You are on page 1of 2

"Layunin ng tao"

Isang araw ay naglalakad ang isang babae na pagod na pagod sa kanyang mga dapat gawin sa
buhay, ang kanyang pangalan ay Maria. Siya ay isang masipag at magaling na bata. Lagi siyang
nangunguna sa klase, bukod doon ay nananalig din siya ng matatag sa Diyos at siya ay
nagtatrabaho rin upang suportahan ang kanyang pag-aaral. Ngunit minsan ay hindi niya rin
mapigilan ang sariling maisip kung para saan ba talaga ang ginagawa niya sa buhay, kung ano ba
talaga ang layunin niya..

"Manong, Feria lang po" Saad ni Maria. Itim na itim na ang ilalim ng kanyang mata dahil wala
siyang tulog at gulo gulo na rin ang buhok dahil hindi niya na naisip na ayusin ito.

Pagkakababa niya ng dyip ay naisip niyang huwag munang dumiretso sa kanilang bahay at kumain
muna siya sa isang karenderya...

Nang siya ay makaupo ay umorder kaagad siya ng kanin at ulam..

" Hays" Singhap at buntong hininga ni Maria habang sinusubo ang pagkain niya.. Ilang minuti
lamang ay may lumapit sakanyang batang lalaki..

" Ate, ate puwede ho bang mahingi ang tira mo? Matagal napo kasi akong hindi nakakakain."
nakakaang sambit ng isang batang pulubi.

" Oo naman, halika sabayan mo ako." saad ni Maria at kinuhaan ang bata ng sarili niyang pag
kain.

Pinanuod lang ito ni Maria na kumain at ngiting ngiti ang bata habang kumakain at tila ba'y
ngayon lang ito nakatikim ng ganoong pagkain..

" Buti ka pa, hindi pa ganoon karami ang problema mo. At hindi mo rin kailangan problemahin
ang layunin mo sa buhay.." Hindi sinasadyang sambit ni Maria..

Napatigil ang bata sa narinig nito at ngumiti..

" Ate, may dalawang layunin lamang po ang isang tao.." Nagulat si Maria nang magsimula ang
bata na magsalita at napatigil siyang napatitig dito...

" Puwedeng maging leksyon o inspirasyon ang isang tao sa mundong ito.." pagpapatuloy ng bata..

" Ano? hindi ko naiintindihan.." Sagot ni Maria sa bata..

" Ang mga taong leksyon ay ang mga taong tumigil na sa pag-abot ng kanilang mga pangarap, o
maaring ang tao na gumawa na lamang ng kasakiman para maging masaya ang buhay niya rito sa
baba. Hindi magtatagal ay makakaranas siya ng karma, kaya naman taong leksyon ang tawag dito.
Sa kabilang banda naman, ay mayroon ding taong inspirasyon.. ayun 'yung mga taong kahit anong
mangyari sa buhay nila ay mananatili silang mabuti at tapat sa kanilang sarili. Maghihintay sila ng
napakatagal upang makamit ang gusto at hindi magpapatalo sa temptasyon na nararanasan ng
maraming tao. Siya ay taong inspirasyon sapagkat siya ang taong dapat tularan. Ngunit, kahit na
mas magandang pakinggan ang "taong inspirasyon" may aral din naman tayong natutunan sa
"taong leksyon" at parehas silang nagkaroon ng layunin.." Napaluha si Maria sa kanyang marinig,
napagtanto niya ang sinasabi ng bata.. at.. parang tama ang sinasabi ng batang ito..

" At ikaw, ate. Ang pipili ng layunin mo sa buhay." Sabay takbo ng bata..

"Teka lang!" habol ni Maria sa bata ngunit hindi niya na nakitang muli ito..

Dahil sa narinig ni Maria sa bata ay alam niya na kung anong layunin ang gusto niyang tahakin.
Ang pagiging inspirasyon. Ang gusto niyang tahakin.. kaya naman, nagpursigi siya at siya'y
biniyayaan ng Diyos.

You might also like