You are on page 1of 2

Lahat: Magandang hapon, Sir Gonzales, Magandang happn aming kapwa kamag-aral.

Gab: Sa araw na ito, aming tatalakayin ang “Bukas na komunikasyon at pagpapaunlad nito”

Trisha: Isang mahalagang kasanayan na dapat nating matutunan sa pagbuo at


pagpapanatili ng ating ugnayan sa pamilya ang epektibong paggamit ng komunikasyon.

Erika: Marapat matutunan at sanayin sa loob ng pamilya ang uri ng komunikasyonng


magpapaunlad sa pagkatao sapagkat ito ang magpapatatag dito.

Ashanti: Ano ang kahulugan ng komunikasyon? Ang kimunikasyon ay anumang senyas o


simbulo na ginagamit ng tao upang ipahayag ang kanyang iniisip at pinahahalagahan,
kabilang dito ang wika, kilos, tono ng boses, katayuan, uri ng pamumuhay, at mga gawa.

Lance: Ang komunikasyon ay isang proseso ng pakikipagusap at pakikinig sa ibang tao;


pagbabahagi sa mga naiisip at nararamdaman; pakikinig sa sinasabi ng nagsasalita at
pagbibigay reaksyon sa mensaheng napakinggan.

James: Ang komunikasyon sa pamilya ay susi sa unawaan.

Ashley: Bakit may pagkakataon na hindi natin naiintindihan ang ating magulang o kapatid?
Bakit nagtatalotalo ang mga kasapi ng ating pamilya? May solusyon ba sa suliraning ito na
maaari mong gawin?

Gab: Ang komunikasyon sa pamilya ay paraan kung paano nagpapalitan ng pasalita at


di-pasalitang impormasyon sa pagitan ng kasapi nito. Sa pamamagitan ng komunikasyon,
naipapahayag ng kasapi ng pamilya ang kanilang mga pangangailangan, ninanais at ang
kanilang pagmamalasakit sa isa’t isa. Ito ang daan tungo sa pagkakaunawaan ng lahat.

Eldrick: Ang hindi maayos na komunikasyon ay maaaring maging sanhi ng madalas na


pagtatalo ng pamilya, kakulangan sa kakayahan na malutas ang suliranin, paglalayo ng loob
sa isa’t isa at mahinang pagbibigkis ng mga kasapi nito.

Nicole: Ano ang susi sa komunikasyon sa pamilya?

Arcanghel: Naranasan mo na ba kung gaano kahirap ang magpahayag ng mga bagay na


gusto mong sabihin subalit hindi maintindihan ng iyong pamilya? Paano mo ipinapahayag
ang gusto mong sabihin sa iyong pamilya?

James: Narito ang ilang mungkahi sa pagbubuo ng epektibong komunikasyon sa pamilya.

Ashanti: Ayon kay Peterson (2009), maaring paghusayin ng mga pamilya ang kanilang mga
kasanayan sa komunikasyon sa pamamagitan ng mga sumusunod

Gab: Una, makipag usap ng madalas


Trisha: Gaano kadalas kayong nagsasalo sa hapagkainan? Kayo ba ay nag uusap tungkol
sa nangyari sa araw na iyon? Ito ang paraan upang mapahusay ang komunikasyon ng
pamilya

1. Isara ang telebisyon at sama samang kumain

Erika:
2. Mag-iskedyul ng impormal o pormal na mga miting ng pamilya para pagusapan ang
mahahalagang isyo na nakakaapekto sa inyong pamilya.

Nicole:
3. Kausapin ang miyembro ng inyong pamilya bago matulong.

Gab: Ikalawa, makipagusap ng malinaw at tuwiran

Ashley: Ipabatid ang iniisip at nadarama sa malinaw at tuwirang paraan. Mahalaga ito lalo
na kapag sinusubok na lutasin ang mga problemang nagmumula sa lahat ng miyembro ng
pamilya.

Gab: Ikatatlo, maging aktibong tagapakinig

Arcanghel: May naaalala ka bang panahon na mali ang napakinggan o hindi nakinig at ito
ang dahilang ng alitan?

Ashanti: Ang pinakapayak na proseso ng komunikasyon ay pakikinig subalit mahirap gawin.

Trisha: Madali mahpanggap na ikaw ay nakikinig sa iyong kausap sapagkat nariyan ang
iyong pisikal na pangangatawan subalit mahirap sabihin na ang iyong kaisipan ay nariyan at
nakikinig.

James: Ang pagiging aktibong tagapakinig ay kinapapalooban ng pagsisikap ninyong


kilalanin at igalang ang pananaw ng ibang tao. Ang patango ay nagpapahiwatig na
pagmamalasakit sa sinabi. Ang pagtanong ng “Ano ang ibig mong sabihin?” O “Tama ba ang
pagkakaunawa ko sayo?” ay paghahanap ng paglilinaw kung hindi nauunawaan ang
sinasabi ng miyembro ng pamilya.

Gab: Ika apat, makipagusap nang tapat at bukas ang isipan

Lance: Ang pagiging bukas at tapat ang bawat miyembro ng pamilya ay magtatakda ng
yugto ng pagtitiwala. Kung walang tiwala, hindi magkakaroon ng matatag na ugnayan ang
pamilya.

All: maraming salamat po sa pakikinig, dito na nagtatapos ang aming presentasyon.

You might also like