You are on page 1of 15

1.

Title: Paaralang Panghimpapawid sa Grade 7 ARALING PANLIPUNAN


2. Topic: Kolonyalismo at Imperyalismo sa Timog at Kanlurang Asya
3. Format: Audio Visual Resources for Asynchronous Learning
4. Length: 30 minutes
5. Scriptwriter: Khent Hansen O. Tagupa
6. Television Teacher: Khent Hansen O. Tagupa
7. Video Editor: Khent Hansen O. Tagupa
8. Objective: Pagkatapos makapakinig ng episode na ito, ang mga mag-aaral
ng Grade 7 Araling Panlipunan ay inaasahan na;
 Nasusuri ang mga dahilan, paraan at epekto ng kolonyalismo at
imperyalismo ng mga Kanluranin sa unang yugto (ika-16 at ika-17 siglo)
pagdating nila sa Timog at Kanlurang Asya

BIZ: INSERT SOA PROGRAM ID

11. VIDEO TEACHER: Magandang araw mga bata mula sa ikapitong baitang. May

12. kuwento ako sa inyo. Makinig ng mabuti ha.

13. Alam niyo ba na ang Pilipinas ay isang bansa na nasasakop sa Asya at sa mga

14. nagdaang panahon ay iba-ibang lahi ng mga dayuhan ang nagpapaligsahan na


15. makarating sa Asya. Nariyan ang mga Espanyol, Portuges, Amerikano at

16. marami pang iba. (magpakita ng mga larawan ng mga bansa at lahi)

BIZ: MSC UP FOR 3 SECS AND UNDER

17. VIDEO TEACHER: Paano nga ba nagsimula ang lahat? May ideya ba kayo?

18. Iyan ang tatalakayin natin ngayon, “Ang Panahon ng Kolonyalismo at

19. Imperyalismo sa Timog at Kanlurang Asya” partikular ang paksang

20. “Paggalugad at Pagtuklas ng mga Bansang Kanluranin”.

1
BIZ: MISC 3 SECS

21. VIDEO TEACHER: Inaasahan na pagkatapos nito ay matutuhan

22. mo ang mga bansang Kanluranin na nagpapaligsahan sa pagpunta sa Timog

23. at Kanlurang Asya.

BIZ: MISC 3 SECS

24. VIDEO TEACHER: Ako nga pala si Khent Hansen O. Tagupa mula sa Leonardo

25. National High School. Ang magiging katuwang mo sa aralin natin ngayon.

BIZ: MISC 3 SECS

26. VIDEO TEACHER: Bago tayo magsimula, Kunin na ninyo ang inyong panulat at

27. Kunin na ninyo ang inyong modyul, papel at panulat para sa ating pagsisimula.

28. Isulat ang inyong pangalan, seksiyon at petsa ngayong araw.

BIZ: MISC 3 SECS

29. VIDEO TEACHER: Sagutan muna natin ang BALIKAN: Word Match.

30. Meron itong anim na salita na nakapaloob sa kahon. Basahin nga natin ng sabay-

31. sabay. (Magpakita ng kahon na may mga salita)

BIZ: MSC UP FOR 3 SECS AND UNDER

32. Sa titik A ay Krusada, titik B Imperyalismo, titik C Kolonyalismo, titik D

33. Merkantilismo, titik E Renaissance, titik F Constantinopole

BIZ: MSC UP FOR 3 SECS AND UNDER

34. VIDEO TEACHER: Madali lamang ang iyong gagawin. Hanapin at imatch niyo
mga pangungusap)

35. lamang ito sa kahulugan na nakasaad sa bawat pangungusap.

2
36. Narito ang mga pangungusap. (magpakita ng mga pangungusap)

BIZ: MSC UP FOR 3 SECS AND UNDER

37. VIDEO TEACHER: Bibigyan ko lamang ng dalawang minuto. Piliin at isulat

38. lamang ang titik ng sagot sa inyong sagutang papel. Handa na ba kayo?

BIZ: MSC UP FOR 3 SECS AND UNDER

39. VIDEO TEACHER: Magaling! Simulan na. (magpakita ng timer)

BIZ: MSC UP FOR 2 ½ MINUTES AND UNDER

40. VIDEO TEACHER: O ayan, tapos na ang oras natin. Alam ko na madali nyo lang
41. itong natapos lalo na at naunawaan ninyo ang talakayan sa nakaraang aralin.

BIZ: MSC UP FOR 3 SECS AND UNDER

42. ngayon ay dumako na tayo sa pagtatama. Pakitingnang mabuti ang inyong

43. mga kasagutan.

BIZ: MSC UP FOR 3 SECS AND UNDER

44. VIDEO TEACHER: Una: Salitang Pranses na ang ibig sabihin ay “muling

45. pagsilang”.

BIZ: MSC UP FOR 5 SECS AND FADE UNDER

46. Ang tamang sagot ay titik E. Renaissance

47. VIDEO TEACHER: Pangalawa: Isang kilusan na inilunsad ng simbahan at ng

48. mga Kristiyanong hari upang mabawi ang banal na lugar, ang Jerusalem sa

49. Israel.
BIZ: MSC UP FOR 5 SECS AND FADE UNDER

50. Ang tamang sagot ay titik A. Krusada


51. VIDEO TEACHER: Pangatlo: Ang Asyanong teritoryo na pinakamalapit sa

3
52. Kontinente ng Europa.
BIZ: MSC UP FOR 5 SECS AND FADE UNDER

53. Ang tamang sagot ay titik F. Constantinople


54. VIDEO TEACHER: Pang-apat: Nagmula sa salitang Latin na colonus na ang ibig
55. sabihin ay magsasaka.
BIZ: MSC UP FOR 5 SECS AND FADE UNDER

56. Ang tamang sagot ay titik C. Kolonyalismo


57. VIDEO TEACHER: Panglima: Isang salitang Latin na nagpasimulang gamitin sa
58. panahon ng pananakop ng Imperyong Roma.
BIZ: MSC UP FOR 5 SECS AND FADE UNDER

59. Ang tamang sagot ay titik B. Imperyalismo


60. Siguradong marami ang mga tamang sagot mo. Napakagaling!
BIZ: MSC UP FOR 3 SECS AND UNDER

61. VIDEO TEACHER: Natapos na rin tayo sa unang Gawain. Handa na ba kayo sa
67. susunod na Gawain? Mahusay!
BIZ: MSC UP FOR 3 SECS AND UNDER

68. VIDEO TEACHER: Ngayon ay dumako na tayo sa Tuklasin. Matapos mong


69. matunghayan ang mga dahilan sa pagpunta ng mga Kanluranin sa Asya sa
70. unang Yugto ng Kolonyalismo at Imperyalismo sa nakaraang aralin.
BIZ: MSC UP FOR 3 SECS AND UNDER

71. VIDEO TEACHER: Iyong aalamin ngayon ang mga bansang Kanluranin na
72. nagpapaligsahan at mga pangyayari sa pagpunta sa Asya. Handa ka na ba?
73. Magaling! Makinig nang mabuti sa isasalaysay ng inyong lola Basyang.
BIZ: MSC UP FOR 3 SECS AND UNDER

74. VIDEO TEACHER: Ang Paggalugad at Pagtuklas ng mga Bansang Kanluranin


75. Pinangunahan ng Portugal at Spain ang paghahanap ng ruta. Maraming
76. manlalayag na Portuges ang naglakbay ngunit ang pinakamahalaga sa lahat ay

4
77. ang paglalakbay ni Vasco da Gama sa pagkat nalibot niya ang”Cape of Good
78. Hope” (magpakita ng larawan ng cape of good Hope ni Vasco da Gama)
79. sa dulo ng Aprika na siyang magbubukas ng ruta patungong India at sa mga
80. Islang Indies.
BIZ: MSC UP FOR 3 SECS AND UNDER

81. VIDEO TEACHER: Noon ay Italy, lalo na ang Venice ang nag-iisang nagkontrol
82. sa rutang pangkalakalan patungong Silangan. Subalit, ang pagtuklas ng
83. alternatibong ruta na natuklasan ng mga Portuges ang nagbigay ng hamon sa iba
84. pang bansang Europeo na maggalugad sa ibang panig ng daigdig.
85. Nariyan ang Spain, Netherlands, France, England, Russia, Germany, at Amerika.
BIZ: MSC UP FOR 3 SECS AND UNDER

86. VIDEO TEACHER: Ang pinakanangunguna sa paligsahan para tanghaling


87. pinakamakapangyarihang bansa ay ang Spain at Portugal.
88. Umabot ito sa pakikialam nan g Papa ng Simbahang Katoliko at pagtalaga ng
89. “line of demarcation” o hangganan noong 1494 upang matakda ang hangganan
90. ng paggagalugad ng bawat bansa. (Magpakita ng Line of Demarcation)
BIZ: MSC UP FOR 3 SECS AND UNDER

91. VIDEO TEACHER: Ayon sa Tratadong Tordesillas, ang Portuges ay


92. maggagalugad sa bandang silangan samantalang ang Espanya ay sa bandang
93. kanluran. Nang maipatupad ang desisyong ito ay nakapaglayag na ang Espanya
94. sa bandang kanluran kung saan marami nang teritoryo sa kontinenting Amerika
95. ang nasakop.
BIZ: MSC UP FOR 3 SECS AND FADE UNDER
96. VIDEO TEACHER: Ang Portuges naman ay nakuha lang ang Brazil. Hinayaan
97. naman ito ng Espanya habang ang Pilipinas naman na nasa silangan na nasakop
98. naman ng Espanya ay nanatili naman dito.
BIZ: MSC UP FOR 3 SECS AND FADE UNDER
99. VIDEO TEACHER: Ang hindi naiwasan na digmaan ng Portuges at Espanya ay
100. sa Moluccas, sapagkat ang pinakamimithi na lugar na pinagkukunan ng mga

5
101. rekado.
BIZ: MSC UP FOR 3 SECS AND FADE UNDER
102. VIDEO TEACHER: Sa pamamagitan ng Tratadong Saragosa noong1529, nakuha
103. ng Portuges ang Moluccas. Nakakuha rin angg Portuges ng teritoryo sa India.
BIZ: MSC UP FOR 3 SECS AND UNDER
104. VIDEO TEACHER: Ang Portugal ay nakakuha ng maraming piling lugar sa
105. Asya. Noong 1502 nagbalik at nagtatag si Vasco da Gama ng sentro ng
106. kalakalan sa may Calicut sa India. Nooong 1505 ipinadala si Francisco de
107. Almeida bilang unang Viceroy sa silangan.
BIZ: MSC UP FOR 3 SECS AND UNDER
108. VIDEO TEACHER: Sa pamumuno ni Alfonso de Albuquerque, 1510 nasakop ang
109. Ormuz sa Golpo ng Persia(Iran ngayon).Diu at Goa sa India, Aden sa Red Sea,
110. Malacca sa Malaya at Moluccas sa Ternate, Macao sa China
111. at sa Formosa (Taiwan ngayon).
BIZ: MSC UP FOR 3 SECS AND UNDER
112. VIDEO TEACHER: Mga daungan ang piniling sakupin ng Portugal upang
114. makontrol ang kalakalan. Noong una ang motibo o paraan lang ay
115. pangkabuhayan o pang-ekonomiya lamang hanggang sa ipinasok
116. ang Kristiyanismong Katolisismo sa mga nasasakupan ng Portugal.
BIZ: MSC UP FOR 3 SECS AND UNDER
117. VIDEO TEACHER: Sa kalagitnaan ng 16 na siglo ang Portugal ay may
118. malawak ng sakop sa Asya. Noong 1580, sinakop ng Spain ang Portugal ng 60
119. taon. Nang makalaya ang Portugal noong 1640 ang kanyang mga kolonya ay
120. nakuha na ng England at France.
BIZ: MSC UP FOR 3 SECS AND UNDER
121. VIDEO TEACHER: Maliban sa Espanya at Portuges, nakipagpaligsahan rin
122. ang Inglatera. Sa pamamagitan ng Italyanong marinero na si John Cabot,
123. napasailalim ng Inglatera ang Nova Scotia Canada.
BIZ: MSC UP FOR 3 SECS AND UNDER

6
124. VIDEO TEACHER: Nang matalo ng Inglatera ang Spanish Armada noong 1588,
125. ibinuhos ng Inglatera ang kanyang atensiyon sa kalakalan.
BIZ: MSC UP FOR 3 SECS AND UNDER
126. VIDEO TEACHER: Sa pamamagitan ng East India Company, naitatag ng
127. Inglatera ang sentro ng kalakalan sa India. Nakapagtatag rin ito ng
permanenteng
128. panirahan sa Hilagang Amerika. Sinundan ito ng pagsakop ng Ceylon, Malaya,
129. at Singapore pati na rin ang Australia, New Zealand, at mga pulo sa Hilagang
130. Pasipiko.
BIZ: MSC UP FOR 3 SECS AND UNDER
131. VIDEO TEACHER: Ang England sa India, noong 1600 ginamit ang British East
132. India Company, isang pangkat ng mangangalakal na Ingles na pinagkalooban
133. ng pamahalaang Ingles ng kaukulang kapangyarihan upang mangalakal at
134. pamahalaan ang pananakop nito at pangalagaan ang interes nito sa ibayong
dagat.
BIZ: MSC UP FOR 3 SECS AND UNDER
135. VIDEO TEACHER: Pagdating ng 1612 nabigyan ng permiso ang Ingles para
136. makapagtatag ng pagawaan sa Surat. Hindi nagustuhan ng Portugal dahil sila
137. ang naunang nanakop. Pagdating ng 1622, tinulungan ng Ingles ang mga
Persian.
138. Dahil dito nakapagtatag ng sentro ng kalakalan sa kanluran at silangang
baybayin
139. ng India. Ang British East India Company ay nakakuha na ng concession
140. (pagbibigay ng espesyal na karapatang pangnegosyo) sa Madras mula sa rajah
ng
141. Chandernagore.
BIZ: MSC UP FOR 3 SECS AND UNDER

142. VIDEO TEACHER: Noong 1668 pinaupahan na ni Haring Charles ang pulo ng

7
143. Bombay. Sa taong 1690 sa delta ng Ganges, nakakuha ng kapirasong lupain
144. ang Ingles sa pagpayag ni Emperador Aurangzeb ang lider ng Imperyong
Mogul.
BIZ: MSC UP FOR 3 SECS AND UNDER

145. VIDEO TEACHER: Dito naitatag ang lunsod ng Calcutta. Madaling nasakop
146. ang India dahil watak-watak ang mga estado nito at mahina ang liderato ng
147. Imperyong Mogul na siyang naghahari sa India. Noong una pangkabuhayan ang
148. dahilan ng England sa pagpunta sa India. Nang makita ang malaking
pakinabang
159. sa likas na yaman nito tuluyang sinakop ang India ng England.
BIZ: MSC UP FOR 3 SECS AND UNDER

160. VIDEO TEACHER: Ang France naman ay nakakuha rin ng teritoryo sa Quebec,
161. Canada. Nakuha rin nito ang Louisiana sa Amerika at sa Asya noong ika-18
siglo,
162. nasakop ng Pransiya ang Laos, Cochin China, Cambodia, at Annam. Ang mga
163. teritoryong ito ang buong kolonyang French Indo-China.
BIZ: MSC UP FOR 3 SECS AND UNDER

164. VIDEO TEACHER: Ang France ang pangatlong bansa na gustong masakop ang
165. India. Ang ginawa ng France ay nakipagsabwatan sa pinunong local ng Bengal.
166. Ginamit ang French East India Company na naitatag noong 1664. Nakapatatag
167. ang France ng pamayanang pangkomersyal sa Pondicherry, Chandernagore,
168. Mahe at Karikal. Nagtapos ang interes na ito ng nagkaroon ng labanan sa
Plassey
169. ng Pitong Taong Digmaan sa pagitan ng England at France.
170. Sa tulong ni Robert Clive, ang nagtatag ng tunay na pundasyon ng Ingles sa
India,
172. Ang England ang nagtagumpay laban sa France. Ang England ang nananatiling

8
173. matatag na mananakop ng India.
BIZ: MSC UP FOR 3 SECS AND UNDER

174. VIDEO TEACHER: Ang Netherlands sa pamamagitan ng Dutch East India


175. Company ay namahala rin sa isang bahagi ng India. Napasailalim ng
Netherlands
176. ang East Indies (Indonesia sa kasalukuyan).
BIZ: MSC UP FOR 3 SECS AND UNDER

177. VIDEO TEACHER: KANLURANG Sa Unang Yugto ng Imperyalismo at


178. Kolonyalismo sa Kanlurang Asya ay hindi pa nagkakainteres ang mga
Kanluranin
179. dahil ito ay sakop ng mga Turkong Ottoman. Ang naghahari sa panahong ito ay
180. ang relihiyong Islam. Noong 1507, nakuha ang Oman at Muscat ng mga
181. mangangalakal na Portugues ngunit pinatalsik naman ng mga Arabe noong
1650.
182. Noong1907, ang Bahrain ay naging protectorate ng Britanya ngunit hindi rin
189. nagtagal, pinatalsik ang mga British ng isang Heneral na si Shah Reza Pahlavi
ang
190. mga British.
BIZ: MSC UP FOR 3 SECS AND UNDER
191. VIDEO TEACHER: Ang Portugal, England at France ang mga bansang
192. Kanluranin na nakarating sa India. Sa pag-iral ng prinsipyong
193. pang-ekonomiyang merkantilismo ang mga bansang Kanluranin ay may iisang
194. layunin sa pagpunta sa Asya, ang makasakop ng mga lupain. Sa huli ang
195. England ang nagtagumpay para maisakatuparan ang interes sa likas na yaman
196. at mga hilaw na materyales ng India. Samantalang ang Kanlurang Asya
197. ay hindi agad nasakop dahil sa panahong ito pinaghaharian pa ito ng
198. napakalakas na imperyong Ottoman, at pinagpatibay ng pagkakaisa dahil sa
199. relihiyong Islam na ipinalaganap at tinanggap sa rehiyon.

9
BIZ: MSC UP FOR 3 SECS AND UNDER
200. VIDEO TEACHER: Ayan mga bata, napakinggan na natin ang makabuluhang
201. salaysay tungkol sa ating aralin. Nawa’y naunawaan nyo ng mabuti. (PAUSE)
202. Sunod mo namang gawin ang Suriin; Gawain 2: Data Information Chart ng inyong
203. modyul sa pahina 7. Dali, at kunin ninyo ang inyong activity notebook at panulat
204. upang masagutan mo nang maayos ang Gawain natin. Punan mo lamang ang
205. talahanayan at isulat sa unang kolum ang mga bansang Europeo na nanakop at
206. sa kaliwang kolum ay ang mga bansang Asyano na nasakop nila. Gayahin niyo
207. lamang ito. (magpakita ng talahanayan)
BIZ: MSC UP FOR 3 SECS AND UNDER
208. VIDEO TEACHER: Bibigyan ko kayo ng 5 minuto para makompleto ang inyong
209. sagot. Handa ka na ba? Simulan na.
BIZ: MSC UP FOR 5 MINUTES AND UNDER
210. VIDEO TEACHER: Oras na! napakahusay ninyo mga ginigiliw naming
211. mag-aaral. Panatilihin na naisulat ng maayos ang inyong sagot at hayaan na ang
212. inyong guro na itama ito sa napagkasunduang schedule.
BIZ: MSC UP FOR 3 SECS AND UNDER
213. VIDEO TEACHER: Dadako naman tayo sa Gawain 3: Alamin Mo!
214. pahina 8 ng inyong modyul. Batay sa teksto inyong alamin ang mga
215. naging paraan, patakaran na ginamit ng mga Kanluranin sa Timog at
216. Kanlurang Asya sa Unang Yugto ng Kolonyalismo at Imperyalismo.
217. Punan niyo lamang ang dayagram na hinihingi ng bawat kahon. Mayroon
218. kayong 5 minuto para ditto para sa pagpapalalim ng inyong kaalaman sa aralin
219. natin ngayon. Gawin ito sa inyong sagutang papel. Simulan na mga bata!
(magpakita ng oras)
BIZ: MSC UP FOR 5 MINUTES AND UNDER
220. VIDEO TEACHER: Magaling mga bata. Para sa Gawaing ito ay panatilihin pa
221. rin na maayos ang inyong mga sagot at hayaan na ang inyong guro na itama ito
222. Sa napagkasunduang schedule.
BIZ: MSC UP FOR 3 SECS AND UNDER
223. VIDEO TEACHER: Sa puntong ito ay ating pagyamanin ang inyong natutuhan
224. gawin ang Gawain 4: Mapa Kulayan! mula pahina 8 hanggang

10
225. 9. Bakatin ang mapa sa ibaba sa isang malinis na papel. Kulayan ang mga
226. bansang Asyano na sinakop ng mga Kanluranin ayon sa itinakdang
227. kulay. Pagkatapos ay sagutan ang pamprosesong mga tanong. (PAUSE)
228. Unang tanong, ano ang mga bansang Kanluranin na sumakop sa Asya? (PAUSE)
229. Pangalawa, anong mga bansa sa Asya ang mga nasakop ng mga Kanluranin?
230. Pangatlo, anong bansa ang sinakop ng Portugal, England, at France sa Timog
231. Asya? Sa ilang bansa sa Kanlurang Asya? (PAUSE)
232. Pang-apat, bakit hindi maagang nasakop ng mga Kanluranin ang Kanlurang
233. Asya sa unang yugto ng pananakop? (PAUSE)
234. Panlima, bakit nagtatag ang mga bansang Kanluranin ng mga kolonya sa Asya?
235. Gawin ito sa inyong sagutang papel.
236. Mayroon kayong 5 minuto para gawin ito. Simulan na mga bata.
BIZ: MSC UP FOR 5 MINS AND UNDER
237. VIDEO TEACHER: Ayan tapos na. Mahusay! Napakahusay ninyo aking magiliw na
238. mag-aaral!
BIZ: MSC UP FOR 3 SECS AND UNDER
239. VIDEO TEACHER: Panatilihin pa rin na naisulat ng maayos ang inyong sagot at
240. hayaan na ang inyong guro na itama ito sa napagkasunduang schedule.
BIZ: MSC UP FOR 3 SECS AND UNDER
241. VIDEO TEACHER: Sunod mong gawin ang nasa pahina 10 Isaisip Gawain 5.
224. Pag-isipan Mo! Sagutan ang mga sumusunod na mga tanong.
225 Isulat ito sa inyong mga sagutang papel. Bibigyan ko kayo ng 10 minuto.
BIZ: MSC UP FOR 3 SECS AND UNDER
225. VIDEO TEACHER: Unang tanong, Ano kaya ang mga naging
226. impluwensiya ng kolonyalismo sa kalagayang panlipunan at kultura sa
227. Asya noon at sa kasalukuyang panahon na marami ng mga problemang
228. kinakaharap sa henerasyon ngayon at sa darating pa? (PAUSE)
229. Pangalawang tanong, Bilang isang mag-aaral sa inyong henerasyon,
230. nakakatulong kaya ang inyong mga natutunan tungkol sa kolonyalismo sa
231. paghubog ng iyong pagkatao o kung sino kayo? Ipaliwanag.
232. Ngayon ay natapos na tayo sa ating aralin at oras na para na para sukatin ang
233. iyong kaalaman. Simulan mo ng sagutin ang tayahin Gawain 6: Quiz Time nasa
234. pahina 10 ng inyong modyul. Ito ang panghuling pagtataya at bibigyan ko lang
235. Kayo ng 10 sec. Sundan mo ako mula sa iyong modyul. Isulat lamang ang titik sa
236. inyong sagutang papel. Hinga ng malalim. Kayang-kaya n’yo to. Game ka na ba?
BIZ: MSC UP FOR 3 SECS AND UNDER

11
237. VIDEO TEACHER: INSERT QUIZ ID(TAYAHIN)
238. VIDEO TEACHER: Unang tanong: Alin sa mga sumusunod na pangkat ng
mga mangangalakal na Ingles na pinagkalooban ng pamahalaang Ingles ng
kaukulang kapangyarihan upang mangalakal at pamahalaan ang pananakop
nito at pangalagaan ang interes nito sa ibayong dagat?

A. Dutch East India Company C. Portuges East India Company


B. British East India Company D. French East India Company
239. Ang tamang sagot ay titik B.

240. VIDEO TEACHER: Pangalawa: Anong mga bansang Kanluranin ang


nanguna sa paghahanap ng ruta sa paggalugad at pagtuklas sa mga bansang
Asyano?

A. Brazil at England C. France at Netherlands


B. India at Britain D. Portugal at Spain

241. Ang tamang sagot ay titik D.

242. VIDEO TEACHER: Pangatlo: Kung ang iyong bansa ay humaharap sa


krisis ng pagtatanggol ng teritoryo laban sa mas malakas na bansa, bilang
isang kinatawan ng iyong bansa alin sa mga sumusunod na pananaw ang
isusulong mo sa iyong gagawing resolusyon?

A. Hindi magsusulong ng anumang interes dahil mababalewala rin


naman.
B. Papayag sa kung ano ang gusto ng mas malakas na bansa para
walang gulo.
C. Isusulong ang pambansang interes at karapatan ng bansa anuman
ang mangyari.
D. Isusulong ang interes ng iba pang bansa na interesado sa usapin
upang magkaroon ng kaalyansa.

243. Ang tamang sagot ay titik C.

244. VIDEO TEACHER: Pang-apat: Bakit sinasabing ang kalakalan ay


mahalagang susi sa pagkakaisa ng
mga Asyano?

A. Dahil dito ay nagtutulungan ang mga magkakaratig bansa sa Asya.


B. Nagsisilbi itong daluyan ng kultura at pagpapalitang kultural ng
mga bansa.
C. Maaring lumaki ang kita sa mga usaping block market.
D. Sa pamamagitan nito nababatid ang mga bansang palaasa.

12
245. Ang tamang sagot ay titik B.

246. VIDEO TEACHER: Panlima: Isa sa mga epekto ng kolonyalismo at


imperyalismong Kanluranin ay ang pagbabago sa kalagayang pangekonomiya
ng mga Asyano. Bagama’t may ilang bansang umunlad, karmihan sa mga
bansang Asyano na nasakop ng mga dayuhan ay hindi pa rin ganap na
maunlad sa kasalukuyan. Ano ang nararapat na gawin ng mga nasakop na
bansa kung sakaling muling makipag-ugnayan sa kanila ang mga dating
mananakop na dayuhan?

A. Tanggihan ang mga dayuhang bansa na naghahangad na


makipagkalakalan.
B. Tukuyin lamang ang mga lugar kung saan maaaring
makipagkalakalan ang mga dayuhan na dating mananakop ng
bansa.
C. Talikuran ang hindi magandang karanasan sa mga dayuhan
subalit itigil na ang pakikipag-ugnayan sa kanila.
D. Tanggapin ang kanilang pagnanais na pakikipagtulungan at
pakikipagkalakalan.

247. Ang tamang sagot ay titik D.

248. VIDEO TEACHER: Pang-anim: Ano-anong mga bansang Kanluranin ang


nakarating sa bansang India?

A. Portugal, England at France C. Britain, France at England


B. France, England at Netherlands D. Portugal, Britain at France

249. Ang tamang sagot ay titik A.

250. VIDEO TEACHER: Panpito: Kung ikaw ay pangulo ng Samahan ng mga


Mag-aaral sa Araling Panlipunan at naatasang magprisinta ng mga aral sa
kasalukuyan ng imperyalismo at kolonyalismo sa Timog at Kanlurang Asya at
kung paano ito mapagyayaman hanggang sa hinaharap. Alin ang mas angkop
na gamitin sa isang video conferencing.

A. Multimedia presentation at pagtalakay


B. Pagkukuwento at pagtatanong
C. Pagbabasa ng teksto at pagbibigay ng haka-haka
D. Debate at pag-uutos ng dapat gawin

251. Ang tamang sagot ay titik A.

252. VIDEO TEACHER: Panwalo: Sa anong taon naitatag ni Vasco da Gama ng


sentro ng kalakalan sa may Calicut, India?

13
A. 1580 B.1505 C. 1502 D. 1510

253. Ang tamang sagot ay titik C.

254. VIDEO TEACHER: Pansiyam: Napasailalim ng Netherlands ang East Indies.


Anong bansa ito sa kasalukuyan?

A. India B. Oman C. Muscat D. Indonesia


255. Ang tamang sagot ay titik D.
256. VIDEO TEACHER: Pansampu: Noong sinakop ng mga Ingles ang India,
nagsimulang pinakialaman ang pulitika ng bansa sa pamumuno ng British
East India Company. Naging mababa ang pagtingin ng mga Ingles sa kultura
ng India. Maging ang pamamahagi ng mga lupain ay binago rin ng mga Ingles.
Sa ganitong
pangyayari, napilitan ang mga manggagawang Hindu na magaral ng Ingles
upang mapaunlad ang sariling kakayahan sa paghahanapbuhay.
Anong implikasyon ang mabubuo sa ganitong kaganapan?

A. Ang pananakop ng mga dayuhan ay nagsilbing aral ng India.


B. Ang pananakop ng mga Ingles sa India ay nakatulong sa pag-unlad
ng kulturang Hindu.
C.Ang pananakop ng mga Europeo ay lalong nagpahirap sa
kabuhayanng mga Hindu.
D.Ang pananakop ng mga kanluranin ay nagdulot ng kaguluhan sa
pamumuno ng mga Hindu.
257. Ang tamang sagot ay titik B.
258. VIDEO TEACHER: Sigurado akong Malaki ang nakuha nyo mga bata.
259. Magaling! Magaling! Ngayon ay bilangin na ninyo ang inyong iskor at
260. isulat ito sa itaas na bahagi ng inyong sagutang papel.

261. VIDEO TEACHER: Oopps! Akala n’yo tapos na pero teka lang muna mayroon
262. pa kayong karadagang gawain Gawain 7: I Timeline Mo! Una. Isulat ang
263. mga mahahalagang pangyayari sa unang yugto ng kolonyalismo sa
264. Timog at Kanlurang Asya mula ika-14 hanggang ika-17 siglo. (PAUSE)
265. Pangalawa. Hangga’t maaari ang iyong isusulat ay mga mahahalagang
266. impormasyon na iyong naunawaan. (PAUSE)
267. Pangatlo. Bigyang pansin ang mga pagbabagong naganap(epekto) sa
268. paraan ng pamumuhay ng mga Asyano.
269. Gamiting batayan ang rubric na nasa ibaba. Isulat ito sa sagutang papel.

14
270. Dito nagtatapos an gating talakayan para sa aralin natin ngayon.
271. Siguruhing napunan n’yo po ang mga puwang na kailangang sagutan,
272. naintindihan bah? Kung may tanong pa po kayo o nais linawin, isulat
273. n’yo na rin po ang mga ito. Sa mga pumili naman na magtext ng
274. kanilang mga sagot at feedback, siguruhing pong I send ang mga iyan
275. ngayon. Puwede rin pong ipadala bilang P-M o private message sa inyong
276. guro sa Araling Panlipunan. Mga mahal kong mag-aaral, huwag ninyo
277. sanang kalimutan na dalhin sa inyong guro ang mga nagging sagot ninyo
278. sa mga Gawain lalong lalo na ang pagpresenta sa mga iskor ninyo para
279. matala ito ng inyong guro. Hanggang sa muli. Ako ang inyong katuwang,
280. Khent Hansen O. Tagupa nagpapaalam.

--end--

BIZ: MSC UP THEN FADE OUT


-END-

15

You might also like