You are on page 1of 2

Pangalan:_________________________________________________

Baitang at Seksyon:________________________________________

Araling Panlipunan - Aralin 2: Bahagi ng Paaralan Ko, Pagyayamanin


Ko

Sa loob ng paaralan, makikita ang iba’t-ibang bahagi nito. Magkakaiba ang sukat ng
mga bahagi – may maliit, may katamtaman,at may Malaki.

Silid Aralan o Classroom – dito natututo ang mag-aaral araw araw. Pero dahil sa
pandemya sa bahay na natuturuan ang mga mag-aaral.

Kantina – dito bumibili ng masasarap at masusustansiyang pagkain.

Silid Aklatan o Library – dito pumupunta kung nais mong magbasa ng aklat at iba
pang babasahin. Sa Bakakeng Elementary School, walang silid- aklatan, Pero bawad
silid-aralan may “Reading Corner” kung saan makikita ang iba’t-ibang klase ng libro
na maaaring kunin at basahin ng mga mag-aaral.

Klinika – dito nabibigyan ng paunang lunas ang mga nasusugatan o may sakit na
nararamdaman. Walang klinika ang Bakakeng Elementary School, pero bawat silid –
aralan ay mayroong first aid kit.

Palaruan – dito pwedeng maglaro ang mga mag-aaral. Ang palaruan ang nagsisilbing
tanghalan sa tuwing may mga programa. Dito rin nagtitipon para sa flag ceremony
tuwing umaga.

Gawin Mo – Written Task

Panuto: Basahin at intindihin ng mabuti ang mga tanong. Bilugan ang titik ng
bahaging kailangan ng mag-aaral para sa bawat sitwasyon.

1. Nais nina Joy at Carla na kumain nang sumapit ang rises. Saang bahagi ng
paaralan sila dapat pumunta?

a. kaintina
b. palaruan
c. aklatan
2. Nais ni Reynante na magbasa ng aklat. Saang bahagi ng paaralan siya dapat
magtungo ?

a. aklatan
b. palaruan
c. klinika

3. Sa bahaging ito ng paaralan araw-araw na tinuturuan ni Bb. Quintos ang


kaniyang mga mag-aaralsa unang baitang. Anong bahagi ito ?

a. klinika
b. silid-aralan
c. palaruan

4. Nasa paaralan na si Pia nang biglang sumakit ang kaniyang ulo. Saang bahagi
ng paaralan siya dapat magpunta?

a. palaruan
b. aklatan
c. klinika

5. Tuwing uwian ay sinusundo ng kaniyang kuya Carlo si VM. Nais ni VM na


maglaro habang wala pa ang kaniyang kuya. Saang bahagi ng paaralan siya
dapat pumunta?

a. silid-aralan
b. palaruan
c. aklatan

Performance Task
Panuto: Sa likod ng papel na ito iguhit kung ano-anong gamit ang makikita iyong
silid-aralan o learning area na matatagpuan sa luob ng inyong tahanan.

You might also like