You are on page 1of 2

HOLY ROSARY ACADEMY OF LAS PIÑAS CITY

TAONG PANURUAN 2021-2022


KOMUNIKASYON AT PANANALIKSIK
SA WIKA AT KULTURANG PILIPINO
SENIOR HIGH SCHOOL
Baitang 11
IKATLONG MARKAHAN

I. Aralin 4: Tekstong Prosidyural


II. Nilalaman:

TEKSTONG PROSIDYURAL

• Uri ng paglalahad na kadalasang nagbibigay ng impormasyon at instruksyon kung paano isinasagawa


ang isang tiyak na bagay. Ito’y nagpapakita ng pagkakasunod-sunod ng mga hakbang, pahayag, o
pangyayari. Ito ay karaniwang tumutugon sa tanong na paano.

Apat na bahagi ng tekstong prosidyural:


 Inaasahan o target na output
 Mga kagamitan
 Metodo
 Ebalwasyon

1. Inaasahan o target na Awtput:


• Kung ano ang kalabasan o kahantungan ng proyekto
• Maaring ilarawan ang mga tiyak na katangian ng isang bagay o kaya ay katangian ng isang uri na
trabaho o ugaling inaasahan sa isang mag-aaral kung sundin ang gabay.

2. Mga kagamitan:
 Nakalista ito sa pamamagitan ng pagkasunod-sunod kung kailan gagamitin. Maaring hindi makita ang
bahaging ito sa mga uri ng tekstong prosidyural na hindi gagamit ng anumang kagamitan.

3. Metodo:

• Serye ng mga hakbang na isinasagawa upang mabuo ang proyekto.

4. Ebalwasyon:

• Naglalaman ng mga pamamaraan kung paano masusukat ang tagumpay ng prosidyur na isinasagawa.

• Ito ay isa sa pamamagitan ng mahusay na paggana ng isang bagay, kagamitan o makina o di kaya ay
mga pagtataya kung nakamit ang kaayusan na layunin na prosidyur.

• Mahalaga ang paggamit ng heafing, subheading, numero o dayagram at mga larawan upang maging mas
malinaw ang pagpapahayag ng instruksyon.

Mga tiyak na katangian ng wikang madalas gamitin sa Tekstong Prosidyural.

• Nasusulat sa kasalukuyang panahon

• Nakapukos sa pagkalahatang mambabsa at hindi sa iisang tao lamang.

• Gumamit ng tiyak na pandiwa para sa instruksyon.

• Mahalaga ang detalyado at tiyak na deskripsyon (hugis, laki, kulay, dami, atbp).

Pagtataya blg. 4
I. Ilista ang kahalagahan ng tekstong prosidyural. Maaaring italakay ang para sa sarili, bilang isang
mag-aaral at mamamayan. (10 pangungusap)

1.
2.
3.
4.
5.
6.
7.
8.
9.
10.

Takdang-Aralin #4:

1. Ano ang tekstong argumentatibo?

2. Ano-ano ang hakbang sa paggawa ng isang tekstong argumentatibo?

3. Gumawa ng diagram na nagpapakita ng kaibahan ng anim na tekstong natalakay natin.

III. Sanggunian:
 Dayag, A. M. et.al (2017), Pagbasa at Pagsusuri ng Iba’t ibang Teksto tungo sa Pananaliksik. Quezon
City. Phoenix Publishing House, Inc. ph. 69-80
 De Laza, C. S. (2016), Pagbasa at Pagsusuri ng Iba’t ibang Teksto tungo sa Pananaliksik. REX Book
Store. ph. 101-102

You might also like