You are on page 1of 6

Kahalagahan

ng Paaralan
Modyul ng Mag-aaral sa Araling Panlipunan 1
Ikatlong Markahan ● Ika-limang Linggo

ALICIA M. DE GUZMAN
Tagapaglinang ng Modyul

Kagawaran ng Edukasyon • Rehiyong Administratibo ng Cordillera

Pangalan:_____________________________________________________________

Baitang at Seksyon:____________________________________________________

Tuklasin
Panuto: Sagutin ang mga katanungan sa ibaba.

Anong pangalan ng iyong paaralan?

____________________________________________________

Bakit kailangan mong pumasok sa paaralan?

_____________________________________________________
Suriin
Panuto: Ipabasa sa magulang ang diyalogo ng mga
batang tulad mo. Intindihin ang mga sinasabi nila.

Ben: Ana, alam mo bang ang Ana: Ben, tama ka, ito ang
paaralan ay napakahalaga sa nagsisilbing pangalawang
ating mga bata maging sa ating tahanan nating mga mag-aaral.
komunidad?

Ben: Oo, dito napalalawak ang Ana: Natututo rin tayo ng


kaalaman at nahuhubog ang ating mga magagandang-asal.
kakayahan at kasanayan.

Ben: Tama, ang Ana:


pakikipagkapwa, Nararamdaman
paggalang sa mga din natin ang
nakatatanda, pagiging pag -aasikaso
matapat, at iba pa. ng mga guro.

2
Ben: Hindi lang sila Ana: Inilalaan din ang
nakatuon sa paghubog ng kanilang oras sa pagtugon
ating kaisipan. sa ating pangangailangan.

Ben: Nadadagda-gan Ana: Natututuhan


rin ang ating din natin ang mga
kaalaman tungkol sa pangunahing
pagiging maka- kasanayan tulad
Diyos, maka-tao, ng pagsulat,
makakalikasan at pagbasa at
makabansa. pagbilang.

Ben at Ana: Kaya


dapat tayong mag-
aral nang mabuti.

3
Gawain:
Panuto: Isulat ang tama kung ang sitwasyon ay nagsasabi ng
pagpapahalaga sa paaralan at mali kung hindi.

_______1. Si Mila ay pumapasok sa paaralan dahil gusto


niyang matutong magbasa at magsulat.

_______2. Hindi nasisiyahan si Tino kapag kumukuha ng


modyul ang kanyang magulang sa paaralan.

_______3. Si Mina ay laging lumiliban sa klase noong wala


pang pandemya.

_______4. Pinapasali ng guro sa iba’t ibang


paligsahan ang mga mag-aaral upang
mapaunlad ang kanilang kaalaman
at kasanayan.

_______5. Pagsunod ng mga magulang sa mga “health


protocols” sa paaralan.

Isaisip

Panuto: Pumili ng wastong salita sa loob ng kahon na nasa


ibaba at isulat sa patlang para Mabou ang ideya ng talata.

tahanan paaralan bata

nahuhubog kakayahan

4
Ang1.)___________________ang nagsisilbing pangalawang
2.) _______________ng mga mag-aaral kung saan dito lalong 3.)
________________ o napa-uunlad ng mga 4.)_________ ang kanilang
angking 5.)______________ at kaalaman.

TAYAHIN

Panuto: Bilugan ang bilang ng mga pangungusap na nagsasaad ng


kahalagahan ng paaralan sa sariling buhay o sa komunidad.

1. Ang paaralan ay mahalaga sa isang komunidad


sapagkat dito natututo ang mga batang simulate
bumasa at bumilang.

2. Hindi sapat ang natutunan ng mga bata sa paaralan.

3. Mahalaga ang paaralan sa buhay ng isang bata dahil


dito siya nahuhubog ng magagandang kaugalian.

4. Ang pakikipagkapwa ay natututunan sa


paaralan.

5. Nalalaman din ng mga bata ang tamang


pangangalaga sa ating kalikasan sa paaralan.

5
6

You might also like