You are on page 1of 15

Republic of the Philippines

NORTHERN ILOILO STATE UNIVERSITY


NISU Concepcion Campus
D. B. Oñate Street, Poblacion, Concepcion, Iloilo
nipscconcepcion@nipsc.edu.ph
Reg. No. 97Q19783
Zloty M. Bayon-On
PAGHAHANDA AT EBALWASYON SA KAGAMITANG PAMPAGTUTURO
BSEd Fil 3-A
Modyul 1 Aralin 1
Ang Kagamitang Pampagtuturo

Introduksyon

Ang pagtuturo ay isang komunikasyon. Kasangkot sa komunikasyong ito ang malikhaing pakikipag-
ugnayan ng guro ng kaniyang mga tinuturuang may iba‟t ibang katangian at paniniwala. Sa proseso ng
komunikasyon, hindi lamang natatanggap ng mag-aaral ang nmensahe mula sa guro kundi, ito‟y kanyang
inuugnay sa sariling pamumuhay sa masistematikong pamamaraan ng guro. Ngunit hindi lahat ng
pagkakataon ay masasabing nagbubunga ang guro sa kaniyang pagtuturo, Kung gayon, kailan ba siya
epektibo sa silidaralan?

Pagtatalakay

- Ayon kay Abad (1996), ang kagamitang panturo ay anumang karanasan o bagay na ginagamit ng bilang
pantulong sa paghahatid ng mga katotohanan, kasanayan, saloobin, palagay, kaaalaman, pag-unawa at
pagpapahalaga sa mga mag-aaral upang lalong maging kongkreto, tunay, dinamiko at ganap ang pagkatuto.
Ang sabi naman ni Alwright (1990), ang mga kagamitang panturo ay komokontrol sa pagtuturo at pagkatuto. -

- Sa ibinigay pa lamang na kahulugan nina Abad at Alwright ay masasabi na kung ano ang ibig sabihin ng
kagamitang panturo. Ito ay ang lahat na bagay na makikita sa silid-aralan na makakatulong sa pag-aaral ng
mga mag-aaral at ito rin ay nagsisilbing gabay ng guro sa kaniyang pagtuturo. Sa lahat na bagay na makikita
sa silid-aralan, ang guro ang maituturing na pinakamahalagang kagamitan sa pagtuturo dahil sabi nga ni
Ginong Pado “The best technology is the teacher.” Guro pa rin ang pinakamabisang kagamitang panturo.
Ayon nga kay Abad (1996), isang katotohanan na walang makapapalit sa isang mabuting guro bilang isang
kagamitang panturo ngunit katotohanan din na gumamit siya ng mga kagamitang panturo para sa mabisang
talakayan at makatulong sa mga mag-aaral na lalong maintindihan ang tinatalakay.

- Ang unang halaga ng kagamitang panturo ay nagiging makatotohanan sa mga magaaral ang talakayan.
Sapagkat nakikita nila at nararanasan ang talakayan. Halimbawa: Ang talakayan ay tungkol sa pangngalan,
ang ginawa ng guro ay nagpalaro siya sa pamamagitan ng pagkanta ng “Magbigay ng pangngalan,
pangngalan, pangngalan, magbigay ng pangngalan na pambalana/pantangi” sa larong ito, bawat mag-aaral
ay makakasagot at makakalahok sa talakayan. Hindi pa boring ang kalalabasan nito.

- Ang pangalawang halaga ng kagamitang panturo ay walang naaksayang panahon at oras sa mag-aaral
at guro sapagkat may direksiyon ang pagtuturo at pagkatuto. Kapag gagamit ng kagamitang panturo gaya ng
Manila paper ay hindi na magaaksaya ng panahon ang guro na sumulat nang sumulat sa pisara. Mas
mapapadali ang talakayan.

1
Republic of the Philippines
NORTHERN ILOILO STATE UNIVERSITY
NISU Concepcion Campus
D. B. Oñate Street, Poblacion, Concepcion, Iloilo
nipscconcepcion@nipsc.edu.ph
- Ang pangatlo ay nababawasan ang pagiging dominante ng guro sa pagsasalita o pagtatalakay ng aralin
Reg. No. 97Q19783
sa loob ng klasrum sapagkat may kagamitang panturo na maggagabay sa guro sa talakayan at magbibigay
rin sa guro ng pahinga sa pagsasalita dahil karamihan sa mag-aaral ay visual learners. Mas mainam na may
maipapakita ang guro na mas mauunawaan ng mag-aaral ang talakayan.

- Ang pang-apat na halaga ng kagamitang panturo ay tumutulong sa pagsasakatuparan ng mga layunin sa


pagtuturo. Sabi na nga sa talakay sa iba pang kahalagahan, ang kagamitang panturo ay gabay ng guro sa
talakayan.

- At ang panghuling halaga ng kagamitang panturo ay gumising sa kawilihan ng magaaral at humihikayat


ng inter-aksiyon. Ngayong panahon, ang karamihan sa mag-aaral ay visual at kinesthetic learners. Natututo
sila kapag may nakikita o nagagawa nila ang isang bagay.

Mga Batayang Simulain sa Kagamitang Panturo ·

Prinsipyo at Teorya

 Sa paghahanda ng kagamitang panturo, kinakailangan na isaalang-alang at maunawaan nang mabuti ang mga prinsipyo at
teorya sa paggamit at pagdisenyo ng kagamitang panturo. Ang Teorya ay tumutukoy sa kung gaano kaganda ang
pagkakapaliwanag sa isang bagay na pinaghandaan. Ayon kay Reigeluth (1983), ang teorya ay isang set ng modelo at ang
prinsipyo at teoryang ito ay matutukoy lamang sa pamamagitan descriptive at perspective na anyo. Ayon naman kay Seels
(1997), ang teorya ay paliwanag ng penomina at pangyayari na makakatulong sa mag-aaral na lubusang maunawaan ang
talakayan.

Batayang Konsepto sa Disenyo

 Ang kagamitang panturo ay kinakailangang angkop sa panahon ay nakaugnay at nakaayon sa kurikulum upang makatulong na
maisakatuparan ang layunin sa pagkatuto. Ang kagamitan ay awtentiko at kongkreto sa teksto at gawain.

Pamantayan sa Kagamitang Panturo 

 Kinakailangang maanalisa muna ang paggamit ng kagamitang panturo upang nakabatay ito sa target na panggagamitan.

 Bumuo ng isang kurikulum grid na kung saan nakakatulong ito sa pagbuo ng materyales at malaman din ang kontent at
literasi lebel ng mag-aaral. 

 Ang pagpili ng tema ay isang mahirap na gawain sapagkat kinakailangang mag-isip nang mabuti kung anong kagamitang
panturo ang gagawin. Ilustrasyon 

 Ito ay tumutukoy sa mag-aaral na makakabuo ng larawan o konsepto upang higit na maunawaan ang talakayan.

2
Republic of the Philippines
NORTHERN ILOILO STATE UNIVERSITY
NISU Concepcion Campus
D. B. Oñate Street, Poblacion, Concepcion, Iloilo
nipscconcepcion@nipsc.edu.ph
 Isa rin sa mga mahirap isagawa sapagkat matrabaho ang editing na kung saan kinakailangang wasto at magkakaugnay ang
Reg. No. 97Q19783
napiling kagamitang panturo sa aralin. · Pamagat 

 Ito ay kinakailangang kaakit-akit upang mahikayat ang mga mag-aaral na malaman ang gagawin.

Sanggunian  http://gabaysafilipinoniley.blogspot.com/2017/01/kagamitang-panturo.html

Pagsasanay

Pangalan: Petsa:
Kurso at Seksyon:

3
Republic of the Philippines
NORTHERN ILOILO STATE UNIVERSITY
NISU Concepcion Campus
D. B. Oñate Street, Poblacion, Concepcion, Iloilo
nipscconcepcion@nipsc.edu.ph
Pagsasanay Reg. No. 97Q19783

Panuto: Isulat sa nakalaang patlang ang T kung tama ang pahayag at M naman kung mali.

__________1. Isa sa mga kahalagahan ng kagamitang panturo ay tumutulong ito sa pagsasakatuparan ng layunin sa pagtuturo.
__________2. Ang kagamitang panturo ang pinakamabisang paraan sa pagtuturo.
3. Ang kagamitang panturo ay ang lahat na bagay na makakaapekto sa pag-aaral ng estudyante. _____
4. Ang kagamitang panturo ay maaaring hindi napapanahon sapagkat mauunawaan naman ito ng mga mag-aaral. _____
5. Ang paggamit ng kagamitang panturo ay kailangang pag-isipang mabuti upang maging maganda ang kalalabasan nang
talakayan. _____ 6. Mas mabisa pa rin ang magsalita nang magsalita ang guro kaysa magpakita ng mga visual aids. _____
7.Kung ano ang nais gawin na kagamitang panturo ng guro ay iyon na lamang ang gagawin. _____
8.Ang ginamit na kagamitang panturo ay hindi nakabase sa paksa. _____
9. Isa sa mahirap isagawa sa pagsasaalang-alang ng paggawa ng kagamitang panturo ay ang pag-isip ng tema sa gagawing
kagamitang panturo. _____
10. Sa pag-eedit ng kagamitang panturo ay kinakailangan na kaakit-akit ito upang mahikayat ang mga mag-aaral. _____

Zloty M. Bayon-On
PAGHAHANDA AT EBALWASYON SA KAGAMITANG PAMPAGTUTURO
BSEd Fil 3-A
Modyul 1 Aralin 2
Paghahanda ng mga Kagamitang Tanaw-Dinig

Introduksyon

4
Republic of the Philippines
NORTHERN ILOILO STATE UNIVERSITY
NISU Concepcion Campus
D. B. Oñate Street, Poblacion, Concepcion, Iloilo
nipscconcepcion@nipsc.edu.ph
Sila ang mga pangunahing dahilan kung bakit patuloy na pinapakinis at pinapaunlad ang akademya at mismong edukasyon. “Ika
Reg. No. 97Q19783
nga na ang mag-aaral ang dugo ng isang institusyon”.

Pagtatalakay

Ang Hagdan ng Karanasan

 Kapag tinatalakay ang mga kagamitang tanaw-dinig ay hindi maiiwasang mabanggit ang hagdan ng karanasan na tinatawag na
“cone of experience” sa Ingles. Ang hagdan ng karanasan ay binubuo ng labing-isang baitang. Ang bawat baitang ay mahalaga
sa isa‟t isa. Nagsisimula ang hagdan sa tuwirang karanasan at nagtatapos naman sa simbolong berbal. Bagama‟t bai-baitang
ang mga karanasan ay naroon pa rin ang ugnayan ng bawat isa. Makikita sa ibaba ang anyo ng hagdan ng karanasan.

Narito ang balangkas ng tatlong pangkat ng hagdan ng karanasan

Ginagawa

A. Ang mga tuwirang karanasan


B. Ang mga binalangkas na karanasan
C. Ang madulang pakikilahok

Minamasid
a) Pakitang- turo
b) Ekskursyon
c) Radio
d) Prodyektor
e) Larawang di- gumagalaw
a. Islayd
b. Pilmstrip
d) Teyp Recording

Sinasagisag
A. Simbolong Biswal
B. Simbolong Berbal

Tuwirang Karanasan
1) Eksperimento
 Ang pag-eeksperimento sa laboratory ay isang halimbawa ng tuwirang karanasan. Dito ang mga mag-aaral ay nasusubukang
tumuklas ng bagong kaalaman sa siyensiya. Sila mismo ang gumagawa ng gawain.
2. ) Mga Laro
 Likas na mahilig sa paglalaro ang mga bata. Nagiging masaya at aktibo sila sa pamamagitan ng paglalaro. Kung nakikita natin
na nababagot na ang mga mag-aaral, maaari natin silang ganyakin at pasiglahin sa pamamagitan ng paglalaro.

Mga halimbawa:
a. Larong Book Baseball

5
Republic of the Philippines
NORTHERN ILOILO STATE UNIVERSITY
NISU Concepcion Campus
D. B. Oñate Street, Poblacion, Concepcion, Iloilo
nipscconcepcion@nipsc.edu.ph
b. Hot Potato
Reg. No. 97Q19783
c. Author‟s Game (Laro ng mga may-akda)
d. Pahulaan
e. e. Magdala ka
f. Bugtungan: Sino Ako?
g. Luntiang ilaw, Pulaw Ilaw

Balangkas na Karanasan
 Ang mga sumusunod ay mga halimbawa ng mga kagamitang tanaw-dinig sa mga binalangkas na karanasan.

1. Mga Modelo
 Ang modelo ay panggagaya sa orihinal na kaanyuan at kabuuan ng isang tunay na bagay. Maaaring ito ay gawa sa kahoy,
plastic, o bakal. Bagamat may kaliitan ay katulad na katulad ang anyo sa ginayang tunay na bagay.

Paraan ng Paggawa ng mga Modelo Ang paraan ng paggawa ng modelong kabayo.

1. Gumawa ng alambreng kalansay na hugis kabayo.


2. Balutan ng tela ang ginawang kalansay.
3. Ibabad sa tubig ang mga lumang pahayagan.
4. Bayuhin ang ibinabad na pahayagan hanggang maging pinung-pino.
5. Haluan ng kola (pandikit) o glue ang binayong papel.
6. Ibalot sa katawan ng kabayo ang pinaghalong papel at kola. Gawin ito hanggang mabalutan ang buong katawan. Budburan
agad ng kusot ang ibabaw nito.

Iba Pang Mga Modelo

Ang mga paraang ipinaliwanag ay maaaring gamitin sa paggawa ng iba pang mga modelo. 
 Banga 
 Abukado 
 Ubas

2. Mock-up
 Ang mock-up ay panggagaya rin tulad ng modelo. Ang pinag-iba lamang ng mock-up sa modelo ay isa o ilang bahagi lamang
ang gagayahin at hindi ang kabuuan.
Halimbawa: 

 Sa eroplano, kung ang pag-aaralan ay makina, iyon lamang ang gagawaan ng mock-up. 
 Ang Planetarium sa Maynila isang halimbawa rin ng mock-up. Ito ay bahagi lamang ng santinakpan.

3. Ispesimen
 Isang mabuting panghalili sa mga tunay na karanasan ang ispesimen. Halimbawa kung hindi madadala ang mga mag-aaral sa
pook na pinagkukunan ng mineral, maaaring magpakita na lamang sa klase ng iba‟t ibang uri ng bato bilang ispesimen.

4. Mga Tunay na Bagay

6
Republic of the Philippines
NORTHERN ILOILO STATE UNIVERSITY
NISU Concepcion Campus
D. B. Oñate Street, Poblacion, Concepcion, Iloilo
nipscconcepcion@nipsc.edu.ph
 Ang mga tunay na buhay ay mahalagang kagamitang tanaw-dinig. Nahahawakan, nasusuri at napag-aaralan ang mga ito ng
Reg. No. 97Q19783
mga mag-aaral. May mga mag-aaral pang nagdadala sa silid-aralan ng mga bagay-bagay na dala ng kanilang mga magulang o
kapatid na galing sa ibang bansa. Ipinapakita ang mga ito sa mga kamag-aral upang mapag-aralan.

Mga Sanggunian :
 Mayos, et al., Mga Kagamitang Panturo sa Filipino, Jimcy Publishing House, 105 Del Pilar St., Cabanatuan City, Philippines

Pagsasanay

Pangalan: Petsa:
Kurso at Seksyon:

Pagsasanay
Panuto: Magbigay ng mga ispesimen na matatagpuan sa inyong pook. Isulat kung sa anong asignatura maaaring maging angkop
ang ispesimeng iyong napili.

7
Republic of the Philippines
NORTHERN ILOILO STATE UNIVERSITY
NISU Concepcion Campus
D. B. Oñate Street, Poblacion, Concepcion, Iloilo
nipscconcepcion@nipsc.edu.ph
Pamantayan:
Reg. No. 97Q19783
Nilalaman- 10 puntos
Organisasyon ng mga ideya 10 puntos
Kaugnayan sa paksa 5 puntos
Orihinalidad 5 puntos
Kabuuan 30 puntos

Zloty M. Bayon-On
PAGHAHANDA AT EBALWASYON SA KAGAMITANG PAMPAGTUTURO
BSEd Fil 3-A
Modyul 1 Aralin 3-4
EBALWASYON AT PAGHAHANDA SA KAGAMITANG PAMPAGTUTURO
MADULANG PAKIKILAHOK

Introduksyon

Isa sa mga sangay panturo ang pagtatalakay sa mga pakikilahok ng madudulang uri ng mga talakayan. Ang
araling ito ay magtuturo ukol sa mga kalikasan at mga uri ng mga madudulang pakikilahok.

Pagtatalakay

MADULANG PAKIKILAHOK

 Ang mga kagamitang tanaw-dinig na maaaring gamitin ng guro para sa madulang pakikilahok upang maging
mabunga at matagumpay ang kanyang pagtuturo ay ang mga sumusunod:

8
Republic of the Philippines
NORTHERN ILOILO STATE UNIVERSITY
NISU Concepcion Campus
D. B. Oñate Street, Poblacion, Concepcion, Iloilo
nipscconcepcion@nipsc.edu.ph
Mga Dula
Reg. No. 97Q19783

Pagtatanghal (Pageant)

 Ang pagtatanghal ay isang makulay na pagpapakita ng mga mahalagang bahagi ng kasaysayan na kung saan ang
mga tauhan ay nakasuot ng angkop na damit.

Pantomina o Panggagagad

 Ang pantomina ay pag-arte nang walang salitaan. Kikilos at aarte ang kasali ayon sa hinihingi ng kanyang papel na
ginagampanan. Ito ay payak na anyo ng dula na magagamit sa iba't ibang pagkakataon. Ang mga mahiyaing mag-
aaral ay nalilinang na magkaroon ng tiwala sa sarili, maging matikas at maging magalang sa pagkilos sa
pamamagitan ng pantomina.

Tableau

 Malaki ang pagkakatulad ng tableau sa pantomina dahil parehong walang salitaan. Kaya lamang, ang tableau ay
walang galaw samantalang ang pantomina ay may kilos at galaw. Ito ay parang isang larawang-eksenang may
mga tauhang tahimik na tahimik ngunit may sapat at magandang kapaligiran.

Saykodrama

 Ang saykodrama ay isang kusang-loob na dula na nauukol sa pansariling lihim o suliranin ng isang tao. Ang
mismong may suliranin ang gagawa ng iskrip at magsasadula. Karaniwang ginagawa ito sa mga asignaturang
Homeroom Guidance at Edukasyong Pagpapahalaga. Mabisa ito sa paglutas ng pansariling pronlema na kung
tawagin sa Ingles ay may "therapeutic value."

Sosyodrama

 Ang dulang ito ay walang gaanong paghahanda at pag-eensayo. Umiinog ang paksa sa suliraning panlipunan.

Role-Playing

 Kung sa sosyodrama ang diin ay sa suliraning panlipunan, sa role-playing naman ay ang papel na ginampanan.
Ang importante rito ay mabigyang-buhay at halaga ang papel na ginagampanan.

Dulang Pagsalaysay (Chamber Theater)

 Ang dulang pagsalaysay o chamber theatre ay isang paraan ngpagpapakahulugan sa panitikang pinag-aaralan
gaya ng maikling kuwento, pabula, tulang pasalaysay at bahagi ng nobela sa pamamagitan ng diyalogo, aksiyon at
pagsalaysay. Bawat isang tauhan ng kuwento ay kinakatawan ng isang actor na tagapagsalaysay rin at mayroon
pa ring pormal o sadyang tagapagsalaysay.

9
Republic of the Philippines
NORTHERN ILOILO STATE UNIVERSITY
NISU Concepcion Campus
D. B. Oñate Street, Poblacion, Concepcion, Iloilo
nipscconcepcion@nipsc.edu.ph
 Sa pagtatanghal na ito ang mga actor ay gumagamit ng angkop na kasuotan, may kagamitang pantanghalan
Reg. No. 97Q19783
(props) at mayroon ding tanawin.Ang actor ay malayang gumagalaw sa entablado, nakikipagpalitan ng diyalogo sa
kapwa actor at bumabaling sa mga manonood kapag nagsasalaysay. Ang pormal na tagapagsalaysay naman ay
nasa isang bahagi ng entablado, hawak ang mga mapaglarawang bahagi ng kuwento.

Sabayang Pagbigkas

 Isa sa mabisang paraan ng pagpapakahulugan at pagpapahalaga sa isang tula ay sa pamamagitan ng sabayang


pagbigkas. Bukod sa nadaramang pagkalugod sa isang kathang sining ay may ilan pang makabuluhang bunga ang
sabayang pagbigkas para sa mga mag-aaral. Nagkakaroon sila ng malinaw na pang-unawa sa tula. Nalilinang ang
kanilang wastong pagbigkas at nabibigyang-diin ang bahaging dapat bigyan ng diin. Naiiwasan din ang pagbigkas
na paawit.

Mga Kabutihang Naidudulot ng Sabyang Pagbigkas

 May mga kabutihang naidudulot ang sabyang pagbigkas sa mga mag-aaral. Ang ilan sa mga ito ay ang
sumusunod:

1. Nahahasa sa maayos na pagbigkas, kasama na pati ang pagbibigay pansin sa mga dulong katinig.

2. Nagkakaroon ng malawak na pang-unawa sa tulang binibigkas.

3. Nakadarama ng higit na pagpapahalaga sa diwa ng tula at sal magandang pagkakabuo ng tula.

4. Nasasanay sa madamdaming pagbigkas.

5. Nalilinang ang kakayahan sa pagganap.

6. Nagkakaroon ng pagtitiwala sa sarili.

7. Nagkakaroon ng isang maayos na katauhang pantanghalan.

Iba't Ibang Anyo ng Sabayang Pagbigkas

 Ang sabayang pagbigkas ay isang masining na paraan ng pagbigkas ng isang tula. Sa pamamagitan ng timbang
na pagsasanib-sanib ng mga tinig, nakalilikha ng indayog at aliw-iw na parang koro sa musika. Ang timbang na
pagsasama-sama ng iba't ibang tinig na malagong at malaki, katamtaman, mataas at matinis, dili kaya'y
pagsasagutan ng mga ito ay lumilikha ng aliw-iw at indayog na humahantong sa isang masining na pagtatanghal.

Pagpili ng Piyesa

10
Republic of the Philippines
NORTHERN ILOILO STATE UNIVERSITY
NISU Concepcion Campus
D. B. Oñate Street, Poblacion, Concepcion, Iloilo
nipscconcepcion@nipsc.edu.ph
 Sa paghahanda para sa sabyang pagbigkas, ang unag isinasagawa ng tagapagsanaysay ay ang maghanap ng
Reg. No. 97Q19783
magandang tula na ipabibigkas. Ang piyesang pipiliin ay dapat naaangkop sa pagkakataon o sa sitwasyon.
Tingnan din ang nilalaman ng tula at ang kabuuan ng tula. Alamin kung ito ay angkop para sa pagbigkas-
maramihan o angkop lamang para sa isahang pagbigkas. Isaalang-alang din ang haba ng tula. Napakaikli ba nito.
na halos matagal pa ang ginawang pagpanhik ng mga mambibigkas sa tanghalan kaysa aktuwal na pagbigkas? O
napakahaba ba nito kaya kailangang mag-alis ng saknong? Kung gagawin ito, tiyaking hindi makakasira sa diwa ng
tula ang gagawing pagpuputol.

Pagsasanay sa mga Mambibigkas

 Ang sabyang pagbigkas ay walang iniwan sa isang simponya sa musika at tulad din ng Korong paawit. Magandang
pakinggan ang mga ito kung may tamang blending ng mga tunog o ng mga tinig, at tamang paglakas o paghina ng
bigkas nito sa mga bahagi tulang nangangailangan nito.

Sanggunian

http://gabaysafilipinoniley.blogspot.com/2017/01/kagamitang-panturo.html

11
Republic of the Philippines
NORTHERN ILOILO STATE UNIVERSITY
NISU Concepcion Campus
D. B. Oñate Street, Poblacion, Concepcion, Iloilo
nipscconcepcion@nipsc.edu.ph
Reg. No. 97Q19783

Pagsasanay

Pangalan: Petsa:
Kurso at Seksyon:

Pagsasanay:

Panuto: Sumulat ng isang iskrip na maaaring gamitin sa isang pagtatanghal ayon sa paksang nais o malapit sa iyong
puso na iinog sa isa hanggang dalawang ,minuto lamang.

Pamantayan:

Nilalaman- 15 puntos

Organisasyon ng mga ideya 10 puntos

Kaugnayan sa paksa 10 puntos

Orihinalidad 15 puntos

Kabuuan 50 puntos

12
Republic of the Philippines
NORTHERN ILOILO STATE UNIVERSITY
NISU Concepcion Campus
D. B. Oñate Street, Poblacion, Concepcion, Iloilo
nipscconcepcion@nipsc.edu.ph
Reg. No. 97Q19783

Modyul 1 Aralin 4
EBALWASYON AT PAGHAHANDA SA KAGAMITANG PAMPAGTUTURO
Paghahanda ng mga Kagamitang Tanaw-Dinig

Introduksyon

Ang araling ito ay magbubukas ng mga isipan sa mga mag-aaral ng mga ideya at imahinasyon kung ano-ano
ang mga kagamitang angkop sa mga gawaing may kinalaman sa mga tanaw-dinig na uri ng talakayan.

Mga Bunga ng Pagkatuto:

 Naisaalang-alang ang mga paghahanda nga mga Kagamitang Tanaw-DInig.


 Nakapagsasagawa ng isang kagamitang panturo sa alinmang halimbawa ng mga kagamitang Tanaw-Dinig.

Pagtatalakay

Mga Papet

 Ang papet ay isang tau-tauhang kaya nagsasalita at gumagalaw ay dahil sa tagapagpaandar nito. Ito ay
kagamitang tanaw-dinig na nagpapayaman sa mga karanasan ng mga mag-aaral. Nagdudulot ito ng kasanayan sa
pagsalitang pakikipagtalastasan dahil sa diyalogong sinasabi.

 Nalilinang sa mag-aaral ang tiwala sa sarili dahil sa pagharap sa madla o kamag-aral. Nararamdaman niya ang
mga usapang ipinahahayag na parang siya ang nasa katauhan ng tauhang ginagampanan. Hindi siya
nakakaramdam ng hiya o takot dahil ang pansin ng manonood ay nasa papet na hawak niya.

a. Karilyo

 Ang karilyo ay pagpapagalaw ng mga anino ng mga pira-pirasong kartong hugis tao o hayop sa likod ng isang
kumot na puti na naiilawan. Habang pinapagalaw ang hugis-taong karton ay sinasabayan ng pagsasalita. Ang
hugis ng karton ay ayon sa mga tauhan ng isang salaysay, alamat, kuwento, balita at iba pa.

Mga kagamitan:

Telon o putting kumot


llaw
Mga kartong hinugis
b. Istik Papet

13
Republic of the Philippines
NORTHERN ILOILO STATE UNIVERSITY
NISU Concepcion Campus
D. B. Oñate Street, Poblacion, Concepcion, Iloilo
nipscconcepcion@nipsc.edu.ph
 Ang istik papet ay cut-out ng anumang bagay na idinidikit sa patpat. Mabisa itong pagganyak sa mga bata lalo't
Reg. No. 97Q19783
sinasabayan ng pagkukuwento.

Mga kagamitan:

Cut-out
Patpat
Masking teyp

c. Kamay na Papet o Hand Puppet

 Ang kamay na papet ay anumang anyo ng tao, hayop o bagay na iginuguhit sa supot na papel. Ang isang kamay
ay ipinapasok sa supot na papel. Kapag iginagalaw ang kamay gumagalaw din ang papet.

Mga kagamitan:

Supot na papel
Pentel pen
Crayola
Kartolina

d. Daliring Papet

 Ito ay paggamit ng mga daliri sa paggawa ng anumang hugis o anyo na gustong gayahin katulad ng ipinapakita sa
ibaba.

e. Maryonet o Pising Papet

Mga kagamitan:
Pisi
Tamtaks
Karton

 Gumuhit ng larawan ng tao o hayop o anumang bagay sa isang malapad na karton. Gupitin ito.Paghiwa-hiwalayin
ang mga bahagi ng katawan (ulo, paa, kamay). Ikabit ang mga bahagi sa pamamagitan ng tamtaks. Itali ang pisi sa
mga bahaging gusting pagalawin. Kung hihilahin nang paitaas ang pisi, kikilos ang papet.

14
Republic of the Philippines
NORTHERN ILOILO STATE UNIVERSITY
NISU Concepcion Campus
D. B. Oñate Street, Poblacion, Concepcion, Iloilo
nipscconcepcion@nipsc.edu.ph
Reg. No. 97Q19783
Pagsasanay

Pangalan: Petsa:
Kurso at Seksyon:

Pagsasanay

Panuto: Batay sa iyong inihandang iskrip, gumawa ng isang natatanging papet ayon sa iyong likas na kagustuhan at
pagiging malikhain. Gawan ito ng isang video na iinog sa isa hanggang dalawang minuto lamang.

Pamantayan:

Presentasyon 10 puntos

Kalinawan 10 puntos

Kaugnayan sa paksa 5 puntos

Orihinalidad 5 puntos

Kabuuan 30 puntos

15

You might also like