You are on page 1of 9

SAMPLE RADIO SCRIPT

SLM – Based

Juvanie B. Tinoy
Magsaysay Integrated school
Edukasyon sa Pagpapakatao Grade 6
Ikalawang Markahan – Modyul 2 Aralin 1
Paksa: Pagpapanatili ng Mabuting Pakikipagkaibigan

Layunin:
1. Natutukoy ang kahulugan ng kaibigan, pagkakaibigan, at pakikipagkaibigan
2. Naipapakita ang kahulugan at pagpapanatili ng mabuting pakikipagkaibigan sa
pamamagitan ng paggawa ng sariling talata
3. Nakagagawa ng mga Gawain tungkol sa mabuting pakikipagkaibigan

Mabuting Asal:

1 RBI PLUG 1:40 mins.


2 PALIMANI 4:20 MINS.
3 INTRO 1:05 MINS.
4 OPENING PROGRAM 3 – 6 MINS.
5 ANCHOR Department of Education, Region X, Division of Malaybalay City. Home of the
Icons, with the full support of the City Government of Malaybalay, offers a Radio
Based Instruction palimani for grade 6. Edukasyon sa pagpapakatao, Ikalawang
markahan. Modyul 2 Aralin 1: Pagpapanatili ng mabuting pakikipagkaibigan.
6 SFX TRANSITION
7 ANCHOR Magandang araw mga bata. Kayo ba ay nahihirapan sa pagsagot ng inyong
mga modyuls/ Huwag na kayong mag-alala dahil nandito na ang inyong guro
Juvanie B. Tinoy, ang SLM buddy na tutulong sa inyo.
8 ANCHOR Bago tayo magsimula, kailangan ihanda ang mga kagamitan sa inyong tabi:
Self-learning modyul (SLM), ballpen, papel at notebook.
9 ANCHOR Humanap ng lugar sa inyong bahay na tahimik, komportabli at ligtas kayo.
10 SFX TRANSISYON
11 PANGGANYAK
12 SFX TRNSISYON
13 ANCHOR Kayo ba ay may kaibigan?Matatawag mo ba na siya ay iyong tunay na
kaibigan? Paano niyo napapanatili ang inyong mabuting pagkakaibigan?
14 SFX TRANSISYON
15 ANCHOR Para sa inyo, ano ang ibig sabihin ng kaibigan? Ang kaibigan ay tumutukoy sa
isang tao na mahalaga,mapagkakatiwalaan, at handang sumuporta ng walang
hinihinging kapalit. Ano naman ang ibig sabihin ng pagkakaibigan? Ang
pagkakaibigan ay nangangahulugan ng pagkakaroon ng ugnayan sa isang tao
dahil sa pagmamahal o pagpapahalaga.
16 ANCHOR Para maintindihan lalo ating aalamin kung paano mapapanatili ang mabuting
pagkakaibigan.
17 SFX TRANSISYON
18 LAYUNIN
19 SFX TRANSISYON
20 ANCHOR Pagkatapos ng araling ito kayo ay inaasahang:
1. Natutukoy ang kahulugan ng kaibigan, pagkakaibigan, at
pakikipagkaibigan
2. Naipapakita ang kahalagahan at pagpapanatili ng mabuting
pagkakaibigan sa pamamagitan ng paggawa ng sariling talata
3. Nakagagawa ng mga Gawain tungkol sa mabuting
pakikipagkaibigan
21 ANCHOR Pero huwag kayong mag-alala dahil nandito na ako na gagabay sa inyo.
22 SFX TRANSISYON
23 BALIK ARAL
24 SFX TRANSISYON
25 ANCHOR

26 SFX TRANSISYON
27 PANIMULA TUKLASIN
28 SFX TRANSISYON
29 ANCHOR Sa araw na ito ating matutunan ang Pagpapanatili ng mabuting pagkakaibigan
30 ANCHOR May mg apresentasyon ng mabuting pagkakaibigan ayon sa:

Webster Dictionary – “Ang pagkakaibigan ay nangangahulugan ng


pagkakaroon ng ugnayan sa isang tao dahil sa pagmamahal (Affection)o
pagpapahalaga ( Esteem)”

Aristotle – “Ang tunay na pakikipagkaibigan ay sumisibol mula sa pagmamahal


ng mga taong malalim na nakilala ang pagkatao sa pananaw ng sarili at iba”

Aristotle ( de Torre, 1980)- “ Ang tunay na hangarin ng isang tao na


makipagkaibigan sa kanyang kapwa. Likas itong dumadaloy dahil likas sa
kanya ang pagmamahal.”

Emerson –“ Ang biyaya ng mabuting pagkakaibigan ay hindi lamang makakamit


sa ngiti at saya ng isang pangkat kudi, ito’y nararamdaman sa inspirasyong
nagmumula sa taong naniniwala at nagtitiwala sa atin.”
William James - “ Ang wagas na pagkakaibigan ay bunga ng pagsisikap na
dalisayin at patatagin ang ugnayan sa pangmatagalang panahon.”
31 SFX TRASISYON
32 ANCHOR Upang higit pang maintindihan ang konsepto ng pakikipagkaibigan, basahin at
unawain muna natin ang kuwentog ito: Ang Oso at ang dalawang magkaibigan
33 ANCHOR Ang Oso at Ang Dalawang Magkaibigan
34 ANCHOR Ang Oso at Ang Dalawang Magkaibigan

Mayroong dalawang matalik na magkaibigan sina Ron at John. Sila ay


mahilig maglakbay na magkasama. Isang araw napagpasiyahan nila pumunta
sa kagubatan. Alam nil ana mapanganib ang lugar na iyon at nangako sa isa’t
is ana hindi sila maghihiwalay kahit anong mangyari. Ilang minuto lamang ay
may nagpakita sa kanila na isang oso, dahil sa takot ng dalawa dali dali silang
nagtakbo. Nakakita ng puno si Ron at dali dali itong umakyat, naiwan si John sa
baba. Sinabi ni John,”tulungan mo ko makaakyat diyan Ron” ngunit ang sabi ni
Ron “hindi na ako makakababa dahil andyan na ang oso at hindi tayo kasya
dito.” Buti na lamang ay natandaan ni John ang itinuro ng kanilang guro na
hindi ginagalaw ng oso ang patay na tao o hayop. Kaya naisipan niyang humiga
at nagkunwaring patay.Lumipat ang oso at tama nga ang kanyang guro hindi
siya ginalaw. Dali dali bumaba si Ron mula sap uno, at tinanong,”ano binulong
ng oso s aiyo?.”Sambit ni John, “huwag daw akong maniniwala sa pekeng
kaibigan na nagsasabing walang iwanan na kahit anong mangyari.”
35 SFX TRANSISYON
36 ANCHOR Ang pagpapanatili ng mabuting pakikipagkaibigan ay isang pinakamainam na
gawain ng bawat tao sapagkat mapapagaan nito ang damdamin ng bawat isa.
37 ANCHOR Sa pakikipagkaibigan dapat magtulungan ang bawat isa.
38 ANCHOR Ang magkakaibigan ay dapat na magpakumbaba sa sarili at handing tumulong
sa ano mang kagipitan.
39 SFX TRANSISYON
40 ANCHOR Bakit ng aba mahalaga ang pagpapanatili ng mabuting pakikipagkaibigan?
41 ANCHOR Ang mabuting pakikipagkaibigan ay mahalaga dahil ay nakapagpalawak sa
ating pagiging tao. Ito rin ay naghahatid ng kapayapaan sa bawat isa sapagkat
kapag tayo ay makipagkakaibigan ng Mabuti sa ating kapwa, maiwasan natin
makipag-away sa iba.
42 ANCHOR Minsan, hindi natin maipagkakaila na may mga kaibigan tayong hindi tapat sa
atin at kung minsan ay nagtatraydor pa sa atin nang sa ganun kapag tayo ay
nasa mahirap na sitwasyon, hindi nila tayo ipinaglalaban.
43 ANCHOR Kahit na mayroong ganyang klaseng kaibigan, hindi dapat tayo mawalan ng
pag-asa. Ipagpapatuloy nalang natin ang paglalakbay sa ating napakahirap na
buhay.
44 ANCHOR Ss ating buhay, alam natin na mayroon pang mga kaibigan na Mabuti kumpara
sa iba nating mga kaibigan. Dapat natin silang pahalagahan sapagkat sila ay
tunay nating mga kaibigan. Tungkulin natin na mahalin at pahalagahan ang
sinumang kaibigan na meron tayo.
45 SFX TRANSISYON
46 PAGTATALAKAY Suriin
47 SFX TRANSISYON
48 ANCHOR Ngayon ating aalamin kung naintindihan ba ninyo ang kuwentong “Ang Oso at
ang Dalawang Magkaibigan.”May mga katanungan tungkol sa kuwento. Isulat
ang inyong sagot sa notebook.
49 SFX TRANSISYON
50 ANCHOR Kumpletuhin ang crossword puzzle na nasa Gawain 1.2
51 ANCHOR Across:
1. Sino ang dalawang magkaibigan?
5.Kinain ba si John?
6.Ano ang kanilang ipinangako sa isa’t isa?
8.Sino ang nagturo kay John?
Down:
2.Sino ang umakyat sap uno?
3.Sino ang naiwan sa ibaba?
4.Saan gusto pumunta ni Ron at John?
7.Ano ang ginawa ni John?
9.Sino ang hindi tumulong?
52 SFX TRANSISYON
53 ANCHOR Masasabi mo bang tunay na kaibigan ni John si Ron?
54 ANCHOR Ang tunay na magkakaibigan ay dapat magtulungan sa panahon ng kagipitan.
55 SFX TRANSISYON
56 PAGSASANAY Pagyamanin
57 SFX TRANSISYON
58 ANCHOR Basahin muli ang kuwento ng Ang Oso at Ang Dalawang Magkaibigan sa
pahina. Sumulat ng isang repleksiyon kung paano ipanatili ang mabuting
pakikipagkaibigan.
59 ANCHOR Isulat sa buong papel. Isulat sa ibabaw ng inyong papel ang inyong pangalan at
pangalan ng guro.
60 SFX TRANSISYON
61 PAGLALAHAT Isaisip
62 ANCHOR Tingnan natin kung gaano kalalim ang natutunan ninyo sa aralin sa araw na ito:
Pagpapanatili ng mabuting pakikipagkaibigan.
63 SFX TRANSISYON
64 ANCHOR Ihanay ang mga kahulugan sa Hanay A sa mga salita sa Hanay B. Isulat ang
inyong sagot sa papel o sa notebook.
65 SFX TRANSISYON
66 ANCHOR Gawain 1.5
Panuto: Ihanay ang mga kahulugan sa Hanay A sa mga salita sa Hanay B.
Gumamit ng linya sa paghanay sa mga salita.

Hanay A Hanay B
1.Tumutukoy sa isang tao na handing a.Ron at John
sumuporta ng walang hinihinging
kapalit.
2.Natandaan ni John na itinuro ng b.guro
kanilang guro na hindi ginagalaw ng oso
ang patay na tao o hayop.

3.Dalawang matalik na kaibigan c.kaibigan


4.Lugar na napasiyahan nilang d.ibinulong ng Oso
puntahan
5.Gustong kumain sa dalawang magkaibigan e.John
6.Umakyat sap uno f.Ron
7.Naiwan sa baba g.Oso
8.Huwag maniniwala sa pekeng kaibigan h.Aral sa kuwento
9.Nangangahulugan ng pagkakaroon i.pagkakaibigan
Ng ugnayan sa isang tao.
10.Sa pagkakaibigan dapat tayo ay j.kagubatan
maging tapat at may isang salitan
67 SFX TRANSISYON
68 EBALWASYON Pagtataya
69 SFX TRANSISYON
70 ANCHOR Alam ko handing hand ana kayo para sa pagsusulit. Alam ko kayang kaya
ninyo.
71 ANCHOR Ano-ano ang inyong mga gagawin upang mapahalagahan ang mabubuting mga
kaiboigan?
72 SFX TRANSISYON
73 TAKDANG ARALIN
74 SFX Palakpakan
75 ANCHOR Congratulations! Natapos na ninyo ang Edukasyon sa Pagpapakatao Grade 6
Ikalawang Markahan Modyul 2 Aralin 1
76 ANCHOR Imumungkahi ko na ang inyong mga magulang ang magwasto para sa inyo.
Sila ay may kakayahang magpaliwanag sa inyo. Kung sakali mayroong parte sa
aralin na hindi masyadong naintindihan. O di kaya tumawag lang sa guro kung
mayroong hindi masyadong naintindihan.Sila ay malugod at masaya na makinig
at tumulong sa inyo.
77 SFX TRANSISYON
78 RECAP/PAGLALAGOM
79 SFX TRANSISYON
80 ANCHOR Sana mayron kayong natutunan sa ating paksa sa araw na ito.
81 PANGWAKAS 1:05 MINS.
82 ANCHOR Bago tayo magpaalam dapat nating tandan ang kasabihan na “ Ang tunay na
magkaibigan ay nagtutulungan, sa hirap at ginhawa sila ay magkasama.”
83 ANCHOR Ako ang inyong guro sa TLE, teacher JUvanie, ang inyong SLM buddy.
84 MUSIKA 30 mins.

You might also like