You are on page 1of 6

LEARNING MODULE 7

SUBJECT: ARALING PANLIPUNAN


GRADE: 1
MONTH: JANUARY 2022
TEACHER: NANCY S. DIAGAN
CONTACT NO.: 0906-682-8226
I. PANIMULA
Lahat ay may mga karansang hindi malilimot tungkol sa kaniyang pamilya. Maaaring ito ay
masaya o malungkot.
Sa modyul na ito, mailalarawan mo ang mahahalagang pangyayari sa buhay ng iyong pamilya sa
pamamagitan ng timeline.
Sa araling din na ito, makikilala mo ang family tree at ang gamit nito sa pag-aaral ng pinagmulan
ng lahi ng iyong pamilya.

II. PAMANTAYAN
PAMANTAYAN
ARALIN SA MELCS LAYUNIN
PAGKATUTO
1. Mahahalagang Ang mag-aaral -Nailalarawan ang Ang mga mag-aaral ay
pangyayari sa ay… mga mahahalagang inaasahang:
buhay ng aking naipamamalas pangyayari sa buhay a. Nailalarawan ang mga
pamilya. ang pag-unawa at ng pamilya sa mahahalagang
pagpapahalaga sa pamamagitan ng pangyayari sa buhay ng
2. Kwento ng aking sariling pamilya timeline/family tree pamilya sa
pamilya. at mga kasapi nito pamamagitan ng
at bahaging -Napahahalagahan timeline/family tree,
ginagampanan ng ang kwento ng b. Malalaman ang iba’t
bawat isa sariling pamilya. ibang pangyayari sa
pamilya,
c. Nasasabi at
napapahalagahan ang
kwento ng saliring
pamilya.
d. Napapahalagahan ang
karanasan o kwento ng
sariling pamilya.

III. PAGLILIPAT
Pagkatapos ng modyul na ito ang mga mag-aaral ay nauunawaan at naiintindihan ang ibig
sabihin at gamit ng timeline o family tree upang mas maunawan at mailaran ang mahahalagang
pangyayari sa kanilang buhay.

IV. PAGTATALAKAY AT GAWAIN


ARALIN 1. Mahahalagang pangyayari sa buhay ng aking pamilya.

May mahahalagang pangyayari sa buhay ng isang pamilya. Bahagi ng kanilang buhay.


Makakatulong ang mga ito sa pagpapabuti ng sarili.

May mga bagay o pangyayari din na nagbabago at nananatili sa buhay ng isang pamilya.

Ang pagpapasya ng mga kasapi ng isang pamilya ang nagdulot ng mga pagbabago o pananatili
ng isang bagay o pangyayari.

Maaaring ang halimbawa nito ay ang pagpapasya ng mag-asawa na magkaroon ng dagdag na


anak, paglipat ng hanapbuhay, paglipat ng tirahan at iba pa.

“Train up a child in the way he should go and when he is old, he will not depart from it.” Page |
1
Ipinapakita sa isang timeline ang pagkasunod-sunod ng mga pangyayari sa buhay ng isang
pamilya.
Ginagamit ang timeline upang itala ang mga kasaysayan o mahahalagang pangyayari na gusto
nating ilarawan.

Mga Pangyayari sa Buhay ng Pamilya Saldi

Pag-usapan ang susing tanong.


1. Kilala mo ba kung sino ang mga magulang ng iyong ama at ina?
2. Kilala mo ba ang kamilang mga kapatid?
3. Paano mo ito nalaman?

Ang talangkanan o “family tree” ay pagsasalarawan ng mga kasapi ng pamilya at ugnayan ng


bawat isa. Karaniwan itong ginagamit upang maipakilala ang pinagmulan ng isang pamilya mula noong
unang panahon hanggang sa kasalukuyan. Nakalagay sa bahaging ugat o sa bandag ibaba ng family tree
ang mga larawan ng lolo at lola. Nasa katawan naman ng puno ang larawan ng iyong mga magulang.
Samantalang sa bahagi itaas o mga sanga ng puno ay larawan ng mga anak

Sa pamamagitan ng family tree o talangkanan, malinaw na maipapakita sa lahat ang mga


kasapi ng iyong pamilya, marami man o kaunti.

Family Tree

bunso kuya
ate

“Train up a child in the way he should go and when he is old, he will not depart from it.” Page |
2
Tatay at Nanay

Lola at Lolo Lola at Lolo


GAWAIN 1.
PANUTO: Tingnan ang ginawang timeline. Tukuyin kung ano ang mga bagay na nagbago at nanatili sa
buhay ng iyong pamilya. Iguhit ang mga nagbago at nanatili sa buhay ng iyong pamilya sa kahon.

Ang Buhay ng Aking Pamilya

Mga Nagbago Mga Nagbago

GAWAIN 2.
PANUTO: Punan ang patlang ng wastong salita upang mabuo ang kiisipan sa bawat pangungusap.
Piliin sa kahon ang sagot.

Family tree pinagmulan pangyayari timeline


1. Ang ___________________________ ay naglalarawan ng mga kasapi ng pamilya at ang
ugnayan ng bawat isa.

2. Sa pamamagitan ng family tree o talangkanan, malalaman natin ang


_________________________ ng lahi ng ating pamilya.

3. Mahalaga ang timeline para malaman natin ang mga mahahalagang


__________________________ sa ating pamilya.

4. Ang ____________________________ ay pagsasalarawan ng mga kasapi ng pamilya at


ugnayan ng bawat isa.

V. TANDAAN
 Ipinapakita sa isang timeline ang pagkasunod-sunod ng mga pangyayari sa buhay ng
isang pamilya.
 Ginagamit ang timeline upang itala ang mga kasaysayan o mahahalagang pangyayari na
gusto nating ilarawan.
“Train up a child in the way he should go and when he is old, he will not depart from it.” Page |
3
 Ang talangkanan o “family tree” ay pagsasalarawan ng mga kasapi ng pamilya at
ugnayan ng bawat isa.

VI. EBALWASYON
A. PANUTO: Iguhit ang sa patlang kung tama ang ipinapahayag ng mga pangungusap at
naman kung hindi.

_______ 1. Inilalarawan ng family tree o talaangkanan ang pinagmulan ng pamilya at amg ugnayan ng
mga kasapi nito.

________ 2. Maaaring magdikit ng larawan ng mga kapitbahay kapag gumagawa ng family tree.

________ 3. Ang mga larawan ng mga anak ang nasa bahaging ugat ng puno sa isang family tree.

________ 4. Ginagamit ang timeline upang maitala ang sunod-sunod na pangyayari sa buhay ng isang
pamilya.

_________ 5. Walang mahahalagang pangyayari o karanasan ang nagaganap sa isang pamilya.

B. Basahing mabuti ang mga tanong at bilugan ang tamang sagot.

1. Alin sa mga sumusunod ang impormasyong hindi ipinapakita sa isang family tree?
a. Pinagmulan ng pamilya
b. Ugnayan ng mga kasapi ng pamilya
c. Larawan ng mga kasambahay at yaya

2. Gusto mong gumawa ng isang family tree. Saang bahagi ng puno mo ilalagay ang iyong mga
lolo at lola?
a. Sa bahaging ugat
b. Sa ibabaw ng puno
c. Sa katawan ng puno

3. Ano ang makikita sa isang timeline?


a. Mga kasapi ng pamilya
b. Mga larawan ng iyong kaibigan
c. Mga mahahalagang pangyayari sa pamilya na nakaayos ayon sa pagkasunod-sunod nito.

4. Gusto mong malaman ang pinagmulan ng lahi ng iyong pamilya. Alin dito ang pag-aaran mo?
a. Paggawa ng mosaic
b. Paggawa ng family tree
c. Paggawa ng collage

5. Ano ang maari mong ilagay sa isang timeline ng iyong pamilya?


a. Ang kaganapan noong binyagan ka
b. Ang pag-aaway ng inyong mga kapatid
c. Ang pakikipagkwentuhan ni nanay sa kapitbahay

KARAGDAGANG GAWAIN
Gusto mo bang malaman ang iyong pinagmulan? Ngayon makikita natin ang iyong pinagmulan.
Hilingin ang gabay ng magulang sa pagbuo mo ito.

PANUTO: Gumawa ng family tree gamit ang mga makukulay na magasain sa paggawa ng puno. Maari
ring gumuhit ng puno at kulayan. Idikit ang larawan ng iyong lolo at lola sa bandang ugat ng puno. Sa
bandang katawan ng puno naman idikit ang larawan ng iyong mga magulang. Sa mga sanga naman ang
mga larawan ninyong magkakapatid. Gawain itong masinging at malikhain.

“Train up a child in the way he should go and when he is old, he will not depart from it.” Page |
4
ARALIN 2: Kwento ng aking pamilya.
May kwento ang bawat pamilya. Ang kuwentong ito ay maaaring malaman sa pamamagitan ng
mga larawan ng mag-anak na naitabi o photo album; family tree at tradisyon ng pamilya.

Ang album ay binubuo ng mga larawan mula ng ikasal ang mag-asawa hanggang sa sila ay
magkaroon ng mga anak. Makikita dito ang mga mahahalagang okasyon at tradisyon na isinasagawa ng
pamilya.
Samantala, ang mga tradisyon ng pamilya ay nakikita sa pamamagitan ng album ng pamilya
ang nagiging daan upang regular na magkita-kita ng isang pamilya. Ang karaniwang tradisyon ng
pamilya ay:
 Pagmamano sa mga lolo at lola, mga magulang, tiyuhin at tiyahin, at sa iba pang nakatatandang
kasapi ng pamilya
 Paggalang sa mga nakatatandang kasapi ng pamilya sa pamamagitan ng paggamit ng “po at opo”
sa pakikipag-usap
 Pagsasama-sama sa pagdiriwang ng Pasko, Bagong taon, kaarawan, binyagan, kasalan, reunion,
at maging sa pakikiramay sa namatayang kamag-anak.
 Pagtutulungan kung may problema at pagdamay sa may sakit na kasapi ng pamailya

Mahalaga ang album at family tree upang makilala ang pinagmulan at ang ugnayan ng pamilya sa
isa’t isa.

GAWAIN 1.

PANUTO: Suriin ang mga sumusunod na pangungusap. Isulat ang OPO kung tama ang ipinapahiwatig
ng pangungusap at HINDI PO naman kung hindi.

_________________ 1. Magkakapareho ang bilang ng kasapi ng pamilya.

_________________ 2. Ang ama lamang ang maaaring maghanapbuhay

_________________ 3. Ang ina lamang ang may kakayahang mag-alaga sa mga anak.

_________________ 4. Lahat ng ipinapanganak ng panganay ay lalaki.

_________________ 5. Lagging masaya ang pamilya.

GAWAIN 2.
PANUTO: Sagutin ng Oo o Hindi. Isulat ang tamang sagot sa patlang.

_______________ 1. Magkakatulad ba ang kwento ng pamilya?

_______________ 2. Kailangan bang alamin ang kwento ng aking pamilya?

_______________ 3. Nakatutulong ba ko sa pagbuo ng magandang kwento ng aking


pamilya?
“Train up a child in the way he should go and when he is old, he will not depart from it.” Page |
5
_______________ 4. Tama lang ba na ipagmalaki ang kwento ng aking pamilya?

_______________ 5. May magagawa ka ba para pagandahin ang kwento ng pamilya?

PAGLALAHAT
 Ang bawat pamilya ay may kanya-kanyang kwento maaring masaya o maaaring malungkot.
Subalit dapat nating mahalin ang bawat kasapi ng pamilya at maipagmalaki kaninuman.
 Ang kwento ng pamilya ay maituturing na kayamanan. Ang kahalagahan ng kwento ng pamilya
ay tunay nap ag-ibig, maging sa kasaysayan o sa kalungkutan. Ang pamilya ay mayroong pag-
unawa, pag-asa, ginhawa, payo, mithiin, at higit sa lathat ang pananampalataya sa Panginoong
Diyos.

EBALWASYON
A. PANUTO: Basahin at unawain ang mga sumusunod na pangungusap. Isulat ang T kung ito ay
Tama at M kung Mali.

_______________ 1. Mamahalin ko ang aking mga magulang.

_______________ 2. Ipagdiriwang naming lagi ang mga mahahalagang okasyon sa


sa aming pamilya.
_______________ 3. Ikahihiya ko ang aking pamilya.

_______________ 4. Ipakikilala at ipagmamalaki ko ang aking mga magulang sa aking


mga kaibigan
_______________ 5. Lagi kaming sabay – sabay kumain.

B. Buuin ang pahayag para sa iyong pamilya.

1. Nakadarama ako ng ____________________________ sa kwento ng aking pamilya.

2. Naipagmamalaki ko ang kwento ng aking pamilya dahil sa ___________________.

3. Nasisiyahan ako sa aking __________________________.

KARAGDAGANG GAWAIN
PANUTO: Gumawa ng dalawang pangungusap tungkol sa hindi malilimutang pangyayari ng iyong
pamilya.

“Train up a child in the way he should go and when he is old, he will not depart from it.” Page |
6

You might also like