You are on page 1of 12

MGA SULIRANINGPANGKAPALIGIRAN

Mga layunin:
● Naipaliliwanag ang iba’t ibang uri ng kalamidad na
nararanasan sa komunidad at sa bansa:
● Naiuugnay ang gawain at desisyon ng tao sa
pagkakaroon ng mga kalamidad:
● Nakapagbibigay ng mga paghahanda na nararapat gawin
sa harap ng mga kalamidad:
● Natutukoy ang mga ahensiya ng pamahalaan na
responsable sa kaligtasan ng mamamayan sa panahon
ng kalamidad:
● Napahahalagahan ang pagkakaroon ng disiplina at
kooperasyon sa pagitan ng mga mamamayan at

1
pamahalaan sa panahon ng kalamidad.

ANO NGA BA ANG DISASTER RISK MITIGATION?


Mayroon ka bang ideya tungkol dito?
Handa ka na bang alamin ito?

Disaster Risk Mitigation

Disaster Risk Mitigation ay isang dinamikong proseso na


naglalayong mabawasan ang pinsalang bunga ng mga
sakuna.Ito ay nagsusulong ng tamang paghahanda at wastong
pag-iwas sa mga sakuna at kalamidad.

2
MAHALAGA BA NA ALAMIN NATIN ITO ?

Mahalagang naipaliliwanag ng isang indibidwal ang iba’t


ibang uri ng kalamidad na nararanasan sa kaniyang
komunidad at bansa. Kaugnay nito ang pagkakaroon ng
kabatiran sa mga paraan kung paano makaiiwas,
makapaghahanda, at makapag-iingat sa mga suliraning
pangkapaligiran—mga bagay na nilalayon ng Disaster Risk
Mitigation (o Disaster Risk Reduction).

Nasusukat ang kalubhaan ng isang sakuna sa laki ng


epekto nito sa lipunan at kapaligiran. Pakay ng Disaster
Risk Mitigation na mapigilan o mabawasan man lang ang
pagkakaroon ng pinsala sa mga tao ng mga sakuna, mga
likas na panganib, o mga kalamidad gaya ng pagputok ng
bulkan, bagyo, baha, landslide, at lindol.

Itinataguyod ng ng Disaster Risk Mitigation ang mga


gawaing may kaugnayan sa wastong paghahanda at pag-
iwas sa mga malalalang idudulot ng mga kalamidad. Sa
madaling salita, ito ay para sa kaligtasan ng mga
mamamayan.

Ano-ano kaya ang mga kalamidad na nararanasan


sa bansa?

Mga kalamidad na nararanasan sa komunidad at bansa

Ang mga hazard at kalamidad ay nagbubunga ng pagkasira ng


buhay, pag-aari, at kabuhayan ng mga tao. Nakakaapekto ang
mga ito sa mga pang-ekonomiya at panglipunang aktibidad sa

3
pamayanan. Ito ay maaring natural na pangyayari o kagagawan
ng tao na posibleng humantong sa disaster.

Ayon sa alagad.com.ph, ang ‘hazard ‘ ay pwedeng ikategorya sa


tatlong uri: (a) nag-iisa (tulad ng sunog); (b) magkasunod o
bunga ng isa pang uri ng hazard (gaya ng bagyo at landslide,
lindol at tsunami, lindol at landslide, o pagputok ng buklan at
lindol); at (c) magkasama o kumbinasyon ( bagyo, landslide, at
baha).

Ang mga sumusunod ay ilang uri ng kalamidad:

1. Bagyo
Ang bagyo (higanteng buhawi), na tinatawag ding tropical storm,
typhoon, o cyclone ay isang matindi at malakas na hangin na
madalas ay may kaakibat na malakas at halos walang humpay
na pag-ulan. Sinasabing ang sunud-sunod na malalakas na
bagyo sa panahon natin ay dulot ng pagbabago sa klima o
climate change.

Sa kasaysayan nang Pilipinas, ang Super Bagyong Yolanda


noong Nobyembre 2013 na nagtala ng PSW Signal Number 5 ay
isa sa mga hindi malilimutan dahil sa dulot nito na malawakang
pagkasira sa buong Bisayas, kasama na ang ilang lalawigan sa
Luzon.

2. Storm surge at storm tide


Kapag naging abnormal ang pagtaas ng tubig dagat dulot ng low
pressure weather system tulad ng cyclones (tropical man o
extratropical), nagaganap ang tinatawag na storm surge o
dalúyong-bagyo. Ang halimbawa nito ay ang storm surge na
resulta ng malakas na bagyong Yolanda.

4
Ang storm tide naman ay ang pagtaas ng lebel ng tubig sa dagat
dahil sa pinagsamang storm surge at astronomical tide. Ang
astronomical tide ay pagbabago sa lebel ng tubig dagat bunga
ng gravitational pull ng araw at buwan. Ang storm surge at storm
tide ay kapwa makapagdudulot ng matinding pagbaha sa mga
babaybayin at kalapit na lugar.

Ang pagkatunaw ang mga yelo sa dagat at mga glasyar o niebe


sa lupa (land-based glaciers) dahil sa pagbabago sa klima at
global warming ay nagdudulot din ng mabilis na pagtaas ng lebel
ng dagat.

3. Baha
Kapag umuulan nang malakas, lalo na at ito ay nagtagal,
madalas ay nagkakaroon ng baha. Sa Pilipinas, madalas itong
nangyayari sa maraming lugar kahit bahagya lamang umulan.
Ang baha o pagbaha ay ang pag-apaw ng tubig sa lupa bunga
halimbawa ng pagtaas ng tubig sa mga ilog, sapa, lawa, o
karagatan. Ang malalakas na buhos ng ulan (thunderstorm) ay
nagdudulot ng pagbaha. Ang bahang dala ng Bagyong Ondoy
noong Setyembre 2009 ay nagpalubog sa Kamaynilaan at ilang
bahagi ng Luzon. Matinding naapektuhan nito ang mga
lalawigan ng Rizal, at ang Marikina at Pasig sa Kalakhang
Maynila.

4. Flashfloods
Ang malakas na pag-ulan ay maaaring magbunga kapwa ng
baha at flashflood. Kung ang baha o flood ay pag-apaw ng tubig,
ang flashfloods naman ay ang mabilis na ragasa ng tubig na
karaniwang may kasamang ibang mga bagay tulad ng putik,

5
banlik, kahoy, at bato. Nangyayari ito sa mga lugar na mababa o
tinatawag na low lying areas tulad ng mga lawa, ‘basin’ at ilog.

5. Landslide
Ang landslide ay ang pagguho ng lupa o putik na may
malalaking bato. Karaniwan itong nagaganap sa mga bundok o
burol. Nagkakaroon ng landslide kapag matitindi at walang tigil
ang pag-ulan, may lindol, at kapag pumutok ang bulkan. Mabilis
itong mangyari at karaniwan ay walang babala kaya dapat itong
paghandaan o pag-ingatan, lalo na sa mga dako na peligroso o
prone sa ganitong kalamidad.

6. Lindol
Ang lindol ay “isang biglaan, at mabilis na pag-uga ng lupa, na
dulot ng pagbibiyak at pagbabago ng mga batong nasa ilalim ng
lupa kapag pinakakawalan nito ang puwersang naiipon sa
mahabang panahon.”

Bunga rin ito ng pagbabago ng posisyon ng mga bunton ng bato


na sa ilalim ng lupa. Ang Pilipinas ay prone sa paglindol
sapagkat ito ay nasa Pacific Ring of Fire (o Pacific Rim), kung
saan ay maraming bulkan at nagaganap ang may 90% ng mga
paglindol sa mundo.

7. Buhawi
Ang buhawi ay isang marahas, mapanganib, at mapangwasak
na pag-ikot ng kolumna ng hangin na sumasayad sa lupa.
Tinatawag rin itong ipu-ipo, alimpuyo, o tornado at ito ay
nagiging hugis funnel o imbudo. Karaniwan itong nalilikha kapag
may thunderstorm. Buhawi ang tawag kapag ito ay nabuo sa
ibabaw ng lupa at tinatawag naman itong ipu-ipo kapag sa

6
ibabaw ng tubig nalikha. Ang buhawi ay itinuturing na may
pinakagrabeng pinsala. Karakaraka ang paglitaw nito at walang
babala.

8. Tsunami
Ang tsunami (o seismic sea wave) ay serye ng malalaking alon
sa karagatan patungo sa dalampasigan o kalupaan. Ito ay
kumikilos nang napakabilis at mapaminsalang humamhampas
sa lupa dala ang matataas na mga alon.

Nagkakaroon ng tsunami kapag may malaking pagkilos ng tubig,


dulot halimbawa ng paglindol, pagsabog ng bulkan, pagguho ng
malaking tipak ng lupa o yelo sa dagat, pagtama ng bulalakaw
sa karagatan, at pagsabog sa dagat (gaya ng nuclear or atomic
bomb testing)

Buod
Ang Disaster Risk Mitigation at tumutukoy sa kung papaano
maiiwasan at mababawasan ang pinsalang maaaring idulot ng
isang sakuna. Ito rin ang nagsusulong ng mga pamamaraan
upang malutas o mapaghandaan ang mga sakunang maaaring
dumating.

Natatandaan ninyo pa ba ang mga iba’t ibang uri


ng mga kalamidad?

Ngayon naman ay alamin naman natin ang mga


ahensyang tumutugon kapag may kalamidad.

7
Alam mo ba?
Ang Department of Environment and
Natural Resources (DENR) ay responsable
sa pagpapanatili, pamamalakad,
pagsasaayos, at pagpapalago ng mga likas
na yaman sa bansa. Ito rin ang
nangangalaga upang siguraduhin na
magagamit ng maayos ang mga ito at
upang mapangalagaan ang kapaligiran.

Ang Bureau of Fire Protection (BFP) ay


responsable naman sa pangangalaga ng
kapakanan ng mga mamamayan laban sa
mapaminsalang apoy o sunog sa mga
gusali, kabahayan, kagubatan,
transportasyon na behikulo at mga
kagamitan,
ships/vessels at maging
sa pier at sa industriya ng petrolyo.

8
Ang Department of the Interior and Local Government (DILG)
ay aktibo sa pagtulong at pakikiisa sa Climate Change
Adaptation (CCA) at sa Disaster Risk Reduction Management
(DRRM). Ang ahensyang ito ay nakikiisa sa pagpapatupad ng
mga disaster preparedness. DILG ay naatasang na magpasilita
sa paglago at probisyon sa training programs sa mga lokal
government unit tugon sa climate change adaptation.

Ang National Telecommunications


Commission (NTC) ay pangunahing
responsable para sa regulasyon at
quasi-judicial function na may
kinalaman sa pagkontrol sa radyo,
telekomunikasyon, broadcasting na
kinabibilangan ng telebisyon at mga
serbisyo. Sila ang nagbabalita
patungkol sa mga napapanahong Isyu
at kalagayan ng bansa.

9
Ang Philippine Atmospheric, Geophysical
and Astronomical Services Administration
(PAGASA) ay ang nagbibigay ng
proteksyon laban sa dulot ng mga
kalamidad. Ito rin ang nagbibigay ng nga
kaalaman upang mas epektibong
mapangalagaan ang kalusugan at
kapakanan ng mga tao at seguridad ng
ekonomiya upang umunlad ang bansa.

Subukan natin ang iyong kaalaman!

Panuto: Sagutan ang mini quiz sa Quizizz app.


Type of quiz; Enumeration (10 points)

STEP 1: I-click ang link


Quizizz link: https://quizizz.com/join?gc=35167517
o I-type ang code (3516 7517 ) at I-CLICK ang JOIN

10
STEP 2: Ilagay ang pangalan at I-click ang Start. Goodluck sa
pagsusulit !

Isapuso natin!

Panuto: I-click ang link upang masagutan ang mga sanaysay.

11
https://docs.google.com/forms/d/e/
1FAIpQLSeaiIxbit9YcL0oOJgo4mUoiYtw2AKGxDNZ7pwoO4Isk
eZSdg/viewform?usp=sf_link

Gawin natin!
Role play: Isadula ang pangyayaring dapat taglayin ng bawat isa
sa panahon ng kalamidad tulad ng pagkakaisa, disiplina, at
kooperasyon. Ang mga mag-aaral ay hinati sa tatlong grupo
upang maayos na makapagsadula at magkaroon ng iba’t ibang
ideya ang bawat isa. Ang task na ito ay ivivideo at ipapasa sa
google class upang i-present sa buong klase.

Higitan pa natin!
Gumawa ng isang infographic na nagtatakda ng mga bagay na
nararapat ihanda at gawin bago, kasalukuyan, at pagkatapos ng
kalamidad. Pumili lamang ng isang tiyak na kalamidad at ipasa
sa google class.

emails of teachers
catalanharold@col.gendejesus.edu.ph
panganjefferson@col.gendejesus.edu.ph
sebastianclarence@col.gendejesus.edu.ph

12

You might also like