You are on page 1of 1

“Ang Batang Mapagmalasakit”

Handa na si Lita sa pagpasok sa paaralan. Araw-araw, pagkagising


ay nag-aayos siya ng kanyang higaan, nagwawalis din siya sa kanilang
bakuran. Inihahanda rin niya ang kanyang mga gamit bago pumasok sa
paaralan. Tuwang- tuwa ang kanyang inay sa kanyang ginagawa.
Pagdating sa paaralan ay tumutulong naman siya sa paglilinis at
pag-aayos sa paaralan. Siya ay laging nagwawalis sa kanilang silid-
aralan. Agad-agad din niyang sinasalubong ang kaniyang guro kung ito
ay maraming dala.
Lunes ng umaga, nagmamadaling pumasok ang magkaibigang Lita
at Rosa sa paaralan. Habang naglalakad ay nakakita sila ng isang batang
nadapa.
“Rosa, tingnan mo iyong bata, nadapa! Tulungan natin,” sabi ni
Lita sa kanyang kaibigan.
“Huwag na, mahuhuli na tayo sa klase,” tugon naman ni Rosa.
“Kawawa naman siya. Hindi baleng mahuli na ako sa klase,” wika
ni Lita.
Agad-agad na nilapitan ni Lita ang bata at tinulungan itong
tumayo. Nang mapansin niyang putol pala ang isang paa nito.
“Pilay ka pala, saan ka ba pupunta?,” tanong ni Lita sa bata.
“Papasok na ako sa paaralan,” tugon ng bata.
“Tamang-tama, roon din ang punta ko, sabay na tayong pumasok,”
wika ni Lita.
“Maraming salamat, hirap nga akong maglakad ngunit gusto ko
talagang pumasok,” tugon ng bata.
Inalalayan ni Lita ang bata hanggang sa paaralan. Masaya silang
nagkukuwentuhan habang naglalakad.
At mula noon ay naging matalik na silang magkaibigan.

You might also like