You are on page 1of 3

Iskor:

SACRED HEART ACADEMY


Reyes Village Subdivision
________
Bugo, Cagayan de Oro City
SY 2021-2022

“IN GOD’S MERCY, WE SERVE WITH JOY!”


35
Pangalan: Petsa ng Pagpasa:
Baitang at Seksyon: Petsa sa Pagsumiti: Agosto 31, 2021, Martes

Edukasyon sa Pagpapakatao 7

MODYUL 1
Aralin 1: Lumalaki Ako at Nagkakaisip: Mga Pagbabagong Pisikal at Pangkaisipan sa Isang Nagbibinata
at Nagdadalaga p. 2-9

YUNIT #: 1
PAMAGAT NG YUNIT: Nagbabago Ako at Nagkakaisip: Pag- unawa sa Mga Pagbabago sa Sarili
DURASYON NG LEARNING KIT: Isang Linggo
INTEGRASYON/RSM CORE VALUES: Compassionate Love at Faith

LESSON ACROSS DISCIPLINE: English, Filipino, Arts


Sa pagtatapos ng modyul, ang mga mag-aaral ay inaasahang:
1. Natatanggap ang mga pagbabagong nagaganap sa sarili sa panahon ng pagdadalaga/ pagbibinata
2. Naipapaliwanag na ang paglinang ng mga angkop na inaasahang kakayahan at kilos (developmental
tasks) sa panahon ng pagdadalaga/ pagbibinata ay nakatutulong.

I. PANIMULA:

Panuto: Ayusin ang nagkarambolang mga letra at isulat ang tamang sagot sa kahon, ang salitang mabubuo
may kinalaman sa pagbibinata at pagdadalaga na hindi mapipigilang magkaroon ng:

A P B G A A G B O

II. PROSESO:
A. PAGTATALAKAY

Mga Pagbabagong Pangkatawan(Physiological) at Pangkaisipan (Psychological) sa Isang


Nagbibinata o Nagdadalaga

Ano ang ibig sabihin ng pagbibinata o pagdadalaga (adolescence)?


 Ayon sa diksyunaryong Merriam-Webster, ang pagbibinata o pagdadalaga ay “estado o
proseso ng paglaki” o “yugto ng pag-unlad bago sapitin ang pagkakaron ng hustong
edad at pag-iisip (maturity).”
 Ang yugtong ito sa buhay ay maihahalintulad sa isang tulay mula sa pagiging bata patungo sa pagiging
matanda. Sa antas na ito, ang mga indibidwal ay nagbabago sa aspektong pisikal at emosyonal mula sa
pagiging bata patungo sa pagiging matanda.
 Ang mga taong nasa antas na ito ng pag-unlad bilang tao ay tinatawag na mga nagbibinata o
nagdadalaga (adolescents)

Ano-ano ang ilan sa mga pisikal na pagbabagong nararanasan ng mga nagbibinata o


nagdadalaga
1. Tumutubo ang mga buhok sa iba’t ibang bahagi ng katawan gaya ng braso, kilikili at binti. Normal din para
sa mga nagbibinata ang pagtubo ng balbas at bigote. Mahalag sa mga panahong ito ang pangangalaga at
kalinisan sa pangangatawan.
2. Mabilis na pagtangad. Ang ganitong paglaki ay nagtatapos sa mga huling taon ng pagiging tinedyer o sa mga
unang taon paglampas ng edad 20.

Ano-ano ang ilan sa pisikal na pagbabagong nararanasan ng mga nagbibinata?

1. Mapapansin ng mga nagbibinata ang pagbaba o pag-unlad ng kanilang mga boses.


2. Mapapansin din ng mga nagbibinata ang pag-umbok ng gawaing harapan ng kanilang lalamunan o tinatawag
na “Adam’s apple”

Ano-Ano ang pisikal na pagbabagong nararanasan ng isang nagdadalaga?

1. Mapapansin ng mga nagdadalga ang pagbabago sa kanilang dibdib.


2. Ang kababaihang nasa edaad 10-15 ay nagsisimula na ring makranas ng kanilang buwanang dalaw o
pagreregla.

Ano-ano ang pagabbago sa pag-uugaling nararanasan ng mga nagbibinata o


nagdadalaga?

1. Nagkakaroon ng pakiramdam na kaya nang mag-isa.


2. Kuryosidad.
3. Pagkakaroon ng mga kaibigan
4. Romantikong ugnayan

Mga Responsibilidad na Kaakibat ng Pagbibinata at Pagdadalaga

Ang sumusunod ay ang mga responsibilidad o tungkuling dapat na matamo ng mga nagbibinata o nagdadalaga:

1. Makabuo ng mga karapat-dapat at wastong pakikipag-ugnayan sa mga kaedad sa parehong kasarian.


2. Makayang kontrolin ang sariling emosyon.
3. Tanggapin ang pisikal na anyo at katangian, at magamit nang tama ang pangangatawan.
4. Magkaroon ng papel sa lipunan na ayon sa sariling kultura.
5. Maging handa para sa propesyon, edukasyon, at iba pang pinagsusumikapan.
6. Kumilos sa paraang katanggap-tanggap sa lipuna.

 Note: Para sa malalim na pag-uunawa, basahin ang buong detalye sa mga pahina 2- 9.

B. GAWAIN:
Panuto: Magbigay ng 5 hindi mapigilang pagbabago sa pagdadalaga at pagbibinata

III. PAGTATAYA (ASSESSMENT):


Panuto: Ibigay ang mga napansing pagbabago saiyong sarili: (20pts )

Pisikal -
Emosyon -

IV. PAGNINILAY (REFLECTION):


Panuto: Sagutin ang mahalagang tanong na nasa ibaba nang buong husay.

1. Bilang mag-aaral sa ikapitong baitang, Sino kaya ang iyong pinakamabuting tao na maaari mong lapitan na
pakikinggan mo ang mga payo at gabay na kinakailangan mo para sa mga isyu at alalahanin tungkol sa mga
pagbabagong dala ng iyong pagbibinata o pagdadalaga? Bakit siya ang itinuturing mong pinakamabuting
gagabay sa iyo?

Deskriptor Puntos

Ang pagpapaliwanag sa mahalagang katanungan ay wasto, malinaw at malalim. 10

Ang pagpapaliwanag sa mahalagang katanungan ay wasto at malinaw. 8

Ang pagpapaliwanag sa mahalagang katanungan ay wasto. 6

Ang pagpapaliwanag ay kulang at medyo malayo sa mahalagang katanungan. 4

Ang pagpapaliwanag ay malayo sa mahalagang katanungan. 2

Walang sagot na naibigay. 0

* Sanggunian: Pagpapakatao 7: Seryeng Edukasyon sa Pagpapakatao; Paghuhubog ng Pagkatao para sa


pagtibay ng Bansa
Josephine C. Dango, Awtor-Koordineytor.

* Kagamitan:
- Aklat
- Larawan ng pagbabago

Inihanda ni:

Gg. Peter A. Jabagat


Guro sa ESP 7

You might also like