You are on page 1of 3

Pangalan: Babaran, Pamela R.

Konseptong Papel
Asignatura: Pagbasa at Pagsusuri Grade 11

Kakulangan ng Imprastraktura at Kagamitang Pang-akademiko sa mga


Pampublikong Paaralan sa Pasig.

I. Rasyunal
Sa panahon ngayon, may mga hindi maiiwasang sakuna, krisis o iba
pang kalamidad na may malaking epekto sa pamumuhay, ekonomiya at
lalo na sa sektor ng edukasyon. Sa unti-unti nating pagbangon
mula sa pandemya, edukasyon ang pangunahing pinagtutuunan ng
pansin ng pamahalaan. Kaya naman, naging malaking hamon para sa
mga bahagi ng sistema ng edukasyon kung aling pamamaraan ang
angkop para patuloy na makapagbigay ng de-kalidad na edukasyon.
Isa sa mga seryosong kinakaharap ng mga mag-aaral ay ang
kakulangan ng mga kagamitang pang-akademiko. Sa Pilipinas,
napakahalaga para sa isang tao na magkaroon ng karunungan dahil
naniniwala sila na ang kaalaman ang susi upang malampasan ang
mga kahirapan sa buhay. Ngunit paano makakatakas ang mga
Pilipino sa hirap ng buhay kung hindi nila nakukuha ang
de-kalidad na edukasyong nararapat sa kanila dahil ito ay
nakasaad sa ating Saligang Batas? Dahil sa dumaraming bilang ng
mga mag-aaral sa mga pampublikong paaralan sa buong bansa, may
kakulangan ng mga silid-aralan para sa mga mag-aaral. Bilang
resulta, ang mga mag-aaral ay nagsisiksikan sa maliliit na
silid-aralan na idinisenyo lamang para sa pag-aaral.Dagdag pa
nito ang init ng panahon na nagbibigay sa kanila ng karagdagang
pasanin. Ayon sa statistics ng DepED, ang mga silid-aralan na
dapat ay mayroong 30-40 mag-aaral para sa epektibong pagkatuto
ay mayroong 60-70 mag-aaral. Sa ganitong sistema ng edukasyon sa
ating bansa, kapansin-pansin ang tiyaga at paghihirap ng mga
estudyante, pati na rin ang mga guro.

II. Layunin
Ang layunin ng pananaliksik na ito ay matugunan ang mga
pangangailangan ng mga guro, mag-aaral at magulang sa isang
pampublikong paaralan. Ang mananaliksik ay naglalayong paunlarin
ang mga sumusunod:
1. Pagbibigay ng mas maayos na sistema ng pagkatuto sa
paaralan sa Pasig.
2. Maisunod ang nakatatak sa saligang batas na patungkol sa
karapatan ng mga mag-aaral na palakasin ang kalidad at
komprehensibong paraan sa pabibigay ng kaalaman sa mga
estudyante.
3. Mailahad ang mga hinaing ng mga estudyante]
4. Mabatid ang mga maitutulong ng pamahalaan sa mga mag-aaral.
5. Makapagbigay ng iba’t ibang solusyon sa isyu patungkol
dito.

III. Metodolohiya
Ang kabanatang ito ay nagpapakita kung paano isinagawa ng
mananaliksik ang pag-aaral. Gumagamit ang pag-aaral na ito ng
mga qualitative case study upang mapadali ang pagkolekta at
paggalugad ng mga pananaw ng mag-aaral sa mga sitwasyong
pang-edukasyon. Ang pamamaraang ginamit ng mga mananaliksik sa
pangangalap ng datos ay ang paggamit ng mga talatanungan sa
pamamagitan ng Google forms. Nakatuon ang pag-aaral na ito sa
quantitative analysis. Ang mga konklusyon ay ganap na nakabatay
sa mga resulta ng survey at mga nakaraang pag-aaral ng iba pang
mga mananaliksik.
Kinokolekta ang impormasyon sa pamamagitan ng mga personal na
panayam upang ito ay detalyadong maihayag mula sa mananaliksik,
tulad ng mga personal na karanasan,kaalaman at saloobin tungkol
sa kakulangan ng kagamitan at ang epekto nito sa kanilang
pananaliksik at pag-aaral. Kapanayam ng mananaliksik ang mga
mag-aaral sa pampublikong paaralan sa Pasig City.

IV. Inaasahang Output o resulta


Ang Inaasahang kalalabasan ng pag-aaral ay ang masagot ang mga
nalahad na suliranin at mabigyan ng sapat na datos ang
isinasagawang pag-aaral upang mabigyan kalinawan ang mga opinyon
ng mga mag-aaral ukol sa mga paraan ng pagreresolba ng isyu.
Pagiging bukas ang isip ng mga mamamayan patungkol sa isyu na
ito. Maaring magpatakbo ng donation ang mga mamamayan. Ang
pamahalaan at departamento ng edukasyon ay hinihangad na gumawa
ng aksyon sa mga responsibilidad nito. Minimithi ng mananaliksik
na mas maging maayos ang pagbabudget sa pera ng bansa.

You might also like