You are on page 1of 5

Paaralan Perpetual Help National High School Baitang/Antas 9 Baitang

Guro Lydah Trina M. Rodriguez Asignatura Araling Panlipunan


Petsa/Oras Nobyembre 26, 2022 Markahan Ikalawang Markahan

YUGTO NG
PAGKATUTO
I. LAYUNIN
A. Pamantayang Naipamamalas ng mga mag-aaral ang pag-unawa sa mga pangunahing
Pangnilalaman konsepto ng Ekonomiks bilang batayan ng matalino at maunlad na pang-
araw-araw na pamumuhay.

B. Pamantayan sa Naisasabuhay ang pag-unawa sa mga pangunahing konsepto ng


Pagganap Ekonomiks bilang batayan ng matalino at munlad na pang-araw-araw na
pamumuhay

C. Kasanayan sa Nailalapat ang kahulugan ng Ekonomiks sa pang-araw-araw na


Pagkatuto pamumuhay bilang kasapi ng pamilya at lipunan.

II. NILALAMAN ARALIN 1: KAHULUGAN AT KAHALAGAHAN NG


EKONOMIKS
PAKSA – Kahulugan ng Ekonomiks sa pang-araw-araw na pamumuhay

III. KAGAMITANG Aklat, Laptop, PPT Presentation


PANTURO
A. Sanggunian
1. Mga pahina sa Ekonomiks: Araling Panlipunan
Gabay ng Guro Gabay sa Pagtuturo, pp- 11-14

2. Mga pahina sa Ekonomiks: Araling Panlipunan


Kagamitang Pang- Modyul para sa Mag-aaral, pp – 12-17
Mag-aaral
3. Mga pahina sa Ekonomiks: Batayang Aklat Para sa Ikaapat na
Teksbuk Taon, pp – 11- 19

4. Karagdagang Google, Wikepedia, Slideshare, YouTube


Kagamitan mula sa
portal ng Learning
Resources
B. Iba pang Kagamitang Batayang aklat, organizer, cartolina strips, kaugnay na larawan,
Panturo talahanayan, Graphic organizer, laptop,projector, LED TV

IV. PAMAMARAAN Gawain ng Guro Gawain ng Mag-aaral


A. Balik-Aral sa Sino sa inyo ang makapagbibigay kung Binibini, tungkol po sa
nakaraang aralin ano ang tinalakay natin noong kahalagahan ng bahaging
at/o pagsisimula nakaraang talakayan? ginampanan ng mga
ng bagong aralin pandaigdigang organisasyon
sa pagsusulong ng
pandaigdigang kapayapan.

Maaari ko bang malaman kung ano ang Binibini, Ako po.


inaasahan nyo na mapag-aaralan natin Binibini, tungkol po ito sa
ngayon? Ekonomiks.

Magaling!
Ngayong araw, ating tatalakayin ang
tungkol Kahulugan ng Ekonomiks sa
pang-araw-araw na pamumuhay.

B. Paghahabi sa Ngayon, magkakaroon muna tayo ng


layunin ng aralin maikling gawain.

Sa loob ng sampong minute, inyong


sagutan ang Gawain 1: OVER SLEPT
sa pahina 13, at ang mga
pamprosesong tanong.
Binibini, saan po isusulat ang
sagot?
Sa isang malinis na papel. Maaari na po
kayong magsimula.

C. Pag-uugnay ng Tapos na po ba? Kung tapos na po, sa


mga halimbawa likod ng iyong papel, sagutang ang
sa bagong aralin tanong na ito.

Ano ang kahulugan ng ekonomiks sa


inyong pang-araw-araw na pamumuhay
bilang isang mag-aaral, kasapi ng
pamilya at lipunan?

Pagkatapos sagutan, ipasa ang inyong


mga papel, wag kakalimutan na lagyan
ito ng pangalan.

D. Pagtalakay ng Upang mas maintindihan pa natin ang


bagong konsepto ating aralin ngayong araw, Sino sa inyo
at paglalahad ng ang makakapagbigay ng kahulugan ng
bagong Ekonomiks?
kasanayan #1
Binibini ako po.
Sige, Sheila.
Ang ekonomiks ay isang
sangay ng Agham
Panlipunan na nag-aaral
kung paano tutugunan ang
tila walang katapusang
pangangailangan at
kagustuhan ng tao gamit ang
limitadong pinagkukunang-
yaman.

Tama!

Ang ekonomiks ay nagsimula sa salitang


Griyego na oikonomia na nagmula
naman sa dalawang salita; ang oikos na
ang ibig sabihin ay bahay at nomos na
nangangahulugang pamamahala.
E. Pagtalakay ng Upang mas maunawaan ang kahulugan
bagong konsepto ng Ekonomiks. Pakibasa nga Jessica ang
at paglalahad ng karugtong ng kahulugan ng ekonomiks
bagong na nasa libro? Pahina 15.
kasanayan #2 Ang ekonomiya at
sambahayan ay maraming
pagkakatulad. Ang
sambahayan, tulad ng local at
pambansang ekonomiya, ay
gumagawa rin ng mga
desisyon. Nagpaplano ito kng
paano mahahati-hati ang mga
gawain at nagpapasya kung
paano hahatiin ang
limitadong resources sa
maraming pangangailangan
at kagustuhan. Ang
pagpapasiya ng sambahayan
ay maaaring nakatuon sa
kung magkano ang ilalaan sa
pangangailangan sa pagkain,
tubig, tirahan, at ibang mga
bagay na nakapagbibigay ng
kasiyahan sa pamilya.

Upang maiwasan ang Kakapusan,


kailangang magdesisyon ang
pamayanan batay sa apat na
pangunahing katanungang pang-
ekonomiya na kapakipakinabang sa
lahat. Saan po isusulat binibini?

Suriin ang graphic organizer. Paano ito


makatutulong upang malunasan at
maiwasan ang kakapusan?

Sagutan nyo po ito sa inyong kuwaderno.

F. Paglinang sa Dumako naman tayo sa mahalagang


Kabihasnan konsepto sa ekonomiks. Bahagi na ng
(Tungo sa buhay ng tao ang pagkakatroon ng mga
Formative choices. Sa pagproseso ng pagpili mula
Assessment) sa mga choixes, hindi maiiwasan ang
trade-off. Ang trade-off ay ang pagpili o
pagsasakripisyo ng isang bagay kapalit
ng ibang bagay. Mahalaga ang trade-off,
sapagkat sa pamamagitan nito ay
maaaring masuri ang mga pagpipilian sa
pagbuo ng pinakamainam na pasya.
Halimbawa, mag-aaral ka ba o
maglalaro?

Para sa susunod niyong gawain,


kumuha ng isang malinis at long size
bond paper at sagutan ang Gawain 5:
MIND MAPPING sa pahina 17.

Tapos na po ba kayo? Binibini, hindi pa po. Bigyan


mo pa po kami ng limang
minuto.

O sige, limang minuto para tapusin ang


gawain, at pagkatapos ay inyo itong
ipasa sa akin.

G. Paglalapat ng Kung ikaw ay papalarin na magkaroon


aralin sa pang ng isang Negosyo, anong uri ng
araw-araw na Negosyo at bakit?
buhay
H. Paglalahat ng Mula sa paksang natalakay, anu-ano
Aralin ang iyong gagawin at iisipin upang
masigurong ikaw ay magtatagumpay?

I. Karagdagang May inihanda akong isa pang gawain


Gawain para sa para sa inyo. Sa inyong kuwaderno
takdang aralin at sumulat ng maikling repleksiyon tungkol
remediation sa iyong mga natutuhan at reyalisasyon
sa kahulugan ng Ekonomiks sa iyong
buhay bilang mag-aaral, bilang kasapi
ng pamilya at sa lipunan.

Para sa inyong takdang aralin. 1.Anu-


ano ang mahalagang konsepto ng
Ekonomiks? Suriin ang bawat isa.
2. Magbigay ng kahalagahan ng
Ekonomiks.

V. Mga Tala
VI. PAGNINILAY
A. Bilang ng mga
mag-aaral na
nakakuha ng
80% sa
pagtataya
B. Bilang ng mga
mag-aaral na
nangangailangan
ng iba pang
Gawain para sa
remediation
C. Nakatulong ba
ang remedial?
Bilang ng mag-
aaral na
magpapatuloy sa
remediation
D. Bilang ng mag-
aaral na
magpapatuloy sa
remediation
E. Alin sa mga
istratehiyang
pagtuturo
nakatulong ng
lubos? Paano ito
nakatulong?

Inihanda ni:

LYDAH TRINA M. RODRIGUEZ

Ipinasa kay:

JESON B. BITAGARA, LPT.


Guro

Inaprobahan ni:

MARIA LOURDES OLIVARES

You might also like