You are on page 1of 8

Republic of the Philippines

Department of Education
Region 1
Schools Division of Ilocos Sur
Sinait National High School
Ricudo, Sinait, Ilocos Sur

REMEDIATION PLAN
SESSION 3
NAME OF LEARNER:_____________________________________________________
GRADE LEVEL:__________________________________________________________
TEACHER HANDLING REMEDIATION: ____________________________________

LEVEL/ SESSION 3
DOMAIN MAY, 2022

Oral Language KASANAYAN: Nasasagot nang maayos ( pasalita ) ang mga


naibigay na katanungan.

INTRODUCTION
Kumusta? Naalala mo pa ba ang ating napag-aralan noong
nakaraang sesiyon? Pakibahagi mo nga.
( Titingnan ng guro kung gaano katatas magsalita/ magbahagi ng
nalalaman ang mag-aaral )
LEVEL 3/ KASANAYAN: Nabibigkas nang tama at naibibigay ang bilang ng
PHONOLOGICA pantig ng bawat salita.
L AWARENESS
1. INTRODUCTION
Kumusta ka? Alam kong marami kang natutuhan noong
nakaraang sesiyon natin. Nakikita ko ring umuunlad na ang
iyong kakayahan sa pagbasa. Ngayon ay may bago na naman
tayong babasahin para lalo ka pang humusay sa pagbasa.
Tara, umpisahan na natin.

2. PRESENT (EXPLORE AND EXPLAIN)


Matututuhan mo ulit ngayon kung paano basahin ang
mga pinagsama-samang mga pantig.Matutuhan mo rin kung
ilang pantig ang bumubuo sa bawat salita. Pakinggan mo
akong mabuti, pagkatapos ay ikaw naman ang babasa.

3. MODEL
a. Pi-li-pi-no -Pilipino
b. tin-yen-te -tinyente

Address: Ricudo, Sinait, Ilocos Sur


Telephone No: (077) 674 0004
Email Address: sinaitnhs1947@gmail.com
Republic of the Philippines
Department of Education
Region 1
Schools Division of Ilocos Sur
Sinait National High School
Ricudo, Sinait, Ilocos Sur
c. pad-re - padre
d. ka-sin-ta-han - kasintahan
e. kub-ra-dor - kubrador
f. i-pi-nag-pa-tu-loy -ipinagpatuloy
g. ka-bi-ga-tan - kabigatan
h. pa-ngu-ngum-pi-sal - pangungumpisal
i. nag-nga-nga-lang - nagngangalang
j. ka-da-hi-la-nan - kadahilanan

( Ipababasa muli ng guro ang mga salita at itatanong kung ilang


pantig ang bumubuo sa bawat salita )

LEVEL 4/ KASANAYAN:
PHONOLOGICA 1.Nabibigkas at nababasa nang tama ang bawat pangungusap.
L AWARENESS 2. Nakapagbibigay ng mga salitang magkakatugma.

1. INTRODUCTION
Talagang ang galing-galing mo na! Tingnan nga natin
sa susunod nating gawain. Alam kong kayang-kaya mo pa
rin!

2. PRESENT (EXPLORE AND EXPLAIN)


Matututuhan mo ulit ngayon ang pagbasa ng talata.
Pakinggan mo akong mabuti, pagkatapos ay ikaw naman ang
babasa.

3. MODEL

Si Crisostomo Ibarra ay isang binatang Pilipino na nag-


aral sa Europa. Pitong taon siyang namalagi doon bago umuwi sa
Pilipinas. Isang salo-salo ang idinaos sa bahay ni Kapitan Tiyago
na dinaluhan nina Padre Damaso, Padre Sibyla, Tinyente
Guevarra, Donya Victorina at ilang matataas na tao sa lipunang
Kastila. Sa pagtitipong yaon ay hiniya ni Padre Damaso ang
binatang si Ibarra sa harap ng hapag ngunit di ito pinansin ng
binata at magalang na nagpaalam at sinabing siya ay may
mahalagang gawain.
Ngayon ulitin mo ngang basahin.

Address: Ricudo, Sinait, Ilocos Sur


Telephone No: (077) 674 0004
Email Address: sinaitnhs1947@gmail.com
Republic of the Philippines
Department of Education
Region 1
Schools Division of Ilocos Sur
Sinait National High School
Ricudo, Sinait, Ilocos Sur
( Uuliting basahin ng mag-aaral ang talata sa itaas.)

Ang susunod na babasahin mo ay mga salitang


magkakatugma sa loob ng teksto. Babasahin ko muna at
pagkatapos ay ikaw naman ang babasa.
1. sinabi - namalagi
2. kasintahan - dinaluhan
3. yaon - itapon
4. dalaga - binata
5. namatay - ipinahukay
( Pagkatapos ipabasa ay ipapaliwanag ng guro kung bakit
magkakatugma ang mga salita pagkatapos ay hahayaan
niyang magbigay ang mag-aaral ng mga salitang
magkakatugma. )

LEVEL 5/ KASANAYAN: Nababasa nang tama ang akda.


PHONOLOGICA
L AWARENESS 1. INTRODUCTION
Napakahusay mo nang bumasa ngayon kaya alam kong
( Fluency ) kayang-kaya mo na ring basahin nang tama ang buong akda.
Kailangang isaalang-alang mo ang tamang bilis, diin, tono,
antala at ekspresyon sa pagbasa.

2. PRESENT (EXPLORE AND EXPLAIN)


Babasa ka ngayon ng isa na namang akda. Pakinggan
mo akong mabuti at pagkatapos ay ikaw naman ang babasa
nang may tamang bilis, diin, tono, antala at ekpresyon sa
pagbasa.

3. MODEL
(Babasahin ng guro ang buong akda. Pakikinggan ng
mag-aaral ang pagbasa ng guro at pagkatapos ay siya
naman ang babasa.)

LEVEL 6/ KASANAYAN: Nasusukat ang pag-unawa sa binasa.


Reading
Comprehension 1. INTRODUCTION
Nasisiyahan ako dahil mahusay ka ng bumasa. Sana ay

Address: Ricudo, Sinait, Ilocos Sur


Telephone No: (077) 674 0004
Email Address: sinaitnhs1947@gmail.com
Republic of the Philippines
Department of Education
Region 1
Schools Division of Ilocos Sur
Sinait National High School
Ricudo, Sinait, Ilocos Sur
naiintindihan mo rin ang nilalaman ng binasa mong akda.
Tara, subukan natin!

2. PRESENT (EXPLORE AND EXPLAIN)


Ngayon ay titingnan o susukatin ko kung naunawaan
mo ang nilalaman ng iyong binasa. Sasagutin mo nang buong
husay ang mga naibigay na katanungan batay sa binasang
akda.

3. MODEL
I. Panuto: Piliin ang titik ng pinakaangkop na sagot sa
bawat tanong.
1. Siya ang binatang Pilipino na nag-aral sa Europa.
A. Crisostomo Ibarra C. Tinyente Guevarra
B. Don Rafael Ibarra D. Kapitan Tiyago

2. Isang salo-salo ang idinaos sa bahay ni __________.


A. Crisostomo Ibarra C. Tinyente
Guevarra
B. Don Rafel Ibarra D. Kapitan
Tiyago

3.Si Maria Clara ay ________ ni Crisostomo Ibarra.


A. kababata C. kasintahan
B. kalaro D. kaibigan

4. Pinaratangan na erehe at pilibustero si Don Rafael ni Padre


Damaso gawa ng di
pagsisimba at __________.
A. pagdarasal C. pagbibigay ng limos
B. pangungumpisal D. pag-aayuno

5.Ipinahukay ni Padre Damaso sa tagapaglibing ang bangkay


ni Don Rafael at
inutusan na ibaon sa libingan ng mga ________.
A. bayani C. Intsik
B. Katoliko D. patay

II. Sagutin nang pasalita ang mga sumusunod na katanungan.

Address: Ricudo, Sinait, Ilocos Sur


Telephone No: (077) 674 0004
Email Address: sinaitnhs1947@gmail.com
Republic of the Philippines
Department of Education
Region 1
Schools Division of Ilocos Sur
Sinait National High School
Ricudo, Sinait, Ilocos Sur
1.Tama ba ang ginawa ni Crisostomo na hindi na lang niya
pinansin ang pagpapaphiya sa kanya ni Padre Damaso?
Pangatwiranan.
2. Kung ikaw si Crisostomo at malaman ang ginawa ni Padre
Damaso sa iyong ama, anong gagawin mo? Bakit?
3.Para sa iyo, anong klaseng tao si Crisostomo Ibarra?
Si Padre Damaso? Bakit?

Prepared by :

LEILA G. RAFANAN
Grade-9 Reading Focal Person

_______________________
Teacher Handling Remediation

Noted : Recommending Approval:

RACHEL ANN G. ABELLA ROSE VITCHIE R. CALPITO, Ed.D


School Reading Coordinator, Filipino Asst. School Principal II, JHS

Approved :

MARISA G. VALORIA
School Principal IV

Address: Ricudo, Sinait, Ilocos Sur


Telephone No: (077) 674 0004
Email Address: sinaitnhs1947@gmail.com
Republic of the Philippines
Department of Education
Region 1
Schools Division of Ilocos Sur
Sinait National High School
Ricudo, Sinait, Ilocos Sur

Noli Me Tangere
( Kabanata 1-4 )

Si Crisostomo Ibarra ay isang binatang Pilipino na nag-aral sa Europa. Pitong taon


siyang namalagi doon bago umuwi sa Pilipinas. Isang salo-salo ang idinaos sa bahay ni
Kapitan Tiyago na dinaluhan nina Padre Damaso, Padre Sibyla, Tinyente Guevarra, Donya
Victorina at ilang matataas na tao sa lipunang Kastila. Sa pagtitipong yaon ay hiniya ni Padre
Damaso ang binatang si Ibarra sa harap ng hapag ngunit di ito pinansin ng binata at
magalang na nagpaalam at sinabing siya ay may mahalagang gawain.
Si Ibarra ay may kasintahan na nagngangalang Maria Clara na anak ni Kapitan Tiyago
na kilalang mayaman sa Binondo. Kinabukasan, dumalaw ang binata sa dalaga sa tahanan
nito. Sa asotea, nag-ulayaw ang dalawa at ginunita ang simula ng kanilang pag-iibigan na
nagsimula sa kanilang pagkabata. Binasa ng dalaga sa harap ng binata ang liham ng binata na
binigay niya bago siya nagpunta sa Europa. Ipinakita naman ng binata ang dahon ng sambong
na handog ni Maria Clara sa kanya. Bago nagtungo si Ibarra sa San Diego ay ipinagtapat sa
kanya ni Tinyente Guevarra ng Gwardiya Sibil ang tungkol sa pagkamatay ng kaniyang
amang si Don Rafael Ibarra, ang mayamang tao sa bayang iyon. Ayon sa Tinyente, si Don
Rafael ay pinaratangan ng erehe at pilibustero ni Padre Damaso gawa ng di pagsisimba at
pangungumpisal. May isang pangyayari na nakadagdag pa sa paratang na kung saan may
isang maniningil ng buwis ng nakaaway ng isang bata na nakita ni Don Rafael at ito ay
kanyang tinulungan. Nagalit ang kubrador at sila ang naglaban. Sa kasamaang palad, ang ulo
ng kubrador ay tumama sa bato na ikinamatay nito. Ibinintang ang pagkamatay ng Kastila
kay Don Rafael, pinag-uusig siya, nagsulputan ang kanyang lihim na kaaway at nagharap ng
iba’t ibang sakdal. Siya ay nabilanggo. Napawalang-sala siya sa pagkamatay ng Kastila sa
kadahilanang ang huli ay namatay sa altapresyon ngunit si Don Rafael ay nagkasakit at
namatay sa bilangguan. Inilibing si Don Rafael sa libingan ng mga Katoliko ngunit ito ay
ipinahukay ni Padre Damaso sa tagapaglibing at inutusan na ibaon sa libingan ng mga Intsik.

Address: Ricudo, Sinait, Ilocos Sur


Telephone No: (077) 674 0004
Email Address: sinaitnhs1947@gmail.com
Republic of the Philippines
Department of Education
Region 1
Schools Division of Ilocos Sur
Sinait National High School
Ricudo, Sinait, Ilocos Sur
Umuulan noon at sa kabigatan ng bangkay ay ipinasiya ng tagapaglibing na itapon na lamang
sa lawa.

I. Panuto: Piliin ang titik ng pinakaangkop na sagot sa bawat tanong.


1. Siya ang binatang Pilipino na nag-aral sa Europa.
A. Crisostomo Ibarra C. Tinyente Guevarra
B. Don Rafael Ibarra D. Kapitan Tiyago

2. Isang salo-salo ang idinaos sa bahay ni __________.


C. Crisostomo Ibarra C. Tinyente Guevarra
D. Don Rafel Ibarra D. Kapitan Tiyago

3.Si Maria Clara ay ________ ni Crisostomo Ibarra.


C. kababata C. kasintahan
D. kalaro D. kaibigan

4. Pinaratangan na erehe at pilibustero si Don Rafael ni Padre Damaso gawa ng di


pagsisimba at __________.
C. pagdarasal C. pagbibigay ng limos
D. pangungumpisal D. pag-aayuno

5.Ipinahukay ni Padre Damaso sa tagapaglibing ang bangkay ni Don Rafael at


inutusan na ibaon sa libingan ng mga ________.
C. bayani C. Intsik
D. Katoliko D. patay

II. Sagutin nang pasalita ang mga sumusunod na katanungan.


1.Tama ba ang ginawa ni Crisostomo na hindi na lang niya pinansin ang pagpapaphiya
sa kanya ni Padre Damaso? Pangatwiranan.
2. Kung ikaw si Crisostomo at malaman ang ginawa ni Padre Damaso sa iyong ama,
anong gagawin mo? Bakit?
3.Para sa iyo, anong klaseng tao si Crisostomo Ibarra? Si Padre Damaso? Bakit?

Address: Ricudo, Sinait, Ilocos Sur


Telephone No: (077) 674 0004
Email Address: sinaitnhs1947@gmail.com
Republic of the Philippines
Department of Education
Region 1
Schools Division of Ilocos Sur
Sinait National High School
Ricudo, Sinait, Ilocos Sur

Address: Ricudo, Sinait, Ilocos Sur


Telephone No: (077) 674 0004
Email Address: sinaitnhs1947@gmail.com

You might also like