You are on page 1of 4

FILIPINO 9

I. INAASAHANG BUNGA
Sa pagtatapos ng aralin, ang mga mag-aaral ay inaasahang…
 Matukoy ang Balagtasan
 Makagagawa ng sanaysay
 Matutukoy ang sugnay at parirala
 Naibabahagi ang sariling hinuha tungkol sa balagtasan.
 Naipapamalas ang pag-unawa sa akda sa pamamagitan ng pagsagot sa mga Gawain.
II. PAGTATAYA
 Indibidwal na Gawain.
 Talakayan
 Pagpili.
 Pagsulat ng sanaysay
III. PAKSANG ARALIN
Tahanan o Paaralan? (Balagtasan)
Ni: Victoriano Batongbakal Santos
Ang Parirala at Sugnay
SANGGUNIAN : Banyuhay:Batayan-Aklat sa Wika at Panitikan
Joselito D. De los Reyes
Alvin Ringgo C. Reyes
pp.84-97
IV. PLANO SA PAGKATUTO

GAWAIN NG GURO GAWAIN NG MAG-AARAL


PANALANGIN Panginoon, maraming salamat po sa araw-
Magsitayo ang lahat para sa araw nap ag gabay, sa biyaya at sa
panalangin(Tatawag ang guro ng isang mag- pagpapatawad sa aming mga kasalanan.
aaral upang pangunahan ang panalangin. Patnubayan nawa kami ng poon Maykapal
AMEN.
PAGBATI
Magandang umaga sa inyong lahat mga Magandang umaga Ma’am Rona!
bata.

PAGSASAAYOS NG SILID-ARALAN
Maari na kayong umupo. Salamat po Ma’am!

PAGTETSEK NG LIBAN AT HINDI LIBAN


Mayroon bang lumiban sa klase ngayong Wala po Ma’am.
araw?
Okay very good!

A. PAGTUKLAS
May hawak akong ballpen sa aking
kanang kamay at lapis naman sa aking
kaliwang kamay. Pipili ako ng siyang
mangangatwiran. Alin nga ba sa
dalawa ang magandang famitin sa
pagsulat.

Mag-aaral 1 ikaw ang magiging


tagapangatwiran sa lapis at ikaw
naman mag-aaral 2 ang sa ballpen.

Simulan na natin. Muli alin baa ng


mas mainam na panulat ang ballpen
ba o ang lapis? Ikaw ang mauna mag-
aaral 1.
E1: Mas mainam na gamitin panulat ang lapis
sapagkat kapag tayo ay nagkamali ay
mayroon pang tantsa na mabura ito.

E2:Mas mainam ang ballpen sapagkat dito ay


matututo tayong maging sigurado at hindi
padalos-dalos.

E1:Lapis pa din ang siyang mahusay dahil


pinapakita nitong ang isang pagkakamali ay
maaraing baguhin at maitama.

E2: Sa ballpen ay papanindigan nitong ang


isulat mo ay tama, desido at hindi pabago-
bago. May tuwid na tinatahak buo ang diwa
ng isip sa pagsulat.

Mahusay ang ginawang


pangangatwiran ng dalawa. Parehong
nmay punto ang magkabilang panig.
Palakpakan natin sila.

Anong napansin ninyo sa ginawa ng E1: Ma’am nag dedebate po.


dalawa ninyong kaklase? E2:Ma’am pareho po silang nangangatwiran.
B.PAGLINANG
Okay tama ang inyong mga sinasabi.
Ngayon ay mayroon akong isang bidyo na
inihanda isa itong halimbawa ng
BALAGTASAN. Manuod, making at unawaing
mabuti.
E1:Ma’am lakambini o lakandiwa po.
MATAPOS ANG BIDYO E2:Francisco Balagtas po.
Ang bidyo na inyong napanuod ay isang E3: Ang balagtasan po ay ang patulang
halimbawa ng balagtasan kapag narinig ninyo pagtatalo.
ang salitang balagtasan ano ang unang
pumapasok sa isip ninyo?

Tama, ang balagtasan ay isang uri ng sining na


kung saan inilalahad ang mga saloobin o
gusting ipahayag ng isang tao sa pamamagitan
ng pananalitang may mga tugma sa huli. Ang
balagtasan ay isang uri ng pagtatalo sa
paraang patula ng dalawang magkaibang
panig ukol sa isang paksa.

Ang balagtasan ay ipinangalan sa makatang si


Francisco Balagtas. Ang balagtasan ay
kadalasang binubuo ng tatlo (3). Ang dalawa
(2) ang silang mangangatwiran at ang
tagapamagitan lakambini kung babae at lakan
kung lalaki.

SAGUTIN NATIN
Sagutin ang mga sumusunod na tanong.
1. Sa iyong palagay bakit kay Francisco
Balagtas ipinangalan ang patulang
pagtatalo?
2. Paano pinapatunayan ng balagtasan
ang talino ng mga Pilipino?

C.PAGPAPALALIM
Ang parirala ay pangkat ng mga salitang
walang buo o hindi kumpletongdiwa dahil ito
ay bahagi lamang ng pahayag.

Ang sugnay ay may buong kaisipan.


Mayroong tiyak na pinag-uusapan at
mayroong sinasabi tungkol sa pinag-uusapan.
May dalwang uri ng sugnay. Ang sugnay na
makapag-iisa at ang sugnay na di makapag-
iisa.
SAGUTIN
Tukuyin kung parirala o sugnay.
_____alinsunod s autos
_____kung darating sila
_____ang martir
_____kaninang hapon
_____ang kaniyang ina ay isang doctor
_____bangko sa parke
_____sa napagkasunduan nilang gagawain
______parehong makipot na kalye
______ilang hakbang pa
______nang umalis ang magkasintahan.

Magbasa ng isang balagtasan at tukuyin ang


mga parirala at sugnay. Magtala ng tig-10 sa
loob ng kahon.

PARIRALA SUGNAY

D.PAGLALAPAT
Gumawa ng isang sanaysay tungkol sa
“KAHALAGAHAN NG BALAGTASAN SA
KASULUKUYANG PANAHON”

You might also like