You are on page 1of 5

Barayti

 Ang pagkakaroon nito ay bunga ng paniniwala ng mga linggwista na ang wika ay


heterogenous o nagkakaiba-iba. Dala ito ng nagkakaibang pangkat ng tao na
may iba’t ibang lugar na tinitirahan, interes, gawain, pinag-aaralan at iba pa.
Baryasyon
 Sa pagdaan ng panahon nagiging ispesyalisado ang gawain at tungkulin ng tao
at ito ay nagreresulta ng pagkakaiba-iba ng kultura at wika na siyang nagiging
panukat sa progreso ng tao.

Dalawang Uri ng Barayti

A. Permanente- likas na gamit at linang sa sinumang tagapagsalita o tagabasa

B. Pansamantala- nagbabago batay sa pagbabago ng sitwasyon.

1. Dayalek
- Ito ay nalilikha ng dahil sa heograpikong kinroroonan. Ang barayti na ito ay ginagamit
ng mga tao ayon sa particular na rehion o lalawigan na tinitirahan.
Hal: Pakiurong nga po ang plato (Bulacan – hugasan)
Pakiurong nga po ang plato (Maynila – iusog)

“Mahal kita” – Tagalog


“Palangga ta gid ka” – Hiligaynon
“Namumutan ta ka” – Bikolano

“Hindi ko maintindihan” – Tagalog


“Wala ko kasabot” – Cebuano
“Indi ko ka inchindi” - Hiligaynon
2. Register
-Barayti ng wikang espisyalisadong ginagamit ng isang particular na domeyn. Ito ay
may tatlong uri ng dimension:

a. Tenor o tono ng kausap o tagapakinig (tenor of discourse)


-naayon ang wika sa sino ang nag-uusap
-kung pormal ang pagtitipon/ meetin ay pormal din ang wika.
-kung simpleng talakayan o tsismisan lang, impormal o casual ang wika (lalo
kung ang kausap ay malapit na kaibigan)
-batay sa kausap at/ o sa okasyon, nagbabago ang antas ng pormalidad ng wika

b. Field o Larangan (field of discourse) – batay sa larangan na tinatalakay at sa


panahon.
Hal:
 Talakayan sa klase ng International Affairs

Guro: Bakit kaya may foreign troops pa rin sa Iraq at Afghanistan ngayon?
Estudaynte 1: Sir, kailangan ang foreign troops para masiguro ang democratic
government ng Iraq.
Estudyante 2: Ang agenda talaga ng USA ay para makuha ang oil deposits ng
Iraq.
Estudyante 3: Sir, kasi hindi naging successful ang mediation at diplomatic
actions ng USA noon.

 Talakayan sa klase sa Filipino

Guro: Bakit kailangan ang komunikasyon sa pang araw-araw na buhay?


Estudyante 1: Kung wala pong komunikasyon, parang walang buhay ang mundo
Estudyante 2: Kailangan po ng komunikasyon para magkaintindihan ang mga
tao.

c. Moda (mode of discourse)


-pasalita o pasulat na pagtalima sa mga panunturang dapat sundin batay sa uri
ng piniling paraan ng pag-uusap.
-paraan ng pagpapahayag (pasalita ba o pasulat)

Mga Halimbawa ng Register:


 Mga salitang jejemon
 Mga salitang binabaliktad
 Mga salitang ginagamit sa teks
 Mga salitang ginagamit ng mga iba’t-ibang propesyon gaya ng mga doktor
3. Idyolek
 nakagawiang pamamaraan sa pagsasalita ng isang individual o ng isang pangkat
ng mga tao.
 Ito ay ang personal na paggamit ng salita ng isang indibidwal. Bawat indibidwal
ay may istilo sa pamamahayag at pananalita.
Hal:
 “Magandang gabi bayan!” – Noli de Castro
 “Hoy gising!” – Ted Failon
 “Hindi ka naming tatantanan!” – Mike Enriquez
 “Di umano” – Jessica Soho

4. Sosyolek
-Uri ng barayti na pansamantala lang at ginagamit sa isang particular na grupo.
Tinatawag minsan na “sosyalek”
-Ito ay uri ng wika na ginagamit ng isang partikular na grupo. Ang mga salitang ito ay
may kinalaman sa katayuang sosyo ekonomiko at kasarian ng indibidwal na gumagamit
ng mga naturang salita.
Hal:
 Sa mahirap, ‘sira ang ulo”, sa mayaman “nervous breakdown”
 Ang anak ng mayaman ay “slow learner”, ang anak naman ng mahirap ay”bobo”
 Sige ka, jumjumbagin kita! (Sige ka, susuntukin kita!)
 Oh my God! It’s so mainit naman dito. (Naku! Ang init naman dito!)

5. Etnolek
-Ginawa ito mula sa salita ng mga etnolonggwistang grupo. Nagkaroon ng iba’t ibang
etnolek dahil sa maraming mga pangkat na etniko. Halimbawa nito ay ang mga T’boli,
Mangyan, Tausog, Ibaloi, Kankanaey, Gaddang at iba pa.

Hal:
 Tohan – tawag sa Diyos (Maranao)
 Tekaw – nabigla o nagulat (Maranao)
 Solutan – Sultan (Maranao)
 Tepad – baba ka ng sasakyan (Maranao)
 Munsala – tawag sa sayaw (Ifugao)
 Mohana – Salamat (Ifugao)
 Marikit – maganda (Ifugao)
 Oha – isa (Ifugao)
 Kadal Herayo – Sayaw ng kasal (Kalinga, Apayao)
 Kadaw la Sambad – Diyos ng mga araw (T’boli)

6. Ekolek
-Ito ay kadalasang ginagamit sa ating tirahan. Ito ang karaniwan nating ginagamit sa
pakikipagtalastasan sa ating komunidad. Ito ay kadalasang nagmumula sa mga bibig ng
bata at matanda.
Hal:
 Palikuran – banyo o kubeta
 Erpat – ama o atay
 Ermat – ina o nanay
 Beshie – kaibigan
 Lafang – pagkain
 Bro/Sis – kuya/ate
 Pappy – ama/tatay
 Momsy – ina/nanay
 Silid-tulugan - kwarto

7. Pidgin
-Wala itong pormal na estruktura at tinatawag ding “lengwahe ng wala ninuman”.
Ginagamit ito sa mga tao na nasa ibang lugar o bansa.

Hal:
 Ako punta banyo – Pupunta muna ako sa banyo.
 Hindi ikaw galling kanta – Hindi ka magaling kumanta.
 Sali ako laro ulan – Sasali akong maglaro sa ulan.
8. Creole
-Barayti ng wika na nadebelop dahil sa mga pinaghalo-halong salita ng indibidwal, mula
sa magkaibang lugar hanggang sa ito ay naging pangunahing wika ng partikular na
lugar. Halimbawa dito ay pinaghalong salita ng Tagalog at Espanyol (ang Chavacano),
halong Arican at Espanyol (ang Palenquero), at ang halong Portuguese at Espanyol
(ang Annobonese).
Hal:
 Mi nombre – Ang pangalan ko
 Di donde lugar to? – Taga saan ka?
 Buenas dias – Magandang umaga
 Buenas tardes – magandang hapon
 Buenas noches – Magandang gabi
 Yu ting yu wan, a? – Akala mo espesyal ka o ano?
 I gat planti kain kain abus long bikbus – Marami akong uri ng mga hayop sa
gubatan.

You might also like