You are on page 1of 2

INTRO: ……

Leyni:Kung kaya’t sama sama nating solusyunan ang suliraning kakapusan. Ngunit ano nga ba ang
kakapusan?

leyni: Ang kakapusan ay tumutukoy sa suliranin ng ekonomiya sa Pinagkukunang likas na


yaman ng isang bansa upang matugunan ang mga pangangailangan ng mga mamamayan
kyle: Ang kakapusan ay umiiral dahil limitado ang pinagkukunang yaman at walang katapusang
pangangailangan at kagustuhan ng mga tao
allain:Ang kakapusan ang pangunahing dahilan ng pagkakaroon ng mga suliraning pang
ekonomiya
luis: Ang mga dahilan ng kakapusan ay Una, Pagdami ng populasyon kung saan sa pagdagdag
ng mga tao sa ekonomiya ay siya ring pagdami ng mga pangangailangan ng mga tao
leonard: Kapag mabilis ang pagtaas ng bilang ng populasyon sa ating ekonomiya, ay
nagkakaroon ng mataas na demand sa mga pangunahing produkto kung kaya’t nagkakaroon tayo
ng suliranin na tinatawag na kakapusan.
marga:Pangalawa, Pagkasira ng likas na yaman. Alam nating lahat na ang mga natural na
pangangailan nating mga tao ay nanggagaling sa likas na yaman. Ngunit dahil sa walang sawang
pagputol ng mga puno dahil sa illegal na pagmimina, pagsusunog ng mga basura, pagtatapon ng
mga basura sa katubigan at kung saan-saan, usok ng mga sasakyan, at pagdami ng mga
kabahayan kung saan nawawalan na ng lugar para sa pagtatanim, unti-unting nasisira at
nawawala ang mga likas na yamang ating pinag kukunan.
mariel: Ilan sa mga epekto nito ay
lou jean: Nawawalan tayo ng malinis na hangin dahil sa pagputol ng mga puno at maduming
usok.
andrew: nababawasan ang mga likas na pagkain dahil sa wala ng lugar na mapagtataniman dahil
sa dami ng kabahayan.
mariel: At marami pang iba
diana: Pag taas ng presyo ng bilihin, pagsasayang ng tubig at kuryente, pagtapon ng mga basura
sa dagat o katubigan kung saan naaapektuhan ang mga yamang dagat. Ito ay ilan rin sa mga
dahilan ng kakapusan
ezekiel: dahil sa kakapusan, tayo ay nakakaranas ng kahirapan
Chua: Ang kakapusan ang bunga ng di pagbibigay halaga sa mga likas na yaman at kapabayaan
nating mga mamamayan. Kung kaya’t tayo rin ang nararapat na magpuksa sa suliranin na kung
tawagin ay kakapusan
Leyni : Imbis na tumulong tayo para sa pagbabago,tumulong para sa pag puksa ng kakapusan,
Pagseselpon , paglalaro ng online games, at pagkukulong sa kwarto magdamag habang inuubos ang oras
sa paggawa ng walang makabuluhang bagay ang inaatupag ng mga tao lalo na kabataan ngayon.Kaya
ngayon palang, habang may pagkakataon pa.Tayo’y magtulungan para sa ikakaangat ng ating bayan
Rhaine:Matuto tayong magtipid ng tubig at Iwasan ang pag aaksaya ng kuryente. Huwag hahayaang
nakabukas ang mga ilaw, electric fan, at iba pang bagay na gumagamit ng enerhiya o kuryente kapag
hindi naman ito ginagamit
leonard:Matutong magtipid at unahin ang mga pangangailangan kaysa sa kagustuhan. Upang mabawasan
ang sobrang pagdami ng populasyon, maigi na tayo ay magkaroon ng family plan.
chua:Magsagawa ng programa upang mapaunlad ang ating ekonomiya. At upang maging mulat ang
kapwa natin Pilipino sa suliraning ating nararanasan.
Lou jean:Maging wais sa pagboto ng mga tapat at may magandang intensiyong mga tao na mamamahala
sa bansa upang makaiwas sa korapsyon
Leyni: Huwag maging gahaman sa pagsustento o pagtugon ng mga sariling pangangailangan upang hindi
magkulang ang ibang mamamayan at para hindi tayo makaranas ng kakapusan sa mga produkto, likas na
yaman, o sa kahit anong bagay.
Andrew:Mag tanim ng mga halaman at puno at iwasan ang pagsusunog at pagtapon ng basura kung saan
saan
Luis:Pag kakaisa at pagtutulungan ang kailangan para masulusyunan ang suliraning kakapusan

Mariel:Tayong lahat ay magtulungan upang ang mga pangangailangan, ating matugunan

Kyle:Kaya mo bang iwan sa mga tao sa susunod na henerasyon ang mga kapabayaan na ating
ginagawa sa kasalukuyan Pagsasayang natin ngayon, ang magpapahirap sa susunod na
henerasyon.

Everyone: Kaya hangga't maaga, tayo, tayong lahat ay mag tulungan. Tayo’y huwag maging
pabaya at sama sama nating wakasan ang KAKAPUSAN

You might also like