You are on page 1of 1

TEMA: “FILIPINO AT MGA KATUTUBONG WIKA:

KASANGKAPAN SA PAGTUKLAS AT PAGLIKHA”


MEKANIKS SA MASINING NA PAGBASA 2022
(Para sa Kinder at Baitang 1)

1. Bawat baitang ay kinakailangan magkaroon ng limang kalahok (indibidwal) na pinili ng mga tagapayo sa
bawat baitang.
2. Magbibigay ang tagapayo ng isang maikling kuwento na magiging pyesa sa patimpalak. Ang mga
kalahok ay kailangan basahin ito ng madamdamin at malinaw ang mga binibigkas na mga salita.
3. Kinakailangan ibidyo ang sarili habang binabasa ang kuwentong naibigay. Mamarkahan ang mga
kalahok gamit ang pamantayan sa masining na pagbabasa.
4. Ipasa ang bidyo sa itinakdang oras at panahon ng tagapayo sa itinalagang Google Classroom.

MEKANIKS SA MASINING NA PAGKUKWENTO 2022


(Para sa Baitang 2 at Baitang 3)

1. Bawat baitang ay kinakailangan magkaroon ng limang kalahok (indibidwal) na pinili ng mga tagapayo
sa bawat baitang.
2. Magbibigay ang tagapayo ng isang maikling kuwento na magiging pyesa sa patimpalak. Ang mga
kalahok ay kailangan isaulo ang pyesa at isasabuhay ang mga tauhan na nasa kuwento.
3. Kinakailangan ibidyo ang sarili habang isinasalaysay ang kuwento. Mamarkahan ang mga kalahok
gamit ang pamantayan sa masining na pagkukuwento.
4. Ipasa ang bidyo sa itinakdang oras at panahon ng tagapayo sa itinalagang Google Classroom.

MEKANIKS SA PAGBIGKAS NG TULA 2022


(Para sa Baitang 2 at Baitang 3)

1. Bawat baitang ay kinakailangan magkaroon ng limang kalahok (indibidwal) na pinili ng mga tagapayo
sa bawat baitang.
2. Magbibigay ang tagapayo ng isang tula na magiging pyesa sa patimpalak. Ang mga kalahok ay
kailangan isaulo ang pyesa at bigkasin ito nang madamdamin.
3. Kinakailangan ibidyo ang sarili habang binibigkas ang tula. Mamarkahan ang mga kalahok gamit ang
pamantayan sa pagbigkas ng tula.
4. Ipasa ang bidyo sa itinakdang oras at panahon ng tagapayo sa itinalagang Google Classroom.

You might also like