You are on page 1of 4

Lemery Colleges, Inc.

A. Bonifacio St., Brgy. Bagong Sikat, Lemery, Batangas


B.

GAWAIN BLG. 2- MIDTERM


I. Panuto: Basahin at suriing Mabuti ang TEMA at TONO ng akdang nasa ibaba. Maaring
sumipi ng ilang linyang magpapatibay sa iyong kasagutan. Isulat ang pagsusuri sa
anyong patula at isaalang-alang ang mga elemento/sangkap nito.

PAMANTAYAN BAHAGDAN ISKOR


Presentasyon ng pagsusuri (sa anyong tula 15
kabilang ang pagsaalang-alang ng mga element
nito)
Nilalaman 25
Pagkamalikhain 10
Kabuuan 50

PULUBI
Ni Abigail Endozo
Sa lugar kung saan lansangan ang aming tirahan, malamig na semento ang aming higaan,
mga kumakalam na sikumra ang aming kalaban. Minsa, habang ako ay naglalakad, tinanong
ko ang aking sarili “Bakit ganito ang buhay sa mundo?” Sa aking murang edad ay nagisnan ko
ang masalimuot at salat na kayamanan. Ako, ako ng apala si Nene. Araw-araw akong
nakikisapaglaran para manghingi ng barya sa lansangan at kung wala nama’y nagtiis kami sa
gutom na aming maramdaman. Kung minsan ay nagkakasakitan at kung minsan naman ay
basang-basa sa ulan, sisilong sa ilalim ng tulay at hati-hati sa karting higaan. Dumarating sa
puntong nahuhuli na kami ng mga pulis ngunit kami ay tatakbo, makikipaghabulan,
makikipagtaguan. Hindi madale ang buhay na ito sapagkat walang ibang tutulong sa iyo kundi
ang sarili mo. Ninanais kong mag-aral ngunit wala akong per ana sasapat para matustusan ang
aking pangangailangan. Pangarap ko ang maging isang doctor, ngunit ito ba ay namimistulang
isang pangarap na lang? Iyon ang bagay na tiyak kong hindi magkakatotoo, sapagkat ako ay
isang hamak na mangmang at walang kalam-alam.

Ang Tulang “Pulubi” ni Abigail Endozo


Lemery Colleges, Inc.
A. Bonifacio St., Brgy. Bagong Sikat, Lemery, Batangas
B.

Kapansin-pansin na may malayang taludturan


Walang sukat at walang tugmaan
Ngunit may magandang nilalaman

Buhay pulubi ang syang isinasalaysay


Kakikitaan ng paghihirap sa buhay
Hindi man ninais ngunit sa pangarap ay di nagtagumpay
Maging sa paguslat at pagbasa ay walang malay

Gayun may tuloy ang pakikipagsapalaran


Upang kumakalam na sikmura’y matustusan
Halimbawa ng ginhawang hindi naranasan
Ganun pa may tuloy ang buhay pati ang laban.

II. PANUTO: Basahin at unawaing Mabuti ang halimbawang tula ng malayang


taludturan. Pagkatapos, suriin ito ayon sa sumusunod: (50 Puntos)
a) Tema
Ang tema ng tulang ito ay may kinalaman sa lupa at bahay na nagpapakita ng kahalagahan ng
lupa at ang kontribusyon nito sa bawat isa sa atin. Dito ipinakita na ang lupa ay pinagmumulan
ng pagkain sa pang-araw-araw na buhay. Bukod dito, sinasabi rin na ang buhay ng tao ay
nagmula sa lupa kaya darating ang panahon na ibabalik din natin ito.
b) Lenggwahe/ Wika
Sa tulang ito na pinamagatang "Lupa" ay makikita na ang wikang ginamit ay Tagalog o Filipino
sa kadahilanang mas madaling maunawaan ng mambabasa at maging ng mga tagapakinig ang
nais ng may-akda. Kapansin-pansin din na ang may-akda ay gumagamit ng malalalim na salita
na talagang nagdaragdag ng sigla at aliw sa akda at maaaring pumukaw sa interes ng mga
mambabasa.
c) Estilo
Lemery Colleges, Inc.
A. Bonifacio St., Brgy. Bagong Sikat, Lemery, Batangas
B.

Ang tulang ito ay walang sukat, may malayang tugmaan at may malayang taludturan, ngumit
mamamatili ang kariktan. May matatalinhagang salita o pahayag nsyaang nagiging dahilan
upang mas maalinaw na maipahayag ang masidhing damdamin.
d) Mensahe
Ayon sa aking pagkakaunawa ang mensahe ng tulang ito ay patungkol kung saan nagsimula
ay doon rin babalik. Kayat ating pakahalagan ang ating buhay lagi nating piliin ang makabubuti
hindi lamaang sa ating mga sarili abagkus ay pati sa ating kapwa at tumayo bilang
magandaang halimbawa sa iba.

LUPA
Ni Manuel Principe Bautista

lupa, narito ang lupa!


ikaw ay dumakot sa nakalahad mong palad
na makapal ay iyong timbangin at madarama
mo ang buong sinukob. diyan nakatanim ang
ugat ng buhay; umusbong sa patak ng masinsing
ulan. batis ay dumaloy na tulad ng ahas
na pakiwang-kiwang sa paa ng bundok. ang
halik ng araw sa dapit-umaga: naiiwang
sanlang hiyas na makinang na nakasisilaw
sa maraming mata ang magandang tampok.
nag-iwan ng sugat ang maraming daan.
dunong ay nanaig, nabuksan ang dibdib,
gaputok mang daing ay di mo naringgan.
ang pasalubong pa’y malugod na bating —
“tuloy, kabihasnan!”

lupa, narito ang lupa!


ang buhay mong hiram ay diyan nagmulang
bigay-bawi lamang. sa mayamang dibdib:
diyan napahasik ang punla ng buhay na
kusang susupling sa pitak ng iyong hirap
at paggawa. katawang-lupa ka. narito
ang lupang karugtong ng iyong buhay at
pag-asa. dibdib. puso. bait. ang katauhan
mo’y lupa ang nagbigay. ang kasiyahan mo,
tamis ng pag-ibig at kadakilaan.
sapagka’t lupa ka, katawang-lupa ka —
ganito ring lupa. diyan ang wakas
Lemery Colleges, Inc.
A. Bonifacio St., Brgy. Bagong Sikat, Lemery, Batangas
B.

mong galing —
sa simula!

You might also like