You are on page 1of 2

Unang Markahan: Mga Akdang Pampanitikan ng Timog-Silangang Asya

FL 1:
 Maikling Kuwento (mula sa Singapore)
 Denotatibo at Konotatibong Kahulugan
 Mga Salitang Ginagamit sa Pagsusunod-sunod ng mga Pangyayari.

Ang Ama
Maikling Kuwentong Makabanghay mula sa Singapore na isinalin sa Filipino ni Mauro R. Avena

Nagsimula ang kuwento na may magkahalong nararamdamang takot at pananabik kapag hinihintay ng mga bata ang kanilang ama. Ang
takot sa tuwing uuwing lasing at sila ay bugbugin. Pananabik dahil paminsan-minsan ay may iniuuwi itong isang malaking supot ng mainit na pansit
na iginisa sa itlog at gulay. Ngunit ang isang supot na pansit ay para lamang sa kanya, marami lang ito at hindi niya kayang maubos, kaya’t ang
natitira ay pinagkakaguluhan ng mga bata. Hinahati ito ng  ina at bibigyan ng kanya-kanyang parte ang lahat kahit ito’y sansubo lamang.
Anim lahat ang mga bata. Ang dalawang pinakamatanda ay isang lalaki na dose anyos at isang babae na onse; matatapang ang mga ito
kahit na payat. May dalawang lalaking kambal na nuwebe anyos, isang maliit na babae na otso anyos at isang dos anyos na maliit pa at bunso sa
mga magkakapatid.
Laging natatakot ang mga bata sa kanilang ama na sinasaktan sila, at ang laging nasasaktan nito ay si Mui-Mui. Nang umuwi ang ama na
nasisante sa trabaho sa lagarian, si Mui-Mui na iyak nang iyak ay biglang sinuntok sa mukha na tumalsik sa kabila ng kuwarto. Nahimasmasan
naman ito ngunit pagkaraan ng dalawang araw, si Mui-Mui ay binawian na ng buhay dahil sa pangyayari.
Labis na kalungkutan ang nadama ng ama sa pagkawala nito. May binigay na abuloy ang kaniyang amo at napagtanto sa kanyang sarili na
dapat na siyang maging mabuting ama. Nagtungo siya ng bayan at namili ng pagkain. Nakita ito ng kanyang ibang anak, at sinundan nila ang ama,
patungo ito sa libingan ng kanyang anak na si Mui -Mui. Inihandog niya ito sa anak, ngunit umulan. Pinagsaluhan ng mga bata ang natirang pagkain
mula sa mga nasira ng ulan na binili ng kanilang ama.  

 Denotasyon- ay ang sentral o ang pangunahing kahulugan ng isang salita. Ang kahulugan nito ay hinango mula sa diksiyonaryo.
 Halimbawa: Mabango ang bulaklak ng rosa. (bahagi ng halaman)

 Konotasyon- Ito ay maaring magtaglay ng mga pahiwatig na emosyon o saloobin. Ang pagkakahulugang nito ay maaring magiba-iba ayon
sa paggamit nito.
 Halimbawa: Mabulaklak ang iyong dila, kaibigan! (mambobola)

 MGA SALITANG GINAGAMIT SA PAGSUSUNOD-SUNOD NG MGA PANGYAYARI


May mga salita o ekspresyong sadyang ginagamit sa paglalahad o pagsusunod-sunod ng mga pangyayari sa isang kuwento o
salaysay. Ginagamit ang mga salitang ito upang malinaw na maipakita ang kaugnayan ng isang pangyayari sa iba pang pangyayari
o sa buong kuwento.

1. Kalimitang ginagamit ang sumusunod na mga salita at ekspresyon sa paglalahad ng mga pangyayari: sa simula, pagkatapos,
pagkalipas, pagkaraan, saka, dahil sa, sa pagkatapos, sa wakas, at iba pa.
 Halimbawa: Sa wakas, napagtanto niyang siya ay nagkamali.

2. Kapag ang pinagsusunod-sunod ay mga pangngalan, gumamit ng mga pang-uring pamilang na panunuran o ordinal. Ang mga bilang
na ito ay makapagpapakita ng pagkakasunod-sunod ng mga tao, bagay, hayop, lugar at gawain.
 Halimbawa: Una si Doris, pangalawa si Mario, pangatlo si Anna

3. Kapag ang pinagsusunod-sunod ay proseso o paraan ng pagsasagawa ng isang bagay tulad sa pagluluto, paglalaba, pagkukumpuni ng
sasakyan, paggawa ng iba’t ibang bagay, o’yong mga tinatawag na tekstong prosidyural, makatutulong ang paggamit ng sumusunod:

 Mga salitang nagpapakita ng pagkakasunod-sunod tulad ng una, kasunod, panghuli, at iba pa.
 Mga salitang “hakbang” at pang-uring pamilang
 Halimbawa: STEP 1, STEP 2, STEP 3
Unang Hakbang, ikalawang Hakbang, Ikatlong Hakbang
---------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------

GAWAIN 1: Ibigay ang denotasyon at konotasyon ng salita o pangkat ng mga salitang may salunguhit sa bawat pangungusap. Isulat ang mga sagot
sa tsart na nasa ibaba.
1. Natatandaan ng mga bata ang isa o dalwang okasyon na sinorpresa sila ng ama ng kaluwagang-palad nito.
2. Ang halinghing ni Mui Mui ay parang kudkuran na nagpapangilo sa nerbiyos ng ama.
3. Dala ng kagandahang-loob, nagbigay ang amo niya ng sariling pakikiramay kalakip ang munting aboloy nito.
4. Ipinaglalamay niya ang wala sa panahong pagkamatay ng kanyang dugo at laman.
5. Madilim na ang langit at ang maitim na ulap ay nagbabantang mapunit anumang saglit.

Mga Salita Denotasyon Konotasyon


1. kaluwagang- palad
2. nagpapangilo
3. abuloy
4. kanyang dugo at laman
5. madlim na ang ulap

GAWAIN 2: Suriin ang binasang akda ayon sa batayang ibinigay sa sumusunod na tsart.
Batayan Pagsusuri
Paksa

Mga Tauahan
Pagkakasunod-sunod ng mga pangyayari at
mga ginamit na salita (atleast 5)

Estilo na awtor

Kaugnayan sa kasalukuyang Lipunang Asyano

GAWAIN 3: Pumili ng isang telenobela na iyong napanuod na nagpapakita ng lipunang Asyano. Gamit ang Venn diagram, ihambing ang ilang
pangyayari sa lipunang Asyano ngayon at sa mga piling pangyayari sa telenobela batay sa napakinggang diyalogo ng mga tauhan. Magbigay
lamang ng limang pangyayari.

Mga Kaganapan sa Lipunag Asyano Mga Pangyayari sa napanood na


Ngayon Telenobela

GAWAIN 4: Bumuo ng dalawang sariling slogan na nagpapahiwatig sa kahalagan ng pampanitikan sa Timog-Silangang Asya.

Napakahusay Mahusay Katamtaman Nangangailangan pa ng


PAMANTAYAN Kasanayan
4 3 2 1
Ang mensahe ng dalawang Di-gaanong naipakita
NILALAMAN Medyo magulo ang Walang mensaheng
slogan ay mabilisang ang mensahe sa isa sa
mensahe naipakita.
naipakita. mga slogan
Maganda ngunit di
Napaganda at napakalinaw Maganda at malinaw Di maganda at malabo
PAGKAMALIKHAIN gaanong malinaw ang
ng pagkakasulat ng mga ang pagkakasulat ng ang pagkakasulat ng mga
pagkakasulat ng mga
titik. mga titik. titik.
titik.
KAUGNAYAN SA May malaking kaugnayan Di gaanong naipakita Kaunti lamang ang
Walang kaugnayan sa
PAKSA sa paksa ang dalawang ang paksa sa isa sa mga kaugnayan ng islogan
paksa ang islogan.
islogan. islogan. sa paksa.
KALINISAN Malinis na malinis ang Malinis ang Di-gaanong malinis Marumi ang
pagkakabuo. pagkakabuo. ang pagkakabuo. pagkakabuo.

You might also like