Professional Documents
Culture Documents
01 Handout 1 Pagbasa
01 Handout 1 Pagbasa
Ayon Kay William Morris, editor-in-chief ng “The American Heritage” at awtor ng “Your Heritage Dictionary of
Words”, ito ay ang pagkilala sa kahulugan ng mga nakasulat na salita.
Sa Dictionary naman ni Webster, ang Pagbasa ay isang kilos o gawa ng isang taong bumabasa ng aklat, sulatin,
at ibang nasusulat na bagay.
Katangian ng Pagbasa
a. Naiuugnay sa pakikinig, pag-unawa, at pagsulat. Sa pagbabasa ay tulad din ng pakikinig, sa
pamamagitan ng iyong pag-unawa ay nagkakaron ka ng ideya kung ano ang mga dapat itala o
isulat.
b. Lumilinang ng iba’t ibang kakayahan
• Kasanayan sa pagkuha ng pangunahing detalye at mga kaugnay na detalye
• Kasanayan sa pagbuo ng hinuha o palagay
Kahalagahan ng Pagbasa
Narito ang ilang kahalagahan ng pagbasa na ating uunawain upang ating mas makita ang gamit ng pagbasa at
ang importansiya nito.
1. Nadadagdagan ang kaalaman - Sa pamamagitan ng pagbasa ay napapalalim natin ang ating konsepto
o kaalaman sa isang bagay.
4. Nahuhubog ang kaisipan at paninindigan - Sa pagbabasa ng mga batas at iba pang artikulo tulad ng
mga lathalang maykinalaman sa karapatang pantao, tayo ay natututong magkaroon ng prinsipyo o
adbokasiyang magiging gabay ng ating kaisipan at paninindigan o prinsipyo.
6. Nakatutulong sa mabibigat na suliranin at damdamin - Gaya ng pagbasa ng mga “joke book” o komiks
na nakapagbibigay ng aliw at panandaliang nakaaalis ng pokus sa pag-iisip ng suliranin na siya naming
nagpapagaan ng ating pakiramda
7. Nagbibigay ng inspirasyon sa nakikita ng iba’t ibang antas ng buhay at anyo ng daigdig - Tulad ng
pagbasa ng mga aklat na may temang pagbibigay ng inspirasyon sa buhay, pag-ibig, pagbangon sa
mga suliraning nag gupo o naglugmok sa atin, o di kaya naman ay mga istorya ng pagbabago at
pagtatagumpay sa buhay.
Paghahanda sa Pagbabasa
Bago magbasa, ano ng aba ang marapt gawin upang mas maging maayos at maganda ang ating karanasan
sa pagbabasa? Narito ang ilang punto ng paghahanda na marapat na isaalang alang sa paghahanda sa
pagbabasa:
1. Paghahawan ng Sagabal
Pinaniniwalaan na ang bawat isa ay may kanya kanyang istilo ng pagunawa sa teksto tulad ng
pababasa habang nakikinig ng musika, kumakain, o nakahiga. Para sa iba ang mga nabanggit ay
epektibong pamamaraan sa pagunawa ng binababasa ngunit sa pananaw ng mga guro at edukador,
ang pagbabasa ay nangangailangan ng konsentrasyon at ang paghawan ng sagabal ay isa sa
pinakamabisang paraan. Sagabal na maituturing ang mga ingay at iba pang ekstrang gawain na
makakaagaw ng atensyon ng pagbabasa. Ika nga sa wikang ingles: “You cannot do two (2) things at
the same time.”
Halimbawa:
Ang pagsabayin ang pagbabasa ng leksyon at panunuod ng paborito mong palabas ay hindi magiging
matagumpay. Maaaring naunawaan mo ang leksiyon ngunit hindi mo nasulit ang palabas, o sa
kabaligtaran, naunawaan mo ang palabas ngunit hindi mo naman namemorya o naisaulo ang leksiyon.
Sa paglalagom, iminumungkahi na umiwas o alisin kung ano man ang makakasagabal sa pagbabasa
lalo na kung ito ay importante na dapat malaman o matutunan.
2. Angkop na Lugar
Pinakaangkop na lugar para sa pagbabasa ay ang silid-aklatan. Bukod sa tahimik ito at may wastong
bentilasyon, abot kamay ng mambabasa ang iba’t ibang uri ng aklat, journals, reference materials, at
iba pa. Mainam rin ang magkulong sa silid na malayo sa sagabal, tulad ng batang naglalaro sa bahay,
upang maging matagumpay ang pagbabasa.
3. Pagpopokus ng Atensyon
Bilang paghahanda at pagtatamo ng mabisang pamamaraan sa pagbasa ng materyal na teksto,
ugaliing magbasa ng walang hinto. Tuwing nagbabasa ng teksto, ugaliing tapusin ito hangga’t maaari.
Batay sa pananaliksik ng mga dalubhasa, maaaring tumigil nang bahagya ngunit ang pagsasanay sa
matagalang pagbasa ay higit na mabisa kaysa sa estilong pahintu-hinto.
Halimbawa:
Kung ikaw ay nagbabasa at nag hahanda para sa pagsusulit iminumungkahi na iwasan ang paggamit
ng cellular phone o ang pagsilip-silip dito lalo’t higit kung wala namang importanteng tawag o mensahe
na hinihintay. Nakakahati ito sa atensiyon at maaari pang kunin ang oras na ginagamit o inilaan para
sa pag-aaral. Maliban na lamang kung ang gadget na ito ay ginagamit natin bilang kasangkapan sa
pag-aaral tulad ng paggamit ng diksyunaryo na isa sa mga application na meron ang makabagong
telepono o di kaya naman ay pananaliksik gamit ang internet.
4. Pamilyarisasyon sa Teksto
Bago basahin ang teksto na kadalasan ay sanaysay, maging pamilyar sa paksa nito. Basahin ang
pamagat at alamin kung sino ang may akda nito. Kung may pagkakataon ay alamin ang ilan sa mga
impormasyon tungkol sa may akda para sa higit na mas madaling pagkaunawa. Bigyan ng panahon
ang pagkuha ng mga salitang hindi pamilyar at maaaring ilista ang mga ito upang malaman sa mga
sanguniaang aklat tulad ng diksyonaryo. Kung may ilustrasyon, tsart, o mapa na bahagi ng teksto ay
suriin din at alamin kung paano ito nauugnay sa mga teksto.
Ang mga hakbang na nabanggit ay mahahalagang tandaan upang maging mabisa at kapaki-pakinabang ang
pagsasagawa ng seryosong pagbabasa.
1. Teoryang Bottom-Up
Ito ay isang tradisyunal na pagbasa. Ito ay bunga ng teoryang behaviorist na higit na nagbibigay pokus
sa kapaligiran sa paglinang ng komprehensyon sa pagbasa. Ayon dito, ang pagbasa ay pagkilala ng
serye ng nakasulat na mga simbolo upang maibigay ang katumbas nitong tunog. Nananalig ang
teoryang ito na ang pagkatuto sa pagbasa ay nagsisimula sa pagkilala sa mga titik, salita, parirala, at
pangungusap bago malaman ang kahulugan ng teksto. Sinasabi nitong ang pagbasa ay pagkilala ng
mga salita, at ang teksto ang pinakamahalaga sa pagbasa. Ang mambabasa ay isang pasib na
partisipante lamang sa proseso ng pagbasa dahil ang tanging tungkulin niya ay ulitin ang lahat ng mga
detalyeng nakasaad sa tekstong kanyang binasa. Ang proseso ng pag-unawa ayon sa teoryang ito, ay
nagsisimula sa teksto (bottom), patungo sa mambabasa (up), kaya tinawag itong bottom-up. Tinatawag
din itong "outside-in" o "data driven" sapagkat ang impormasyon sa pag-unawa ay hindi nagmula sa
tagabasa kundi sa teksto.
2. Teoryang Top-Down
Nabuo ito bilang reaksyon sa naunang teorya. Ito ay dahil napatunayan ng maraming dalubhasa na
ang pag-unawa ay hindi nagsisimula sa teksto kundi sa mambabasa tungo sa teksto. Ito ay
impluwensya ng sikolohiyang Gestalt na naniniwalang ang pagbasa ay isang prosesong holistik. Ayon
dito, ang mambabasa ay napakaaktib na partisipante sa proseso ng pagbasa, na siya ay may taglay
na dating kaalamang nakaimbak sa kanyang isipan ay may sariling kakayahan sa wika na kanyang
ginagamit habang nakikipagtalastasan sa may-akda sa pamamagitan ng teksto. Tinatawag din ang
teoryang ito na "inside-out" o "conceptually-driven" dahil ang kahulugan o impormasyon ay nagsisimula
sa mambabasa patungo sa teksto. Ito ay nangyayari dahil ang mambabasa ay gumagamit ng kanyang
mga dating kaalaman at ng konseptong nabuo sa kanyang isipan mula sa kanyang mga karanasan at
pananaw sa paligid. Bunga nito, nakakabuo siya ng kanyang mga palagay at hinuha na kanyang
iuugnay sa mga ideyang inilalahad ng awtor ng isang teksto.
3. Teoryang Interaktib
Bunga naman ito ng pambabatikos ng mga dalubhasa sa ikalawang teorya. Ayon sa mga proponent
nito, ang top-down ay maaaring akma lamang sa mga bihasa nang bumasa at hindi sa mga baguhan
pa lamang. Higit na angkop daw ang kombinasyong top-down at bottom-up na nagpapahiwatig ng
dalawang direksyon ng komprehensyon, itaas-pababa at ibaba-pataas. Ayon sa teoryang ito, ang teksto
ay kumakatawan sa wika at kaisipan. Dito nagaganap ang interaksyonng awtor-mambabasa at
mambabasa-awtor. Kung gayon, ang interaksyon ay may dalawang (2) direksyon o bi-directional.
Masasabing ang teoryang ito ay isang pagbibigay-diin sa pag-unawa sa pagbasa bilang isang proseso
at hindi bilang produkto. Sa teoryang itong, mahalaga ang larangan ng metakognisyon na nahihinggil
sa kamalayan at kabatiran sa taglay na kaalaman at sa angking kasanayan ng mambabasa.
4. Teoryang Iskima
Mahalaga ang tungkuling ginagampanan sa pagbasa ng dating kaalaman ng mambabasa. Ito ang
batayang paniniwala ng teoryang iskima. Bawat bagong impormasyong nakukuha sa pagbabasa ay
naidaragdag sa dati ng iskima. Sa makatuwid, bago pa man basahin ng isang mambabasa ang teksto,
siya ay may taglay ng ideya sa nilalaman ng teksto mula sa kanyang iskima sa paksa.
A. Malakas na Pagbasa
Ginagamit ito sa mga pag-uulat sa seminar, symposium, konbukasyon at iba pa. Ito ay isinasagawa sa
sa harap ng mga tagapakinig. Ang layunin ng malakas na pagbasa ay mag-aliw, magbigay ng aral o
magturo ng kaalaman. Sa gawaing ito nagaganap ang pakikipagugnayan ng mambabasa at
tagapakinig. Suliranin sa ganitong uri ang antas ng pagkaunawa ng mga tagapakinig. Kaya’t mahalaga
sa pagbasa ng malakas ang husay sa pagbibitiw ng mga salita. Sa pamaamgitan nito ay mapapanatili
ang atensyon at konsentrasyon ng mga taga pakinig.
B. Pagbasa ng Tahimik
Ginagamit naman ito ng taong naglalayong magkamit ng lubos na kabatiran sa isang paksa. Sa
ganitong gawain, ang mambabasa ay gumaganap bilang tagabasa (reader) at taga-unawa (interpreter).
Ang interaksyon ay sa pagitan ng mambabasa at (awtor ng) teksto. Mahalaga sa gawaing ito ang
pagkakaroon ng tamang lugar na pagdarausan upang makamit ang tamang antas ng konsentrasyon.
Komprehensyon
Tanda ng epektibong pagbasa ang komprehensyon. Nagagnap ito habang may interaksyon ang teksto at ang
isipan ng mambabasa na siyang nagpapakahulugan. Ang wastong komprehensyon ay bunga ng intensibong
pagpapakahulugan sa mga kaisipan at konseptong nabasa o binabasa. Nabubuo ito sa tulong ng mga iskema
ng mambabasa.
Sanggunian:
San Juan, G., et. al. (2013). Pagbasa at pagsulat tungo sa pananaliksik. Granbooks Publishing Inc.
Cruz, C., et. al. (2010). Pagbasa at pagsulat sa masining na pannaliksik sa antas tersaryo. Mindshapers Co.,
Inc.