You are on page 1of 2

Republic of the Philippines

DEPARTMENT OF EDUCATION
Caraga Administrative Region
DIVISION OF BUTUAN CITY SCHOOLS
ENFANT CHERI STUDY CENTRE, INC.

Review Test
Araling Panlipunan 9

Test I. IDENTIFICATION . Tukuyin ang mga pang-ekonomikong konseptong isinasaad sa bawat


bilang

1. Ito ay tumutukoy sa pag-aaral ng mga malalaking yunit ng ekonomiya.


2. Ito ay tumutukoy sa pag-aaral ng mga maliliit na yunit ng ekonomiya.
3. Salitang pranses na nangangahulugang pamamahala sa sambahayan.
4. Unang katawagan o pagpapakilala sa pag-aaral sa kasalukuyang tinatawag na ekonomiks.
5. Alin sa mga sumusunod na dibisyon ng ekonomiks ang tumutukoy sa paglipat ng produkto at
serbisyo mula sa isang tao patungo sa iba pang tao?
6. Ito ay ang pagbili , paggamit o pag-ubos ng mga produkto at serbiyo.
7. Tumutukoy sa pansamantalang kasagutan o paliwanag sa inilahad na suliranin.
8. Isang disiplina na may kinalaman sa pag-aaral ng ekonomiks na tumutukoy sa larangan ng
agham na nakatuon sa pag-aaral ng mga lupain , mga naninirahan at mga penomena ng
mundo.
9. Disiplina na may kinalaman sa ekonomiks na naglalayong matukoy ang gawi ng tao , ang
paraan ng kaniyang pag-iisip , pagkatuto , pakikipag-ugnayan at pakikitungo sa ibang tao
10. Siya ang tinaguriang ama ng modernong ekonomiya.

Test II. ALTERNATIVE RESPONSE. Basahin ang bawat aytem tungkol sa konsepto ng ekonomiks
at kahalagahan nito. Tukuyin kung ang mga ito ay Tama o Mali.

11. Sa pamilihan nagaganap ang tinatawag na pagpapalitan


12. Produksiyon ang tawag sa paglipat ng produkto at serbisypo mula sa isang tao patungo sa
ibang tao.
13. Ang haypotesis ang pansamantalang kasagutan sa pang-ekonomikong suliranin
14. Ang ekonomiks ay agham sapagkat gumagamit ito ng siyentipikong pamamaraan sa
pagsagot sa mga suliraning pang-ekonomiya.
15. Ang pag-aaral ng ekonomiks ang dahilan kung bakit tumataas ang presyo ng mga bilihin sa
pamilihan taon-taon.

TEST III. MULTIPLE CHOICE


16. Dibisyon ng ekonomiks na tumutukoy sa paggawa, paglikha o pagbuo ng produkto at
serbisyo.
A. Produksiyon C. Pagkonsumo
B. Pagpapalitan D. Pamamahagi
17. Alin sa mga sumusunod ang HINDI kabilang sa apat na salik ng produksiyon?
A. Mamimili C. Paggawa
B. Kapital D. Lupa
18. Kabayaran na natatanggap ng mga prodyuser upang gamitij sa pagkonsumo ng kanilang
mga kinakailangan.
A. Produksiyon C. Pamamahagi
B. Pagtustos D. Pagpapalitan
19. Mula sa nabuong konlusiyon , maari nang gamitin ang nakalap na datos upang
masolusyonan ang suliraning pinag-aralan.
A. Paglalapat ng Konklusyon C. Pangangalap ng datos
B. Pag-alam sa suliranin D. Pagbuo ng konlusyon
20. Isang agham panlipunan na nag-aaral sa mga kilos at asal ng isang indibidwal at kung paano
nito matutugunan ang walang katapusang pangangailangan ng mga tao.
A. Ekonomiks C. Kasaysayan
B. Sikolohiya D. Matematika
21. Ito ang pamamaraan kung paano pinipili ng indibidwal , pangkat , at pamahalaan ang
sistemang lulutas sa mga suliraning pang-ekonomiya.
A. Pagtustos C. Produksiyon
B. Sistemang Pang-ekonomiya D. Pagkonsumo
22. Ito ang pagpapaliwanag sa galaw at desisyon ng bawat bahay-kalakal sa sambahayan.
A. Suplay C. Maykroekonomiks
B. Demand D. Makroekonomiks
23. Isang disiplina na may kinalaman sa pag-aaral ng ekonomiks na nakatuon sa malalim na
katanungan sa sangkatauhan .
A. Heograpiya C. Sosyolohiya
B. Sikolohiya D. Pilosopiya
24. Tinaguriang "Ama ng modernong makroekonomiks"
A. Francois Quesnay C. Adam Smith
B. John Maynard Keynes D. David Ricardo
25. Tumutukoy sa malayang kalakalan kung saan hindi pinanghihimasukan ng pamahalaan ang
mga kapitalista
A. Invisible Hand C. Keynesian Economics
B. Laissez-fare D. Physiocrats

Test IV. PAGTUTUKOY


Tukuyin kung anong uri ng ekonomiks napabilang mga sumusunod na halimbawa .

26. Pag-aaral ng galaw at desisyon ng bawat bahay kalakal sa sambahayan


27. Pambansang kita
28. Pamilihan
29. Implasyon
30. Mamimili
31. Prodyuser
32. Konsyumer
33. Kabuuang Kitang Pambansa
34. Import
35. Export

You might also like