You are on page 1of 3

Dapat bang payagan ang mga estudyante na magsuot ng uniporme ayon

sa kanilang kagustuhan at nararamdaman, bilang salamin ng kanilang pagkatao


at pagpapakita ng pagpapahalaga sa buhay?

Khameel: Hindi po dahil ang uniporme sa klase ay hindi na magiging “uniporme” kung ito ay
iaayon sa kagstuhan at nararamdaman. Magiging “multiform” na po siya.

Ellyn: Sa akin po hindi po dapat. Nasa paaralan po tayo na may patakaran magsuot ng uniporme
kung kaya’t dapat tayo ay magsuot nito.

Khurt: Ang pagsusuot ng uniporme po ay ipinatupad upang pagkakakilanlan na sila’y estudyante


kaya po hindi dapat payagan ang pagsusuot sa kanilang gusto at nararamdaman.

Noeme: Hindi po dapat kasi uniporme po ito. Magiging magulo po ang pananamit sa loob ng
paaralan kung hindi ito ipapareha.

Sharylyn: Maaari tayong magsalamin ng ating pagkatao na hindi binabago ang ating uniporme.
Kaya hindi po ako sang-ayon diyan.

Princess: Kahit magsuot ako ng uniporme na ipinatupad ng paaralan ko, malaya naman ako na
isalamin ang aking pagkatao at pahalagahan ang akig buhay.

Glory Joy: Hindi dapat payagan dahil ang pagsusuot ng uniporme ay makatutulong upang hindi
mabully ang isang bata dahil sa uri ng damit na kanyang sinusuot lalo na at kung hindi maganda
ang kalidad nito.
Sa aking iginuhit, makikita na silang dalawa ay nakasuot ng uniporme. Ang lalake ay
naka pantalon at ang babae naman ay naka palda. Sa aking mga nakalap na sagot mula sa survey,
dapat na magsuot ng uniporme ang mga estudyante dahil sila ay estudyante. Hindi lang din sa
pagsusuot ng damit maaaring pahalagahan ang kalayaan ng isang estudyante. Kung nasa
paaralan, at ang istandard na ipinapatupad ay magsuot ng palda at ng pantalon, ito ay dapat na
gawin. Kung napapabilang man ang mga estudyante sa LGBTQIA+, sa paaralan kailangan
nilang sumunod sa kung anong polisiya ng paaralan.Sa paaralan, tayo ay tinuruan ng pagiging
isang pormal dahil tayo rin ay magtatrabaho sa mga institusyon. Sa institusyon, may tinatawag
na dress coding at ang nakalagay doon ay nakabase sa kasarian at hindi sa kagustuhan kasarian.
Hindi ibig sabihin na ang pagsusuot ng dress code ay nakakawala ng pagpapahalaga sa sarili
dahil ang pagsuot ng dress code ay nasa etika ng institusyong pinasukan.
Ang paggawa ng “stocks” bilang pundasyon sa pagluluto ng maraming klase ng soup at
sauces ay isa sa mga dahilan kung bakit may kakaibang lasa ang mga ito. Hindi masama ang
paggamit ng isang bagay na kapareha sa lahat lalo na at kung nakabubuti naman ito. Kung ang
paggamit ng stocks sa soup at sauces ay para mas maging malinamnam at malasa ang lutuin,
hindi na masama ang paggamit nito. Halos lahat din naman ng soup at sauces ay ginagawan
muna ng “stocks”. Isa sa mga halimbawa ay ang tinolang manok na galing sa taba mismo nito,
ang sabaw rin ng lomi ay galing sa stocks, at lalong lalo na ang batchoy. At isa pa, lahat ng sabay
ay kinakailangan ng pundasyon na lasa upang mas tumingkad ito at mas maging angat sa ibang
putahe. Ang paggamit ng stocks ay mas nakadadagdag ng aroma at lasa sa soup at sauces dahil
sariling pampalasa nito ang ginagamit at hindi artipisyal na pampalasa tulad ng mga seasonings.

Kung hindi tayo gagamit ng stocks sa ating lutuin, ito ay magkakaroon ng pangit na lasa.
Mawawalan ito ng linamnam at magiging matabang na lamang. Maaari rin magkaroon ito ng
paulit-ulit na lasa sa ibang soup at sauces. Ang stocks ay nariyan upang mas maging malasa ang
pagkain kaya dapat itong gamitin dahil para ito sa ikakasarap ng pagkain. Kung kaya’t para sa
akin, nanaisin ko na sunding ang paggawa ng “stocks” bilang isang pundasyon sa pagluluto ng
maraming klase ng soup at sauces upang mas maging malasa ang aking lulutuing pagkain.

You might also like