You are on page 1of 3

Lemery Colleges, Inc.

A. Bonifacio St., Brgy. Bagong Sikat, Lemery, Batangas


B.

MODYUL I-MIDTERM
GAWAIN 1 PAGSUSURI SA TULA

SA TABI NG DAGAT
NI ILDEFONSO SANTOS

Marahang-marahang
manaog ka, Irog, at kata’y lalakad,
maglulunoy katang
payapang-payapa sa tabi ng dagat;
di na kailangang
sapnan pa ang paang binalat-sibuyas,
ang daliring garing
at sakong na wari’y kinuyom na rosas!
Manunulay kata,
habang maaga pa, sa isang pilapil
na nalalatagan
ng damong may luha ng mga bituin;
patiyad na tayo
ay maghahabulang simbilis ng hangin,
nguni’t walang ingay,
hangganq sa sumapit sa tiping buhangin…
Pagdating sa tubig,
mapapaurong kang parang nanginigmi,
gaganyakin kata
sa nangaroroong mga lamang-lati:
doon ay may tahong,
talaba’t halaang kabigha-bighani,
hindi kaya natin
Lemery Colleges, Inc.
A. Bonifacio St., Brgy. Bagong Sikat, Lemery, Batangas
B.

mapuno ang buslo bago tumanghali?


Pagdadapit-hapon
kata’y magbabalik sa pinanggalingan,
sugatan ang paa
at sunog ang balat sa sikat ng araw…
Talagang ganoon:
Sa dagat man, irog, ng kaligayahan,
lahat, pati puso
ay naaagnas ding marahang-marahan…

PANUTO: Mula sa tulang Sa Tabi ng Dagat ni Ildefonso Santos, sagutin ang


sumusunod na katanungan.

1. Sino ang persona sa tula?

Nobyo

2. Sino ang pinatutungkulan ng persona sa tula? Magbigay ng ilang paglalarawan


dito.

Nobya. sapnan pa ang paang binalat-sibuyas, ang daliring garing at sakong na wari’y kinuyom na rosas!

3. Kailan at saan nagaganap ang pangyayari sa tula? Paano ito ipinahiwatig?

Tabing dagat

Sa pamamamagitan ng paglalahad ng sunod sunod ng mga pangyayari.

4. Ano ang namamayaning pakiramdam sa tula?

Pag-ibig at Buhay

5. Sa paanong paraan inilahad ng persona ang mensahe sa tula?


Lemery Colleges, Inc.
A. Bonifacio St., Brgy. Bagong Sikat, Lemery, Batangas
B.

Gumagamit ng malalalim na salita at mga simbolo.

6. Ano ang namamayaning larawan sa simula?

Mag irog na nasa bahay kubo

7. Isa-isahin ang element ng tulang ginamit sa akda.

Sukat

Tugma

Talinghaga

Saknong

You might also like