You are on page 1of 5

MODULE 9

Don Carlos Polytechnic College


Purok 2, Poblacion Norte, Don Carlos, Bukidnon
Facebook messenger: Cleandy Jane Obquia

College of Education/Teacher Education Department


FIL 2: PANIMULANG LINGGWISTIKA
2nd Semester of A.Y. 2021-2022

Introduction

Ngayon may sanligang kaalaman na tayo sa ponolohiya o palatunugan ng Filipino ay handa na


tayo sa pagtalakay sa mga letra o simbolong ginagamit sa ating palabaybayan o palatitikan.

Rationale
COURSE MODULE

Tulad ng mga wikang Kastila at Ingles, mga simbolong Romano ang ginagamit sa palabaybayang Filipino.
Ngunit kaiba sa Ingles, konsistent ang paraan ng pagbaybay sa Filipino. Sa ibang salita, bawat makabuluhang tunog o
ponema ay inirerepresenta ng isang letra lamang kapag isinusulat.

Intended Learning Outcomes

A. Naipaliliwanag ang kasaysayan at proseso sa pagbabago ng alpabetong Filipino.


B. Nagagamit ang mga tuntunin sa palapantigan, palagitlingan, at pagkukudlit para sa mas
mabisang komunikasyon sa wikang Filipino.
C. Natutukoy ang mga salitang hiram na bahagi ng wikang Filipino.

Activity

Ipaliwanag ang ibig sabihin ng mga sumusunod at magbigay ng halimbawa:

1. Konsistent na palabaybayan
2. Di-konsistent na palabaybayan
3. Dating Abakada
4. Bagong Alpabeto
5. Pantig

Discussion

Ang Dating ABAKADA

1
Inihanda ni Cleandy Jane R. Obquia
MODULE 9
Ang dating ABAKADA ay binubuo ng 20 letra:

A, B, K, D, E, G, H, I, L, M, NG, NG, O, P, R, S, T, U, W, at Y.

Lima sa mga ito ang patinig: A, E, I, O, U.

Labinlima naman ang katinig: B, K, D, G, H, L, M, N, NG, P, R, S, T, W, at Y.

Ang ngalan ng bawat letra sa Dating Abakada ay ganito:

A, Ba, Ka, Da, E, Ga, Ha, I, La, Ma, Na, Nga, O, Pa, Ra, Sa, Ta, U, Wa, at Ya. Ang bawat isa sa 20
letrang ito ay nagrerepresenta ng isang ponema. Konsistent ang gamit ng bawat letra na di tulad sa Ingles.
COURSE MODULE

Ang 11 letrang itinuturing na mga banyaga, kaya’t hindi kasama sa 20 letra ng dating Abakada ay
ang mga sumusunod: C, CH, F, J, LL, Ñ, Q, V, RR, X, Z.

Bagong ORTOGRAPIYANG FILIPINO

Ang tatawagin nating bagong alpabeto ay ang binabo o pinayamang Dating ABAKADA, batay sa
Memorandum Pangkagawaran Blg. 194, s. 1976 ng Kagawaran ng Edukasyon at Kultura noong Hulyo 30,
1976. Ang mga tuntunin sa palabaybayang Filipino na isinasaad sa nasabing memorandum ay pinagtibay ng
Sanggunian ng Surian ng Wikang Pambansa noong Abril 1, 1976.

Palapantigan

Ang pantig ay binubuo ng isang salita o bahagi ng isang salita na binibigkas sa pamamagitan ng
isang walang antalang bugso ng tinig. Bawat pantig sa Filipino ay may patinig na kalimitan ay may kakabit
na katinig o mga katinig sa unahan, sa hulihan o sa magkabila.

Mga Pormasyon ng Pantig

1. P
2. KP
3. PK
4. KPK
5. KKP
6. PKK
7. KKPK
8. KPKK
9. KKPKK

2
Inihanda ni Cleandy Jane R. Obquia
MODULE 9

Mga Tuntunin sa Pagpapantig

Simple lamang ang mga tuntunin ng pagpapantig sa Filipino. Hindi ito tulad ng sa Ingles na lubhang
masalimuot.

a. Hindi maaaring magkaroon ng dalawa o higit pang patinig sa isang pantig.


b. Kung nagkakasunod ang dalawang katinig, ang una’y ipinapantig sa patinig na sinusundan at ang
ikalawa’y sa patinig na sumusunod.
c. Hindi maaaring magkaroon ng higit sa dalawang katinig sa unahan o sa hulihan ng pantig. Sa
ibang salita, maaari ang wala, maaari ang isa o dalawa, ngunit hindi maaari ang tatlo o higit pa.

Palagitlingan

Bukod sa pangkaraniwang gamit ng gitling sa paghahati ng salita sa magkasunod na taludtod,


mayroon pang ilang sadyang gamit ito sa palabaybayang Filipino.
COURSE MODULE

a. Kapag ang salita ay inuulit.


b. Kapag ang unlapi ay nagtatapos sa katinig at ang salitang-ugat na nilalapian ay nagsisimula sa
patinig.
c. Kapag may katagang nawawala sa pagitan ng dalawang salitang pinagsasama.
d. Kapag ang isang panlapi ay inilalapi sa unahan ng isang ngalang pantangi.
e. Kapag ang panlaping ma- ay iniuuna sa mga pang-uri, lalo na sa mga nagsisimula sa m at
nagbibigay ng kahulugang maging.
f. Kapag ang panlaping ika- ay iniuunlapi sa mga tambilang.
g. Kapag isinusulat nang patitik ang yunit ng praksyon.
h. Kapag nananatili ang kahulugan ng dalawang salitang pinagtatambal.
i. Kapag nawawala na ang likas na kahulugan ng dalawang salitang pinagtatambol at nagkakaroon
na ng ikatlong kahulugan, isinusulat na nang walang gitling ang salita.

Kudlit

Ginagamit ang kudlit kung may nawawalang letra o mga letra sa dalawang salitang pinag-uugnay.

Mga Salitang Hiram sa Ingles

Walang suliranin kapag ang hinihiram na salita ay buhay sa Kastila sapagkat kapwa konsistent ang
palabaybayan ng Filipino at ng Kastila. Subalit nagkakaroon ng suliranin kapag ang hinihiram na mga salita
ay buhat sa Ingles na karamihan ay di-konsistent ang baybay. Ang mga alituntuning ginagamit sa pag-asimila
ng mga salitang Kastila ay hindi magagamit sa pag-asimila ng mga salitang hiram sa Ingles dahil nga sa
pagiging di-konsistent ng palabaybayang Ingles.

Samakatuwid ay ibang paraan ng panghihiram ang kailangang sundin sa pag-asimila sa mga salitang
buhat sa Ingles. Sa ngayon ay tatlong paraan ng pag-asimila ng mga salitang hinihiram sa Ingles ang

3
Inihanda ni Cleandy Jane R. Obquia
MODULE 9
maaaring imungkahi:

1. Pagkuha sa katumbas sa Kastila ng hinihiram na salitang Ingles at pagbaybay dito nang ayon sa
palabaybayang Filipino.
2. Paghiram sa salitang Ingles at pagbaybay ditto nang ayon sa palabaybayang Filipino.
3. Paghiram sa salitang Ingles nang walang pagbabago sa baybay. Ginagamit lamang ang paraang ito
kapag ang hinihiram na salita ay itinuturing na teknikal, siyentipiko, at pantangi.

Exercise

Isulat kung ano ang sa palagay mo ay magandnag paraan ng paghiram o pag-asimila sa mga salitang Ingles
na sumusunod. Maaari kang magbigay ng higit sa isang sagot.

1. solid
2. delicate
3. jet
COURSE MODULE

4. quorum
5. lemonade
6. arithmetic
7. colgate
8. mimeograph
9. straggles
10. fraternity

Assessment

Pantigin ang mga sumusunod:

1. kailangan
2. naglalanguyan
3. magtutulungan
4. patutunguhan
5. iuuwi
6. pinanalanginan
7. pinanggagalingan
8. transkripsyon
9. nakatunganga
10. ortograpiya

Reflection

Sang-ayon ka ba na ang mga titik ng alpabetong Filipino ay tawagin nang tulad ng sa Ingles?

4
Inihanda ni Cleandy Jane R. Obquia
MODULE 9
Resources and Additional Resources

 Santiago, A. (1999). PANIMULANG LINGGWISTIKA SA PILIPINO. Manila, Philippines: Rex


Book Store.

Additional Resources:

 Sandoval, M., Pantorilla, C., at Semorlan, T. BATAYAN AT SANAYANG-AKLAT SA


GRAMATIKA AT ISTRUKTURA NG WIKANG FILIPINO.
COURSE MODULE

5
Inihanda ni Cleandy Jane R. Obquia

You might also like