You are on page 1of 14

Modyul 16

ANG REALISMO SA PAG-UNAWA SA KATHA

Sa modyul na ito, titiyakin kung ano ang realismo bilang teorya sa pag-
unawa sa katha.

Sa sining at panitikan, ang realismo ay isang matapat na imitasyon ng tunay na


buhay o sa lalong tiyak na pagsasabi, ito ang kilusang artistikong nagsimula sa
Pransiya noong taong 1850 (Harkavey 1996) bilang reaksyon sa iniidolong
representasyon ng romantisismo at neoklasisismo.

Ang pakay ng realismo ay kung ano ang totoo. Kabaligtaran ito ng


romantisismong ang tinutungo ay ang daigdig ng guniguni. Sa realismo, ang
tinutungo ay ang daigdig, ng mga tunay na pangyayari. Para sa iba naman, ang
realismo ay nangangahulugang paglalantad ng mga bagay na di-dapat at di-
kailangang ilantad..Ito'y naglalarawan sa paraang siyentipiko, na ang ibig sabihi y
isinusulat ang isang pangyayari, ang isang tagpo, sa paraang obhetibo - hindi
pinagaganda ang tagpo, hindi bumabanggit lamang ng magagandang pangyayari.
Isinusulat ito gaano man katindi ang magiging wakas ng pakikitunggali ng tauhan
ng akda (Alejandro).

Kaugnay ng mga ideyang ito, uunawain ang maikling kuwento ni Arturo B.


Rotor, na isinalin sa Filipino.

MGA TIYAK NA LAYUNIN

Inaasahang pagkatapos ng modyul 16, magagawa


mo nang:

1. mailapat ang kaalaman sa teoryang realismo sa pagsusuri ng maikling


kuwento;

2. makapagbigay ng reaksyon sa paraan ng pagkakapagsalaysay ng may-


akda;
3. malaman ang . mga sangkap na ginamit para sa masining na
pagsasalaysay;
4. makalahok sa mga pangkatang gawain para sa pagpapakita ng
pagkamakatotohanan ng mga pangyayaring isinalaysay; at
5. matukoy ang mga bahagi sa kathang nagpapakita ng paggamit ng awtor
sa estilo ng ironya at satire sa pagpapalitaw ng realidad ng panggagamot.
PRE-TEST

Tukuyin kung pag-uyam (sarcasm) o kabalintunaan (irony ang sumusunod.


Isulat sa patlang ang sagot.
1. Mabuti naman at naalaala mo pa kami.
__________________________________________________________________

2. Kung sino pa ang mahirap ay siyang maraming anak.


__________________________________________________________________

3. Nang handa nang sagutin ng dalaga ang matiyagang mangingibig,


saka naman nagdesisyon ang binatang kalimutan na ang nasabing dalaga at sinabi
ritong nakatakda na nitong pakasalan ang dalagang pinili ng kanyang magulang
para sa kanya.
__________________________________________________________________

4. Ang ganda mo namang umawit, para kang umaatungal na baka.


__________________________________________________________________

5. Baka tumaba akong bigla niyan; sinlaki lamang ng platito ang


pinaghahainan mo sa akin.
__________________________________________________________________

6. Bumalik siya para humingi ng tawad sa taong pinagkasalahan na


nabalitaan niyang may malubhang sakit subalit hindi na niya iyon
inabutang buhay.
__________________________________________________________________

PAGBASA NG TEKSTO

ANG MGA NAGDIDIYUS-DIYUSAN


Salin ni Lourdes Q. Concepcion
ng "The Men Who Play God " ni Arturo B. Rotor

Sinulat ni Arturo B. Rotor ang "The Men Who Play God" noong 1983. Ang mga
tauhan sa kuwentong ito ay pawang mga doktor. Sa isang pamamaraang katulad
ng mga diyos o bathala, tinitimbang nila ang bawat pasyente at
pinepremyuhan/nireregaluhan ng mga gamot at lugar sa ospital sa halip ng
kagandahan at buhay na walang hanggan. Sa pamamagitan ng kanilang mga
desisyong maaaring makapagdulot ng buhay o kamatayan sa bawat pasyente, ang
bawat isa ay nagiging isang diyos.
Kitang-kita ang ironya sa titulo pa lamang. Sa kuwento, ginamit na estilo ang
ironya at satire sa pagpapakita ng realidad ng panggagamot. Ang paggamit ng
mga salitang pangmedisina ay nagpapatunay na repleksyon ang mga sitwasyon at
tauhan ng katotohanan sa mga nangyayari sa boob ng mga pagamutan, partikular
sa PGH.

Ang "The Men Who Play God" ay isang dokumentong historikal at maaring
magamit upang mas maunawaan ang mga buhay-buhay at karanasan ng mga
doktor, ng mga taong nasa propesyong medikal, at ang kalagayan ng mga
pasyente sa boob ng mga pagamutan sa ilalim ng pangangalaga ng
manggagamot.

Bilang isang doktor, naipahahayag nang mabuti ni Rotor ang mga karunungan at
karanasan na kanyang nakalap sa pag-aaral ng medisina at ng tao, o ang mga
pangyayari sa propesyon ng medisina, ang halaga ng buhay ng mga
nagpapagamot, at ang realidad ng buhay mismo. Sa kuwento, ang mga doktor ay
nabigyan ng buhay hindi lamang bilang makinaryang nanggagamot ng maysakit
kundi bilang isang taong nararamdaman ang hinaing at sakit ng mga pasyenteng
kanyang inaalagaan at sinisikap pagalingin.

NGAYON, wala nang dumaraang trambiya sa Taft Avenue, at malaon


nang nailipat ang Weather Observatory. Ang Herran ay naging Pedro Gil na ngunit
nakapangalan pa rin sa unang American Civil Governor ang Taft Avenue. Naalala
pa ng ilang matandang kulubot na ang mukha't ubanin pa ang inilarawan ni Doktor
Snodgrass ukol sa pook at tanawin ng lugar na ito. Sasabihin nila sa inyo na noon,
madali lang puntahan ito; dadaan lang sa landas na may mayayabong na puno ng
akasya at makasasabay ang mga dating naninirahan sa Ermita at Malate sa
paghihintay sa paglubog ng araw sa Manila Bay. 0 kaya'y sa halagang diyes
sentimo, maaari ka nang sumakay sa karwahe at buong ligayang mamasyal sa
Luneta at Intramuros. Eksklusibong seksyong residensyal ng Maynila ang Ermita;
dito piniling magsipanirahan ng mga natirang don at donya na may dugong
Kastila-Pilipino; dito nila ipinagluksa ang katapusan ng Imperyong Espanyol at
hinintay ang anumang darating na buhay sa kanila. Mga ngiting may gunita at mga
matang nakatingin sa malayong ilalarawan sa iyo ng matatandang malaon nang
nagsipanirahan dito ang mga bahay na estilo-Espanyol na dikit-dikit na nakatayo
sa paligid ng simbahan ng Ermita, ang magagandang dalagang mapapansing
nagsisipagpahinga sa mga balkong may balag, at higit sa lahat, ang makalangit na
katahimikan at kapayapaang sanhi upang maulinigan mo ang matinis na balabag
ng mga paniking naglalabasan sa kampanaryo sa dapithapon, at madalumat ang
hindi-matingkalang dapyo ng panghapong simoy ng hangin, bago mo mapansin
ang along sumasalpok sa mga bangkang pangisda na nakadaong sa aplaya ng
Pasay. Sa ganitong kapaligiran, mabilis at kaaya-aya ang pagpapagaling sa mga
taong may karamdaman. Malinis at sariwa ang hanging malalanghap na
nagpapalakas sa baga, mga gabing malamig at matahimik na nag-uudyok ng
mahimbing na pagtulog at matiwasay na pahinga. Sa mga simpleng araw ay
maglakad-lakad sa bakuran ng ospital o kaya'y sumalagmak at umidlip sa lilimng
malalaki't mayayabong na punong akasya.

Hindi na ganoon ngayon. Malaki na ang ipinagbago ng pook na minsan ay


itinuring na angkop na kapaligirang pampagamutan. Pangunahing daanan ng mga
sasakyan ang Taft Avenue na nag-uugnay sa sinaunang Maynila tungo sa
lumalawak na mga bagong bayan at lungsod sa katimugan; sa Padre Faura at
Herran, ang mga disco, beer house, at motel ng tourist belt ay umuugnay sa mga
slum, aksesorya, at mga barong-barong sa estero ng Paco. Bilang isang
pambansang kalsada, ang Taft Avenue ang nagpapasan ng trapik dulot ng libu-
libong estudyanteng nanggagaling sa mga paaralan, kolehiyo, unibersidad,
boarding houses na nakahanay sa magkabilang panig ng kalsada, ng daan-daang
negosyante at ng mga naglalakong bumibili at nagtitinda ng kamatis at kangkong
sa palengke ng San Andres at Paco, at ng hindi-mabilang na pulutong ng mga
empleyadong kailangang makarating at magsialis sa kanikanilang eskritoryo at
mga silid-tanggapan sa City Hall, Foreign Affairs, at iba pang mga opisina.
Isa lamang ang makapagpapakilos sa bunton ng sangkatauhang ito, ang
sasakyang de-makina. Kung tatayo ka nang medyo matagal sa tapat ng Philippine
General Hospital, makikita mo ang bawat modelo, gawa, at baryasyon ng kahanga-
hangang imbensyon mula sa mga scooter hanggang sa sampung-toneladang trak,
mula sa dyip na labi ng Ikalawang Digmaang Pandaigdig,
hanggang sa bus na nakapagsasakay ng pitumpung pasahero. Sa kasagsagang oras
ng biyahe, na nagsisimula bago mag-alas-nuwebe ng umaga at magtatapos sa
paglubog ng araw ang pagsasanib ng ugong ng libu-libong sasakyang
humahagibis, nakabibinging busina, at nakangingilong kaskas ng biglaang hinto ng
mga gulong,
ay umaabot sa sandaan at dalawampung decibel level. Bukod dito dumaragdag pa
sa ingay ang mga batang lalaking naglalako ng sigarilyo o tiket ng sweepstakes na
halos ipinipilit na sa tao, at ang mga konduktor na sumisigaw ng ruta ng bus.
Sigarilyo! San Andres Bukid! Crossing! Vito Cruz! Mahirap ilarawan ang ingay at
gulong mga tao. Ito nga ang dapat maranasan ng nagdedeliryong pasyente, ang
walang wawa, walang humpay, samut-samot, sala-salabat na hiyawan, ugong,
ingay. Na sa huli ay magtutulak sa isip sa bingit ng katinuan.
4
Subalit ito ang pulso sa kalakalan at pangangalakal. Ito ang daloy ng mga
tao at ideya, nakararating sa lahat ng lebel, inaaruga ang organismo, tumitiyak ng
pag-unlad. Tumitindi sa araw tulad ng mataas na lagnat at humuhupa sa
kapayapaan at katahimikan ng gabi ang paikot na ritmo ng gawain ng tao. Kung
pasahero ka ng isa sa mga bus o dyip, may sandaling mag-aalinlangan ka kung
makakalampas ka sa ospital, dahil ang linya ng mga sasakyang nasa harap mo ay
tila hindi tumitinag. Pero umuusad ang mga ito paunti-unti kahit na sa bilis ng
iilang hakbang. Bagama't
paminsan-minsan, tumitigil lahat sa pag-usad kapag may trak ng bumberong
sumasagsag mula sa kanugnog ng himpilan ng Paco para umapula ng sung sa
Pasay, o kaya'y isang police squad car, na rumaragasang tumitili ang sirena at
nagsasambulat ng babalang liwanag mula sa Central Police Station sa Isaac Peral.
Kaya’t humihinto ang lahat-lahat, dahil sa paraang ito lamang makalulusot ang
ganitong sasakyang pang-emergency sa datig-datig na trapik sa magkabilang panig
ng lansangan at dumaraan sa gitnang panig, at palusut-lusot sa alinmang dako.
5
Sa kabilang panig ng kalyeng nasa harap ng ospital nakahanay ang mga
shop at tindahang nagbibili ng pagkain at ng mga kinakailangan ng mga pasyente,
lalo na ng mga hikahos sa pera. Narito ang mga botika, tindahan ng mga bulaklak
at regalo; karihan, kantina; karamihan ay turo-turo at tingi ang paraan ng
pagtitinda; kaunti, ngunit malimit na bilihang bumabagay sa abotbulsa ng mga
pasyenteng kalinga ng kawanggawa at ng mga karaniwang mamamayang
dumadalaw sa mga pasyente roon. Dito, makakabili ka ng limang daisies, o kaya'y
anim na tableta ng penicillin, o dili kaya'y isang mansanas o mangga. Mabibilhan
ng tinging sigarilyo, isang kutsarang mani, bolpen, tali ng mga sapatos ang mga
naglalako sa bangketa. Kung nais mong dalhan ng luma nang Popular Komiks ang
maysakit mong kamag-anak sa Ward 6, mayroon kang mabibilhan doon sa
bangketang santalaksan ang ipinagbibili. O kaya'y maibibili mo siya ng kuwintas
na sampagita.
6
Mula sa Taft Avenue, papasok ka sa ospital kung nakakotse ka, o taxi, at
sa gayon ay malaya ka na sa daloy ng trapik. Madali kung patungo ka sa gawing
timog, ngunit kung galing ka sa salungat na direksyon, dapat kang tumawid ng
Taft Avenue at iyon ang problemang haharapin mo sa sandaling makapasok ka sa
bukana; aakalain mong naligaw ka dahil sa ang dating damuhan, maging ang mga
puting santan na nasa bukana ng daan, at ang ilang natitirang puno ng narra ay
nangulot at natuyo dahil sa pag-iral sa kapaligirang sagana sa carbon monoxide,
sulflur dioxide, at alikabok na galing sa kalye. Sa gawing kaliwa, ang garaheng
nilalagakan ng mga ambulansya at mga sasakyang panserbisyo at halos ikubli ang
makitid na daang patungo sa likurang pintuan ng Out-patient Department. Sa
gawing kanan, ang Nurses' Home, na napanatili ang dangal at dignidad nito laban
sa lahat ng paninira. At sa harapan mo, ang medyo dahilig ng rampang patungo sa
main door. Sa wakas nasa boob ka na ng Philippine General Hospital, ang templo
ng mga diyus-diyusan.
7
Sa boob ng templo, waring sikil ang agay-ay, kung ihahambing sa mga
kaguluhan sa labas. Tahimik na tumutupad sa kani-kanilang gawain na angkop sa
kanilang mataimtim na tungkulin ang mga bantay at mga tagapag-alaga sa
kanilang gown o jacket. Dito, iba ang pagsasabi nila ng oras. Ang araw ay hindi
nagsisimula sa bukang-liwayway at nagtatapos sa dapithapon; ang araw ay walang
katapusang palugit ng oras na maayos na nahahati sa tatlong pagpalit-palitan, mula
alas-siyete hanggang alas-tres, mula alas-tres hanggang alas-onse, at alas-onse
hanggang alas-siyete. Walang simula at wala ring wakas. Dumating si Miss
Martinez para palitan si Miss de la Cruz na rnangasiwa sa Ward 6 na pitong oras
pa lamang ang nakalilipas ay pumirma bilang head nurse sa nasabing ward. Hindi
mahalaga kung ito ma'y Lunes o Linggo, kung tanghali man o hatinggabi, marapat
masunod ang pagpapalitang hindi maipagpapaliban. Marapat na matarok ang pulso
ng limampu o animnapung pasyente, makuha ang temperatura, at ang bilis ng
kanilang paghinga; marapat mabigyan ng gamot towing ikalawa o ikaapat na oras
o kaya'y maya't maya. Kung kumain o hindi ang pasyente, kung nakatulog o
nagpabiling-biling lamang sa higaan ay napakahalagang impormasyon at dapat na
maitala. Sa isang tray ng mga pildoras at maliliit na baso ng likido, stop watch,
kagamitan sa pagkuha ng presyon ng dugo, mahaba ang araw o kaya'y maikli
alinsunod sa dami ng mga tinanggap na bagong pasyente, ilan ang
nangangailangan ng venoclysis o oxygen; ilan ang kailangang masuri ang
palatandaan ng buhay oras-oras. Sa paraang ito, sumasanib ang madaling-araw sa
takipsilim, ang gabi ay humahangga sa bukang-liwayway at ang pang-alas-
siyeteng kahalili ay dumarating para pumalit.
8
"DOES the patient understand English?" tanong ng propesor.
9
"Yes, sir," tugon ng intern.
10
"Nurse, will you take the patient back to the ward?"
11
Mahinang umingit ang silyang de gulong na balot ng matigas na goma.
Napamaang nang kaunti ang pasyente; buong kasabikang pinagmasdan ang
umpukan ng mga doktor na nakaputing naghihintay ng kanilang payo o tagubilin.
Ngunit walang imik, parang hindi kayang basagin ang katahimikan. At habang
dumaraan sa tapat ng huling intern, pinagmasdang mabuti ni Santiago ang intern at
waring nakaunawa ito. Sumandal siya sa silyang de-gulong, nakatungo ang ulo.
Nang wala na siya sa kanilang paningin, agad ipinagpatuloy ng grupo ang kanilang
pinagtatalunan.
12
"Well, let us summarize our findings in the case. Dr. Garcia, ikaw na ang
magsimula."
13
"May tatlong linggo.na buhat nang tanggapin ang pasyente na idinadaing
ang bukol sa boob ng tiyan, unang napansin mga dalawang buwan na ang
nakaraan. Nasa right hypochondrium ang bukol, medyo bilog, malambot nang
kaunti, hindi nakakapit sa nakapaligid na tissue at matigas tulad ng bato. The
patient has lost about eight pounds since admission."
14
"Dr. Mendoza?"
15
"Ang mahalagang laboratory exam ay ukol sa liver function. Ang mga
enzyme test ay .nagpapakita ng pagbabara at pagkapinsala ng liver cells, ang
icterus index ay 120."
16
"Dr. Alonzo?"
17
"On September 23, a liver biopsy was done under local anesthesia.
Iniulat ng pathologist na hepatoma iyon."
18
Nagpalinga-linga ang propesor, "Mayroon bang sumasalungat? Maaari
ba nating pagtalunan ang masalimuot na kasong ito? What does the surgeon say?
Dr. Perez?"
19
Tiningnan ko na ang mga data at makalawang ulit na tsinek ang ilang
isinagawang test. Napansin kong tumitindi ang paninilaw. Twelve minutes na
ngayon ang itinatagal ng bleeding. Kahapon, bilang paghahanda para sa
kumperensyang ito, muli kong sinuri ang pasyente, at napansin ko ang isang maliit
na glandula sa left inguinal region. It is my opinion that this patient is not suitable
for surgery."
20
"Hindi ba natin mapipigilan ang mamatay ito? Hindi ba pwede ang
radiation? Ang cytotoxiz drugs? Dr. Zamora, may nagawa ka na tungkol sa bagay
na ito. Ano'ng palagay mo?"
21
"Kung walang gamot na iinumin, siguro'y tatlo o limang buwan lamang
ang itatagal ng pasyente. Sa pamamagitan ng ilang bagong anti-neoplastics,
marahil ay walo o siyam na buwan. Pero natingnan ko na ang mga locally
available preparation at natantya kong gagastos ang pasyente from 200 to 400
pesos a day. Kailangan nating ipaliwanag ito sa pamilya ng pasyente bago tayo
magsimula ng anuman."
22
"At paano na ang radiation?"
23
"Sira ang ating cobalt machine at kailangan pa ng apat o anim na linggo
para magamit muli. Gayunman, palagay ko'y hindi ito bagay sa pasyente. The side
effects might be worse than the expected palliation."
24
Saglit na tumigil ang propesor at Waring nag-isip nang malalim. Sa
wakas, siya'y nagsalita. "Well, I guess that winds up our discussion of this
interesting case. Dr. Mendoza, puwede mo nang i-discharge ang pasyente
mamayang hapon."
25
Tutugunan ng Philippine General Hospital ang apat na natatanging
pangangailangan. Maglalaan ito sa mga mamamayan ng mahuhusay na facilities
para sa paggaling ng mga pinsala at paggamot ng mga sakit. Titiyakin nitong
maibibigay sa mga opisyal at kawani ng pamahalaan ang libreng medikal at
operasyon na pangangalagang bihirang mapantayan, at kailanma'y hindi
mahihigitan. Maglalaan ito sa mga medical students ng mahuhusay na kagamitan
para sa praktikal na pagtuturo. Panghuli, magsasagawa ito ng iba pang
napakahalagang gawain para sa pagsasanay ng mga kabataang Pilipino para
maging nars.
26 SINURI ng ambulance surgeon ang bunton ng mga admission slip sa
kanyang desk. Mga bakante, mediko, tingnan natin, tingnan natin. Ah, may isang
bakante. Isang bakante para sa tatlong pasyenteng kailangan ang tersyaring lingap,
tatlong pasyenteng pinili na ng health center, ng panlalawigang ospital, ng doktor
sa dispensari; ng isang resident, mula sa grupo ng dalawampu't tatlong pasyente.
Sila ang pinili dahil hindi magagamot nang husto ang sakit nila kundi sa Philippine
General Hospital lamang. Ngunit iisa lang ang bakanteng kama. Kanino kaya n'ya
dapat ibigay ito? Ang patakaran tungkol sa pagtanggap ng pasyente'y tila malinaw
namang nasusulat. Tanggapin ang pasyenteng ang kalagayan ay klinikal at
magbibigay ng napakahalagang materyal sa pag-aaral, pagsusuri, at pananaliksik,
sa mas mababang prayoridad. Tanggihan ang wala nang pag-asa, ang wala nang
maibibigay pang lunas, ang may terminal kanser, ang may malalang sakit sa atay o
nakahahawang sakit. Tanggihan ang mga pasyenteng maaari namang gamutin sa
bahay, sa dispensari, o sa ibang ospital.
27
Ngayon ay mayroon siyang tatlong pasyente. Ang isa ay naghihintay ng
kidney transplant; mayroon nang nakuhang kidney donor para sa kanya. Isang
binata na may pambihirang sakit sa dugong kailangang masuri muna nang husto
bago salinan ng dugong ang tipo ay mahirap hanapin. Ang isang pasyente ay may
sakit sa pusong kinakitaan ng lahat ng palatandaan ng napipintong krisis. Kangino
nga? Sinuri niya mismo ang tatlo at napatunayan niya ang diagnosis. Lahat sila'y
nangangailangan ng madaliang gamutan. Marahil ay dapat niyang isa-isahing muli
at maghanap na mabuti ng finding o palatandaang higit na malubha ang isa kaysa
iba, higit na emergency case. Ngunit wala na siyang panahon; mayroon pang ibang
pasyenteng dapat asikasuhin sa ibang departamento; at gurnagabi na. Dapat nang
pauwiin ang mga pasyenteng hindi makatatanggap ng serbisyo.
28
Nagpasya siyang humingi ng tulong, tanungin ang doktor na naka-duty
para iyon ang magdesisyon.
29
Pero hindi rin nakatulong ang doktor na on-duty. Binanggit lamang nito
na mayroon pa silang tatlong pasyente sa ward na pawang may sakit sa puso.
Iminungkahi niyang tawagin ang senior resident para hingan ng payo.
Kasalukuyang abala, nang oras na iyon, ang senior resident sa pagsasagawa ng
artificial resuscitation at nagpasabi ito sa head nurse na "Sabihin mo sa
ambulance surgeon na siya na ang magdesisyon."
30
Muli sa Admission, binalasa na parang baraha ng siruhano ng
ambulansya ang tatlong admisyon islip na nasa mesa niya habang nag-iisip nang
malalim. Sinikap niyang alalahanin ang bawat pasyente, ang pasyenteng tila
bangkay sa putla na may sakit sa dugo, ang tila inaantok na mukha ng pasyenteng
may sakit sa bato, ang balisa, desperadong tingin ng pasyenteng inatake sa puso.
Maya-maya, nagpasya at nagsulat ng kung ano sa isa sa mga admisyon islip.
Pagkaraan, tumawag siya ng isang attendant, inutusan niya itong dalhin ang
pasyente sa Ward 6.
31
BINUKSAN ng chairman ng Committee on Corneal Transplantation ang
miting.
32
"Ipinaaalam ko sa inyong may fresh cornea na magagamit para sa
transplantation at ang komiteng ito ang magpapasya kung sino ang dapat
tumanggap nito. Siya nga pala, Ilan ba ang nasa waiting list natin ngayon?"
33
"Sir, mayroon po tayong sandaan at animnapu't lima."
34
"Hindi po, sir, nakagawa na po kami ng paunang pamimili at tatlo na
lamang po ang natira sa pagpipilian."
35
"Mabuti, will you summarize your criteria and findings?"
36
"Una naming sinikap tiyakin kung sino sa mga pasyente ang
pinakamainam tumanggap ng corneal transplant. Binawas na namin agad ang mga
pasyenteng hindi na makakaaninaw ng liwanag, ang may lubog na mata't ang may
marka ng optic atrophy o kaya'y may sakit tulad ng glaucoma, diabetes, at focal
infection. Kaya't nagkasundo kami sa tatlong pasyenteng ito: M.N., babae, 19 na
gulang; B.F., lalaki, 27 taong gulang; at L.S., lalaki, 47 taong gulang. Malulusog
ang tatlong ito. Bukod sa hindi maayos na paningin, halos magkakatulad ang
kanilang corneal opacities, at lahat sila ay may mga clearance mula sa
endocrionologist, cardiologist, at psychologist. Kung tungkol naman sa
pagpapalista sa waiting list, lahat sila'y nagpalista sa boob ng dalawang linggo.
Dumating kami sa kalagayang kailangan naming gumamit ng batayang hindi
kabilang sa standard policy na pinagtibay ng komiteng ito ilang taon na ang
nakalipas."
37
"Kung gayon, pakinggan natin ang ilang opinyon. Sa pagkakaalam ko ay
pinag-aralan na ninyong mabuti ang mga kasong ito at mayroon na kayong
napagkasunduan."
38
"Sir, palagay ko po'y ang dalaga ang dapat maging recipient. Siya'y
matalino, katatapos lamang ng kolehiyo, at may kinabukasang naghihintay sa
kanya."
39
"Ngunit buhay pa ang kanyang mga magulang at may dalawa siyang
kapatid na Waking mabubuti ang trabaho. Sa kabilang dako, ang pasyenteng si
B.F. ang tanging bumubuhay sa kanyang asawa at tatlong anak."
40
"At ang pangatlong pasyente?"
41
"Siya'y isang attendant sa ospital na ni-refer sa akin ng isang ospital sa
probinsya. Sa tingin ko, ang tulad niyang nag-ukol ng labimpitong taon ng
kanyang buhay para sa pag-aalaga ng mga pasyente ang siyang higit na dapat
tulungan ngayon."
42
Matagal na walang imik ang chairman. Matamlay na binuklat-buklat
niya ang mga pahina ng mga clinical chart na nasa harap niya, na parang
naghahanap ng mga salita. Saka lakas-loob siyang humarap sa kanyang staff.
43
"Which one of you would like to play God?"

(Paalala: Kung niagiging teknikal taijo, ang talagang kuwento sa akdang


ito ay yaong bahaging sininiulan sa usapan, mum a sa talata 8 hanggang talata
43. Ang nakasingit na talata 25 ay bahagi rin lamang ng pag-uulat tungkol sa
Philippine General Hospital para niatukoy ang tunay at dakilang layunin sa
pagpapatayo ng ospital.
Samakatwid, ang mga talata 1 hanggang talata 7 ang kapaligirang
pangkasaysayan ng nasabing ospital, ang raga eksenang talata 8 hanggang 43
ang talagang kuwento, at ang paningit na talata 25 ay komentaryong
nagpapaalaala sa apat na natatanging pangangailangan na dapat tugunan ng
PGH.
Gayunman, niahalagang inahasa ang raga bahaging iyon ng akdang ito para sa
maliwanag na pag-unawa sa pagiging ironical ng mga tagpong hinuhay sa tatlong
istorya.

GAWAIN 1
Ibigay ang kahulugan ng sumusunod na mga salita sa bawat bilang. Piliin ang
sagot sa kahon at gamitin sa pangungusap batay sa mga pangyayaring binuhay sa
akda.

1. trambiya 6.eskritoryo

2.ironya 7.operasyon na
pangangailangan
3. realidad ng buhay 8. napipintong krisis

4.repleksyon ng 9.siruhano
katotohanan ng ambulansya

5.satiriko 10. sarcasm

a. nakatalagang manggagamot sa ambulansya


b. paraan ng pagpapahayag na nanunuligsa.
c. isang ur ng sasakyan bago nagkadigma
d. tumutukoy sa kabahgtaran ng inaasahan
e. pahayag na pauyam o nang-uuyam
f. mga tunay na nangyayari
g. haharaping problems
h. desk na sulatan
i. nagpapakita ng totoong buhay
j. tulong sa pagpapaopera
GAWAIN 2
Alamin ang kahulugan ng sumusunod na ilang mga salitang pangmediko
na ginamit sa kuwento.
1. liver ficnction 6. emergency case
2. local anesthesia 7. artificial resuscitation
3. radiation 8. fresh cornea
4. kidney transplant 9. glaucoma
5. diagnosisb 10. cardiologist.

GAWAIN 3
(Sa Guro: Maaaring naitakda na agad ito bago talakayin sa klase; maaari
ring isagawa sa susunod na pagkikita.)
Gawing pangkatang-gawain ang pag-unawa sa mga pangyayaring
isinalaysay.

a. Pumili ng mga pangkat para sa pagsasadula, role playing, o madulang


pagbasa ng tatlong sitwasyong isinalaysay sa kuwento.
b. Maaaring may tagapagsalaysay (gampanan ang bahagi ni Dr. John
Snodgrass) na siyang magbibigay ng introduksyon (humalaw sa mga talata 1
hanggang 7), (kasaysayan ng PGH) na mahalaga bilang historical background ng
mga itatanghal na sitwasyon.
c. Hayaang pumili ang bawat pangkat ng mga estudyanteng tutupad ng iba't
ibang papel (pasyente, nars, mga doktor, mga intern, propesor/doktor, ambulance
surgeon, atbp.)
d. Gamitin ang mga diyalogong nilalaman ng binasang kuwento. Maaaring
magdagdag ng maiikling diyalogo, ngunit naayon at hindi lilihis sa ibig ipabatid ng
awtor sa kanyang kuwento.
e. Sapagkat ironical at satirical, maaaring gawing exaggerated at sarcastic
ang pagsasalita at pagkilos ng mga gaganap.

SINTESIS

Sa karaniwang pagsusuri sa panitikan, ginagamit ang realismo sa pagpuna


sa mga akdang naglalarawan ng tunay na buhay; ito ay kasalungat ng
romantisismo, ideyalismo, at mga dula ng pagtakas sa tunay na kalagayan ng
buhay. Ang realismo ay walang pagkukunwari at pagpapanggap. Inilalarawan nito
kung ano. ang talagang anyo ng buhay at hindi kailangang pagandahin. Ang
realismo, kung gayon, ay isang matapat na imitasyon ng totoong buhay.
POSTE-TEST
A. Pagtalakay

(Maaaring maipadala bilang gawaing-bahay at maisumite sa susunod na


pagkikita; maaring magamit sa itatakdang pagsusulit.)

1. Paano naipakita sa bawat tagpo o sitwasyon ng kuwento ang pagiging


balintuna o baligtad sa dapat asahan ang inasal ng mga tauhan ng ospital sa
kanilang mga pasyente? Magbigay ng hanggang dalawang pangungusap na
paliwanag o patunay para sa bawat sitwasyon.
__________________________________________________________________
__________________________________________________________________
__________________________________________________________________
__________________________________________________________________
__________________________________________________________________
__________________________________________________________________
__________________________________________________________________

2. Mag-ulat sa di-hihigit sa tatlong pangungusap ng mga karanasan, o


narinig na karanasan ng ibang tumutukoy sa di-magandang pagtrato ng mga
doktor, nars, at staff ng ospital, sa pagkonsulta o pagpapagamot sa kanila.
__________________________________________________________________
__________________________________________________________________
__________________________________________________________________
__________________________________________________________________
__________________________________________________________________
__________________________________________________________________
__________________________________________________________________

3. Sa di-hihigit sa dalawang pangungusap, ipaliwanag kung paano


nakatulong ang bahaging usapan at ang takbo ng mga pangyayari sa kuwento para
maging makatotohanan ang kuwento.
__________________________________________________________________
__________________________________________________________________
__________________________________________________________________
__________________________________________________________________
__________________________________________________________________
__________________________________________________________________
__________________________________________________________________

4. Kung susulatin sa pananaw na romantisismo, sagutin sa tatlong


pangungusap kung paano dapat isagawa ng mga tauhan sa kuwento ang mga di-
magandang pagdedesisyong naipakita nila sa kanikanilang pasyente?
__________________________________________________________________
__________________________________________________________________
__________________________________________________________________
__________________________________________________________________
__________________________________________________________________
__________________________________________________________________
__________________________________________________________________

5. Sa dalawang pangungusap, bigyan ng opinyon kung akma ang pamagat


ng kuwento. Bakit masasabing taglay ng pamagat, gayundin ng mga pangyayari sa
kuwento, ang irony (kabalintunaan) at satire (panunuligsa)?
__________________________________________________________________
__________________________________________________________________
__________________________________________________________________
__________________________________________________________________
__________________________________________________________________
__________________________________________________________________
__________________________________________________________________

B. Pagsasanay
Basahin ang sumusunod na sipi mula sa akda at alamin kung anong
katangian ng realismo ang akma para sa mga ito (mapipili sa bob ng kahon ang
katangian o mga katangiang ito). Maaaring higit sa isang katangiana ng akma para
sa bawatn sitwasyon. Isulat sa patlang ang sagot.

1. "Twelve minutes na ngayon ang itinatagal ng bleeding...napansin ko ang


isang maliit na glandula sa left inguinal region. It is my opinion that this patient is
not suitable for sugery.
__________________________________________________________________
__________________________________________________________________
2. "Kung walang gamot na iinumin, siguro'y tatlo o limang buwan lamang
ang itatagal ng pasyente. ..natingnan ko na ang mga locally available preparation
at natantya kong gagastos ang pasyente from 200 to 400 pesos a day. Kailangan
nating ipaliwanag ito sa pamilya ng pasyente bago tayo magsimula ng anuman."
__________________________________________________________________
__________________________________________________________________

3. "Sira ang ating cobalt machine at kailangan pa ng apat o anim na linggo


para magamit muli. Gayunman, palagay ko'y hindi ito bagay sa pasyente."
__________________________________________________________________
__________________________________________________________________

4. "Well, I guess that winds up our discussion of this interesting case.


Puwede mo nang i-discharge ang pasyente mamayang hapon."
__________________________________________________________________
__________________________________________________________________

5. Tatlo ang pasyenteng pinagpipilian para bigyan ng serbisyo ngunit isa


lamang ang mabibigyan ng kidney transplant. Dapat nang pauwiin ang mga
pasyenteng di mapipili. Nagpasya ang ambulance surgeon na tanungin ang doktor
na naka-duty para iyon ang magdesisyon, pero hindi rin nakatulong ang doktor na
on-duty; humingi pa rin ng payo sa senior resident ngunit sinagot nitong siya na
ang bahala. Sa Admission, binalasang parang baraha ng ambulance surgeon ang
tatlong admisyon islip na nasa mesa. Pagkaraan, tumawag siya ng isang attendant
at inutusan niya ito na daihin ang piniling pasyente sa Ward 6.
__________________________________________________________________
__________________________________________________________________

6. Sino ang pasyenteng pinakamainam na tumanggap ng cornea transplant?


Iniharap ng chairman ang tanong sa kanyang staff sa tinawag na pulong. Nagulat
ang staff na may napagkasunduan silang tatlo na maaaring mabigyan. Ngunit ang
cornea transplant ay para sa isang pasyente lamang. Matamlay na binuklat-buklat
ng chairman ang mga pahina ng mga clinical chart na nasa harap niya. ..nag-isip-
isip, saka lakas-loob siyang humarap sa kanyang staff. "Which one of you would
like to play God?"
__________________________________________________________________
__________________________________________________________________

a. Isang matapat na paglalarawan ng tunay na


buhay.
b. Naglalarawan sa pamaraang objektiv at hindi
namimili ng ` mga tunay na nadarama.
c. Naglalantad ng mga baggy kahit hindi sana
dapat ilantad.
d. Hindi pinagaganda ang tagpo.
e. Isinusulat gaano man katindi o kalubha ang
mangyayari sa pangunahing tauhan.
f. Kabaligtaran ng romantisismo pagkat hindi
nagwakas sa masayang tagpo.

You might also like