You are on page 1of 8

7

FILIPINO 7
Pinasimpleng Dahong Panggawain
Ikalawang Markahan
Modyul 2: PAGBUBUO NG PAGHAHATOL
O PAGMAMATUWID

1
Division of Southern Leyte
Department of Education, Schools Division of Southern Leyte
___________________________________________________________________________

FILIPINO 7
DAHONG PANGGAWAIN NG PAGBUBUO
NG PAGHAHATOL O PAGMAMATUWID

SIMULAN MO!

Mapagpalang Araw sa lahat lalong –lalo na sa ating mga magulang at mag-


aaral, Nawa’y hindi kayo magsawa sa inyong pagsasagawa at pagsagot sa mga
modyul. Sa panahon ng pandemya kailangan nating magtulungan kaya halina at
sabay nating pag-aralan.
Nakapaloob sa “Dahong Panggawain na ito ang mahalagang nilalaman
tungkol sa mga piling-akda mula sa Kabisayaan na Awiting-Bayan; hango sa Filipino
7, Ikalawang Markahan- Modyul 2 Wika at Panitikan. ADM- Alternative Delivery
Mode.
Kasanayang Pampagkatuto:
Nabubuo ang sariling paghahatol o pagmamatuwid sa ideyang
nakapaloob sa akda na sumasalamin sa tradisyon ng mga taga- Kabisayaan.
(F7PN-IIa-b7)

ALAM MO BA?
Ang aralin ay tungkol sa Pagbubuo ng Paghahatol o Pagmamatuwid.

Bago natin simulan ang ating talakayan, Ano sa palagay mo ang


mga salitang may kaugnayan sa pagpapaliwanag at paghahatol o
pagmamatuwid?
Batay sa unang aralin natin ang mga salitang nasa tsart ay mga
salitang ginagamit na may kaugnayan sa pagpapaliwanag at may
kaugnayan sa paghahatol o pagmamatuwid.
Ang paghahatol o pagmamatuwid - ay isang pagpapahayag na
nagbibigay ng sapat na katibayan o patunay.
Ang pagtatalo ay binubuo ng pagbibigay matuwid ng dalawang
magkasalungat na panig tungkol sa isang pinagtatalunan.
Ayon kay Arrogante (2000:229) ang pagtatalo ay isang sining gantihang
katwiran o makatuwid ng dalawa o higit pang magkasalungat na panig tungkol sa
isang kontrobersyal na paksa
Mga salitang may kaugnayan sa Mga salitang may kaugnayan sa
pagpapaliwanag ayon sa inyong paghahatol o pagmamatuwid.
natutunan sa nakaraang talakayan.
R.Kangleon St., Mantahan, Maasin City
(053)570-8932-8933 /09279830070 /09277191312 2
southernleyte.division@deped.gov.ph
Division of Southern Leyte
Department of Education, Schools Division of Southern Leyte
___________________________________________________________________________

pakikipag-ugnayan Sapat na katibayan


nagbibigay linaw sa kahulugan Katanggap-tanggap
may mga hudyat o senyas ng Kapani-paniwala
kamay hikayatin

Halina’t basahin at alamin natin ang mga mahahalagang kaisipan tungkol sa


araling ito. Ano ang kahulugan ng maga salitang nabanggit?
Paghahatol o Pagmamatuwid - ito ay isang pagpapahayag na nagbibigay
ng sapat na katibayan o patunay. Ang isang panukala ay maging katanggap -
tanggap o kapani-paniwala. Layunin nito na hikayatin ang mga tagapakinig na
tanggapin ang kawastuhan ng kanilang pananalig o paniniwala sa pamamagitan ng
makatwirang pagpapahayag(Badayos)
Paghahatol o Pagmamatuwid - ang katotohanang pinagtitibay o
pinatutunayan sa pamamagitan ng mga katwiran o rason. (Arogante).

Aralin 1. Mga Dahilan sa Paghahatol o Pagmamatuwid:


1. upang mabigyang - linaw ang isang mahalagang usapin o isyu
2. maipagtanggol ang sarili sa mali o masamang propaganda laban sa isang tao
3. makapagbahagi ng kanyang kaalaman sa ibang tao
4. makapagpahayag ng kanyang saloobin
5. mapanatili ang magandang relasyon sa kanyang kapwa

Paghahatol o Pagmamatuwid;

Ang pagtatalo - ay binubuo ng pagbibigay matuwid ng dalawang


magkasalungat na panig tungkol sa isang pinagtatalunan.

Makabubuo ako ng sariling pagtatalo o pagmamatuwid kapag aking natukoy


ang mga kaisipan at mabibigyan ako ng pagkakataong makabuo ng aking sariling
pagpapasya sa kabisaan ng akdang binabasa

Ang Pagmamatuwid - ay isang anyo ng diskors na may layuning makahikayat ng


iba sa pamamagitan ng pangangatwiran upang paniwalaan o gawin ng mga
tagapakinig o mambabasa ang nais niyang paniwalaan o gawin nila.

R.Kangleon St., Mantahan, Maasin City


(053)570-8932-8933 /09279830070 /09277191312 3
southernleyte.division@deped.gov.ph
MgaUri
ng
Tradisyon
Division of Southern Leyte
Department of Education, Schools Division of Southern Leyte
___________________________________________________________________________

https://www.bing.com/images/search?q=pagdiriwang%20ng%20pista%20noon%20at
%20ngayon%20png&qs=n&form=QBIR&sp=-1&pq=pagdiriwang%20ng%20pista
1.Pista
%20noon%20at%20ngayon%20png&sc=0-39&cvid
2. Araw ng patay
https://www.fiestacommunities.com
Tradisyon ito ay mga paniniwala o opinyon na
naisalin mula sa mga magulang papunta sa mga anak nila.
Ang mga Pilipino ay sadyang mahilig sumunod sa mga nakagawian na at sa mga
tradisyon.
Ang pamahiin o superstition ay isang paniniwala o kasanayan na
kadalasang na hindi batay sa dahilan at walang pang-agham o siyentipikong
katotohanan. Gayunpaman, ang mga pamahiin ng mga matatanda ay nagagawang
impluwensiyahan sa pag-uugali ng mga Pilipino sa iba’t ibang paraan.
Halimbawa:
1. Pamahiin sa Bagong Taon

 Sa eksaktong alas dose ng bagong taon ay lumundag ng tatlong beses para


tumangkad.
 Magkakaroon ng suwerte kapag lalaki ang unang nakasalubong sa araw ng
bagong taon.
 Huwag gastusin ang perang papasok sa bagong taon.
 Tiyaking puno ang mga lalagyan ng bigas at asin sa paglipat ng bagong taon
upang maging masagana ang darating na taon.
 Hindi sinusuwerte ang bahay na hindi nakaharap sa kalye.

Pamahiin Sa Bahay

 Kapag magpapagawa ng bahay, ilagay ang pinto sa gawing silangan para


masikatan ng araw, sa gayon ay maghahatid iyon ng suwerte sa mga nakatira
doon.
 Malas ang anumang bahay na ginawa sa ika- ng anumang buwan.
 Kapag may bumahing habang ikaw ay paalis na ng iyong bahay, huwag mo
nang ituloy ang iyong lakad dahil baka may sakunang mangyayari sa iyo.
 Kapag nakabili ng biik, iligid mo ito sa poste ng inyong bahay ng pitong beses
upang hindi ito maglayas.

Pamahiin sa Kasal

 Ang sinumang babeng sumunod sa dinaanan ng bagong kasal habang


papasok sa simbahan ay makakapag-asawa rin sa lalong madaling panahon.
 Ang makasalo ng bulaklak na inihagis ng babaing ikinasal ay susunod na
mag-aasawa.
 Ang pagreregalo ng arenola ay buwenas para sa bagong kasal.

R.Kangleon St., Mantahan, Maasin City


(053)570-8932-8933 /09279830070 /09277191312 4
southernleyte.division@deped.gov.ph
Division of Southern Leyte
Department of Education, Schools Division of Southern Leyte
___________________________________________________________________________

Pamahiin sa Buntis

 Kapag madalas na pumintig ang kaliwang bahagi ng tiyan ng isang buntis,


siya ay magkakaanak ng babae. Kabaligtaran naman kapag sa kanan.

 Masama ang magpakumpuni ng bahay kapag ang isang maybahay ay buntis


dahil tiyak na mahihirapan itong manganak.

Paniniwala - ay isang pagkakaroon ng kumpiyansa o pananalig sa isang


bagay na walang matibay na patunay sa katotohanan nitó

Halimbawa:

 Bawal magbunot sa gabi.


 Bawal maggupit kapag gabi.
 Bawal magwalis kapag may patay.

Ang paniniwalang ito ay naisalin mula sa ating mga ninuno na hanggang ngayon
ay nananatili pang sinusunod na walang batayan.

Aralin 2: Awiting – Bayan : Lawiswis Kawayan

Akda 1. Panoorin ang isang vedio ni Sylvia La Torre o kaya sa Mabuhay Singers.
Sabayan ito sa pag-awit habang ito’y pinapanood.
https://www.bing.com/videos/search?q=Lawiswis+Kawayan+Lyrics&ru=%2fvideos%2fsearch
%3fq%3dLawiswis%2bKawayan%2bLyrics%26FORM
%3dRESTAB&view=detail&mid=015C45B070584CAB4038015C45B070584CAB4038&rvsmid=CFB5D8
D7C56B88D70D23CFB5D8D7C56B88D70D23&FORM=VDRVRV
https://www.bing.com/videos/search?
q=Lawiswis+Kawayan+Lyrics&&view=detail&mid=CFB5D8D7C56B88D70D23CFB5D8D7C56B88D70D
23&&FORM=VRDGAR&ru=%2Fvideos%2Fsearch%3Fq%3DLawiswis%2BKawayan%2BLyrics%26FORM
%3DRESTAB

MAGTULUNGAN TAYO
Gawain A:
Panuto: Awitin at unawaing mabuti ang bawat akda. Pagkatapos, sagutin ang mga
katanungang nakasaad sa ibaba. Isulat ang titik ng tamang sagot sa sagutang papel

Akda 1 Lawiswis Kawayan

Sabi ng binata halina’t O hirang


Magpasyal tayo sa lawiswis kawayan
Pugad ng pag-ibig at kaligayahan

R.Kangleon St., Mantahan, Maasin City


(053)570-8932-8933 /09279830070 /09277191312 5
southernleyte.division@deped.gov.ph
Division of Southern Leyte
Department of Education, Schools Division of Southern Leyte
___________________________________________________________________________

Ang mga puso ay pilit magmahalan

Binata’y nagtampo at ang wika


ikaw pala’y ganyan
Akala ko’y tapat at ako’y minamahal
Ang dalaga naman ay biglang umiyak
Luha ay tumulo sa dibdib pumatak
Binata’y naawa lumuhod kaagad.https://www.bing.com/images/search?
q=Lawiswis+Kawayan+Lyrics&mmreqh=43K0Cpf4f
%2bwREqVLwAFhTmboI5veR6RwrYJm6eUelS4%3d&form=INLIRS&first=1&tsc=ImageBasicHover

1. Saan gustong mamasyal ng binata?


a. tabing dagat
b. lawiswis kawayan
c. bundukin d. ilog
2. Pugad ng pag-ibig at kaligayahan
Ang mga puso ay pilit magmahalan
Sa taludtod ng awiting-bayan,
Anong damdamin ang nangingibabaw?
a. takot b. lungkot
c. nag -alinlangan d. napilitang pagmamahal
3. Ang dalaga naman ay bigla pang umayaw
Sasabihin pa kay Inang nang malaman
Ano ang umiiral na kaugalian ng dalaga sa taludtod na ito?
a. malikot b. magalang
c. matapat d. mayabang
4. Binata’y nagtampo at ang wika’y ikaw pala’y ganyan
Akala ko’y tapat at ako’y minamahal
Ano ang nangingibabaw na damdamin ng binata?
a. nagtampo b.nagalit
c. nalungkot d. nagmayabang
5. Ang dalaga naman ay biglang umiyak
Luha ay tumulo sa dibdib pumatak

Anong damdamin ang umiiral sa taludtod na ito?


a. tuwa b.saya
c. galak d. lungkot

MAGAGAWA MO:
Panuto: Batay sa inyong napanood na awiting-bayan o sa inyong nabasang akda
sagutan ang mga katanungan ayon sa inyong naunawaan.

R.Kangleon St., Mantahan, Maasin City


(053)570-8932-8933 /09279830070 /09277191312 6
southernleyte.division@deped.gov.ph
Division of Southern Leyte
Department of Education, Schools Division of Southern Leyte
___________________________________________________________________________

Paghahatol o Pagmamatuwid:

1.Ang tradisyon na masasalamin sa bahaging ito ng awiting-bayan


ay______________________________________________________________________
________________________________________________________________________
________________________________________________________________________.

2. Ang dalaga naman ay biglang umiyak


Luha ay tumulo sa dibdib pumatak
Binata’y naawa lumuhod kaagad
Nagmakaamo at humingi ng patawad
Anong magandang kaugalian ang makikita sa bahaging ito?
a. Matiisin ang binata
b. Marunong humingi ng patawad ang binate

Paghahatol o Pagmamatuwid:
Ang magandang kaugaliang makikita sa bahaging ito ay ____________________________
_________________________________________________________________________
Gawain 2: Magsaliksik ng isang awiting- bayan na sinalin sa bisaya o diyalekto natin.
Puwede ring gumawa ng sariling awiting –bayan o kaya isalin saa ating wikang
Cebuano.
Gumawa ng isang Interpretasyon sayaw nito
Pangkatang Gawain:
Bumuo ng tatlo o limang miyembro sa bawat pangkat.Ipasa sa messenger
sa “group chat.”

Inihanda ni:

CONCHITA F. TIMKANG
MT-I

Sinuri nina:

Koponan sa Sekundarya

Dr. ROSALIE R. PELEGRINO


MT-II

Pinatunayan ni:

R.Kangleon St., Mantahan, Maasin City


(053)570-8932-8933 /09279830070 /09277191312 7
southernleyte.division@deped.gov.ph
Division of Southern Leyte
Department of Education, Schools Division of Southern Leyte
___________________________________________________________________________

HILDA D. OLVINA Ed.D.


EPS – FILIPINO

Pinagtibay ni:

LIZA L. DEMETERIO Ed. D


CID – CHIEF

_______

R.Kangleon St., Mantahan, Maasin City


(053)570-8932-8933 /09279830070 /09277191312 8
southernleyte.division@deped.gov.ph

You might also like