You are on page 1of 4

Sangay ng mga Paaralang Panlungsod ng Parañaque

ARALING PANLIPUNAN 1
Ikatlong Kwarter
Ikalawang Linggo
Ang Mga Bahagi Ng Paaralan

Mga Kasanayang Pampagkatuto


Nasasabi ang mga batayang impormasyon tungkol sa
sariling paaralan: pangalan nito (at bakit ipinangalan ang
paaralan sa taong ito), lokasyon, mga bahagi nito, taon ng
pagkakatatag at ilang taon na ito, at mga pangalan ng gusali o
silid (at bakit ipinangalan sa mga taong ito)
Code : AP1PAA-IIIa-1

Layunin
Nailalarawan ang bawat bahagi ng sariling
paaralan(silid-aralan, silid-aklatan, klinika, palikuran, kantina,
tanggapan ng punong guro, guidance office, hardin at palaruan)
Balikan Natin
Panuto: Kumpletuhin ang pangungusap. Isulat ang sagot sa
sagutang papel.
1. Ako ay nag-aaral sa ______________________________
2. Ang paaralan ko ay makikita sa _____________________
3. Ang aking paaralan ay itinatag noong ______________
Unawain Natin

Ang paaralan ay lugar kung saan pumupunta


ang mga gustong matutong bumasa, sumulat,
bumilang at mapaunlad ang mga talento. May
Iba’t ibang bahagi ang paaralan.

1
Ibat ibang bahagi ng paaralan

Sa silid-aralan nag-aaral magsulat at magbasa ang


mga bata na tinuturuan at ginagabayan ng kanilang guro.
Sa silid-aklatan makikita ang maraming aklat na
maaaring basahin at pag-aralan ng mga bata.
Ang kantina ay lugar na maaaring bumili at kumain
ang mga bata sa oras ng rises.
Sa klinika dinadala ang mga bata na may sakit o
naaksidente sa paaralan.
Sa palikuran pumupunta kung ikaw ay naiihi o
nadudumi.
Ang tanggapan ng punongguro ay lugar kung saan
makikita at makakausap ang punongguro ng
paaralan.
Sa palaruan maaring maglaro ang mga bata kung
oras ng MAPEH sa gabay ng guro.

Ang guidance office ay bahagi ng paaralan kung


saan nakalagay ang rekord ng mga bata at kung saan din
kinakausap ang mga batang nangangailangn ng espesyal na
paggabay.
Ilapat Natin
Panuto: Pagtambalin ang nasa Hanay A sa Hanay B.
Isulat ang letra ng tamang sagot sa sagutang papel.
HANAY A HANAY B

___1. Makikita dito ang maraming


aklat na maaaring basahin. A.
at pag-aralan ng mga bata.
____ 2. Ito ay pinupuntahan tuwing rises B.
upang kumain at bumili ng pagkain.

___3. Dito makikita ang mga bata na


nag-aaral magbasa at magsulat
kasama ang guro. 2
c.

Suriin Natin
Panuto: Iguhit ang kung tama ang salita ng larawan at X
kung hindi. Isulat ang sagot sa sagutang papel.

1. hardin 2.kantina 3.palikuran


tanggapan ng punongguro
Likhain Natin tanggapa
Panuto: Lumikha ng accordion book ng nibat’
ng ibang bahagi ng
punonggur
paaralan gamit ang mga magasin o dyaryo.
o
Makalikha ng accordion book na may
Layunin
mga larawan ng iba’t ibang bahagi ng
paaralan na maipagmamalaki.
Ang mag-aaral ay isang artist na
Gampanin
gagamitin ang kanilang imahinasyon sa
paglikha ng accordion book na may mga
larawan ng iba’t ibang bahagi ng
paaralan.
Ang mga kapwa mag-aaral, mga
Mga
magulang at ipapasa sa guro upang
Manonood
markahan at ibabahagi sa pamamagitan
ng “Class Messenger”.
Ikaw ay inaatasan na gumawa ng
Sitwasyon
accordion book ng mga larawan ng
ibat’t ibang bahagi ng paaralan upang
maikintal sa iyong isipan.
Produkto Isang malinis at maayos na accordion
book gawa sa magasin o dyaryo.
Proseso ng Paggawa
1.Gumupit ng larawan ng limang bahagi ng paaralan
na makikita sa magasin o dyaryo.
2. Itupi sa apat ang isang short bond paper at gupitin
ito patayo at pagdikitin ang magkabilang dulo nito.
3. Idikit isa-isa ang larawan ng pahiga (landscape)
sa bond paper.
4. Lagyan ng ba pang disenyo sa paligid nito.
5. Isulat sa itaas ng papel ang pangalan ng bahagi ng
paaralan.

3
6. Isulat ang iyong pangalan sa itaas na bahagi.
7. Picturan ang ginawa at ipasa ito sa guro sa
pamamagitan ng messenger.

Tayain Natin
Panuto: Piliin ang letra ng larawan na tinutukoy sa
pangungusap. Isulat ang sagot sa sagutang papel.
1. Dito nakikita ang maraming aklat at mga batang nagbabasa
o nag –aaral.

A. B. C. [

2. Dito makikita ang punong guro at maaaring makipag-usap sa


kanya.

A. B. C.

3. Makikita ang mga bata na naglalaro sa oras ng Mapeh


kasama ang guro.

A. B. C.

4. Makikita ang mga bata na masayang nag-aaral bumasa at


sumulat kasama ang guro.

A. B. C.

5. Dito dinadala ang batang biglang sumama ang pakiramdam


at nasugatan.

A. B. C.

You might also like