You are on page 1of 5

MALA-MASUSING BANGHAY-ARALIN SA FILIPINO 6

Ika-15 ng Nobyembre, 2022

I. KASANAYANG PAMPAGKATUTO:
WIKA AT GRAMATIKA:
NAGAGAMIT NG WASTO ANG KAYARIAN AT KAILANAN NG PANG-URI SA
PAGLALARAWAN SA IBAT -IBANG SITWASYON F60L-II-e-4

II. PAKSANG-ARALIN:
a. Balarila :
KAYARIAN AT KAILANAN NG PANG-URI
b. Sanggunian
2016 k-12 gabay pangkurikulum (F60L-IIa-e4)filipino 6,pahina 121.
Most essential learning competencies(MELC) 2020.pp.167
* * Sariling kathang mga Akda :

c. Kagamitan :
Visual Aids
Laptop/PowerPoint Presentation
Activity Sheets
Telebisyon

III. PAMAMARAAN:

1.PAGSASANAY
* AWIT TUNGKOL SA PANG-URI. (MUSIC INTEGRATION)
2.. BALIK -ARAL :

ALAMIN ANG MGA SALITANG NAGLALARAWAN SA BAWAT PANGUNGUSAP

1. MASARAP ANG PIZZA KINAIN KO KANINA


2. NALILIGO SI ANA SA MALINAW NA ILOG
3. SINA MAMA AT PAPA AY MAPAGMAHAL
4. ISANG DAANG PISO ANG NAPANALUNAN KO SA LOTTO
5, MALAMBOT ANG UNAN NI MARIA

3.PAGLALAHAD:

KAYARIAN AT KAILANAN NG PANG-URI

4.PAGTATALAKAY:
MGA KAYARIAN NG PANG-URI
A .PAYAK- SALITANG NAGLALARWAN NA BINUBUO NG SALITANG -UGAT
HALIMBAWA:GANDA ,SARAP,BIGAT ,LAKAS,LIKSI,TAAS
B .MAYLAPI :MGA SALITANG NAGLALARAWAN NA BINUBUO NG SALIT-UGAT
AT PANLAPI:

4.1 UNLAPI-ANG PANLAPI AY MATATAGPUAN SA UNANG BAHAGI


SALITA
Hal: maganda,mabaho, matangkad
4.2.GITLAPI- ANG PANLAPI AY MATATAGPUAN SA GITNANG
BAHAGI NG SALITA
Hal:gumanda ,tumataas
4.3 HULAPI -ANG PANLAPI AY MATATAGPUAN SA HULING
BAHAGI NG SALITA.
Hal: gandahan ,liitan
4.4 MAGKABILAAN- ANG MGA PANTIG NG SALITA AY
MATATAGPUAN SA UNAHAN AT HULING BAHAGI NG SALITA
Hal. Matulungin ,madasalin
Page 1 of 5
3. INUULIT
DALAWANG URI NG PANG-URING INUULIT:
3.1 Inuulit na ganap- pag -uulit ng buong salita
Hal: matabang-mataba
Malaking-malaki
Magandang-maganda
3’2 Inuulit na di ganap-paguulit ng isang pantig o bahagi ng salita
Hal: matataba
Malalaki

4. TAMBALAN-DALAWANG SALITA NA PINAGSAMA UPANG MAKABUO NG


PANIBAGONG KAHULUGAN NA PANG-URI
Hal: balat+sibuyas= balat sibuyas = ibig sabihin sensitibo, iyakin
Anak-pawis =anakpawis =ibig sabihin mahirap

KAILANAN NG PANG-URI (MATHEMATICS INTEGRATION)


1. ISAHAN-tumutukoy sa isang inilalarawan
Hal: maputi ang kulay ng balat ni sarah
2. DALAWAHAN=higit sa iisa ang inilalarawan
Hal:parehong maputi ang kulay ng balat nina sarah at laila.
3. MARAMIHAN- Higit sa dalawa ang inilalarawan
Hal: mapuputi ang kulay ng balat ng pamilya ni sarah.

( DIFFERENTIATED INSTRUCTION)

PANGKAT 1.
SALUNGGUHITAN ANG PANG-URI SA PANGUNGUSAP AT TUKUYIN ANG
KAYARIAN NITO.ISULAT ANG TITIK P SA PATLANG KUNG PAYAK, M-KUNG MAYLAPI, I
KUNG INUULIT AT T-KUNG ITO AY TAMBALAN
1. ____________ Ang gusaling iyon ay kasintaas ng bundok.
2. ____________ Nakita ko sa labas ang basahan na pira-piraso
3. ____________ Nais niyang tumira sa bayan na payapa.
4. ____________ Abot-kaya na ngayon ang mga paninda niya.
5. _____________ Humihingi ng tulong sa kanyang kaibigan ang babaeng litung-lito

PANGKAT 2.
BASAHIN ANG TALAARAWAN AT SALUNGGUHITAN ANG MGA PANG-URING
GINAMIT.

BIYERNES,SEPTEMBER 15
---Pagkatapos ng klase dumalo kami sa magarbong kaarawan ni jessica.
Marami kaming dumalo kaya napakasaya nito. Nakakaakit at nakagagayak ang tugtug kaya ang
mga binata ay di napigil sumayaw sa mabilis na tiempo ng tugtug na kagiliw-giliw para sa
kanila.Maganda ang mga palamuti ng kapaligiran dahil makikislap at ibat-ibang kulaybng mga
ilaw. Masarap ang pagkaing inihanda . Malalim na ang gabi nang kamiy umuwi.

PANGKAT 3
ISULAT SA PATLANG ANG TITIK I KUNG ANG KAILANAN NG PANG-URING MAY
SALUNGGUHIT AY ISAHAN D KUNG DALAWAHAN AT M KUNG MARAMIHAN
____________ 1. Ang dalawang manlalaro ng basketbol ay magsingtangkad.
_____________ 2 Ang Limang turista ay umakyat sa mataas na bundok.
_____________ 3.Malulusog ang mga alagang hayop ni mang Berting.
_____________4.Mahapdi parin ang sugat ni Henry sa tuhod
_____________ 5.Si Juan ay kasingkupad ni Jerry magtrabaho

Page 2 of 5
5.PAGLALAHAT: ( HOTS QUESTIONS )

ANO-ANO ANG NATUTUHAN NINYO NGAYON?

PAANO NATIN GAGAMITIN ANG MGA PANG-UR?


BAKIT KAILANGAN NATING GAMITIN ANG MGA PANG-URI?
NAGUSTUHAN MO BA ANG ATING ARALIN?

KAYARIAN NG PANG-URI
PAYAK MAYLAPI INUULIT TAMBALAN

-ITO AY BINUBUO -ITO AY SALITANG KAPAG ANG SALITA ITO AY BINUBUO NG


NG SALITANG UGAT UGAT AT MAYLAPI AY INUULIT DALAWANG
LAMANG MAGKAIBANG
SALITA

KAILANAN NG PANGURI

ISAHAN- Tumutukoy sa isang inilalarawan.


DALAWAHAN-Higit sa iisa ang inilalarawan
MARAMIHAN -Higit pa sa dalawa ang inilalarawan

6.APLIKASYON:
GAMITIN ANG WASTONG KAYARIAN AT KAILANAN NG PANG-URI NA NASA LOOD
NG PANAKLONG
( masaya- inuulit) 1.___________ ang magkakaibigan sa kanilang paglalaro
(tangkad-maylapi) 2.__________ Ang isang batang lalaki
(lungkot-maylapi) 3.___________ parang malungkot ang isang nakaupong batang babae.
(kulay-maramihan) 4. __________ ang damit ng mga bata.
(magkalahi-maramihan)5._______ silang lahat.

1V. PAGTATAYA:

PANUTO: PUNAN NG ANGKOP NA PAG-URI ANG PATLANG UPANG MABUO


ANG DIWA NG BAWAT PANGUNGUSAP. PILIIN ANG TITIK NG TAMANG SAGOT AT
ISULAT SA SANGKAPAT NA BAHAGI NG PAPEL.

1. Naging ___________ si Lisa nang nagsumikap sa kaniyang trabaho at nakapagtayo ng


sariling negosyo.
A. Mayaman B.maganda C. Matiyaga D. Malinis
2. ___________ na ang mga alagang manok ni mang Tonyo,kaya maari na itong ipagbili sa
palengke
A. maliit-liit B. Malaki-laki C. Mapapayat D. Mapupula.
3. Upang walang masayang na pagkain,nagluluto lamang sila nang ________ para sa kanila.
A. Sapat B. kaunti C.kulang D.sobra-sobra
4. ____________ na ang alaga naming tuta kaya lalo itong nakakaaliw.
A. Makulit B. Mataba C. Mabilis D. Maamo
5. _____________ ang sapatos na nabili ko, mura na matibay pa.
A. Sakit na sakit B. mura C. Mamahalin D. Magarbo

Page 3 of 5
V .TAKDANG -ARALIN
Sumulat ng isang maikling talatang naglalarawan tungkol sa alin man sa
sumusunod.pumili lamang ng isa. Gumamit nang wastong kayarian at kailanan ng pang-uri sa
paglalarawan.(10 puntos)
* paborotong laro
* hinahangaang tao
* lugar na nais puntahan
*gadyet na nais bilhin

RUBRIK SA PAGMAMARKA:

PAMANTAYAN PUNTOS
1. KAWASTUHAN GAMIT NG KAYARIAN AT KAILANAN NG PANG- 6 PUNTOS
URI
2.PAGKAMALIKHAIN SA PAGKAKASULAT 2 PUNTOS
2. KAAYUSAN NG NILALAMAN 2 PUNTOS
KABUUAN 10 PUNTOS

INIHANDA NI:

Gng. Arlene B. Amoroso


Teacher III

Page 4 of 5
Page 5 of 5

You might also like