You are on page 1of 6

2

Filipino
Learning Activity Sheet sa Filipino 2
Kuwarter 4 – MELC 6
Pagbibigay ng Angkop na Pamagat sa
Binasang Teksto, Talata at Kuwento

SANGAY NG NEGROS OCCIDENTAL


Filipino 2
Learning Activity Sheet
Unang Edisyon, 2020

Inilimbag sa Pilipinas
Kagawaran ng Edukasyon
Sangay ng Negros Occidental
Cottage Road, Bacolod City

Isinasaad ng ng Batas Pambansa Bilang 8293, Seksiyon 176 na “Hindi


maaaring magkaroon ng karapatang-sipi sa ano mang akda ng Pamahalaan ng
Pilipinas. Gayunpaman, kailangan muna ang pahintulot ng pamahalaan o
tanggapan ng pamahalaan na naghanda ng gawain kung ito’y pagkakakitaan.
Kabilang sa mga maaaring gawin ng nasabing ahensiya o tanggapan ay ang
pagtakda ng kaukulang bayad.”

Ang Filipino 2 Learning Activity Sheet (LAS) na ito ay inilimbag upang


magamit ng mga Paaralan sa Sangay ng Negros Occidental.

Walang bahagi ng aklat na ito ang maaaring kopyahin o ilimbag sa anumang


porma nang walang pahintulot sa Kagawaran ng Edukasyon, Sangay ng Negros
Occidental.

Mga Bumuo ng Filipino 2 Learning Activity


Sheet

Manunulat: Elizabeth M.
Rodrigo Editor: Alona A.
Arellano Tagasuri: Rea P. De
la Peña
Tagapayo: Marsette D. Sabbaluca, CESO VI
Tagapamanihal
a Juliet P. Alavaren,
Ph.D.
Learning Activity Sheet ( LAS ) Blg. 6

Pangalan ng Magaaral: _
Baitang at Seksiyon: _ Petsa: _

Gawaing Pampagkatuto sa Filipino 2


Pagbibigay ng angkop na pamagat sa
binasang
teksto, talata at kuwento.
I. Kasanayang Pampagkatuto at Koda
Nakapagbibigay ng angkop na pamagat sa binasang
teksto, talata at kuwento. F2PB-IIj-8
II. Panimula

Mahalagang malaman ang pamagat ng kuwento, tauhan,


tagpuan , mga pangyayari at wakas ng isang kuwento upang
maisalaysay ito nang wasto..

III. Mga Sanggunian:


K-12 Most Essential Learning Competencies F2PB-IIj-8
Ang mga Bagong Batang Pinoy Filipino 2 pahina 234-238, 193-198
Sining sa wika at pagbasa pp. 211,217-219
IV. Mga Gawain:

Gawain 1:

Basahin at unawain ang kuwento.

Sina Carlo at Felix ay magkaibigan. Nakaugalian na nila ang


magpunta sa bukid pagkatapos ng gawaing bahay.

Minsan sa pagdating ni Felix, nakita niyang tulog si Carlo.


Mayamaya ay nakakita siya ng malaking ahas sa ilalim ng punong
mangga at tila tutuklawin ang kaniyang kaibigan.

Napasigaw ng malakas si Felix “Ahas!” “Ahas!” at halos napapikit


ang mga mata ni Felix samantalang iminulat naman ni Carlo ang
kaniyang mga mata. Dali-daling bumangon si Carlo at sabay silang
tumakbo palayo sa bukid. Pagkatapos ng pangyayaring iyon, lalong
tumibay ang pagkakaibigan ng dalawa.
Sagutin ang tanong:

1. Ano ang angkop na pamagat ng kuwento?

A.Si Felix B. Sina Carlo at Felix C. Si Carlo

2. Saan naganap ang kuwento?

A. sa bukid B. sa bahay C. sa parke

3. Ano ang nakita ni Felix sa ilalim ng punong mangga?

A. isang aso B. malaking puno c. malaking ahas

Gawain 2
Basahin ang kuwento at sagutin ang tanong.

Si Dr. Jose P. Rizal ay isang matalinong tao. Sa kaniyang murang


edad ay nagpakita na siya ng katalinuhan. Nagtapos siya ng maraming
kurso. Marunong siyang magsalita ng iba’t- ibang wika. Marami siyang
isinulat na aklat na naging dahilan upang mamulat ang isipan ng mga
tao mula sa pang-aapi ng mga dayuhan.

Ano ang angkop na pamagat ng kuwento?


A. Si Dr. Jose Rizal
B. Si Apolinario Mabini
C. Si Manuel L. Quezon
Gawain 3

Basahing mabuti ang talataan. Ibigay ang angkop na pamagat.


Ang magkapatid na sila Alice at Luis ay huwarang
mga bata. May oras sila sa paglalaro, pag-aaral, at sa pagtulong sa
mga magulang. Tumutulong muna sila sa mga gawaing bahay bago
manood ng tlelbisyon. Dahil dito ang kanilang mga magulang ay
natutuwa sa kanila.

Ano ang angkop na pamagat sa talataan?


A. Si Alice
B. Si Luis
C. Ang Huwarang Magkapatid
Gawain 4
Basahing mabuti ang talataan.Ibigay ang angkop na
pamagat.

Ang atis ang pinakagusto kong prutas sa lahat. Ito ay kulay


berde. Bukol-bukol ang balat pero puting-puti naman ang
lamukot. Itim ang mga buto ng atis. Napakatamis ng atis lalo’t
hinog na hinog. Para sa akin ay ito na ang pinaka masarap na
prutas.
Ano ang angkop na pamagat ng talataan?
A. Ang Kamatis
B. Ang Atis
C. Ang Pakwan

V. Tandaan

VI - Repleksiyon:
Ano ang natutunan mo sa araling
ito? Ang natutunan ko ngayon ay

Binabati kita at napagtagumpayan mo ang iyong hamon


sa araw na ito. Umaasa akong isa na namang kasanayan
ang iyong natutunan ngayon.
VI. Susi sa Pagwawasto:

Gawain 1

1. B. Sina Carlo at Felix


2. A. sa bukid
3. C. malaking ahas

Gawain2

A. Si Dr. Jose Rizal

Gawain 3

C. Huwarang Magkapatid

Gawain 4

B. Ang Atis

You might also like