You are on page 1of 3

MALIKHAING PAGSULAT

Likas na imbentor (manlilikha) at manunulat ang tao.

Nang likhaing ng Diyos ang tao, binigyan Niya ito ng kapangyarihang makalikha.

Paraan ng pakikipagtalastasan sa kapwa niya tao.

Sa simula – hudyat at kilos o sign language

Hanggang sa – matutuhan niyang pagkabit-kabitin ang kanyang ungol at tunog ng bibig upang makabuo
ng may kawawaang kahulugan.

Nagsimulang makalikha ng kauna-unahang sariling wikang binibigkas.

Dahil nga sa pagiging likas na imbentor ng tao ay hindi siya nagkasiya na lamang sa tuklas niyang
kakayahan sa pagsasalita.

Sumailalim siya sa maraming ebolusyon at karanasan

Natuklasan niya ang pagsasalita o pakikipag-usap ay mabisa lamang habang kaharap niya ang kanyang
kausap

Muling gumalaw ang malikhaing niyang guni-guni.

May kulang

Makipagtalastasan sa malalayong lugar at maitala ang mahahalagang tuklas

Hieroglyph /Hieroglyphic

Isang uri ng pamamaraan ng pagsulat sa pamamagitan ng larawan.

Nadisenyo o naimbento ng mga Ehipsiyano

Paraan kung paano itatala ang kanilang kasaysayan ng kanilang panahon.

Naglahong sibilisasyon ng Maya, Aztecs – may sarili na ring alpabeto at pamamaraan ng pagsulat

Ang pagkakatuklas o imbensyon ng pagsulat ay siyang naghuhudyat ng pagsisimula ng kaunlaran ng


sibilisasyon sa anumang panahon.

“Walang bansang maitatatag nang walang wika.


At walang nakatatag na bansang uunlad nang walang wikang maisusulat.”

“Ang Wika ay siyang kaluluwa ng bansa.”


-Dr. Jose P. Rizal

Inimbento ba ang pagsulat upang gamitin lamang sa pakikipagtalastasan at pagtatala ng mga ulat ng
nakaraan at kasalukuyang pangyayari?
Likas na malikhain ang tao.

Kung palalakipin, isang bagong kapangyarihan ang madaragdagan sa humahabang kawing ng kanyang
mga katangian….MALIKHAING PAGSULAT

“Ang Malikhaing Pagsulat ay isa sa mga dakilang misyon ng tao sa daigdig.”

“Maaaring hindi ako ganap na naniniwala o nagtitiwala sa ilan kong mga ipinahayag. Ngunit…higit
tayong magiging mabuti o matapang at di gaanong walang kakayahan kung iisipin nating dapat tayong
magtanong (magsuri), kaysa sa manatili na lamang sa maling pag-aakala na wala nang dapat malaman o
walang halaga sa pagsisikap na may malaman...”
-Plato

Tungkulin ng tao ang magsuri, mag-isip at magsikap na may malaman…

Napakabisang instrumento sa bagay na ito ang MALIKHAING PAGSULAT kaya dapat linangin ng bawat
mamamayan…

May isang anekdota sa buhay ng dakilang Italyanong makata, pintor, eskultor at arkitektong si
Michelangelo. (Pagdampot niya ng sira-sira at kupas na Marmol)

“May nakakulong na anghel sa loob ng marmol na ito at palalayain ko!”

Nakalikha nga siya ng isang rebulto, ng isang pagkaganda-gandang anghel na hinangaan ng buong
daigdig bilang likhang sining!

Ang anghel na nakita sa malikhaing guniguni ni Michelangelo sa loob ng luma at kupas na marmol ay
walang pinag-ibhan sa tagong talino na nasa loob ng diwa at damdamin ng bawat nagmamahal sa sining.

Papaano magsisimula ang isang nagbabalak pumalaot sa malikhaing pagsulat?


Ano-ano ang mga panimulang kasangkapang dapat taglayin ng nagnanasang lumahok ditto?

Walang alinlangan na ang mga propesyonal o malapit nang magtapos ay may sapat nang kaalaman sa
wika na siyang pinakapangunahin at pinakamahalagang kasangkapan sa pagsusulat.

Ang wika ang siyang behikulo ng diwa at mabisa mo lamang mapararating ang iyong diwa sa kapwa
diwa kung mabisa rin ang iyong pagkakagamit sa wika.

Tungkol sa kung paano nagsisimulang pumalaot sa malikhaing pagsulat, dapat munang itanong niya sa
kanyang sarili kung sa aling sangay o bahagi ng malikhaing pagsulat siya nagbabalak pumalaot.

Saan o sa alin sa mga sangay na ito dapat magsimula ang isang nagbabalak pumalaot sa malikhaing
pagsulat?

Sarili ng isang manunulat ang pagpapasiya sa bagay na ito.

Tuklasin ng isang manunulat ang kanyang sarili.

Ang isang balahong malimit kahulugan ng isang nagsisimulang magsulat ay ang kalikasan din ng tao na
mamuna o manuri.
Habang tumitindi ang hilig ng isang manunuluat sa pamumuna o panunuri ay nababawasan naman
ang apoy ng kanyang hilig sa pagsulat.

Virginia Woolf (1882-1941) (How Should One Read a Book?)

“Karaniwang humaharap tayo sa mga aklat na may Malabo at nahahating pag-iisip, hinihinging ang katha
lamang ay maging totoo, na ang tula ay maging mali, na ang talambuhay ay pagpuri, na ang kasaysayan
ay mabatay sa ating sariling kagustuhan.”

Huwag diktahan ang awtor, sikaping maging kayo siya.

Kung sa simula pa lamang ay titigil na kayo at mamumuna, pinagkakaitan ninyo ang inyong sarili.

Ang pagpapalaot sa larangan ng malikhaing pagsulat ay pagpalaot sa larangan ng paglikha at hindi sa


pagwawasak.

Winawasak na rin niya ang kanyang sarili

Maituturing na ang Bibliya o Banal na Aklat, maging ang Luma o Bagong Tipan ay isa sa pinakadakilang
halimbawang obra ng Malikhaing Pagsulat.

Sinulat ito hindi upang magwasak kundi bumuo ng pananampalataya sa walang hanggang kamalayan o
universal consciousness sa tinatawag nating Diyos.

Maraming Salamat at Maligayang Pagdating sa Mundo ng Makabuluhang Imahinasyon!

You might also like