahay-aliwan d. simbahan
28. Paano mo masasabi na ikaw ay isang mabuting kasapi ng lipunan? Iniisip ang _________.
a. kabutihan para sa sarili b. kabutihan para sa iba c. kakainin sa susunod na araw d. maka-
mundong Gawain.
29. Paano mo masasabi na pinamamahalaan nang mahusay ang isang lipunan?
A. laging nangongolekta ng buwis B. inuuna ang kapakanan ng sarili
C. isinasaalang-alang ang kabutihang panlahat D. isinasantabi ang mga suliranin kinakaharap
ng lipunan 30. Bakit pinaiiral ng pamahalaan ang mga batas na dapat sundin ng mamamayan?
A. upang magkaroon ng sistema at kaayusan sa lipunan
B. upang maisakatuparan ang iminungkahing batas
C. para magkaroon ng pagbabago sa lipunan
D. para maging alerto ang lahat
30. Ano ang magyayari sa isang baranggay na apektado ng lockdown ng halos isang buwan
dahil sa paglaganap ng COVID-19 Pandemic kung walang tulong na matatanggap mula sa
gobyerno?
A. maghahanapbuhay ang mga tao C. magbibigayan ang mga tao
B. maghihintay ang mga tao D. mag-aalsa ang mga tao
31. Aling gawain ang tumutukoy sa prinsipyo ng pagkakaisa?
A. pagbabayad ng buwis C. pag-aaklas B. bayanihan D. 4Ps
32. Bakit mahalaga ang prinsipyo ng solidarity at subsidiarity sa loob ng lipunan?
A. magkaroon ng kapayapaan B. para maiwasan ang pagkawatak-watak
C. upang maging matiwasay ang pamamalakad D. pagkakaroon ng pagkakaisa tungo sa pag-
unlad
33. Sa paanong paraan uunlad ang isang lipunan?
A. pag-aambag ng talino at lakas ng bawat kasapi sa kabuuang pagsisikap ng lipunan
B. pagsisikap ng mga kasapi lamang na mapaunlad ang lipunan
C. pagpupunyagi ng mga tao na makapaghanapbuhay
D.pagsisikap ng pangulo na umunlad ang lipunan
34. Bakit nagkukusa tayong mag-organisa at tugunan ang pangangailangan ng nakararami?
A. Sa ganitong paraan natin maipakikita ang ating pagkakaisa.
B. Hindi sapat ang kakayahan ng pamahalaan upang tumugon.
C. Ang sama-samang pagkilos ay nagpapagaan sa gawain.
D. Walang ibang maaring gumawa nito para sa atin.
35. Ang ating lipunan ay binubuo ng mga batas na nilikha para sa kabutihang panlahat. Alin sa
sumusunod ang hindi tunay na diwa nito?
A. protektahan ang mayayaman at may kapangyarihan
B. kondenahin ang mapagsamantala sa kapangyarihan
C. itaguyod ang karapatang-pantao
D. ingatan ang interes ng maram

Isulat sa patlang ang TAMA kung ang isinasaad ng mga pangungusap ay katotohanan at MALI
kung hindi.

___________1. Ang layunin ng politika ay upang paganahin ang mga miyembro ng isang
lipunan na kolektibong makamit ang mga mahahalagang layunin ng tao na hindi nila makamit
nang paisa-isa.
___________2. Marami ang hindi nakakaintindi sa tunay na halaga ng lipunang pulitikal dahil sa
mga maling hakahaka ukol sa mga kontribusyon nito sa pamayanan.
___________3. Ang lipunang pulitikal ay laging nauugnay sa salitang kapangyarihan.
__________ 4. Sa isang lipunan maaring sundin natin ang kahit sinong magbibigay ng panuto,
gabay o batas at opinyon nang kahit sinong miyembro nito kahit na ito ay magdudulot ng
kaguluhan.
___________5.Minsan ang ating lipunang pulitikal ang nakatutulong sa atin na makamit natin
ang mga pangangailangan gaya ng edukasyon, tahimik na pamayanan at iba pang
importanteng serbisyo sa komunidad.
__________6. Ang ating lipunang pulitikal ang siyang pangangasiwaan ng mga mamamayan
upang magkaroon sila ng magandang kabuhayan.
___________7. Ang ating mga pinuno ang siyang tagagawa nang mga hakbang at plano ukol
sa mga programang makatutulong sa mga mamamayan na magkaroon nang matiwasay na
pamumuhay.

You might also like