You are on page 1of 13

Republic of the Philippines

DEPARTMENT OF EDUCATION
Region XI
DIVISION OF DAVAO CITY

DAVAO CITY DIVISION READING PROGRAM

8- WEEK READING REMEDIATION
ACCOMPLISHMENT REPORT
COMMUNAL NATIONAL HIGH SCHOOL

PahinangPamagat: 8- WEEK READING REMEDIATION

Nagpapatupad na Ahensiya/ klaster /Distrito: Cluster III-Filipino
NangungunangAhensiya/ Rehiyon/Dibisyon: Region XI, Davao City
NakikipagtulungangAhensiya (ex. LGU): Barangay
Inilaang Panahon: Agosto- Oktubre, 2021

I. Buod ng Tagapagpaganap

Panimula

Ang Walong Linggong Remedyal sa Pagbasa ay isa sa mga programa ng Department of

Education (DepEd) na naglalayong matulungan ang mga mag-aaral na nahihirapan sa pang-unawa at
pamamaraan ng pagbasa. Ito ay isinagawa sa halos lahat ng paaralang pampubliko sa buong Pilipinas sa
parehong asignaturang pang-wika, ang English at Filipino. Ang mga mag-aaral na kabilang sa
programang ito ay ang mga NR (Non-Reader), F (Frustration), INS (Instruction), at IND (Independent).

Sa kabila ng pandemyang kinakaharap natin ngayon, hindi pa rin ito naging hadlang upang
maipagpatuloy ang mga programang maaaring makatulong sa mga mag-aaral na nahihirapan sa pag-
unawa at pagbabasa. Handa ang mga guro sa pagtulong sa kahit anumang programang mayroon ang
DepEd. Binigyang halaga at panahon ng mga guro na mabigyan ng modyul ang mga mag-aaral sa abot ng
kanilang makakaya para kahit papaano hindi matigil na malinang pa lalo ang antas na umunawa at
bumasa ng mga mag-aaral.

Ayon kay Badayos, isang dalubhasa na nag-aral tungkol sa kahalagahan ng pagbasa, “Ang
pagbabasa ay isang proseso ng pag-iisip”, mahalaga na patuloy na nagbabasa ang bata upang magkaroon
ito ng mga bagong salita at hindi natitigil ang kanyang pag-iisip na makabuo ng mga malikhaing ideya.
Higit na makabuluhan ang pagbabasa kung ito’y binasa nang may pag-unawa.

Ang mga publikong paaralan ng Communal (Filipino at Ingles) ng Lungsod ng Dabaw ay

sumusuporta at nakikiisa sa Programa ng Pagbasa ng Kagawaran ng Edukasyon “Bawat Bata Bumabasa”
at bilang pagtugon sa pangangailangang ito ang aming klaster ay naghanda ng 8-Week Remedial Plan
Republic of the Philippines
DEPARTMENT OF EDUCATION
Region XI
DIVISION OF DAVAO CITY

ukol sa pagpapaunlad ng literasi ng lahat ng mag-aaral lalong-lalo na sa Baitang 7 at para sa paghahanda

ng isang New Normal Modality na pamamaraan ng pagpapabasa.

Rasyonale

Noong nakaraang taon, 2019-2020 ay nakapagtala ng 2 Non-readers at mataas na bilang ng mag-

aaral sa Frustration readers mula sa aming paaralan. Sila ang nakilahok sa walong linggong gawain sa
pagpapabasa. Sa gitna ng krisis at nararansang pandemya na dulot ng COVID 19, nag-iwan ito ng isang
malaking hamon para sa bawat guro na tugunan ang pangangailangan ng remedyal na pagpapabasa para
sa mga mag-aaral na napabilang sa nasabing antas, subalit malugod na tinanggap ang hamong ito ng mga
kaguruan sa Filipino sa aming paaralan. Naghanda ng isang progresibong paraan ng
pakikipagkomunikasyon sa mga magulang at mag-aaral gamit ang sosyal medya at mga pagpapabot ng
mensahe sa pamamagitan ng messenger, text/call.

Gabay ng mga guro sa programang ito ay ang paggamit ang action plan na nauna ng ginawa
upang mas maging makabuluhan ang pagsagawa ng nasabing programa. Kinakilangang pagtuonang-
pansin ang kakayanan ng mga mag-aaral sa pagbabasa lalong-lalo na sa mga mag-aaral na napabilang sa
pinakamababang lebel sa pagbasa. Nahahati sa 3 Phases ang pagsasakatuparan sa mga gawaing
pagpapabasa at ito ay ang mga sumusunod: A.- Planning B. During Implementation C. Post
Implementation Phases.

Layunin

Ang walong (8) linggong remedyal na programa ay pagpapaunlad sa pagbasa na nakapokus sa

dalawang dimensyon: (1) Pagpapaunlad sa kasanayan ng Pagpapabasa ng gamit ang mga inihandang
modyul at sa pagpapabasa gamit ang online (para sa mga may internet connection), (2) Maiangat ang
antas ng pagbasa at proficiency nito mula Non-Reader/Frustration patungong Instructional na antas
hanggang umabot sa pagiging malayang mambabasa ang bawat mag-aaral.
Republic of the Philippines
DEPARTMENT OF EDUCATION
Region XI
DIVISION OF DAVAO CITY

COMMUNAL NATIONAL HIGH SCHOOL

WALONG LINGGONG REMEDYAL SA PAGBASA
ACTION PLAN
SY 2021-2022
LAYUNIN GAWAIN PETSA INDIKASYON SA
PAGSASAKATUPARAN
Naisasagawa ang Pag reproduce ng Agosto 2-6, Documentation
plano at mga materyales sa 2021 Mga materyales sa
PAGPAPLANO paghahanda para pagbasa kasanayan sa pagbasa
AT sa walong Pakikipag-ugnayan
PAGHAHANDA linggong sa mga magulang
remedyal sa at mga mag-aaral
pagbasa
Nalalaman ang Ang mga mag- Agosto 9-13, Documentation
kakayahan ng aaral ay bibigyan 2021 Mga tala ng mga mag-aaral
mag-aaral sa ng mga babasahing
pagbabasa naaayon sa
UNANG LINGGO
kanilang
kakayahan upang
gamitin sa
pagsasanay sa
pagbabasa.
Nahuhubog ang Ang mga mag- Agosto 16-20, Documentation
IKALAWANG kakayahang aaral ay bibigyan 2021 Mga tala ng mga mag-aaral
LINGGO magbasa ng ng mga babasahing
bawat mag-aaral. naaayon sa
kanilang
kakayahan upang
gamitin sa
pagsasanay sa
pagbabasa.
IKATLONG Nabibigyang Ang mga mag- Agosto 23-27, Documentation
LINGGO pagsasany ang aaral ay bibigyan 2021 Mga tala ng mga mag-aaral
mga mag-aaral ng mga babasahing
gamit ang mga naaayon sa
Gawain at mga kanilang
larawan upang kakayahan upang
mas mapaunlad gamitin sa
ang kakayahan pagsasanay sa
sa pagbasa pagbabasa.
IKAAPAT NA Naisasagawa ang Ang mga mag- Agosto 30- Documentation
LINGGO pagsusuri sa aaral ay bibigyan Setyembre 3, Mga tala ng mga mag-aaral
kakayahan ng ng mga babasahin 2021
bawat mag-aaral at gawaing
gamit ang mga naaayon sa
materyales sa kanilang
kasanayan sa kakayahan upang
pagbasa gamitin sa
pagsasanay sa
Republic of the Philippines
DEPARTMENT OF EDUCATION
Region XI
DIVISION OF DAVAO CITY

pagbabasa.
IKALIMANG Naglalayong Ang mga mag- Setyembre 6- Documentation
LINGGO malinang ang aaral ay bibigyan 10, 2021 Mga tala ng mga mag-aaral
kawilihan at ng mga babasahin
pagkukusa ng at gawaing
mga mag-aaral naaayon sa
sa pagbabasa kanilang
gamit ang mga kakayahan upang
bagong gamitin sa
materyales sa pagsasanay sa
kasanayang pagbabasa
pagbasa
IKAANIM Natutukoy at Ang mga mag- Setyembre Documentation
LINGGO napayayaman aaral ay bibigyan 13-17, 2021 Mga tala ng mga mag-aaral
ang kakayahan ng mga babasahin
ng mga mag- at gawain upang
aaral sa pagbasa. mabigyang
kongklusyon ang
kaunlaran ng mga
mag-aaral sa
pagbasa
IKAPITONG Nabibigyang Pagtukoy sa Setyembre Documentation
LINGGO konklusyon ang kaunlaran ng 20-22, 2021 Mga tala ng mga mag-aaral
kakayahang ng bawat mag-aaral.
mga mag-aaral Pakikipag-ugnayan
sa pagbasa sa mga magulang
at mag-aaral na
kabilang sa
Gawain.

Maikling Paglalarawan ng Programa

Ang pagbasa ay isang makrong kasanayan na dapat malinang ng isang mag-aaral sapagkat dito
nahuhubog ang kakayahang umunawa at mag-isip sa nais ipahayag ng isang tao gamit ang midyum sa
pakikipagkomunikasyon. Kaya naman ang bumubuo sa Programa sa Pagbasa ay may positibong pananaw
na maisagawa ang programang ito, ang 8 linggong pagsasanay sa pagbabasa ay upang matugunan ang
suliranin sa pagbasa at pagpapaunlad nito sa tulong ng mga guro mula sa iba’t ibang paaralan. Layunin
nitong matugunan ang suliranin sa pagbasa lalo na ang mga mag-aaral na nasa lebel ng hindi marunong
bumasa (non reader) at nasa lebel ng pagkabigo (frustration level) na samakatuwid ay nangangailangan
ng puspusan at agarang pagsasanay sa pagbasa.
Hindi naging madali ang prosesong ito lalo na't nahaharap tayo ngayon sa krisis ng ating
panahon, ang pandemyang covid-19 ngunit hindi ito naging hadlang upang hindi maisakatuparan ang
Republic of the Philippines
DEPARTMENT OF EDUCATION
Region XI
DIVISION OF DAVAO CITY

mithiin ng programa. Aktibong isinakatuparan ito nga mga punong-guro at mga Koordineytor, ang
pangunguna, pagpapatupad at pagsasagawa ng 8 linggong pagsasanay sa pagbasa. Sa pamamagitan ng
pakikipag-ugnayan sa lokal na pamahalaan, barangay, mga magulang at mag-aaral, gamit ang telepono at
internet ay napaabot sa kanila ang magandang hangarin ng programa na matulungan ang mga mag-aaral
sa pagsasanay sa pagbasa.
Ang ang walong (8) linggong programang ito ay alinsunod sa PHIL.IRI Reading Program. Ang
mga mag-aaral na sumailalim sa remedyal ay mula sa resulta ng GST (Group-Screening Test) noong
nakaraang taon kung saan nalaman ang kakayanan nila sa pagbasa. Sa pamamagitan ng programang ito
ay malalaman kung may pagtaas ba o umangat ba ang lebel ng kasanayan sa pagbasa ng mga non-readers
at frustration readers.

Resulta Hango sa Baseline Achievement

Makikita sa talahanayan ang naging resulta mula naisagawang programa para sa mga mag-aaral
na nabibilang sa non-readers at frustration readers. Mapapansing may mga mag-aaral na umangat o
tumaas ang lebel sa pagbasa matapos ang remedyal.

NON READERS
ACHIEVEMENT ACHIEVEMENT
LEARNING PROFILE RATE
GRADE LEVEL BASELINE
AREA
PROFILE
NR FR INS IND

Grade 7 3 2 1 33.4%

FILIPINO FRUSTRATIONS READERS

Grade 7 7 3 2 71.43%

Pls. ATTACH # OF ACTUAL LEARNERS REACHED)

NON READERS
LEARNING # OF
GRADE LEVEL
AREA TARGET ACTUAL NUMBER OF REACHED
LEARNERS LEARNERS REACHED RATE
Grade 7 3 2 66.7%

FRUSTRATION READERS
Republic of the Philippines
DEPARTMENT OF EDUCATION
Region XI
DIVISION OF DAVAO CITY

FILPINO Grade 7 7 5 71.43%

Implikasyon at Rekomendasyon

Ang mga taong kabilang sa programang ito ay unang-una ang ating Pamahalaan na sinusundan
ng Departamento ng Edukasyon, Dibisyon ng Lungsod ng Dabaw, mga Punong-Guro, mga guro sa
asignaturang Filipino at Ingles, mga magulang at kanilang mga anak na siyang pinakamahalagang dahilan
sa pagsagawa ng programang ito.

II -Introduksyon

Rasyonale/ Frameworks

Ang tagumpay sa hinaharap ng mga bata ay nakasalalay sa kakayahang magbasa nang maayos at
maunawaan kung ano ang binasa. Ipinapakita ng mga pag-aaral ang may makabuluhang paghihirap sa
pagkuha ng pagbabasa. Ang pagsagawa ng remedyal sa pagbasa ay mapabuti ang parehong matatas at
pag-unawa sa pagbasa sapagkat ang husay at pag-unawa ay partikular na mahalaga sa yugtong ito ng pag-
unlad

Ang pagbasa ang tulay sa paglago at pag-unlad ng isang indibidwal. Maging sensitibo sa
pangangailangan ng mag-aaral para sa epektibong interbensiyon. Maraming oras ang gugugulin para
mapaunlad ang kakayahan sa pagbasa ng bata. Ang interbensiyon ang tutulong sa bata na buksan ang
kanyang kamalayan sa pagbasa nang may tamang bigkas at pag-unawa. Ang programang ito rin ang
hihikayat sa isang bata na disiplinahin ang sarili na maglaan ng oras sa pagbasa at mahalin ito. Sa
pamamagitan ng programang ito, yayabong ang kaalamang ponemiko, at mabilis na pang-unawa sa
napakinggan.

Layunin
Republic of the Philippines
DEPARTMENT OF EDUCATION
Region XI
DIVISION OF DAVAO CITY

Ang walong (8) linggong remedyal na programa ay pagpapaunlad sa pagbasa na nakapokus sa

dalawang dimensyon : (1) Pagpapaunlad sa kasanayan ng Pagpapabasa ng gamit ang mga inihandang
modyul at sa pagpapabasa gamit ang online (para sa mga may internet connection), (2) Maiangat ang
antas ng pagbasa at husay sa pagu-unawa nito mula Non-Reader/Frustration patungong Instructional na
antas hanggang umabot sa pagiging malayang mambabasa ang bawat mag-aaral.

Paglalarawan sa mga Nagawa hango sa Iminungkahing layunin

Sa mga layuning iminungkahi mula sa aming klaster ay nagkaroon muna ng masinsinang

talakayan o mga pagpupulong ang mga guro sa Filipino upang pag-isipang Mabuti at mag-analisa sa kung
ano-anong mga angkop na estratehiya at layunin para sa mga non-readers at frustration readers. Ang mga
nabanggit na mga layunin ay nakapokus sa pagpapaunald sa kasanayan sa pagbasa at pag-unawa nga mga
mag-aaral upang mas maging handa sila sa pagbubukas ng pasukan na nakasailallim ngayon sa tinatawag
nating New Normal. Kinakailangan ang gabay ng mga guro sa pagtanggap at pagsabay ng mga mag-aaral
sa pagbabago sa Sistema ng kanilang pag-aaral dulot ng pandemyang kinakaharap hidi lang sa ating bansa
kundi pati na rin sa marami pang bansa.

III- Kagamitan at Pamamaraan

Ang mga materyales na ginamit sa walong (8) linggong interbensyon ay mga akda mula sa
PHIL-IRI, mga story books, at mga akdang pinamahagi ng guro sa pamamagitan ng online sa mga lugar
na mayroong internet connection. Ang mga akdang ginamit ay binase sa antas ng pagbasa ng mga mag-
aaral mula sa nakaraang GST. Iba-iba ang mga akda na ginamit para sa mga NR,FR,Ins.at Ind na
nakabase sa kakayahan ng mag-aaral sa pagbasa. Ipinirinta at ginawang modyul upang mas maingganyo
ang mga ag-aaral sa pagsasanay sa pagbasa. Makikita sa harapang bahagi ng modyul ang pangalan,
address at nmerong maaring tawagan para mas mapadaling mapaabot ito sa mga mag-aaral. Nakapaloob
din sa modyul ang iba’t ibang mga kuwento o akda, kasunod ay mga pagsasanay o aktibiti na sasagutan
nga mga mag-aaral at ang paghingi ng pahintulot at suporta mula sa mga magulang sa programang
isinagawa.
Republic of the Philippines
DEPARTMENT OF EDUCATION
Region XI
DIVISION OF DAVAO CITY

MGA MATERYALES NA GINAMIT SA WALONG

LINGGONG REMEDYAL SA PAGBASA

IV-Resulta at Talakayan sa Nagawang Layunin (Action Plan)

Ang action plan ang nagsilbing gabay ng mga guro para mas maging makabuluhan at
maisakatuparan ang mga layunin sa naisagawang programa. Mula sa aming klaster ay mayroong
limang(5) layunin na makikita sa action plan, (1) Naipapaalam sa mga magulang o mga tagapagsubaybay
ng mga mag-aaral na ang paaralan ay magkakaroon ng bagong programa sa pagbasa sa pamamagitan
nang makabagong pamamaraan. Ang unang layunin ay matagumpay na naisagawa ng mga Koordineytor
sa pagbasa, nagkaroon sila ng komunikasyon sa mga magulang. (2) Naisasagawa ang paunang pagtatasa
sa pamamagitan ng makabagong paraan, ang online assessment sa bawat mag-aaral lalo na sa hindi
marunong bumasa at hindi nakapag-uunawa sa tekstong binasa. Sa pangalawang layunin ay nakamit din
ngunit nagkaroon ng karagdagang modality gamit ang modyul dahil sa hindi lahat na mga mag-aaral ay
mayroong internet connection. (3) Nagagawa ang indibidwal na pagbasa sa mga mag-aaral na
nangangailangan ng gabay sa pagbasa at pag-unawa. Matapos maisagawa ang paunang pagtatasa, ang
mga mag-aaral ay binigyang-pagkakataon na bumasa ng indibidwal ngunit ginagabayan pa rin ng
kanilang mga magulang sa pamamagitan ng pagkuha ng bidyu sa kanila habang nagbabasa. Ang bidyu ay
ipinasa sa mga Koordineytor upang maging basehan rin sa kakayan ng mag-aaral sa pagbasa. (4)
Republic of the Philippines
DEPARTMENT OF EDUCATION
Region XI
DIVISION OF DAVAO CITY

Nakapagsasagawa ng pagtataya sa pagbasa sa pamamagitan ng makabagong estratehiya para sa mga mag-

aaral na kilalang hindi marunong bumasa at hindi nakakaunawa sa kanilang binabasa. Ang mga teksto o
akdang binasa ng mga mag-aaral ay sinusundan ng mga pagsasanay o pagtataya upang masukat ang pag-
unawa sa kanilang binasang teksto. (5) Nalalaman ang pag-unlad sa kakayahang bumasa at umunawa sa
tekstong binasa ng mag-aaral. Ang huling layunin ay naisakatuparan mula sa mga naibalik na modyul at
mga resulta sa mga pagtataya at pagsasanay na naisagawa. Matapos ang 8 linggong remedyal, nalaman at
nasukat ang pag-unlad ng mga mag-aaral na napabilang sa non-readers at frustration readers. Nagkaroon
ng pag-angat o pagtaas ng kanilang kakayanan sa pagbasa.

V- Konklusyon at Rekomendasyon
Makikita sa datos ng talahanayan ang resulta sa isinagawang remedyal para sa mga non-readers
at frustration readers. Mapapansin ang pag-angat o pagtaas ng lebel ng pagbasa ng mga mag-aaral, mula
sa pinakamababa patungo sa mataas na antas ng pagbasa. Masasabing matagumpay ang isinagawang
prorama batay sa nagging resulta nito, ang suportang natanggap mula sa mga kasamahan sa paaralan, mga
kasapi ng barangay, mga minamahal na magulang at ang mga mag-aaral na pinakadahilan kung bakit
nagkaroon ng programang ito.
Batay sa resulta, mainam na maipagpatuloy ang programang ito sa mga sususnod na mga taon dahil sa
natatangi nitong layuning para sa mga mag-aaral. Mas magiging epektibo ang programang ito kung ang
lahat na mga guro ay bukas-palad at handang magsakripisyo sa pagtuturo ng pagbasa sa mga kabataan
natin. Gayundin ang buong suporta ng mga mag-aaral sa kanilang mga anak lalo na kung alam nilang
kailangang pagtuonang-pansin ang kasanayang ito sa kanilang mga anak.

VI- Resulta sa pagbibigay ng mga materyales

Dahil tayo ay nahaharap sa pandemyang COVID-19 sa panahon ngayon, ang mga paaralan ay
gumawa ng paraan upang maipagpapatuloy ang reading intervention para sa mga mag-aaral na nasa Non-
readers at frustration level. Nagkaroon din ng personal na pagtawag at pagpadala ng mensahe sa mga
magulang upang ipaalam ang nasabing programa. Ang mga magulang mismo ang nagbigya ng kanilang
oras sa pagpunta sa paaralan upang kunin ang mga materyales sa pagbasa, siyempre hindi nakaligtaan ang
mga safety protocols sa pagsasagawa nito.

readers at frustration level. Nakipagtulungan ang mga guro sa opisyales ng mga barangay upang mas
mapadaling mpaabot ang mga modyul. Inihatid sa barangay ang mga modyul, mula naman sa barangay ay
kiunah ng mga Purok lider para sila na ang magbigay nito bawat bahay ng mga mag-aaral dahil sa ila ag
mas nakaikilala sa kanilang purok o kominidad. Nagkaroon din ng personal na pagtawag at pagpadala ng
mensahe sa mga magulang uang ipaaam ang nasabing programa. Mayroon ding paaralan na ang mga guro
ang naghatid ng mga materyales sa mga tahanan ng mga mag-aaral na malapit sa paaralan at pinapabasa
ng indibidwal ang mag-aaral ngunit inaaplay ang 1-meter social distancing at kailangang nakasuot ng face
mask. Mayroon ding ngpapadala ng mga babashin online at binasa ng mag-aaral habang nakaharap ang
guro online sa mga lugar na mayroong internet connection. Dahil sa may mga barangay na nabibilang sa
high-risk areas, minabuti ng mga guro na ang mga magulang na lamang ang kukuha ng mga modyul.
Republic of the Philippines
DEPARTMENT OF EDUCATION
Region XI
DIVISION OF DAVAO CITY

PAGSASAGAWA NG DISTRIBUSYON NG MGA

MATERYALES SA PAGBABASA

VII- Aktuwal na Paglalapat sa Resulta ng mga Datos

Mula sa pagtutulungan ng mga guro, nabuo ang datos na ipinakita sa itaas ang mga mag-aaral
na nasa lebel ng non-readers ay umangat o tumaas ang antas sa pagbasa matapos ang walong linggo na
remedyal. Ipinapakita dito na ang achievement rate ng mga non-readers ay nasa 33.4% na bahagdan at
ang mga nabibilang naman sa frustration readers ay umabot sa 71.43% na bahagdan.
Mula sa mga naipakitang mga datos, masasabing matagumpay ang na naiskatuparan ang
proramang ito dahil sa makikitang pag-unlad ng mga kakayanan ng mga mag-aaral sa kanilang pagbasa.

Inihanda ni:

DESSERRE MAE A. NIMER

Filipino Pagbasa Coordinator
Republic of the Philippines
DEPARTMENT OF EDUCATION
Region XI
DIVISION OF DAVAO CITY

Pinagtibay ni:

JANETH C. MUSA
Communal NHS School Head

You might also like