You are on page 1of 3

QUARTER 1

SUMMATIVE TEST NO. 1


GRADE 4 – FILIPINO

Mga Layunin CODE Bahagdan Bilang ng Kinalalagyan ng


Aytem Bilang

Natutukoy ang mga elemento ng


(F4PS-Ia-97)
kuwento.
Natutukoy ang bahagi ng binasang 50% 10 1-10
(F4PB- Ii- 24)
kuwento- simula, kasukdulan,
katapusan
Nakasusulat ng talata tungkol sa sarili
Nakasusulat ng liham na nagbibigay (F4PU-1a-2)
ng karanasan/pangyayari sa 50% 10 11-20
nabasang kuwento (F4PU-Ia-2)

Kabuuan 100 20 1 – 20
QUARTER 1
SUMMATIVE TEST NO. 1
GRADE 4 – FILIPINO

Name: Date: Score:

I.A. Panuto: Basahin ang mga tanong at sagutin. Piliin ang tamang sagot sa loob ng
panaklong at isulat sa sagutang papel.

1. Alin sa mga sumusunod na bahagi ng kuwento ang tumutukoy sa


mga gumaganap sa kuwento?
( panimula, tauhan, tagpuan, wakas )
2. Alin sa mga sumusunod na bahagi ng kuwento ang tumutukoy kung
saan ito naganap ?
( panimula, tauhan, tagpuan, wakas )
3. Ano ang tawag sa pagkakasunod-sunod ng mga pangyayari sa
kuwento?
( banghay, tagpuan, simula, wakas )
4. Kung ang panimula ay nagsasabi kung saan at paano nagsimula
ang kuwento, ano naman ang wakas?
(-Ito ay bahagi ng kuwento kung saan unti-unti nang naaayos ang
problema. )
(-Ito ay nagsasabi kung paano nagwakas o natapos ang
kuwento.) (-Ito ang panandaliang pagtatagpo ng mga tauhan. )
(-Dito nangyayari ang problema sa kuwento. )

B. Panuto: Para sa aytem 5-8. Basahin ang mga halimbawa ng mga elemento ng
kuwento sa loob ng kahon, Pagkatapos, ibigay ang hinihinging sagot sa
pamamagitan ng pagsulat ng titik ng tamang sagot sa iyong sagutang
papel.

A. Kamila, Jose, Agos, mag- asawang magsasaka


B. Sa isang malawak na lupain, Sa tabing ilog, Sa ilalim ng Dagat
C. Sa katagalan sila’y naging magkaibigan kahit saan man
sila magkita. Patuloy na nilalagay sa puso ni Kambing ang nagawang tulong sa
kanya ni Kalabaw.
D. Noong unang panahon may isang batang napakabait na lumaki lamang sa
Lolo at Lola. Ang kanyang pangalan ay si Ronie, anim na taong gulang.

5. Ito ang mga halimbawa ng mga tauhan sa kuwento.


6. Ito ay maituturing na wakas ng kuwento.
7. Masasabi itong panimula ng kuwento.
8. Ito ang pinangyarihan ng kuwento.

C. Panuto: Para sa aytem 9-10, alamin kung ang bahagi ng kuwento ay simula,
kasukdulan o katapusan. Isulat sa patlang ng iyong sagutang papel
ang tamang sagot.

9. Masayang-masaya ang mga bata. Nakasakay sila sa bangkang may motor. Nag-
aawitan sila sa saliw ng palakpak at padyak ng mga paa. Umiindayog sila kasabay
ng pagtaas at pagbaba ng alon.
10. Ang mag-asawa ay naging mga paru-paro na aalialigid sa mga bulaklak.

II. Panuto: Sumulat ng talata tungkol sa iyong sarili. Ang mga gabay na tanong ay
makatutulong sa iyo upang makabuo ka ng isang talata.Pagkatapos,
gawan mo ng pamagat ang iyong nabuong talata. (10pts)

You might also like