You are on page 1of 15

GE 1 – KOMUNIKASYON SA AKADEMIKONG FILIPINO

ANG KOMUNIKASYON AT DISKURSO

Mahalagang Konsepto sa Komunikasyon


Depinisyon:
 Ayon kay Arrogante (1988) ang salitang pakikipagtalastasan ay galing sa salitang ugat na talastas na
nangangahulugang alam, at sa kabilaang panlaping pakikipag- … -an na may kahulugang pagsasagawa ng
kilos na ang gumagawa ay hindi isa kundi dalawa o higit pa.
 Batay sa depinisyon ng diksyunaryong Webster, 1987, ang KOMUNIKASYON ay isang sistema o paraan ng
paghahatid at pagtanggap ng mensahe. Ito’y isang pakikipag-ugnayan, pagpapalitan ng ideya o opinyon,
pagbibigay impormasyon, pakikipagpalagayan, at pakikipag-unawaan.
 Ayon naman sa isang sikologo, ang KOMUNIKASYON ay isang paraan ng pakikitungo ng tao sa kanyang
kapwa at isang paraan ng pakikibagay sa kanyang kapaligiran.
 Ang komunikasyon ay ang akto ng pagpapahayag ng ideya sa pamamagitan ng pasalita o pasulat na paraan.
Isang interaksyonal o konsyus na paggamit ng anumang uri ng simbolo na makapagpadala ng katotohanan,
ideya, damdamin o emosyon mula sa isang indibidwal tungo sa iba.
 Samakatwid, ang komunikasyon ay isang proseso ng pagbibigay at pagtanggap ng mga impormasyon,
kaalaman, kaisipan, pati na ang saloobin, impresyon, kuru-kuro, at damdamin.
Kahalagahan ng Komunikasyon
 Sa pamamagitan ng kakayahan sa mabisang pakikipagkomunikasyon o pakikipagtalastasan, lumalawak ang
ating kaalaman, dumadami ang ating nakikilala at nagiging kaibigan.
 Ito’y isa sa mga salik na makatutulong sa atin upang makibagay o makaagapay sa mabilis na pagbabago ng
buhay.
 Sa pamamagitan ng maayos na pakikipagtalastasan o pakikipagkomunikasyon, nakagagawa tayo ng
desisyon sa anumang bagay – sa edukasyon, kabuhayan, relihiyon, at pulitika.
 Ang mensaheng dala ng bawat aklat pahayagan, magasin, telebisyon,radyo at teatro ay nagbibigay ng ideya
at nakapagbabago ng pananaw at pag-uugali ng isang tao.
 Kailangan ang mabisang pakikipagtalastasan sa alinmang negosyo at propesyon upang siya’y maging
matagumpay.
 Ang isang bansa ay nangangailangan ng mabisang pakikipagtalastasan upang maging matagumpay sa
pakikipag-ugnayan sa ibang bansa at sa kanyang nasasakupan.
SANGKAP AT PROSESO NG KOMUNIKASYON
 Ayon Kina Richard Swanson at Charles Marquardt may limang sangkap ang komunikasyon:
o Ang pinanggagalingan ng mensahe (sumulat/nagsalita/sumenyas)
o Ang Ideya o Mensahe (ano ang nais ipabatid)
o Kodigo (wikang ginamit)
o Paraan ng Paghahatid o Tsanel (limbag, alon ng hangin, pahatid-kawad, pasayaw, papinta, atbp.)
o Ang tumatanggap ng mensahe ( bumabasa, nakikinig o nanonood)
MGA ELEMENTO/KOMPONENT NG KOMUNIKASYON
o Partisipant o mga taong kasangkot. Ang enkoder o pinanggagalingan ng mensahe at ang dekoder
o ang tumatanggap at nag-iinterpret ng mensahe)
o Layunin ng komunikasyon (Tumutukoy sa inaasahang ibubunga ng pakikipag-usap ng bawat
participant o kasangkot sa komunikasyon o pakikipagtalastasan )
o Mga tuntuning pangkomunikatibo (Nagsisilbing batayan sa pagsasagawa ng transaksyon)
o Ganting-tugon (Feedback) (Mga tugong mental o pisikal, hal. berbal: tanong, komentaryo; di-berbal:
tango, iling, ngiti, halakhak, tapik, yukod, simangot, iyak, sigaw, atbp.) Nagsisilbi itong pantiyak kung
maayos na nabigyang kahulugan ang mensahe. Ang pidbak ay maaaring iklasipika sa dalawang
elemento a) Elaboratib – ang tagatanggap ay hayagang pinalalawak ang mensaheng tinanggap; at

1
b) Mapanghusga – ang natanggap na mensahe ay awtomatikong binibigyang kahulugan ng
tagatanggap kahit walang katiyakan.
o Kapaligiran – (Ito ay may kaugnayan sa sikolohikal at pisikal na kalagayan kung saan nagaganap ang
komunikasyon. Kinabibilangan ito ng atityud, persepsyon, emosyon at relasyon ng nag-uusap. Ang
mga ito ay may malaking epekto tungo sa mabisang kaganapan ng komunikasyon.)
o Mensahe (Ang ideya o kaisipang isinalin ng isang kalahok sa iba pang kalahok)
o Ang Konteksto (Tumutukoy sa pormalidad o impormalidad ng sitwasyon kung saan nagaganap ang
palitan ng mensahe, at kumbinasyon ng mga taong bumubuo sa isang sitwasyong
pangkomunikasyon.)
o Tsanel o Daluyan ng Komunikasyon (Ang dinadaanan ng mensahe. Maaaring sa pamamagitan ng
cellphone, telepono, radio, telebisyon, aklat, pahayagan, babasahin, at iba pa).
o Ang Kinalabasan o resulta (Ang bunga o resulta ng pag-uusap.)
o Hadlang – Anumang bagay o pangyayari na makapagbabago ng kahulugan ng isang usapan ay
itinuturing na hadlang.
 eksternal na ingay, halimbawa: ugong, tunog, pag-uusap, masangsang na amoy, lamig o init
ng panahon, di maayos na pagbigkas ng tagapagsalita, nakakairitang boses o tinig, atbp;
 internal na ingay (mga iniisip o suliranin na nakakaagaw ng atensyon ng tumatanggap at nag-
iinterpret ng mensahe.
Mga Potensyal na Sagabal sa komunikasyon. Ang mga bagay-bagay na maaaring makasagabal sa
mabisang komunikasyon. Matatagpuan sa tagapagdala ng mensahe, sa mensahe mismo, sa daluyan ng
mensahe o di kaya’y sa tagatanggap nito.
 Semantikong Sagabal. Matatagpuan sa salita o pangugusap mismo.
 Pisikal na Sagabal. Mga ingay sa paligid, mga distraksyong biswal, suliraning teknikal na
kaugnay ng sound system.
 Pisyolohikal na Sagabal. Matatagpuan sa katawan ng nagpapadala o tumatanggap ng mensahe
tulad ng kapansanan sa panigin, pandinig, o pagsasalita.
 Sikolohikal na Sagabal. Pagkakaiba-iba ng mga kinalakihang paligid at pagkakaiba-iba ng
nakagawiang kultura na maaaring magbunga ng maling interpretasyon sa kahulugan ng mga
mensahe.

Katangian ng Komunikasyon
1. Ang Komunikasyon ay isang proseso (may sinusundan)
2. Ang proseso ng komunikasyon ay dinamiko (nagbabago)
3. Ang komunikasyon ay komplikado
4. Mensahe, hindi kahulugan ang naipapadala/natatanggap sa komunikasyon (ang tumatanggap ang
nagbibigay ng kahulugan sa pinapadalang mensahe)
5. Hindi tayo maaaring umiwas sa komunikasyon
6. Laging may dalawang uri ng mensahe sa proseso ng komunikasyon (berbal o di-berbal) Mensaheng
pangnilalaman o mensaheng panlinggwistika. Mensaheng rasyunal o mensaheng di-berbal ng iyong
damdamin o pagtingin sa kausap.

ANG APAT NA ASPEKTO NG KONTEKSTO


1. Pisikal - kondisyon ng lugar o lokasyon halimbawa: oras, ilaw, temperatura, distansya sa pagitan
ng kasangkot, kaayusan ng lugar, atbp.
2. Historikal - kapag episodo ang nangyayaring komunikasyon.
3. Sikolohikal - aspektong ayon sa namamataang paraan ng presentasyon. (nahahalata ng
tagapakinig kung ang ispiker ay hindi handa, nag-aalangan, walang gana o kinakabahan)
4. Kultural - aspektong may pagsasaalang-alang sa kultura.

ANG BERBAL AT DI-BERBAL NA KOMUNIKASYON


 Komunikasyong Berbal (Verbal Communication)
Komunikasyong ginagamitan ng salita, oral man o pasulat.
 Komunikasyong Di-berbal (Non-verbal Communication)

2
Komunikasyong ginagamitan ng senyas (sign language), kilos o galaw ng katawan (body language),
kulay, simbolo, at iba pang pamamaraang hindi ginagamitan ng salita.

Mga Determinant ng Di-berbal na Komunikasyon


1. Distansya – (proximics) Agwat na namamagitan sa dalawang nag-uusap. Dahil sa distansya,
mahahalata sa ikinikilos kung kaswal o intimado ang pag-uusap.
2. Oras - (chronemics) Mga ikinikilos batay sa oras. Halimbawa: ang pagmamano o paghahalik sa
kamay ng matatanda pagkatapos ng orasyon o pagdupikal ng kampana ng simbahan tuwing alas
sais ng hapon. Kapag narinig natin ang buwan ng Pebrero, agad na pumapasok sa ating isipan
na ito ay buwan ng mga puso.
3. Mata - (oculesics) Ekspresyon ng iniisip o saloobin sa pamamagitan ng mata. Halimbawa: pag-
irap, pandidilat, pangingislap ng mata, pagtitig, pagsulyap nang palihim, pagpapapungay)
4. Kamay - (haptics) Pagpapahayag sa pamamagitan ng kamay. Ayon sa Spectrum of Love ni
Walter Rinden, ekspresyon daw ng puso ng tao ang kamay. Halimbawa ng di-berbal na
pagpapahayag sa pamamagitan ng kamay: pagtapik sa balikat, pagyakap ng mahigpit, paghawak
sa siko ng babae sa paglalakad, pagkaway, pagturo atbp.)
5. Kumpas at Kilos o Galaw ng Katawan - (kinesics) Halimbawa: pagdadabog, pagbabasag ng
mga gamit, pagsusuot ng mahahalay na kasuutan, paggiling-giling ng katawan, atbp.
6. Bagay - (objectics) Paggamit ng mga bagay bilang props. Halimbawa, Ang pagbibitbit na libro
kahit hindi naman marunong magbasa, o kaya'y laging may nakasuksok na bolpen sa bulsa ng
polo, pero hindi naman marunong magsulat.
7. Boses - (vocalics) Ang pagtaas ng boses, pagbaba, paghina o paglakas ng boses ay maaaring
magpahiwatig ng iba't-ibang kahulugan, maliban sa binibitiwang pananalita, kaya maituturing din
itong determinant ng di-berbal na komunikasyon.
8. Pang-amoy - (olfactorics) Gamit ang pang-amoy batid natin ang paglalahad ng mensahe.
Halimbawa kahit nakapikit nalalaman natin kung may nasusunog na bagay, kung may dumaang
trak na may sakay na baboy, at iba pa.
9. Kulay - (colorics) Ang kulay man ay nagtataglay ng anyong pagpapakahulugan. Ang puti ay
sumisimbolo ng kalinisan, ang itim ay pagluluksa, ang pula ay katapangan o sumisimbolo rin ng
galit, atbp.
10. Ekspresyon ng mukha - (pictics) Dahil sa maraming muscles na matatagpuan sa mukha ng tao,
hindi maiiwasan na makagawa ang ating mukha ng iba’t-ibang paggalaw. Sa Ingles, tinatawag
itong “facial expressions,” ang mga ito ay higit na nagtataglay ng marami at kompleks na
kahulugan.
11. Paggamit ng Icon – (iconics) Ito ay ang paggamit ng mga icon upang masabi ang nararamdaman
ng isang tao. Ang mga pakiramdam gaya ng masayang mukha, nabubwisit, malungkot, natatakot
ay maaari na ring mairepresenta ng mga icons o faces.

MGA KONSIDERASYON SA MABISANG KOMUNIKASYON


(Acronym ng Speaking ayon kay Dell Hymes)
S - Setting at Scene(Lunan- saan nag-uusap, at scene-kalikasan ng sitwasyon ng pag-uusap)
P - Participant (Sino ang nag-uusap)
E - Ends (Ano ang layon ng pag-uusap)
A - Act Sequence (Paano ang takbo ng usapan)
K - Keys (Pormal ba o di pormal ang pag-uusap)
I - Instrumentalities(Pasalita ba o Pasulat)
N - Norms (Ano ang paksa ng pag-uusap at kaakmaan ng usapan sa sitwasyon)
G - Genre (Uri o paraan ng Pagpapahayag. Nagsasalaysay ba, nakikipagtalo, o nagpapaliwanag)

MGA PANUNTUNAN SA MABISANG PAKIKIPAGKOMUNIKASYON


1. Kailangang may tiyak na layunin sa pakikipagkomunikasyon; may malinaw na dahilan at tiyak na tunguhin.
2. Kailangang ang pakikipag-ugnayan ay inilalaan sa tiyak na tagatanggap o patutunguhan ng mensahe.
3. Ang mensahe ay kinakailangang buo o ganap, tuwid at tiyak; hindi maligoy; maliwanag at tumpak.
4. Iangkop ang sasabihin sa pagkakataon at sa taong kasangkot o kausap.
5. Maging matapat sa lahat ng sasabihin; alamin ang paniniwala at paninindigan ng kausap.
6. Maging magalang at maingat sa pagpapahayag at maging sensitibo sa damdamin ng kapwa.

3
TIPO AT ANTAS NG KOMUNIKASYON
1. INTRAPERSONAL na Komunikasyon – Ito ay tinatawag na pansariling komunikasyon dahil ito ay nagaganap
sa sarili lamang. Sa madaling salita, walang sangkot na ibang tao subalit nagkakaroon pa rin ng mabisang
paghahatid at pagtanggap ng mensahe. Gaya rin ito ng kasabihan sa Ingles na “hearing yourself speak”
Nagaganap ito sa tuwing tayo ay nagkakaroon ng repleksyon, ebalwasyon sa ating sarili, pag-iisip ng ating
mga plano sa buhay at iba pa.
2. INTERPERSONAL na Komunikasyon – Ito ay komunikasyong nagaganap sa pagitan ng dalawa o higit pang
bilang ng tao.
3. PAMPUBLIKONG Komunikasyon – Tumutukoy naman ito sa mas malaking bilang ng mga tao na
nagbabahaginan ng mga ideya o nagpapalitan ng kuro tungo sa pagkamit ng layunin. Ito rin ay tinatawag na
faceless audience dahil na rin sa dami ng bilang ng taong kabahagi ng speech act.
4. PANGMASA O MALAWAKANG MEDIA- Komunikasyong nagaganap sa pagitan ng mass media o
malawakang media tulad ng radyo,pahayagan at telebisyon, internet at iba pa.
5. PANG-ORGANISASYON – Komunikasyon sa pagitan ng mga organisasyon o samahan. Sa antas na ito, ang
komunikasyon ay kadalasang organisado at nakatutok sa isang hangarin o adhikain.
6. INTERKULTURAL NA KOMUNIKASYON – Ito naman ay komunikasyon na nagpapakita ng integrasyon ng
dalawa o higit pang magkaibang kultura, bagaman magkaiba, maayos at mabisa pa ring naisasagawa ang
palitan ng impormasyon ng dalawang nag-uusap. Bunsod ito ng kakayahan ng tao na makaangkop sa ibang
kultura.
7. MACHINE-ASSISTED NA KOMUNIKASYON - Sa kasalukuyan ang machine-assisted na komunikasyon ay
lubos na ginagamit ng lahat ng tao. Ito ay ang paraan ng paggamit niya sa anumang uri ng teknolohiya tungo
sa mabisang interaksyon sa kanyang kapwa. Halimbawa nito ang paggamit ng text, e-mail, pakikipag-usap sa
telepono, pakikipagchat, paggamit ng satelayt sa pagpapadala ng impormasyon at marami pang iba.

MGA KASANAYANG KAUGNAY SA PROSESO NG KOMUNIKASYON


1. Paggamit ng mga simbolo -Tumutukoy sa paggamit ng mga salita o simbolong di-berbal sa pagbubuo ng
mensahe. Maaaring ang simbolong ginagamit sa isang lugar ay kaiba sa kahulugang ibinibigay sa ibang lugar.
2. Ang pagpoproseso ng mensahe - Tumutukoy sa kakayahan ng komunikador na bigyang-kahulugan ang mga
simbolong kanyang tinanggap at isipin kung paano nakaaapekto sa iba ang ginamit niyang simbolo.
3. Ang pag-aangkop - Ang kakayahan ng komunikador na ibagay o iangkop sa sitwasyon ang kanyang
pagpapahayag ng mensahe. Halimbawa, ang pagpili ng angkop na pananalita.
4. Ang pagpapahayag - Sumasaklaw naman ito sa pagpapahayag ng sariling damdamin, pagkilala sa damdamin
ng iba, at paghikayat sa iba na ipahayag ang kanilang damdamin.

MGA BATAYANG KAALAMAN SA DISKURSO AT PAGDIDISKURSO:


Depinisyon ng diskurso:
 Ang diskurso ay mula sa salitang Ingles na discourse na galing din naman sa salitang Latin na discursus na
nangangahulugan ng diskusyon o argumento, o kaya'y kumbersasyon na maaaring pasalita o pasulat.
 Ang pagpapabatid ng iniisip at nadarama sa hangaring maunawaan at unawain ang kausap, sa paraang
pasalita o pasulat ay tinatawag na diskurso.
 Ang diskurso ay tumutukoy sa kumbersasyunal na interaksyon sa pagitan ng tagapagsalita at tagapakinig, o
di kaya'y sa pagitan ng sumulat at bumabasa.

Ang Pasalitang Diskurso


Sa pasalitang diskurso, higit pa sa linggwistikang porma ng pasalitang interaksyon at diskursong tungkulin
ang pinag-aaralan at binibigyang pansin. Binibigyang pansin at pagpapahalaga din ang kultural na aspekto gaya ng
kaugalian, at mga kaasalan ng mga partisipant sa mga karaniwan at penominal nilang pag-uusap.

Ang Pasulat na Diskurso


Sa pasulat na diskurso, pangunahing isinasaalang-alang ang istrukturang gramatikal ng wika; ang parirala,
sugnay, pangungusap, ang kontekstwalisadong mga gamit nito, ang mga pag-iistruktura ng mga ito, at ang mga
tekstwal na pagkakauugnay-ugnay.

4
Dalawang Kakayahang Mahalaga sa Diskursong Pasalita at Pasulat
1) Kakayahang linggwistika
(Linguistic competence)
Kakayahang makabuo ng pangungusap o pahayag na may wastong kayariang panggramatika.
2) Kakayahang Komunikatibo (Communicative competence)
Kakayahang umunawa at magamit ang mga pangungusap na may wastong kayariang panggramatika ayon sa
hinihingi ng sitwasyon; Kakayahang ipakita at gamitin ang alinmang gawi ng pakikipag-usap ( speech behavior or
speech acts) na angkop at naaayon sa sitwasyon.

Apat na Dimensyon ng Diskurso


1) Konteksto, 2) Kognisyon, 3)Komunikasyon at 4) Kakayahan

Konteksto ng Diskurso
Ang konteksto ay mga partikular na kumbinasyon ng mga taong bumubuo sa isang sitwasyong
pangkomunikasyon.
1) Kontekstong Interpersonal
2) Kontekstong Panggrupo
3) Kontekstong Pang-organisasyon
4) Kontekstong Pangmasa
5) Kontekstong Interkultural
6) Kontekstong Pangkasarian
• Ang konteksto ng isang diskurso ay higit na mabuting ipalagay bilang isang paraan ng pagpokus sa
isang tiyak na proseso at epektibong pangkomunikasyon.
• Pansinin na laging may kontekstong interpersonal kahit sa loob ng panggrupo at organisasyunal.
• Ang kontekstong pangkasarian naman ay lagi ring umiiral sa tuwing ang mga taong may magkaibang
kasarian ay nagtatalastasan sa loob man ng iba pang konteksto.
• May iba pang aspekto ng pagpapakahulugan na batay pa rin sa diskurso. Halimbawa sa isang
usapan, maaaring hindi direktang ibinibigay ang mensahe at makukuha lamang ito ng kausap sa
pamamagitan ng inferens o paghihinuha batay sa binitiwang pahayag ng nagsasalita.
Halimbawa:
Nikki: Gwapo ba ang boyfriend mo?
Lisa: Responsible at mayaman siya.
Nikki: Ano ba ang itsura niya?
Lisa: Sinabi ko namang responsible at mayaman dahil may kotse at sa exclusive school nag-aaral.
(Kung nauuunawaan ito ni Nikki, maaring alam na niya na hindi gwapo ang boyfriend ni Liza
bagama't may katangian ding binanggit si Liza na makapag-aangat sa itsura ng boyfriend niya - ang
responsible at mayaman.)
2) Kognisyon
• Tumutukoy sa wasto at angkop na pang-unawa sa mensahe ng mga nag-uusap
• Bahagi nito ang oryentasyong kultural ng mga taong nag-uusap
• Kailangan ang mataas na lebel ng pang-unawa tungo sa higit na karunungan

3) Komunikasyon
Tumutukoy sa berbal at di-berbal na komunikasyon sa paghihinuha ng mga impormasyon
4) Kakayahan
• Lahat ng tao ay may kakayahan sa mga makro/ kasanayang pangkomunikayon.
• Mahalagang ang mga kasanayang ito ay malinang para sa higit na epektibong interaksyon.

TANDAAN:
• Maging mapanuri hindi lamang sa salita kundi maging sa kulturang nakapaloob dito.
• Maging mahusay sa paghinuha ng mga impormasyon.(kilos + salita)
• Maging kritikal sa pag-unawa ng mga mensahe.
• Isaalang-alang ang 4k na dimensyon ng diskurso: (konteksto, kognisyon, komunikasyon, at
5
kakayahan)

MGA MAKRO O KASANAYAN SA KOMUNIKASYON


 Malaki ang papel na ginagampanan ng komunikasyon upang malinang ang personalidad ng isang indibidwal
lalo na ang pagkakaroon ng tiwala sa sarili upang maipahayag ang nilalaman ng isip at ang nararamdaman.
 Kapag sinabing makro, nangangahulugan ito ng kasanayan na ang katumbas sa Ingles ay skill. Apat ang
makro ng komunikasyon: ang 1) pakikinig, 2) pagsasalita, 3) pagbasa at 4) pagsulat. Sa paglinang ng mga
makrong ito, interdisiplinari ang nagaganap. Ibig sabihin, magkakaugnay ang paglinang ng makro ng
komunikasyon tungo sa pagkatuto ng wika.
 Sinasabing pakikinig ang pinakapundasyon ng lahat ng makro. Ang pagsulat naman ang pinakabunga ng
pakikinig, pagsasalita at pagbasa.

Ugnayan ng mga Kasanayang Pangwika o Makro ng komunikasyon


Apat ang makrong kasanayan sa pagkatuto ng wika: pakikinig, pagsasalita, pagbasa at pagsulat. Parang
magkabuhol na bituka ang apat na kasanayang ito dahil hindi maaaring paghiwalayin. Kailangang maiaplay ang apat
na kasanayang ito ayon sa pagkakasunud-sunod.

ANG MAKRONG PAKIKINIG


Ang pakikinig ay ang proseso ng pagdinig nang may layunin at pag-unawa sa kahulugan ng mga tunog, salita
at pangungusap na napakinggan. Ito ay isang aktibong kasanayan sapagkat may nagaganap sa isipan ng isang tao
habang nakikinig. Ipinoproseso ng kanyang isipan ang mga bagay na kanyang napakinggan hanggang sa
maunawaan ang mga ito.
Proseso ng Pakikinig
Sinabi ni Kline (2006) na ang pakikinig ay isang kompleks na proseso. Ito ay dumadaan sa tatlong
magkakasunod na hakbangin: 1) Pagdinig sa mensahe , 2) Atensyon o pagbibigay-pokus sa mensahe, at 3) Pag-
unawa o pag-iinterpret sa mensahe. Bagama't mahalaga ang pagtugon o ganting- tugon (feedback) sa buong
proseso ng komunikasyon, hindi ito itinuturing bilang lohikal na bahagi ng pakikinig.
Mga Salik na Nakakaimpluwensya sa Pakikinig
1. Mga Pisikal na salik
a. May kinalaman sa sarili - pagkapagod, karamdamang pisikal, kapansanan sa pandinig (hearing
disabilities
b. Panlabas na bagay – lugar at kapaligiran, ingay sa paligid, temperatura, pananamit, oras,mga
kagamitan, tsanel, distansya, edad, dami ng tagapakinig, timbre ng boses, paraan ng pagsasalita,
kilos o nakakadistrak na galaw ng tagpagsalita.
2. Bakgrawn (background). May mga pagkakataong hindi sapat ang karanasan, bakgrawn at kaalaman ng
tagapakinig kaugnay sa paksang tinatalakay ng ispiker, kaya hindi lubos na nauunawaan ang mga salitang
ginagamit o di-kaya'y nabibigyan ito ng maling interpretasyon . Sa kabilang banda, may pagkakataon din
naman na mas malawak ang karanasan , bakgrawn, at kaalaman ng tagapakinig kaugnay sa paksang
tinatalakay ng ispiker na maaaring naming maging sanhi ng pagkawala o interes para ipagpatuloy pa ang
pakikinig. Ang kalagayang ito ay nagsisilbing hadlang sa mabisang pakikinig.
3. Konsepto sa sarili Maaaring ang taong may malawak na kaalaman ay magkaroon ng sagabal sa pakikinig
sapagkat mataas ang pananaw sa sarili, at dahil dito ang ilang maririnig ay maaaring hindi paniwalaan o hindi
maunawaan dahil sa taglay na konsepto sa sarili.
4. Kultura. May sagabal sa pag-unawa ng mga konseptong naririnig kung iba ang kultura ng taong nakikinig.
Ang mga konseptong maririnig ay mababatay sa sariling kultura na nagdedetermina ng kanyang pag-unawa
sa narinig. Maaaring asahan na higit na mahusay na tagapakinig ang mga taong may sariling disiplina
at naturuan ng mga tamang asal tulad ng paggalang sa kapwa.

Uri ng Pakikinig
1. Impormatib na Pakikinig – Nakikinig upang makakuha ng impormasyon at mapataas ang kaalaman sa iba’t-
ibang larangan. Halimbawa: ang pakikinig ng lektyur sa klase.

6
2. Ibalwatib na Pakikinig – Nakikinig upang makapag-analisa ng mga impormasyon o magbigay ng paghuhusga
mula sa mga narinig. Halimbawa: ang pakikinig sa plataporma ng mga politiko.
3. Empatik na Pakikinig – Nakikinig sa isang taong naglalahad ng personal na karanasan o saloobin at
sinusubukang maramdaman din kung ano ang kanyang saloobin. Maipaparamdam mo rin ang iyong
pagdadalamhati mula sa kanyang karanasan.
4. Pasibong Pakikinig – Nakikinig ngunit hindi nagbubunsod ng anumang reaksyon o katugunan mula sa
napakinggang mensahe.
5. Pangkasiyahang Pakikinig – Nakikinig upang libangin ang sarili. Halimbawa, pakikinig ng musika.
6. Replektib na pakikinig – Tinatawag din itong suportib na uri ng pakikinig. Nakikinig upang makatulong at
makapagpataas ng moral ng isang tao.
7. Kritikal na Pakikinig – Ito naman ay tumutukoy sa pakikinig na may kaakibat na pagsusuri, pagsasala at
pagpapakita ng kontroladong emosyon mula sa napakinggang mensahe.
8. Metakomprehensyong Pakikinig – Ang pinakamataas na antas na uri ng pakikinig na maaaring maisagawa ng
isang tao. Gamit ang metakomprehensyon, ang isang tagapakinig ay hindi lamang nagiging kritikal, ebalwatib
at replektib sa kanyang napakinggan, bagkus, lubos ang lalim ng pagkaunawa sa mensahe.
Mga Uri ng Pakikinig Ayon sa Layunin
1. Kaswal -Hindi seryoso ang ganitong pakikinig, kaya walang tiyak na layunin, kaya walang gaanong
matandaan sa napakinggan.
2. Impormal – May layunin ito bagamat mababaw lamang at hindi nangangailangan ng malalim na pag-iisip.
Halimbawa: Pakikinig upang may makilala, makakuha at makapagdala ng panuto, makagawa ng buod,
gayundin ng balangkas ng isang kwento, makakuha ng ilang tala at matandaan ang mga ito, at
makapagsunud-sunod ng mga pangyayari.
3. Kritikal – Masinsinan ang lebel ng pakikinig. Sinusuri ang lahat ng anggulo, ang pagkakatulad at pagkakaiba,
gayundin ang reaksyon dito at paghusga, sa gayon, mabigyan ng obhektibong pagpapahalaga.
Nangangailangan ito ng mas malalim na konsentrasyon at kasanayan sa mapanuring pag-iisip. . Kaakibat dito
ang pagiging analitikal, ebalwatib at apresyatib.
 Analitikal – layuning mataya ang kahulugan ng mensahe, magbigay puna sa mga pagkakatulad at
pagkakaiba, makakuha ng mga pagpapahalagang moral at iba pang layuning
nangangailangan ng mataas na antas ng pag-unawa.
 Ebalwatib – pakikinig na may layuning magbigay ng paghatol o sariling reaksyon tungkol sa
napakinggang mga pahayag o pangyayari.
 Apresyatib – pakikinig na may layuning magpahalaga sa pagiging masining ng napakinggang
talumpati, tula, dulang dramatiko o kaya'y mga musikal na pagtatanghal.
Mga Katangian ng Kritikal na Pakikinig
1. Humahamon ng malalim na pag-iisip.
2. Nakikilala ang pagkakaiba ng katotohanan o opinion.
3. Nauunawaan ang nakatagong kahilingan at damdamin ng mensahe.
4. Naeebalweyt o natataya ang mga ekspresyong di-berbal ng nagsasalita.
5. Nahuhusgahan ang katumpakan, kabutihan, at kasamaan ng mga ideya.
6. Nasusuri ang pagkakalahad ng mga ideyang napakinggan.
Mga Katangian ng Mahusay na Tagapakinig
1. Interesado sa pinag-uusapan o sa paksang tinatalakay.
2. Nakakakilala ng mga pangunahing ideya.
3. Nagbibigay-atensyon sa paraan ng pagpapahayag at itsura ng nagsasalita o interlokyutor.
4. Kalmado, hindi emosyonal sa ilang sensitibong paksang sumusulpot.
5. Hindi nagtatangkang sapawan ang kaisipang inihahayag ng nagsasalita.
6. Hindi nagsasalita para sa sariling kapakanan o pagpapakitang-gilas ng sarili.
Mga Hadlang sa Mabisang Pakikinig
1. Bilis ng Komprehensyon kontra bilis ng Pakikinig – Ang average na bilis ng pagsasalita ng isang tao ay
humigit-kumulang sa 100 hanggang 150 salita bawat minuto. Gayon pa man, sa pakikinig, kaya ng isang tao
na makapakinig hanggang 400 salita sa loob ng isang minuto. Subalit hindi ito nangangahulugang may lubos
na pang-unawang nagaganap mula sa 400 salitang kanyang napakinggan. Malaking konsiderasyon pa rin
dito ang lebel ng komprehensyon o pang-unawa ng isang tao.

7
2. Hindi makatotohanang atensyon – Isa itong disorder tungo sa mabisang pakikinig. Ito’y maituturing ding
pamemeke ng atensyon ng isang tagapakinig. Halimbawa, tumatango subalit hindi naman talaga lubos na
nauunawaan ang napakinggang mensahe.
3. Pagpapahintulot na manaig ang hadlang – Binibigyang puwang ang mga hadlang sa pakikinig.
4. Pagiging selektib na tagapakinig – Pinipili lamang ang gusting pakinggan.
5. Pagiging overstimulated sa pinakikinggan – Ang pakikinig na eksaherado na itinuturing na isang disorder.
6. Pagiging egocentric na tagapakinig - Kompetitib o Kombatib na tagapakinig ang tawag dito. Higit na
nakapokus ang tagapakinig sa kanyang pinaniniwalaan sa halip na bigyang pagkakataon ang kanyang
pinakikinggan na makapaglahad ng mensahe.
7. Pagiging Kritiko ng Ispiker sa halip na Kritiko ng Mensahe – Nakapokus ang atensyon sa paraan ng
pagsasalita, pananamit at kilos ng tagapagsalita, hindi sa mensahe.
8. Pagbibigay konsentrasyon sa detalye ng mensahe sa halip na sa pangkalahatang ideya. Hindi makuha ang
buod ng mensahe.
9. Pagkakaroon ng Pangkapaligirang hadlang – Halimbawa : ingay sa paligid , mabahong amoy, napakainit o
napakalamig na temperature, atbp’
10. Pisikal na hadlang – Mga pisikal na depekto ng tao. Halimbawa, mahina ang pandinig ng tagapakinig, o may
diperensya sa pagsasalita ang tagapagsalita.

Mga Tip sa Mabisang Pakikinig


1. Tiyaking akma ang lebel ng iyong pakikinig sa tao o sa impormasyong iyong pinakikinggan.
2. Suportahan ng di-berbal na komunikasyon ang paraan ng pakikinig. Isang magandang halimbawa ang
pagtango, na nangangahulugan ng pagsang-ayon o kaya naman ay paghaplos sa likod ng kausap tanda ng
pakikiramay.
3. Laging isaisip ang kabuuang konteksto ng impormasyong narinig. Kung maaari, maging mabilis sa pagkuha
ng mga mahahalagang ideya mula sa napakinggan.
4. Ang kahandaan sa pakikinig ay isang napakahalagang bagay na dapat isaalang-alang. Laging iparamdam sa
kausap sang sinseridad mo bilang tagapakinig. TANDAAN: Ang pagtingin ng diretso sa mata ay tanda ng
sinseridad ng iyong ikinikilos o sinasabi.
5. Ipakita na ikaw ay mahusay na tagapakinig. Magagawa ito sa pamamagitan ng mga sumusunod:
 Iwasang magsalita habang hindi pa tapos magsalita ang kausap.
 Iwasan ang anumang uri ng interapsyon habang nagsasalita ang kinakausap.
6. Para sa mga dumadalo ng lektyur o seminar, mainam na itala o isulat ang mga mahahalagang impormasyon
na hatid ng tagapagsalita nang sa gayon ay may magsilbing suportang datos bukod pa sa narinig.

8
ANG MAKRONG PAGSASALITA
 Unang nalinang sa tao ang pakikinig bago ito natutong magsalita. Mas malaking panahon ang ginugugol ng
isang tao sa pagsasalita kaysa sa pagbasa at pagsulat. 35% ng panahon ang nagugugol ng isang indibidwal
sa pagsasalita sa araw-araw na takbo ng buhay.
 Ang pagsasalita ang daan upang buong layang maipahayag ng tao ang kanyang karapatan, opinyon, iniisip,
saloobin o damdamin.
Kahalagahan ng Pagsasalita
 Sa pamamagitan ng kakayahan ng taong makipag-unawaan nang pasalita, nagiging mabilis at
makatotohanan ang pagsulong ng kabihasnan.
 Sa pamamagitan ng pagsasalita ay nagkakaroon ng pagkakataon ang tao na magpalitang-kuro, magturo,
magbahagi ng impormasyon, at magsalaysay ng mga karanasan.
 Ang tagumpay ng isang tao sa kanyang hangarin sa buhay ay nakasalalay nang malaki sa kanyang
kakayahang magsalita sa paraang mabisa, may pang-akit, at kapani-paniwala.
 Madaling makakuha ng kapalagayang-loob at kaibigan ang isang mahusay magsalita.
 Higit na may oportunidad at nakalalamang ang isang taong mahusay magsalita.
 Magagamit ang pagsasalita sa iba't-ibang pagkakataon at sitwasyon, sa pakikipagkapwa, sa pagkatuto sa
iba't-ibang larangan ng buhay, kasama na ang mga gawaing akademiko, sa hanap-buhay at iba pa.
Mga Dapat Isaalang-alang sa Pagsasalita
 Malinaw ang isang ideya kung organisado itong naibabalangkas bago pa man pormal na humarap sa
awdyens.
 Makabuluhan ang isang ideya kung ito ay tumutugon sa pangangailangan ng awdyens at may palitan ng
mensahe sa pagitan ng ispiker at awdyens.
 Mahalagang maiangkop ng ispiker ang mga salitang gagamitin sa uri ng awdyens. Sa pamamagitan nito,
nagagawa ng ispiker na makapasok sa indibidwallidad ng kanyang awdyens
 Ang gamit ng boses at intonasyon ay isang mahalagang salik upang mabisang maipahayag ang mensahe.
Mga Pananaw sa Pagsasalita
1. Ethos. (Ethical) Tumutukoy ito sa kredibilidad ng isang ispiker. Mahalaga ito upang paniwalaan siya ng
kanyang awdyens at nakatutulong ito upang mas mapataas pa ng ispiker ang tiwala sa kanyang sarili. Sabi
nga, ang kredibilidad ay hindi nakukuha sa mabilis na paraan, bagkus, ito ay pinaghihirapan at pinagyayaman.
2. Pathos. (Pathetic) Tumutukoy naman ito sa emosyong hatid ng ispiker sa kanyang awdyens. Ang pananaw
na ito ay isang mahalagang salik tungo sa mabisang pagsasalita. Nararapat kasing maramdaman ng
awdyens ang sinseridad ng ispiker hindi lamang sa paraan ng pananalita, gayon din naman ang
pagkamakatotohanan ng kanyang sinasabi.
3. Logos. (Logical) Tumutukoy ito sa pagiging rasyonal ng isang ispiker. Kadalasan, ang katotohanan ng
mensaheng inilalahad ng ispiker ay dulot ng pagiging likas na matanong niya kaugnay sa mga nangyayari sa
kanyang paligid.
Mga Kasanayan sa Pagsasalita
 Pakikipag-usap
 Pagpapakilala ng sarili o ng ibang tao
May mga dapat tandaan sa pagpapakilala: Una, ipakilala sa isa't-isa ang mga taong hindi
magkakakilala sa inyong pangkat. Ikalawa, unahing banggitin ang pangalan ng taong nais bigyan ng
espesyal na paggalang tulad halimbawa ng mga nakatatanda o yaong nasa mataas na katungkulan. Ikatlo,
pakinggang mabuti ang kanyang pangalan, magalang nating hilingin sa kanya na ulitin kung kinakailangan.
 Pakikipag-usap sa telepono
May mga wastong pamantayang dapat isaalang-alang sa pagtawag o pakikipag-usap sa telepono:
1) Planuhing mabuti ang sasabihin bago tumawag. 2) Tiyakin kung sino ang kakausapin bago tumawag
3) Magpakilala at magsalita nang malinaw at magalang 4) Huwag kakalimutang magpasalamat, at
magpaalam pagkatapos ng pag-uusap
 Pagbibigay ng Direksyon at Panuto
Sa kasanayang ito, kailangang isama ang lahat ng mahahalagang detalye o impormasyon tulad ng
pangalan at sanggunian, deskripsyon, at mga paalala o babala na may kaugnayan dito.
 Pag-uulat (Reporting)
9
Ang pag-uulat ay isang pagpapahayag ng mga pinangalap at pinag-ipon-ipong kaalaman pinalawak
ng matamang pagmamasid sa mga nagaganap sa kapaligiran, ng masikhay na pananaliksik sa mga nakalimbag
na babasahin, ng matalinong pakikipanayam sa mga taong dalubhasa, at awtoridad, at ng matimbang na
pagpapalagay at paghahakang sarili.
 Pagkukwento
Ito ay ang kaswal na pagkukwento ng mga karanasang nakakahiya, nakakatakot, nakakainis,
nakakapanghinayang, katawa-tawa, o kaya nama'y hindi makakalimutang karanasan o di-kaya'y
pangyayaring nasaksihan, napanaginipan, napanood sa pelikula, o napakinggan.
 Pakikipagdebate/Pakikipagtalo/Pangangatwiran
Sa pakikipagtalo tungkol sa isang mahalagang paksa o isyu, nalilinang at napatatalas ang pag-iisip ng
isang indibidwal upang makapangatwiran nang mabuti.

Mga Katangian ng Isang Nangangatwiran/ Nakikipagtalo


1) Mahinahon. Hindi dapat nagpapadala sa bugso ng damdamin. Nanatiling mahinahon sa paglalahad
ng mga datos at patunay.
2) Malawak ang Talasalitaan. Ang nangangatwiran ay kinakailangang may mayamang bokabularyo. Ang
mga salitang pipiliin ay kinakailangang angkop sa isinasaad upang tumingkad at mangibabaw ang
pangangatwiran.
3) May kakayahang mag-isip agad-agad. Ang kaalaman sa paksa, ay nagsisilbing gabay ng
pakikipagtalo upang mabilis na makapag-isip.
4) May lubos na kaalaman sa paksa. Ang pangunahing kalasag ng nakikipagtalo ay ang lubos na
kaalaman sa paksa, kung dahop sa kaalaman sa paksa, malayong makakahikayat dahil sa ang
nakikipagtalo mismo ay hindi sigurado sa katotohanan ng kanyang sinasabi.
5) Maayos ang pagbibigay o paglalahad ng patunay . Mahalagang organisado ang paglalahad. Ang mga
patunay ay kinakailangang mag-umpisa sa magaan hanggang sa pabigat nang pabigat.
 Balagtasan. Ang balagtasan ay uri ng tulang patnigan na ang layunin ay pagtatagisan ng talino sa paraang
patula. May tatlong partisipant dito, ang lakandiwa at ang dalawang mambabalagtas na nagtatagisan ng
katwiran . Ang isa ay sang-ayon at ang isa ay di-sang-ayon sa paksang pinagtatalunan.
 Pagtatalumpati. Ang pagtatalumpati ay isang sining ng pasalitang pahayag na ang layunin ay maakit at
mahikayat ang mga nakikinig ukol sa mahalagang paksang inilalahad.

May Tatlong Uri ang Talumpati:


1) Impromptu o Biglaan – Walang paghahandang isinasagawa, basta biglaang tatawagin ang
mananalumpati o tagapagsalita.
2) Ekstemporenyus o Maluwag – Binibigyan ng kaunting panahon ang mananalumpati na makapag-
isip sa paksang noon din lamang ipinaalam sa kanya, kaya karaniwan nang naisasagawa lamang
ang balangkas ng sasabihin.
3) Prepared o Handa – Bago sumapit ang okasyon ng pagtatalumpati, ang paksa ay ipinaalam na
upang mapaghandaan nang husto. May mahabang panahon upang makapagsaliksik ng mga
impormasyong kailangan sa paksang tatalakayin. Maari itong sauluhin o basahin sa harap ng
mga tagapakinig.
Mga Katangiang Dapat Taglay ng Isang Mananalumpati
1) May kahandaan, ganap na kaalaman sa paksa at tiwala sa sarili.
2) May angking kasanayan sa pagsasalita, malinaw ang bigkas, tamang intonasyon, may angkop na
galaw o kumpas, at kontroladong boses.
3) Kombersasyunal sa pagsasalita at tumitingin sa mga tagapakinig.
4) May interes sa kapaligiran at may pulso sa publiko. Marunong makiramdam, maparaan, masigla
at marunong magpatawa kung kinakailangan.
5) Mabikas ang tindig, malinis ang pananamit at personalidad, magalang o mapitagan ang kilos at
pananalita
 Pakikipanayam o interbyu
May dalawang sangkot sa gawaing ito: Ang kumakapanayam (interviewer) at ang kinakapanayam
(interviewee). Ito ay ang pakikipag-usap o pakikipagpulong ng taong nangangalap ng impormasyon sa taong
nais kunan ng impormasyon.
10
Mga uri ang pakikipanayam:
1) Isahang pakikipanayam – (Isang kumakapanayam at isang kinakapanayam)
2) Pangkatang pakikipanayam
 Isa ang kumakapanayam, marami ang kinakapanayam
 Marami ang kumakapanayam, iisa ang kinakapanayam.
 Marami ang kumakapanayam, marami rin ang kinakapanayam
 Pangkatang Talakayan
Isa itong kasanayang pasalita sa pamamagitan ng tuwirang pag-uusap ng isang maliit na pangkat ng
mga tao. Ang mga kasama sa talakayan ay nagpapalitan ng mga temang pinag-uusapan.

Iba't-ibang Uri ng Pangkatang Talakayan:


1) Lektyur-Forum/ Panayam na Pagtatalakayan o Isahang Pamunuang Talakayan
Ito ang pinakakaraniwang uri ng pagtatalakayan. Una, magsasalita muna ang panauhing pandangal.
Pangalawa, saka magkakaroon ng bukas na forum (open forum). Sa panahong ito, ang mga kalahok o
tagapakinig ay maaaring magtanong .maaaring sabihin nang deretso sa tagapagsalita ang katanungan o
maari rin naman ang pamamaraang isusulat na lamang ng mga nais magtanong ang kanilang katanungan at
pipili ng isang lider na siyang babasa ng mga ito.

2) Talakayang Panel o Diskusyong Panel


Ang talakayang panel ay medyo impormal. Sa iba't-ibang samahan, ito ay napatunayan nang higit na mabisa
kaysa ibang formal na talakayan. Binubuo ito ng tatlo hanggang anim na kasapi. Ang mga kasaping
tagapagsalita rito ay hindi magkakasalungat sa isa't-isa, bagkus, hangad nila ang lubos na ikalilinaw at
ikalulutas ng suliraning pinag-uusapan., kaya natural lamang na sila'y magkasang-ayunan. Ang mga
tagapagsalita sa panel ay pawang mga dalubhasang nakapagsasalita at nakapagpapatunay sa inilalahad
niyang katibayan ngunit lahat ay nagkakasundo sa iisang tinutungong pangkalahatang pananaw. Dito, ang
mga kalahok o panel ay nakaupo nang harapan o pabilog sa harap ng mga tagapakinig at pinagigitnaan ng
tagapamuno .

3) Simposyum (Symposium)
Ito'y tinatawag ding "pagpupulong bayan" Isang pangkat na karaniwa'y binubuo ng apat hanggang anim na
dalubhasang tagapagsalita na inanyayahan upang talakayin ang iba't-ibang aspekto ng paksa na inilaan ayon
na rin sa larangang kanyang pinagdalubhasaan. Bawat tagapagsalita ay ipinakikilala ng moderator at ang
bawat inihanda nilang talumpati ay may panahong taning (time limit) Ang bawat talumpati ay magkakaugnay.
Ang tagapangulo ang nagsasaayos nito sa tamang pagkakasunud-sunod nang hindi maguluhan ang mga
tagapakinig. Maari ring bigyan ng kopya ng mga talumpati o lektyur ang mga partisipant upang muling mabasa
ng mga kalahok pagdating sa kanilang bahay. Mayroon ding bukas na forum pagkatapos magtalumpati ang
lahat ng tagapagsalita. Dito binibigyan ng pagkakataon ang mga tagapakinig na magtanong upang lalong
malinawan sa mga paksang tinalakay.
4) Malayang Talakayan (Open Forum)
Ito ay ang talakayan sa pagitan ng ilang tagapakinig na nasa audience at ng mga tagapagsalita. Tinatawag ng
moderator ang ilang tagapakinig na ibig magtanong, magbigay ng karagdagang impormasyon, o magbigay ng
reaksyon tungkol sa isyung pinag-uusapan.
 Pagbabalita o Newscasting
Ito ay kasanayan sa pagsasalita sa pamamaraang pagsasahimpapawid ng mga pang-araw-araw na
pangyayari sa lipunan, pamahalaan, sa mga sakuna, sa industriya, sa agham at iba't-ibang paksa sa loob at
labas ng bansa. May layuning maghatid sa madla ng mahahalagang impormasyon sa pamamagitan ng
pinakamadaling paraan ng pakikipagtalastasan. Ito ay ang radio at telebisyon.

11
ANG MAKRONG PAGBASA
Depinisyon:
 Ang pagbasa ay pagkilala at pagkuha ng ideya at kaisipan sa mga sagisag na nakalimbag. Ito’y paraan ng
pagkilala, pagpapakahulugan at pagtaya ng mga kagamitang nakalimbag (Bernales,2003).
 Ang pagbasa ay pakikipagkomunikasyon ng awtor sa kanyang mambabasa. Ang sangkot dito ay tatlo: Ang
aklat o anumang babasahin, ang may akda o ang taong may nais ipabatid o iparating, at ang bumabasa.
Ang Apat na Hakbang ng Pagbasa
( May apat na hakbang na daraanan sa buong proseso ng pagbasa at ang bawat hakbang ay mabilis na nangyayari)
1. Persepsyon o pagkilala – kakayahan ito sa pagkilala ng mga nakalimbag na simbolo.
2. Pag-unawa o komprehensyon – pag-unawa sa mga kaisipan na ipinahahayag ng mga simbolo o salitang
nakalimbag.
3. Reaksyon – kakayahang humatol o magpasya ng kawastuan, kahusayan at pagpapahalaga at pagdama
sa mga isinulat ng may –akda.
4. Asimilasyon o integrasyon – kakayahan sa pagsasama-sama at pag-uugnay-ugnay ng mga nakaraan at
ng mga bagong karanasan.
Uri ng Pagbasa Ayon sa layunin
1. Pahapyaw na Pagbasa – May layuning makakuha ng panlahat na impormasyon buhat sa isang aklat,
paghahanap ng detalye, paghahanap ng materyales sa aklatan sa pamamagitan ng kard catalog o paggamit
ng high tech na kompyuter at internet sa silid-aklatan.
2. Masusing Pagbasa - May layuning makakuha ng malawakang impormasyon o kaalaman upang
makapagbigay ng detalye, makapagbigay ng halimbawa at paghahambing , makapagbigay ng mga dahilan,
reaksyon o pamununa .
Mga Teknik sa Pagbasa
Ang sumusunod ang pinakakaraniwang gamiting teknik sa pagbasa:
1. Iskiming (skimming). Isang teknik ito ng mabilisan o madaliang pagbasa na ang pokus ay wala sa detalye
kundi sa pangkalahatang kaisipan.
2. Iskaning (scanning). Tulad ng iskiming isa rin itong mabilisan o madaliang teknik ng pagbasa na ang
pokus ng mambabasa ay makuha lamang ang mga ispesipikong impormasyon. Halimbawa:
paghahanap ng kahulugan ng salita sa diksyunaryo, paglolocate ng pangalan sa direktori ng telepono,
pagtingin sa dyaryo ng pangalan ng mga pumasa sa isang lcensure na eksaminasyon.
3. Replektib. Isinasabuhay o inilalapat sa sariling karanasan o kalagayan ang mga aral o mensaheng
nabasa.
4. Prebyuwing. Teknik ng pagbasa na kinukuha lamang ang lahat ng mahahalagang impormasyion ng isang
babasahin tulad ng pamagat, awtor, publisher, talaan ng nilalaman, buod ng isang aklat, synopsis, atbp.
5. Kaswal. Ang layunin sa pagbasa ay para palipasin lamang ang oras habang naghihintay nang hindi
mainip, kaya magaan lamang, at hindi pinakadidibdib ang pagbasa.
6. Komprehensibo. Intensibo o matiim na pagbasa ang teknik na ito. Iniisa-isa ang bawat detalye;
Inuunawa ang bawat kaisipan; Maingat, masinsinan at matalinong pagbabasa sapagkat mahalaga ang
lubos na pagkatuto; Pangkarunungan, hindi pangkaalaman lamang ang pagbasang ito. Sinusuri,
pinupuna, at pinahahalagahan ang binabasang materyal. Kinukwestyon, binibigyang-opinyon, tinataya,
binubuod, binabalangkas, sinusukat, dinidisisyunan, lahat-lahat na maaring gawing paghimay sa materyal
para lamang maintindihang mabuti; Mapanghamon ng kakayahan; Mapamiga ng isip; Gayunpaman, hindi
matatawaran ang sukling karunungan nito. Ito ang teknik na napakaepektibo sa akademikong pagbabasa.
7. Kritikal. Ang pagsusuri at pagsasala ng mga impormasyong natatanggap. Tinitingnan dito ang katunayan
at kawastuhan ng konsepto na maisasanib sa sarili o sa buong pagkatao para maiaplay ang karunungan
sa asal at gawi, at maisabuhay ito nang may pananagutan. Ibig sabihin, ang bumabasa ay lumilikha ng
sariling pamantayan upang paniwalaan o hindi ang ideyang binasa.
8. Pamuling-basa. May mga babasahing materyal na hindi naiibsan ang mapupulot na kahulugan.
Napakalawak ng naibibigay na antas ng interpretasyon nito na hindi agad nakukuha sa minsang pagbasa.
At habang muli’t muli itong binabasa, may bagong mahalagang bagay na natutuklasan. Mga halimbawa
nito ang mga klasikong akda gaya ng mga katha nina Wiliam Shakespeare, Jose Rizal, ang Bibliya, atbp.
9. Basang-tala. Teknik ito sa pagbabasa na sinasabayan ng pagsusulat. Pag may mahahalagang kaisipan o
konsepto, itinatala ito, o kaya’y minamarkahan para sakaling kailangang muli ang impormasyon, madali
12
itong makita o makuha. Kadalasan itong isinasagawa sa pamamagitan ng pagsasalungguhit, paglalagay
ng asterisk, paggamit ng haylayter, at iba pa.
10. Suring-basa o Rebyu. Isa itong maikling kritika na naglalaman ng pagsusuri at pamumuna ng isang akda
o aklat sa layuning maipabatid sa mga mambabasa ang taglay nitong kalidad at mairekomenda upang
basahin ng iba o kaya’y maibasura dahil walang kwenta. Isa itong pagtataya sa mga katangian ng akda o
aklat. Inaalam dito ang mga impormasyon tungkol sa mga elemento ng akda, gayundin, ang kabisaan nito
sa kabuuan, kalakip ang pagpapakita ng opinyon na sumusuporta sa pagbibigay-impormasyon na tuklasin
ang kahalagahan ng akda.

Pagkakaiba ng Aktibong Mambabasa sa Pasibong Mambabasa


Aktibong Mambabasa Pasibong Mambabasa
 Kusang nagbabasa. Binibigyang analisis ang binabasa..  Nagbabasa ng materyal dahil ito ay iniutos na basahin
 Marunong mag-adjast sa bilis o bagal ng pagbabasa  Binabasa ang isang material sa paraang
depende sa layunin. magkakasimbilis o magkakasimbagal.
 Nakapaghihinuha kaugnay sa kanyang binasang material.  Tinatanggap ang anumang impormasyon nang walang
pag-aalinlangan.
 Nagagawa niyang maikonekta ang kanyang mga dati nang  Basa lang nang basa.
nabasa at nalaman sa kasalukuyan niyang binabasa.
 Inaalam ang kabuuan ng isang babasahin  Konsyus sa haba o dami ng babasahing material.
 Nagbibigay ng buong konsentrasyon sa binabasa at  Kinababagutan ang pagbabasa at hindi inuunawa ang
inuunawang mabuti ang nilalaman nito. binabasa.
 Nagtatala ng mahahalagang impormasyon, nagmamarka  Basta tinapos lang ang pagbabasa.
habang nagbabasa at kumokonsulta sa diksyunaryo kung
may mga salitang hindi maunawaan.

ANG MAKRONG PAGSULAT


Isang karanasang dapat matamo ng mga mag-aaral ay ang kasanayan sa pagsulat. Bagama't hindi lahat ay
nabibigyan ng pagkakataong maging manunulat, ang bawat tao'y may kakayahang sumulat. Mahalagang
makapagsulat ang tao upang lalong tumibay ang kanyang paniniwala o paninindigan sa paksang nais niyang pag-
ukulan ng pansin. Hindi lahat ng nais sabihin ng tao ay kanyang nasasabi. Maaaring siya'y nahihiya, walang lakas ng
loob na ipahayag ang naiiisip at nadarama, o kaya'y ayaw niyang makasakit ng damdamin ng iba. Sa pamamagitan
ng pagsulat, nailalabas niya ang mga damdamin at iniisip. Naipapahayag niya ito nang walang pag-aalinlangan at
pag-aatubili.
Ang pagkatutong sumulat ay hindi lamang aplikasyon ng mga natamong kasanayan kundi pagpasok sa isang
diskursong pangkomunidad. Ang pagsulat ay hindi hiwalay kundi kaugnay ng iba pang gawaing pangkomunikasyon
gaya ng pakikinig, pagsasalita at pagbasa.
Ayon kay Peck Buckhingham ang pagsulat ay ekstensyon ng wika. Anumang natutunan sa makrong pakikinig,
pagsasalita at pagbasa, ang nagiging output ay pagsulat.
Katuturan o Depinisyon
 Ang pagsulat ay ang proseso ng pagbubuo at pagsasatitik ng pahayag ng isang tao hinggil sa anumang
bagay. (Badayos, 1999)
 Ang pagsulat ay pagsasalin sa papel o sa ano mang kasangkapang maaring magamit at mapagsalinan ng
mga nabuong salita, simbolo at ilustrasyon ng isang tao o mga tao sa layuning maipahayag ang nasa
kaisipan. (Bernales, 2001)
Kahalagahan
 Dahil sa pagsusulat, napapanatiling buhay ang kultura at hindi nababaon sa limot ang kasaysayan ng isang
bansa. Ang mga nasulat na tala ay mababasa ng salinlahi kaya’t malalaman ang pinagdaanan ng isang
bansa’
 Sa pamamagitan ng mga nasulat na mga akdang pampanitikan ay mababatid natin na tayo man ay may mga
akdang maipagmamalaki katulad ng sa ibang bansa.
 Ang mga nalayong mga mahal sa buhay ay nagiging malapit sa isang tao sa pamamagitan ng pagsusulatan.
 Lalawak ang ating kaalaman sa tulong ng mga nakasulat na impormasyon at kaalamang makukuha natin sa
mga aklat at sa iba’t-iba pang uri ng mga babasahin. Walang pagsulong sa daigdig kung hindi natutong
sumulat ang tao.

13
 Ang mga natuklasan sa siyensya ay hindi nawawala sapagkat nakatala o nakasulat.
Mga Layunin ng Pagsulat
Ang uri ng sulatin ay nababatay sa layunin ng manunulat.
1. Makapagbigay impormasyon
2. Makapanghikayat
3. Makapagpahayag ng mga kaisipang malikhain
4. Makapagpahayag ng sarili
5. Makapagbigay-lugod (ang mapangiti, mapatawa, mapaiyak, matakot ang awdyens ay ilan lamang sa mga
halimbawa ng pagbibigay lugod bilang layunin ng pagsulat.
a. Komikal – sulatin na ginagamitan ng mga grapikal na presentasyon na nakapagdudulot ng
pangkasiyahang emosyon sa mambabasa.
b. Senswal – mga sulating nakapagpapaangat ng istimyulus ng isang tao. Kadalasang tumatalakay sa
sekswal na aspekto ng buhay ng tao.
c. Inspirasyonal – mga sulating nakapagbibigay sa tao ng motibasyon upang gawin ang isang bagay.
Anyo ng Pagsulat Batay sa Layunin
1. Impormatib na Pagsulat ( expository writing)
Ang manunulat ay naghahangad na makapagbigay impormasyon at kung kinakailangan ay
makapagbigay ng paliwanag. Ang pangunahing pokus ng impormatib na pagsulat ay sa mismong bagay na pinag-
uusapan. Halimbawa nito ay ang report ng obserbasyon, ideya, mga istatistiks na makikita sa mga libro,
ensayklopidya, teknikal at negosyong report, mga dyaryo at magasin.
2. Mapanghikayat na Pagsulat ( persuasive writing)
Ang manunulat ay nagnanais na makumbinsi ang mambabasa tungkol sa isang opinyon. Ang
pangunahing pokus ng persuasive na pagsulat ay ang maimpluwensyahan ang mambabasa o mabago ang
paniniwala ng mambabasa. Ang halimbawa ng mapanghikayat na pagsulat ay mga editorial, sulat para sa editor,
research, pangnegosyong proposal, opinyon na sanaysay sa mga magasin o libro na tumatalakay sa mga
salungatang opinyon.
3. Malikhaing pagsulat (creative writing)
Ang manunulat ay nagnanais na magpahayag ng kathang isip, imahinasyon, ideya, damdamin o
kumbinasyon ng mga ito. Ito ay ginagawa ng mga manunulat ng mga akdang pampanitikan katulad ng maikling
katha, nobela, tula, dula at iba pang malikhaing akda. Ang pokus sa malikhaing pagsulat ay ang mapagalaw ng
manunulat ang imahinasyon ng mambabasa.

Iba Pang Uri ng Pagsulat Batay sa Nilalaman, Porma at Istilo ng Manunulat


1. Akademik na Pagsulat – Pormal at maayos ang pagkakabuo ng mga ideya, organisado ang bawat detalye at
naglalaman ng paksang pang-akademiko.
Halimbawa: Papel sa Pananaliksik, Pamanahong papel, Ulat o Report, Proposal, Tesis, Reaksyong papel
2. Malikhain – ang mga sulating resulta ng malikhaing kaisipan at produkto ng malikot na guni-guni ng
manunulat.
Ang mga halimbawa nito ay ang mga tula, maikling kwento, dula, nobela, sanaysay, anekdota, at iba pa.
3. Dyornalistik - ang mga sulatin sa pamamahayag gaya ng balita, editorial, lat halain at iba pa.

Mga Dapat Tandaan sa Pagsulat


1. Isulat ang paksa na malapit sa kawilihan o interes,may taglay ka nang kaalaman o kaya'y nais pang malaman.
2. Isaalang-alang ang maraming teknik sa pangangalap ng mga ideya bago magsulat.
3. Tiyakin ang target na mambabasa ng iyong sulatin, at lagi itong isaisip habang nagsusulat.
4. Tiyakin din ang layunin ng pagsulat (magbigay impormasyon, manghikayat, magbigay aliw, magkuwento…).
5. Isantabi muna ang mga detalye sa unang draft ng sulatin at sikaping mailapat muna sa papel ang lahat ng
dumadaloy na ideya sa iyong isipan.
6. Paulit-ulit na basahin ang iyong isinulat na parang nakita mo lamang ito sa unang pagkakataon upang makita
ang mga dapat ayusin sa sulatin o di kaya, ipabasa sa iba ang iyong sulatin at humingi ng mga puna o
mungkahi. Huwag matakot magdagdag, magbawas o maglipat ng mga ideya sa iba't-ibang bahagi ng sulatin.
7. Kapag maayos na ang paglalahad ng ideya, iwasto ang pagbabalarila, bokabularyo, ispeling at pagbabantas
upang makatiyak sa kawastuhan at kalinawan ng buong sulatin.

14
Pagtataya Blg 5:

A. Written Works:
Sagutin ang mga sumusunod na tanong: (20 Puntos)
1) Paano nagiging epektibo o mabisa ang pakikipag-ugnayan o pakikipag-komunika natin sa ating
kapwa? (guro, kaklase, kapamilya, kaibigan, atbp.)
2) Ang pakikinig, pagsasalita, pagbabasa, at pagsusulat ay ang mga magkakaugnay na makrong
mahalaga sa pakikipagtalastasan. Papaano mo nililinang ang iyong kasanayan o skill sa apat na
makrong ito upang magamit mo sa iyong pag-aaral at pakikipag-ugnayan sa iyong kapwa?
3) Ano ang pagkakaiba ng empatik na pakikinig sa replektib na pakikinig? Maglahad ng halimbawang
sitwasyon.
4) Sa iyong pagtataya, sa anong uri ng mambabasa ka nabibilang? aktibong mambabasa o pasibong
mambabasa? Ipaliwanag ang sagot.
5) Sa komunikasyon, higit na mainam ang kumbinasyon ng berbal at di-berbal na paraan kaysa berbal
lamang o di berbal lamang. Bakit? Ipaliwanag ang sagot.

B. Performance Task:
Bumuo ng video ng pagtalakay o paglalahad ng iyong mga sagot sa mga tanong sa itaas. (20 Puntos).

15

You might also like