You are on page 1of 51

LENNIE S.

VERANO,T-3
Grade 4- Jade Adviser

ESP 4 CO 1
Panginoon naming Diyos
Banal ka po at makapangyarihan sa lahat
Maraming salamat po Ama sa iyong pagmamahal sa
Bawat isa sa amin.
Ang amin pong hilng ngayon Ama
na nawa samahan at gabayan ,mo po kami ngayon
Sa aming gagawing pag-aaral
Bigyan mo po kami ng lakas at talino
Upang lubos naming maunawaan ang aming leksyon
Patawad po sa ming mga sala.
sa Pangalan ni Jesus aming tagapagligtas
AMEN
Pagwawasto ng Takdang-
Aralin

CO 1
Sino-sino ba ang mga
tao na dapat nating
igalang?

Magulang
Kapatid
Lolo at lola
Mga kamag-anak
Mga tao sa pamayanan
Mga Patakaran sa Klase
. Makinig sa guro
. Tahimik sa loob ng klase
. Itaas ang kamay kung gustong sumagot
. Tapusin ang mga itinakdang Gawain.
. Makikipagkaisa Sa lahat ng mga Gawain sa
klase.
. Erespeto ang mga kaklase.
Layunin

1. Makapagpapahayag ng paggalang sa
paggamit ng pasilidad 
   ng  paaralan. 
 ( EsP4P-IIf-i-21 )
Balik- aral

Mga Gawain Mo, Igagalang Ko

Ano ang dapat nating gawin kung may


nagsasalita sa harapan?
Balik- aral

Tayo ay dapat makinig sa kanyang


talumpati sapagkat ito ay tanda ng
paggalang
P
A
G
G
A
N
Y
A
k
Siya ay nagulat
Siya ay namangha
Isang Pagkamulat
Kring…Kring…Kring…
Nagsimula ng pumasok sa silid- aralan ni Bb.
Fe Evangelista ang kaniyang mag-aaral. Masaya ang
mga bata sa kanilang pag-aaral, nang napansin ni
Bb. Evangelista ang mga bagay sa puwesto ni Arvin
sa pagkatapos ng klase. Makikita ang mga balat ng
kendi sa ilalim ng upuan at ang kaniyang upuan ay
wala na sa tamang puwesto.
Sa pagpasok niya sa banyo ay nakukulapan ng
putik ang maputing tiles at nakagulong ang timba at
tabo sa sahig. Napabuntong – hininga si Bb.
Evangelista at kinunan niya itong litrato at pagkatapos
ay nilinis iya ito. Sa pagbalik ng mga mag-aaral sa
silid-aralan nang hapon na iyon, kinausap ni Bb.
Evangelista ang mga bata. Pinaalalahanan niya ang
mga ito sa tamang paggamit ng mga pasilidad.
Nagbigay ng Gawain si Bb. Evangelista kung saan
kinakailangan nilang pumunta ng silid- aklatan. Tahimik ang
lahat maliban kay Arvin na walang tigil sa paglakad at
pagkuha ng aklat na hindi man lang niya naibalik ng
maayos.
Dumating ang oras ng uwian, tinawag ni Bb. Evangelista
si Arvin at kinausap. Maari ba kitang makausap Arvin? Opo,
sagot niya. Nakita ko lahat ng ginawa mo kanina. Sa iyong
palagay, tama ba ang iyong ginawa momg paggamit doon?
Hindi po Bb. Evangelista.Paumanhin po. “ Hindi kona po
uulitin.,” nakayukong tugon ni Arvin.
Kinabukasan nagpakita ng video clip si Bb.
Evangelista tungkol sa isang bata na nakatira sa isang
bahay na gawa sa pinagtagpi-tagping sako, plastic at
tarpaulin.Mababakas ang kahirapan sa buhay ng pamilya ni
Christian,. Wala po kaming silid-aklatan, kaya kapag may
nagbibigay sa amin ng aklat ay iniingatan naming ito”
salaysay ni Christian. Mapapanood din sa video ang
palikuran ng pamilya na yari sa pinagtagpi-tagping yero at
sako, pero gayunpaman ay napakalinis nito.
“Napakaswerte pala namin na may kompletong pasilidad.
Mula ngayon, ko nan g maayos ang lahat ng pasilidad na
mayroon kami,” naibulong ni Arvin sa sarlli.
Panibagong araw. Namangha si Bb. Evangelista sa
kaniyang nakita. Malinis ang palikuran, nakaayos ang mga
upuan at nakasalansan nang maayos ang mga aklat sa cabinet.
Kinunan niya ito ng mga larawan at inilagay sa bulletin board.
Nagulat ang lahat lalo na sa mga katagang nakasulat, “Noon,
Ngayon at Araw-araw. Nagpalakpakan ang lahat. Ngiting-
ngiti na sinulyapan ni Bb. Evangelista si Arvin.
Sagutin ang mga tanong:
1. Paano
iminulat ni Bb. Evangelista ang mga mag-aaral sa
maayos na paggamit ng mga pasilidad.?
Sagot:

Kinausap niya ang mga ito at pinapanood


niya ng maikling video tungkol sa paano
gamitin ang tamang pasilidad maliit man
ito o Malaki.
Tanong:

2. Kung ikaw si Bb. Evangelista, gagawin mo rin


ba ang ginawa niya? Bakit?
Sagot:

Opo, dahil ito ang tama na Gawain bilang


isang guro at mamamayan ng ating
bansa.
Tanong:

3. Paano mo maipapakita ang maayos na paggamit ng


mga pasilidad sa iyong paaralan?
Sagot:

Gagamitin ko po ito nang maayos at may


pag-iingat at pahahalagahan ko po ang
ito,bago man ito o luma,Malaki o maliit na
pasilidad.
Tanong:
4. Bakit mahalaga na maging maayos sa
paggamit ng mga pasilidad?
Sagot:

Mahalaga ang paggamit ng maayos sa


mga pasilidad upang ito ay magagamit
pa sa sususnod na mga henerasyon.
PAGTATALAKAY

Bawat mag-aaral ay may karapatan sa


pagkakaroon ng maayos at kaaya-ayang
pasilidad maging sa pribado o pampublikong
paaralan.
Silid- aralan
Silid- aklatan
palikuran
Ang pasilidad ng paaralan ay isang napakahalagang
bahagi ng pagkatuto.Ang mga pasilidda na ito ay
nakatututlong sa kaganapan ng pagkatuto ng mga
mag-aaral. Nararapat lamang na ito ay ingatan at
gamitin sa wastong paraan. Upang maisuguro ang
epektibong benepisyo na naidudulot ng mga pasilidad
sa paaralan,kinakailangan ang maayos at tamang
paraan ng paggamit nito.
Ang paggamit ng pasilidad ng
paaralan nang may pag-alala sa
kapakanan ng kapuwa ay nagpapakita ng
paggalang sa karapatan ng iba. Ang
tamang saloobin sa paggamit ng mga
pasilidad ay dapat na maipakita hindi
lamang sa paaralan kundi gayundin sa
lahat ng pasilidad sa komunidad.
Paglalahat

Ano-ano ba ang iba’t-ibang uri ng


pasilidad sa ating paaralan?
Silid-aralan palaruan
Silid-aklatan
palikuran laboratoryo
kantina
Maipapakita natin ang tamang paggamit
nito sa pamamagitan ng
Paggalang at paggamit nito ng may pag-
iingat
Paglalahat

Pangkatang Gawain
Unang pangkat

Unang pangkat (Gumamela) silid-


aklatan.Gumawa ng Slogan paano ito gagamitin
ng maayos
Pangalawang grupo( Santan) silid-aralan. Gumawa
ng isang tula na may dalawang taludtod na may
apat na linya bawat taludtod
Pangatlong grupo( Adelfa) Kantina.Gumawa ng
isang awit kung paano ito gagamitin ng maayos
 
5 4 3
KAHANDAAN      

 
*Maayos at malikhaing
pagtatanghal
 
INTERES      

*May kasiglahan at interes na


makikita sa ekspresyon ng mukha
at galaw ng katawan ng bawat
miyembro
 
PAGKAKAISA      

*Buong grupo ay makikita ng may


pagkakaisa at pagtututlungan sa
itinakdang gawain
Unang Grupo

Silid-Aklatan ay ingatan at
igalang
Upang marami kang matutunan
at ito ay mapakinabangan.
Pangalawang Grupo
Sa Pagpasok natin sa paaralan
Silid-aralan kaagad pupuntahan
Sapagkat dito tayo may matutunan
Sa pamamagitan ng ating guro na puno ng kaalaman

Ako kasama ng aking mga kaklase


Silid-aralan ay ingatang mabuti
Huwag itong ipagwalang bahala
Bagkos ito ay igagalang at bigyang halaga.
Pangatlong grupo
Kantina
(Leron- Leron sinta)
Kantina sa paaralan
Ito ay igalang
Pag ikaw’y bumibili
Ayusin ang pila
Magbayad ng wasto
Sa mga tindera
Pagkatapos kumain
Kalat ay aayusin.
Pangalawang Gawain
* Bawat pangkat ay magkakaroon ng commitment
relay. Ang bawat miyembro ng pangkat ay magsusulat
ng kanilang pangako sa metacard tungkol sa
responsableng paggamit ng pasilidad na nakatalag sa
pangkat. Habang hinihintay ng ibang pangkat na
matapos ang unang pangkat sila ay await ng “Bahay
Kubo” hangngang sa lahat ay makapagsulat ng kanilang
commitment.
*Idikit ang mga metacards sa graphic organizer.
https://youtu.be/er3EID03smc
Graphic Organizer

Igagalang ko po ito lilinisin ko po ito Wawalisan ko po ito

Aayusin ko po ito Aayusin ko po ito


Iingatan ko po ito
IV. Pagtataya
Isulat ang Tama o Mali sa patlang
______________1. Ibabalik ko ng maayos ang mga aklat pagkatapis koitong
gagamitin.
______________2. Sa ilalim ng upuan ko itatapon ang mga basurang papel.
______________3. Buhusang maiigi ang bowl sa palikuran pagkatapos ko itong
gamitin.
______________4. Mag-uunanhan kami sa pagpila sa kantina upang makabili ng
pagkain.
______________5. Ayusing mabuti ang mga upuan sa silid-aralan bago uuwi n
bahay.
1.Tama 4. mali
2. mali 5. tama
3. tama
Takdang-Aralin
Magdikit ng iyong sariling larawan na
nagpapakita ng pagbabago tungo sa
responsableng paggamit ng mga pasilidad.
 
Maraming Salamat po
LENNIE S. VERANO
Grade 4- Jade Adviser

You might also like